Part 35

12.6K 451 90
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 35

***

Dinala ni Joshua si Diane sa isang room. Sumunod din kaagad sa kanila si Ella. Gigil na gigil si Diane sa nangyari. Nandidiri itong pinupunasan ang mukha.

"Nakakainis talaga ang babaeng iyon. Gaganti talaga ako sa kanya kapag nagkita kami!"

"Sino ba kasi siya Josh? Kilala mo ba talaga 'yon?" tanong sa kanya ni Ella.

Mahina siyang tumango.

"Sino bang nag-imbita sa kanya rito?" tanong nito ulit.

"Si Bhon."

"S-si Bhon?" gulat nitong sabi.

"Makakatikim din sa akin ang Bhon na 'yon for bringing that lunatic here," inis na sabi ni Diane.

After mag-ayos ni Diane ay nagyaya na itong umuwi. Ayaw niya na raw bumalik pa sa party dahil napahiya na siya sa nangyari. She's hoping she will be the Female Star of the Night. At si Joshua naman ang mananalo sa lalaki. Pero it's all gone nang dahil lang sa babaeng sumugod sa kanya. How pathetic, that girl.

Nang dumating ang driver ni Diane ay kaagad itong sumakay at nagpaalam sa kanila ni Ella. Sigurado si Joshua na hindi talaga nito palalampasin ang ginawa ni Purita. Knowing Diane, her temper is as short as toothpick. At hindi ito titigil hangga't hindi nakakaganti. Napabuntong-hininga na lang siya. Babalik siya sa loob at sesermonan ang babaeng iyon.

"Joshua!" tawag sa kanya ni Ella.

"Bakit?"

"Paano nakilala ni Bhon ang babaeng iyon?"

"I don't know," sagot niya. Medyo tinatamad kasi siyang mag-explain ngayon.

Hindi niya ini-expek na ito ang niyaya ni Bhon bilang partner nito. Kaya nagulat siya nang makita ito dito. Kung alam niya lang eh di sana hindi na siya pumunta rito. Hindi sana nangyari ang nangyari.

Nagtataka siya kung bakit nahinto sa paglalakad si Ella at parang may tinitingnan ito. Lumapit siya rito. Biglang kumunot ang noo niya sa nakita. Si Bhon at Purita, sumasayaw. At mas lalo silang nagulat sa kasunod na nangyari.

HINALIKAN NI BHON SI PURITA.

###

PURITA'S POV

Kaagad kong inilayo ang sarili ko kay Bhon. Maging siya ay nagulat din sa nangyari. Ang awkward lang. pakiramdam ko nakagawa ako ng kasalanan nang hindi ko nalalaman. Paano na lang kapag nalaman 'to ni Dyuswa? Baka hindi na niya talaga ako pansinin. At sabihing lumalandi ako sa iba. Huhu.

"Sorry," sabi niya.

"Ahh. Wala 'yon. Kalimutan mo na lang ang nangyari. Dala lang 'yon siguro sa alak na nainom ko kanina," sabi ko at pilit na tumawa para mawala lang ang tension sa pagitan namin.

Magsasalita pa sana si Bhon pero pinigilan ko siya.

"Buti pa siguro, uuwi na ako. Baka kasi hinahanap na ako ni Inay at..."

Napatili ako nang biglang may humatak na lang sa akin palayo kay Bhon. Mahigpit ang pagkakahawak ni Dyuswa sa kamay ko.

"Bhe nasasaktan ako," sabi ko.

Dagdagan pa na nararamdaman ko na rin ang sakit ng paa ko dahil sa pagkakatapilok ko kanina.

"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?" inis niyang sabi sabay bitaw sa kamay ko kaya naman nawalan ako ng balance at napaupo sa damuhan.

When Dyuswa Meets PuritaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin