Kabanata 52- Flirt

11.2K 338 57
                                    

Flirt

Nagpakurap-kurap ako ng aking mga mata nang bumungad si Dyuswa sa pinto. He's wearing a white shirt and pants habang may nakasukbit  na maliit na backpack sa kanyang kaliwang balikat.

"Anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Pinapasok ko siya sa loob dahil wala na rin naman doon si Kelly. Si Ginny ay kanina pa umuwi pabalik ng Campuestuhan.

"Sasamahan ka," simple niyang sagot at umupo sa sofa.

"Pero hindi pwede..."

"I already told Pia that I will be going with you and she said okay."

Napabuntong-hininga na lang ako. Ano pa nga bang magagawa ko gayong sa boss na namin siya nagpaalam. Bakit ba kasi parang sunod sunuran si miss Pia sa lalaking ito? Binigyan ko siya ng isang mapanuring tingin. Bigla naman tuloy siyang nagtaas ng mga kamay.

"I promise hindi ako gagawa ng gulo ro'n. I will behave. Hindi kita gugulihin doon para walang may makahalata tungkol sa ating dalawa," sabi niya.

"Pero huwag lang silang magkakamali na lumapit at dumiskarte sa'yo. Baka kung ano'ng magawa ko sa kanila."

"Oo na. Magbibihis lang ako at aalis na tayo," sabi ko sa kanya at kaagad na akong umakyat ng kwarto.

After kung makapagbihis ay bitbit ko na ang bag kong bumalik sa sala. Kaagad na tumayo si Dyuswa at kinuha ang bag ko.

"Let's go?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Pinagtaasan ko siya ng kilay at nauna nang lumabas ng condo. Habang nasa loob kami ng elevator ay nabigla ako nang pinagsalikop niya ang aming mga daliri. Hindi ko napigilan ang tingnan siya. He's just staring at the elevator's door smiling. Type niya siguro ang pinto. Ka-jirits! Ako nga itong ka-holding hands niya pero sa iba naman siya nakatingin!

"Anong paborito mong barko?"

Napaangat ulit ako ng tingin sa kanya. Pinagtatanong nito?

"Ano?"

"Anong paborito mong barko? Like passenger ship ba? Tanker? Container? RoRo ship?"

Seryoso? Bakit gano'n ang tanong niya. Pakialam ko naman sa mga barko-barkong 'yan! Pero dahil parang nasa good mood siya ay pumili na lang ako.

"Syempre passenger ship!"

Tumango-tango lang siya sa sagot ko. "Eh ikaw? Ano bang paborito mong barko?"

"Simple lang."

"Ano nga?"

"Iyon ay ang magka- in a relationSHIP tayo," nakangisi niyang sabi sa akin at mas lalong hinawakan ang aking kamay.

Umusok ang ilong ko sa narinig. Bweset na lalaking 'to. Banat pala iyon ay hindi ako prepared.

"Ang korni mo koya!" natatawa kong sabi sa kanya.

"At least that made you happy," sabi niya at kinindatan ako.

Habang patuloy siya sa pagsasalita at pagbibitaw ng mga banat lines ay marami ang sumasagi sa isip ko. Ganito rin kaya siya rati kay Michelle? Nagiging korni din ba siya para rito? Ginagawa niya ba ang lahat para lang mapasaya si Michelle?

Hanggang sa loob na kami ng kanyang sasakyan ay iyon pa rin ang naiisip ko. Kung hindibl siguro ako umeksena sa buhay nila, are they still together? Malamang, sigurado ako roon. Kung hindi ako nagpakita, they will marry soon. Their love story is far different from ours. Easy going ang sa kanila. Walang problema. Walang may hadlang. Pero ang sa amin, simula't sapol pa lang bumabalandra na ang problema. At ang dami pang humadlang.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon