Kabanata 44- Claim

10.8K 392 134
                                    


Hindi ako mapakali nang nakabalik na kami sa dressing room namin. Sobrang ingay ng mga kasamahan namin dahil super successful ang fashion show ngayon. They are airing their excitement. I cannot feel the same. Kabaligtaran iyon nang nararamdaman ko ngayon.

Nandito siya! Nandito siya sa Maynila. Iisang hangin na lang ngayon ang hinihinga namin! And he even saw me on that fashion ramp. Hindi ma-digest ng utak ko kung papanong nakarating 'yon dito. Of all places dito sa Maynila, bakit dito pa? Ganito na ba talaga ka maligaya ang tadhana para windangin ang fallopian tube ko ng bonggang-bongga?

"Hey Ayissha! Congrats! You are really great!" bati sa akin ni Geraldine.

Tipid ko lang siyang nginitian at pinasalamatan. I'm really occupied at the mmoment. At ang laman at takbo lang ng utak ko ay patungkol sa paano nangyari na nandito si Dyuswa! Ngayon lang ako nakaramdam ng takot dahil sa kanya. Baka magkasalubong kami mamaya paglabas ko. And knowing him, baka inaabangan na niya ako sa labas!

"Sino kaya 'yong kausap ni miss Pia?" tanong ng isa kong kasamahan habang nagliligpit ako ng aking gamit.

"New model siguro. Oh yes! Super duper gwapo niya lang talaga," kinikilig na sabi ni Faith.

"Oy huwag ka. Akala ko ba kay Craig ka lang?"

"Nakakawala na minsan ng challenge si Craig eh. Kapag pinansin mo, papansinin ka rin. Pero itong new guy na ito, jusko mariya! Kahit magti-twerk it like Miley ka ro'n, dedma lang siya!" sagot ni Faith na sinang-ayunan naman ng iba.

"Sobrang suplado, cold, may pagka-misteryoso at snob. Oh saan ka pa? Crush goals iyon ano!" segunda ni Lian.

Ay nako. Bakit kasi naa-attract tayo sa mga negang pag-uugali ng isang lalaki ano? Bakit hindi na lang tayo mainlove sa lalaking mabait, simple, friendly saka loyal. Why do we keep on liking someone na imposible namang magustuhan tayo pabalik? Ewan. Irony of life. Maybe life wants us to learn in the hardest way. Ang mauntog muna tayo para masaktan. At masaktan para ma-realize kung ano ang tama para sa atin.

Bumukas ang pinto ng dressing room at dumungaw roon ang ulo ni miss Pia. Sabay na tumahimik ang mga kasamahan ko at binati siya. Pumirme ang tingin niya sa akin saka ngumiti.

"Ayissha! Tapos ka nang magbihis? May naghahanap sa'yo," nakangisi niyang sabi.

Biglang tumahip ang dibdib ko. Hindi ako assuming o feelingera (okay, I am seven years ago. LOL) pero may hinala na ako kung sino ang naghahanap sa akin.

Parang ayoko pa sanang lumabas pero si Miss Pia na ang nagsabi kaya wala na akong nagawa. Mabibigat ang mga paa ko habang naglalakad ako palabas ng dressing room bitbit ang aking backpack. Naka-simpleng checkered shirt lang at maong shorts ako ngayon saka naka-walking shoes lang.

Halos hilahin naman ako ni miss Pia pagkalabas ko pa lang mismo ng dressing room. She's very happy and I don't know why. Ah, siguro dahil sa success ng fashion show. May mga sponsors and clothing lines na naman sigurong pumasok sa agency.

"Hindi pa kita nako-congratulate ng personal so congratulations iha! You were really amazing kanina! Kayo ni Craig!" masaya niyang sabi habang hinihila pa rin ako.

I forced a smile. And it looked like a constipated smile. Kung si Dyuswa nga iyong naghahanap sa akin, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa isang room at pumasok doon. Nandoon na ang ibang mga models from other agencies at mga representatives yata ng mga clothing lines na present kanina sa fashion show.

"Stay there. May ipapakilala ako sa'yo," nakangiting sabi sa akin ni miss Pia at umalis.

Medyo nakahinga ako nang maluwang dahil hindi ko nakita si Dyuswa rito. Hindi kaya paranoid lang ako kaya iniisip ko na si Dyuswa nga ang naghahanap sa akin? O baka naman namamalik-mata lang ako kanina nga si Dyuswa iyong nakita ko. Baka kamukha niya lang.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now