Kabanata 68

8.3K 249 58
                                    

Stop

Matapos naming maglaro sa habulan ng manok na iyon ay dumiretso agad ako sa bahay para maligo.  Ngayon ko lang naamoy ang mga putik sa katawan ko.

Nakasunod lang pala sa likuran ko si Dyuswa.  Tatawa-tawa pa siya habang ako naman ay nagmamaktol na. 

"That was fun!"

Kaagad ko siyang hinarap at sinamaan ng tingin.

"At sinong nagsabi sa'yo na pwede ka nang magsalita ng English?"

Natigilan siya sa tanong ko.

"Diyan ka magaling eh.  Pangakong napapako, " sabi ko at kaagad siyang tinalikuran. 

Nang makapasok na ako ng banyo ay kaagad kong binasa ang buong kong katawan. Hindi ko na inuna ang buhok ko dahil wala ako sa mood.  Saka wala namang katotohanan 'yong mga trivia na sinabi ko noong nakaraan. 

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay lumabas na ako ng kwarto.  Doon nadatnan ko si Dyuswa sa kusina na nakatalikod sa akin at may kausap sa phone.

Hindi ako tsismosa pero sadyang sinasapian lang talaga ako ngayon ng curiosity sa katawan kaya naman dahan-dahan akong naglakad patungo sa direksiyon niya.  Sinigurado kong hindi niya marinig ang mga yabag ko.

"Yeah.  Babalik din naman ako diyan before the event. I'll make sure of it," patango-tango niyang sabi. 

Bahagyang tumagilid ang ulo niya kaya naman humakbang ako paatras.  Sa sobrang aligaga ko ay hindi ko namalayan na nasagi ko ang isang flower vase malapit sa pinto.

And because it's frangible,  hindi na ito nakaligtas. It was broken into infinitesimal pieces. 

Alam niyo 'yon? Makakabasag ka na nga lang mag-E-English ka pa.  Buti na lang at hindi ko naapakan.  Kung nangyari iyon,  nako.  Wala na akong pinagkaiba sa fictional characters sa mga kwentong nababasa at napapanood ko. 

Na nasagi lang ang mamahaling vase or banga,  nahulog sa sahig tapos masusugatan ang paa.  At ang hero naman to the rescue agad.  Lalapit sa'yo,  bubuhatin ka,  maingat na pauupuin sa malambot na sofa saka gagamutin ka na. Then maghihinang ang mga mata niyo saka ngingiti. 

Pero sa tunay na buhay naman,  bihira lang mangyari ang mga gano'ng ka-ek-ekan.  Sino ba naman kasing tanga ang lalapit sa mga babasaging bagay? Sasabihin nasagi nang hindi sinasadya. Sarap nail-cutter-in ang mga fallopian tube nila eh. 

Napangiwi ako.  Parang sumakit fallopian tube ko. Kaloka.  Bakit kaya?

Sa sobrang layo na ng isip ko ay hindi ko na namalayan na nakalapit na pala sa akin si Dyuswa.  Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. 

"Don't move," mahina niyang utos sa akin. 

Mahina lang iyon subalit lumagpas sa kabilang tenga ko iyon.  Mas lalo siyang lumapit sa akin. 

"A-anong ginagawa mo?" I stammered. 

Bahagya siyang yumuko kaya napapikit na ako. Mariin kong ipinikit ang mga ito.  Kakasabi ko lang na ayokong mangyari ang sa mga fictional heroine eh. Tapos heto,  bubuhatin niya ako?

Nakakainis!

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. 

"Minsan kapag may nabasag tayo, sino o ano ang dapat nating unahing intindihin?" narinig kong tanong niya. 

Nakapikit pa rin ako.  Hindi ko makuha ang tanong niya.  Hinahanda ko lang ang sarili ko sa pagbuhat niya sa akin. 

"Ang nasugatan ba o ang nabasag?"

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon