Part 44

13.1K 391 6
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 44

PURITA'S POV

Dinala ako sa hospital na pagmamay-ari nina bhebhe ko. Maliban sa pananakit ng katawan ko ay wala na rin naman akong ibang naramdaman. Syempre except sa kilig na naramdaman ko habang buhat-buhat ako kanina ni Dyuswa palabas ng bahay. Sinabihan pa nga ako ni grandlolo na dapat ay sa psychiatrist na raw ako dalhin. Dahil daw imbes na masaktan ako at umiyak dahil sa pagkakahulog ko ng hagdan eh todo pa raw ang ngiti ko. Kasalanan bang kiligin ng lubusan? Hihi.

Wala sila mommy at daddy kaya naman si Dyuswa lang at grandlolo ang sumama sa akin sa hospital. Hindi na nila pinaalam kay grandlola ang nangyari dahil baka raw tumaas ang presyon nito. Kakagaling lang namin ng X-Ray room para tignan kung nabalian na ba ako ng buto. Gusto ko sanang sabihin sa doctor kanina na okay lang ako. Natatandaan ko pa no'ng maliit pa ako ay nahulog ako sa bubong ng bahay namin para mamitas ng bunga ng manga. Hindi man lang ako nabalian ng buto. Galo slang sa katawan ang natamo ko eh. Minsan nga naiisip ko tuloy baka supernormal ang mga tunay kong magulang kaya hindi ako nababalian ng buto. Hihi.

"Bhe..."

"Ate!" malakas niyang sabi saka lumapit sa akin. Matalim niya akong tiningnan.

"Nakalimutan mo na ba ang first rule?" pabulong niyang tanong sa akin.

Napakagat naman ako ng labi sa narinig. Bawal nga palang tawagin siyang bhe sa harap ng pamilya niya.

"Sorry."

"Ano ba kasing ginawa mo at nahulog ka sa hagdan?"

Tumingin muna ako sa gawi ni grandlolo na nakaupo lang sa mahabang sofa sa sulok at wala yatang balak na malaman ang sasabihin ko.

"Ano kasi, nawalan lang ako ng panimbang kaya nahulog ako sa hagdan. Alam mo na," nangingiting sabi ko sa kanya.

"Ganyan ang napapala ng mga batang pasaway."

Sabay kaming napalingon ni Dyuswa kay grandlolo na ngayon ay nakatayo na. Lumapit ito sa amin.

"Gabi na. Gusto ko nang magpahinga. Ikaw na lang ang bahala sa kanya Joshua. Baka kasi hanapin na rin ako ng lola mo," sabi nito kay Dyuswa.

"Sige po 'Lo. Ako na po ang bahala."

Ngumisi pa sa akin si grandlolo bago ito lumabas ng room. Bakit kaya ang sungit ni grandlolo sa akin ngayon? Dahil ba do'n sa ginawa kong pagsagot-sagot sa kanya kahapon? Hay. Gusto ko lang namang makita kung paano magbasa ng kwento sa kanya si Dyuswa eh. At natupad nga 'yon kanina. Hindi ko pa rin lubos maisip na ang isang Dyuswa Raymundo ay nagbabakla-baklaan sa harapan ni grandlolo. Ang cute niyang tingnan. Sana gawin niya rin 'yon sa harap ko sa susunod. 'Yong siya ang bakla tapos kunwari ako naman ang gwapong lalaking napupusuan niya. Tapos hahalikan ko siya ng bonggang-bongga. Oh di ba? Masaya kaya 'yon. Hihihi.

"Purita!" untag sa akin ni Dyuswa.

"Oh?"

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"

"'Yong hahalikan mo ako?"

"What?"

"Biro ka lang. Ano ka ba. Ano ba 'yong sinabi mo?"

Napabuga siya ng hangin saka umupo sa upuan na malapit sa akin.

"Kaya nadidisgrasya ka eh. You're not paying attention."

"Sorry na nga. Ano ba 'yon?"

"Wala. Never mind." Nayayamot niyang sagot.

"Ay ako may sasabihin sa'yo."

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon