Part 70

11K 302 34
                                    

Joshua's POV

Hindi ko alam kung bakit naisabi ko iyon kay Purita. Na if we can run away from this mess. Dahil ako mismo hindi ko rin naman alam ang gagawin ko. Aminin man natin at sa hindi, hindi ko pa kayang maging independent. I'm just only fifteen years old. And damn, I am already facing this kind of mess. Naguguluhan ako. Pero naisip ko rin naman na ako din ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito sa akin ngayon. Sa amin ni Purita. Ako ang nagdala sa kanya sa ganitong sitwasyon. Kaya kung maaari pa lang ay ayoko sana siyang mahirapan pa lalo.

"You've crossed your lines Joshua," sambit ni Diane.

Nasa cafeteria kaming dalawa ngayon dahil may sasabihin daw siya sa akin. Hanggang ngayon hindi ko maisip na kayang gawin sa akin ito ni Diane.

Napatingin ako sa mga mata niya na ngayon ay nakatitig rin sa akin.

"You should not fall in love with her in the first place. Or maybe I should say na hindi mo dapat pinapahalata sa kilos mo na mahal mo siya."

"Ano bang gusto mong ipagdiinan Diane?" Pigil pigil ko ang aking sarili na huwag ipakita sa kanya na naiinis na ako.

"That what is happening right now is entirely your mistakes."

Natahimik ako sa sinabi niya. She has a point there. Kasalanan ko naman talaga lahat eh. That's why I am trying to minimize the damage.

"You put Purita in this mess sa sarili mong kapakanan. Dahil di ba gusto mong mabuhay pa ang lola mo during your graduation? I am wondering kung naisip mo ba ang kalalabasan ng ginagawa niyong pagsisinungaling sa pamilya niyo. To think that tito Hector is also involved with this makes me feel more disgusted."

Napakuyom ako ng aking mga kamao.

"Watch your mouth Diane. Huwag mong isasali dito si Daddy. We did it for our family's sake."

"I know right. Your family. Sa pamilya mo lang. Paano na lang ang kay Purita?"

Matalim ko siyang tiningnan. Pero hindi siya nagpatalo sa mga titig ko sa kanya. Nakangiti pa rin siyang nakatingin sa akin.

"Yes you saved her father's life. But you put her own life in danger."

"Stop it."

"You know babe, isang malaking pagkakamali ang ginawa mong pag iwan sa akin."

Nakipagsukatan kami ng tingin.

"I don't regret of leaving you."

Kunwari ay nasaktan pa ito sa sinabi ko.

"Really? Well, you should. Dahil what if sabihin ko kay Purita na alam na ng ama niya ang totoo at lumayas ito sa bahay nila after he found out the truth?"

Natameme ako sa sinabi. How come she knew all of what is happening here? Namalayan ko na lang na tumayo siya at tinapik ang balikat ko.

"Just want to remind you that you only have five days left before coming back to me. I am waiting for you. With arms wide open babe," sabi niya and found her way out of the cafeteria.

Sinundan ko lang siya ng tingin saka nagpakawala ng isang malalim na buntony hininga. God, ano bang pinanggagawa ko?

[<>]

Purita's POV

Patuloy pa rin sa pangungulit sa akin si Eileen na sabihin na lang daw ang totoo sa pamilya ni Dyuswa. Kung makapagsabi naman ito parang nagsusuot lang ng damit ah. Na kapag ayaw mo sa damit na iyon ay mabilis kang makakakita ng pamalit. Haaay.

"Ano ba kasing pinag-aalala mo d'yan?"

"Baka magalit sa amin si grandlola. Saka si tita."

"Gaga ka ba? Syempre magagalit yun. Alangan namang maglupasay pa sila sa tuwa dahil nagpaka honest kayo di ba?" naiiling niyang sabi sa akin.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now