Part 78

9K 297 35
                                    

Napahinto ako sa paglalakad nang maramdamang parang may sumusunod sa akin. Mas lalo kong binilisan ang paglakad dahil madilim na. Baka may mag-rape pa sa akin dito. Jusko. Nakakahiyang isipin na ma-rape ka dito sa eskinita. Saka isa pa, ayokong ma-rape. Alam niyo yon? Aalagaan ko ang puri ko dahil ako si Purita.

Namilog ang aking mga mata nang may marinig akong sumisipol sa likuran ko. Kailangan ko na talagang magmadali. Kinakabahan na ako dahil hindi talaga tumitigil ang naririnig kong pagsipol sa likuran ko. Nakakatakot pakinggan dahil parang pang-horror ang dating no'n sa pandinig ko.

Hinawakan ko nang mahigpit ang bag ko at nagsimula nang tumakbo. Bahala na ito. Hinihingal akong dumating sa labas ng bahay namin. At mas lalo akong hiningal nang makitang nandoon na naman si Dyuswa na nakasandal at nakahalukipkip sa labas ng kanyang sasakyan.

Seryoso siyang nakatitig sa akin kaya biglang kumabog ng husto ang puso ko. Bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin sa kabila nang ginawa niya? Humugot ako ng malalim na hininga para mapakalma ang sarili ko.

"Ano na naman Dyuswa?"

"P-pwede na ba tayong mag-usap?" sabi niya sa nagsusumamong tono.

Parang kinurot ang puso ko. Mas naaninag ko ang mukha niya ngayong medyo malapit na siya sa akin. Parang problemado siya pero hindi ko pa rin maiwasan ang hangaan ang angking kakisigan niya. Bakit may mga ganitong tao? Na kahit may problema na ay ang gwapo-gwapo pa rin?

Ipinilig ko ang aking ulo. Kung papairalin ko ngayon ang puso ko, magiging tanga na naman ako muli nito. Napagtanto ko na ang puso ay walang kakayang mag-isip. Walang katalinuhan. Kaya kung ito lang ang palagi nating susundin, mas dadami ang tanga sa mundo kumpara sa populasyon ng China.

"Umuwi ka na Dyuswa," naisagot ko na lang.

"Purita please. Hanggang kailan mo ba ako itataboy?" namamaos niyang tanong.

Ano ba 'yan! Ang sexy pakinggan ng boses niya. Urgh! Napasinghap ako bago siya tiningnan.

"Bakit kailangan mo pang magpaliwanag? Tapos na ang lahat sa atin Dyuswa. Alam na nila ang totoo. Kaya wala ka ng obligasyon sa akin."

Napailing siya. "You don't know what you're saying."

"Alam ko Dyuswa. Alam na alam ko. Alam ko na nagkabalikan na kayo ni Diane. Alam kong magta-transfer ka ng school. Alam kong lilipad na kayo papuntang States after ng graduation mo. Ano pa ang hindi ko alam?" tanong ko sa kanya na pinipigilang umiyak.

"I can explain everything about that. Kung papahintulutan mo lang ako. Purita makinig ka naman sa akin."

Napatingin ako sa mga mata niya at pakiramdam ko ay malulunod ako doon. Binawi ko ang tingin ko sa kanya. Handa na ba akong pakinggan ang mga paliwanag niya? Hindi. Hindi pa. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa nararamdaman ko sa kanya eh.

"Hintayin mo munang mawala ang nararamdaman ko sa'yo saka ka magpaliwanag."

Para kahit gaano pa kabigat ang paliwanag mo ay hindi na ako masasaktan dahil sa sandaling iyon ay wala na akong nararamdaman sa'yo.

Ito sana ang gusto kong idugtong pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong masaktan pa lalo ngayon kapag nalaman ko na ang totoo.

Hirap ang mga paa kong humakbang palayo sa kanya. Kailangan kong bilisan kasi baka ipagkanulo ako ng puso ko. Alam kong mahirap pero gagawin ko kung ano sa tingin ko ang tama. Kahit hindi niya maintindihan iyon.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon