Kabanata 15

8.5K 353 77
                                    

HINDI ko alam kung kanino ko ibibigay ang atensiyon ko. I mean, kung sino ang mas importanteng taong haharapin ko ngayon.

Nakakaloka naman kasi kung makapagbiro ang tadhana ngayon. Pati siguto utak nito naapektuhan na ng global warming eh. Buti na lang sa akin eh hindi pa.

Para na akong mahilo-hilo sa bawat paglipat ko ng tingin kay Dyuswa, Luke, Michelle, Florentino at Diane.

Eenee meenie mayni moo! Catch the tiger in the zoo. Sino ang pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?

Chos lang!

Bahala na nga. Ipinikit ko ang aking mga mata at ilang sandali pa ay may hinatak ng isa sa kanila.

Nang madala ko siya sa malayong lugar ay saka ko binitawan ang kanyang kamay. Hinihingal siyang humarap sa akin.

"Para saan 'yon Purita??" bahagyang naiinis na tanong sa akin ni Diane.

Pinagtaasan ko siya ng kaliwang kilay. Hindi na kanan. I learned my lesson na kaya. At ayokong magmukhang timang kapag kaharap ko ang babaeng ito.

"Bakit ka pumunta ng bahay? Ano na namang plano mo ha? Sisirain mo na naman ang buhay ko?" dere-deretsong tanong ko sa kanya.

Ngayon lang ako nagkalakas-loob na maging matapang sa harap niya. Dati kasi ay hindi pa ako maka-move on sa nangyari kaya hinayaan ko na lang siya.

Yes, she said sorry. Pero wha the hell? She just did it dahil bored lang siya? Mas lalo akong nanggagalaiti sa galit dahil doon. Parang gusto kong tadtarin siya ng pinong-pino at ipakain kay Bhebhe Qoh.

No. Kahit pala aso ay hindi siya kayang kainin. Nakakaloka!

"No. I came here dahil gusto kong makita ang bestfriend ni Florentino. I wasn't expecting that it's you dahil hindi niya naman nabanggit sa akin ang pangalan mo."

"Really?"

Hindi ako naniniwala.

"Oo Purita. At wala akong balak na guluhin ang buhay mo. I honestly regretted the things I've done in the past. Humingi na ako ng patawad sa'yo noon. Hindi mo pa rin ba ako napapatawad hanggang ngayon?"

"Hindi gano'n kadali 'yon."

"Bakit? Kung iisipin mo Purita, malalaman at malalaman din ng lahat ang panlolokong ginawa niyo. At isa pa, hindi ko naman inakala na magsi-self sacrifice ka para kay Joshua," mahina niyang pagkakasabi.

Kung hindi ko lang siya kilala dati pa, iisipin kong napakabait niyang tao. Pero dilang-mother! Hindi eh! She's evil.

"So parang ang gusto mong mangyari ay magpasalamat pa ako sa'yo dahil sa ginawa mo? Gano'n ba?"

"No. I just want you to forgive me. I really am sorry."

Hindi ko na siya sinagot at tinalikuran na siya.

"Or baka naman kaya galit na galit ka pa rin sa akin dahil ako ang sinisisi mo sa hiwalayan niyo ni Joshua?"

Napahinto ako sa paglalakad at muli siyang hinarap. Naji-jirits na talaga ako sa totoo lang.

"Wala kang alam!"

"Aminin mo na kasi na hanggang ngayon ay mahal mo pa si Joshua. Dahil hindi ka magkakaganyan kung talagang nakalimutan mo na siya!" pasigaw rin niyang sabi sa akin.

Isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi niya ang ginawa ko. Para naman akong bahagyang na-guilty nang makitang umiyak siya sa ginawa ko.

Nagi-guilty ako dahil hindi siya lumalaban. Mas okay pa nga na gantihan niya ako eh. Para hindi ako makaramdam ng ganito.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon