Part 8

24.5K 704 137
                                    

"Ano yan?" tanong ni Eileen kay Ginny na nakatingin sa bulletin board.

"Basahin mo."

Binasa nga niya ito.

"One on one tutorial ng senior sa isang junior?"

"Yeah."

"At ang senior ang pipili ng kanyang junior na tuturuan. Exciting 'to. Magpapaturo ako kay Joshua!" Kinikilig nyang sabi.

"Wala ka pa ba talagang planong tigilan si Joshua?"

"Hangga't hndi ko nakikita ang Purita na yun, hindi ako titigil."

Napapailing na lang ito sa sinabi niya.

###

"Pare?" untag ni Joshua kay Mario.

"Oh pare. Bakit?"

"Ang lalim kasi ng iniisip mo eh. May problema ka ba?"

"Inaantok lang ako pare. Di kasi ako makatulog ng maayos eh."

"Ganun ba? May natanggap akomg mensahe galing sa Purita na yun "

"Ha? Anong sabi?"

"Magpapakita na daw siya sa Huwebes."

"Talaga???"

"Yeah. Pero hindi ako naniniwala. Ilang beses na ba niya akong pinagtripan?" naiiling nyang sabi.

"Subukan mo lang. Malay mo magpakita na yun sayo. N-nahihiya lang siguro sya o ano."

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya kapag nagkita kami. Baka makalimutan kong babae siya."

"Babae nga ba..." wala sa loob nitong sabi.

"What?"

"Ha?.. Ah eh wala."

Nagtatakang napatango na lang siya. He noticed Mario's acting strange lately. Baka nga kulang lang ito sa tulog.

***

Sa isang coffee shop. Dito nakipagkita si Mario kay Florentino. Kumaway siya nang makita ito.

"Sorry I'm late," sabi nito at umupo na.

"Okay lang."

"Umorder ka na ba?"

"Kuripot mo kasi eh," inis nyang sabi. Natawa ito sa kanyang sinabi.

"Bakit naman?"

"Gusto mong dito makipagkita dahil alam mong di ako umiinom ng kape."

"Oh sorry to hear that."

"Now what?? Ayoko na. Kinokonsensiya na ako."

"Bakit naman?"

"Anong bakit? Matalik kong kaibigan ang niloloko ko dito. Ikaw papayag ka bang lokohin mo ang sarili mong bestfriend dahil lang sa pagmmahal?"

Saglit itong natigilan kapagka ay mahinang tumawa.

"Anyways, inumpisahan mo na eh. Tapusin mo na lang."

"Pero papano? Sasabihin ko na sa kanya ganun?"

"Huwag muna,"awat nito.

"Itigil na natin 'to pinsan!" sabi niya dito.

"Okay, fine. Last na talaga 'to," sabi nito.

"Ano na naman bang ipapagawa mo sa akin?"

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now