Kabanata 53

11K 309 109
                                    

The Second Layer

Nakapikit pa rin ang aking mga mata nang matapos akong halikan ni Dyuswa. I heard him laugh kaya tiningnan ko na siya. Nagugulo na ang kanyang buhok dahil sa hangin but that doesn't stop him from looking hot and handsome. Sa katunayan, dumagdag pa nga. Dilang-mother!

"Ano? Naniniwala ka na sa akin?" nakangiting tanong niya saka hinawakan ang aking mga kamay.

Medyo na-disturb ako ng konti dahil marahan niyang pinisil ang mga ito. Tumikhim muna ako bago siya sinagot.

"Eh bakit nga hinahayaan mo lang siyang lumapit sa'yo at tsansingan ka?"

"I can't push her right away. I don't want to be rude. Saka isa pa, akala ko ba gusto mong walang may makahalatang may relasyon tayong dalawa? Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko nang tumabi sayo kanina dahil katabi mo naman ang Craig na 'yon?"

Hindi ko napigilan ang matawa. Sumimangot naman siya bigla sa akin.

"Bakit ka pa nagseselos kay Craig gayong sinabi mo na rin pala sa kanya ang tungkol sa atin?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

Napanguso siya. "I just want to tell him that you're in my territory now."

Iyong feeling na nagta-trumpets ang fallopian tube ko ngayon. Shing na shing talaga! Palihim kong kinagat ang aking dila para pigilan ang ngumiti sa kanyang sinabi.

"Pwedeng kiligin baby," nangingiti niyang tudyo sa akin.

Marahan ko siyang hinampas sa dibdib saka tinalikuran. Doon ako nagpakawala ng isang nakakalokang ngisi. Oo na. Kinikilig na ako. Hindi ko naman itinatanggi iyon. Pere ene be. Neheheye ekeng ememen. Shet. Ngumingiwi na fallopian tube ko.

Muli niya akong niyakap sa likod at idinikit ang kanyang mukha sa leeg ko. The warmth of his breath brings shiver in my spine. Kaloka!

"Ayoko na yatang ilihim ang tungkol sa relasyon natin," sabi niya.

Naalala ko naman bigla ang sinabi sa akin ni Craig. Hindi ko napigilan ang ngumiti. Mali siya sa iniisip niya kay Dyuswa. Pumayag lang siya na ilihim ito dahil iyon ang gusto ko. Hindi dahil sa may iba pa siyang plano.

"Eh anong gagawin natin?" tanong ko sa medyo pormal na tono.

"Let's act normal. Like what a normal couple do," sabi niya at idinikit na niya ang kanyang kaliwang pisngi sa kanang pisngi ko.

His hands are embracing my abs. Charot. Wala pala akong abs. Oh sige, tummy na lang para sosyal.

"Mmm, ano bang ginagawa ng mga normal na couple?" pa-inosente kong tanong.

"Hindi mo alam?"

Umiling ako at ipinako ang tingin sa mga bituin sa langit. I heard him took a deep breath bago niya ako hinarap sa kanya. Kumikinang ang kanyang mga matang natatamaan ng mga mumunting ilaw. His intense physique looks so intimidating to me.

Intimidating naman talaga kahit noon pa si Dyuswa. Sadyang makapal lang talaga ang mukha ko noon kaya habol ako nang habol sa kanya.

Sinong mag-aakala na ang supladong intimidating na ang tiyan ay flat na walang abs noon ay boyfriend ko na ulit ngayon. I smiled at the thought of it.

Kinuha niya ang kamay ko at itinapon sa dagat. Shing lang!

Seriously speaking, kinuha niya ang kanang kamay ko at ipinagsalikop iyon sa kanyang kaliwang kamay.

"Holding hands like this," nakangiti niyang sabi at hinalikan ang kamay ko.

Ilang sandali pa ay binitawan niya na ako at ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking balikat.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon