Kabanata 66

9.8K 294 63
                                    

Mansanas

Apple

PURITA'S POV

KINAUMAGAHAN ay nagising ako.  Buti na lang talaga at nagising pa ako ngayon. Paano na lang kung wala? Baka hindi kayanin ng mga taong nagmamahal sa akin kapag nawala na ako. 

Kaya ang ginawa ko ay bumangon na ako at dumiretso na ng banyo para isagawa ang morning ritual ko.

Iyon ay walang iba kundi ang humarap sa salamin at sabihing,  "Ang ganda-ganda ko talaga!"

Yes naman,  no.

Pagkatapos kong papaniwalain ang repleksiyon ko na maganda talaga ako ay pinaandar ko na ang shower.

Napatili pa ako sa sobrang lamig ng tubig.  So ang ginawa ko,  in-adjust ko ang heater.  Kaya 'ayon,  uminit siya ng konti. 

Una kong binasa ang ulo ko.  Paraan ko iyon para hindi ako masyadong ginawin kapag binasa ko na ang buong katawan ko.  You know,  kapag inuna mo kasi iyong ulo mong basain,  lalabas ang heat na nasa katawan natin.

Thus,  leaving your body temperature dropped to negative 18 degrees Celsius.  So if mabasa na iyan,  hindi ka na makakaramdam ng lamig sa katawan kasi naka-adjust na ang body temperature mo. 

Kaya heto ako ngayon,  basang-basa na. Hindi ako nakaramdam ng lamig sa katawan.  Ibig sabihin effective ang ginawa ko. 

Ang next kong gagawin ay ang pagsasabon.  Kapag nagsasabon ka dapat ang parte ng katawan mo na uunahin mo sa lahat ay ang iyong mga kamay. 

Syempre, ano ba ang humahawak sa sabon? Eh di ba mga kamay.  Kaya iyon ang uunahin mong sasabunin.  Ang iba kasi tini-take for granted na nila ang kamay kapag nagsasabon eh.

Porke't ito na ang humahawak sa sabon ibig sabihin ay nasasabunan na talaga ito ng tama.  Hindi porke't alam natin na mahal tayo ng isang tao ay aabusuhin na lang natin ito.  Huwag gano'n mga bes. 

At kapag nasabunan na ang lahat ng parte ng katawan mo...huwag mo munang babanlawan agad.

That is the true essence of soaping our body especially iyong mga whitening soap.  Kasi ang skin natin may pores iyan at diyan lumalabas ang pawis natin.  So kapag pinatagal natin ang sabon sa ating skin,  papasok iyan thru our pores to eradicate melanin in our body. And with that,  puputi talaga tayo agad mga bes.

Kaya panatilihin ang sabon sa katawan natin like mga one hour or more for best results. 

Pero dahil maganda ako and I have a fair complexion na,  no need na sa akin iyan.  Nagbanlaw na ako at magsha-shampoo na ng buhok ko. 

Hinawakan ko 'yong bottle ng shampoo saka shinake-shake.  Don't forget, shake it well before using. 

Ang shampoo kasi meron siyang chemical compounds na importante para maging mas maganda ang buhok natin.  At nasa bottom part siya ng bottle ng kahit anong shampoo.  So kapag hindi mo siya shinake-shake,  hindi siya hahalo sa itaas na part ng bottle. Kaya nga ang iba nagrereklamo na parang wala raw effect ang shampoo sa kanila.

Eh bobo sila.  Hindi nila alam iyon eh.  Sa kanila makalagay lang ng shampoo sa buhok nila ayos na without knowing how it works well. 

Makapang-bash lang sila okay na kahit hindi naman nila alam ang totoong kwento. Tzeh!

Badtrip kong tinapos ang paliligo ko.  Nakakainis kasi iyong mga taong makapagsalita lang akala mo naman kung sinong magaling at mataas ang pinag-aralan.  Kung makapanglait wagas!

Hindi ba nila alam na nakakasakit na rin sila sa damdamin ng ibang tao? Buti na lang talaga at tatlo ang bituin sa watawat ng Pilipinas.

Pero ang labis kung ipinagtataka ay bakit araw ang nasa gitna ng tatlong bituin? Hindi ba dapat buwan iyon? Aba!  Sa twenty three years of my existence bilang isang magandang dalaga ay hindi pa ako nakakita na kapag may araw ay mayroong mga bituin. 

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon