Part 23

15.6K 566 23
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 23

"Hi," bati ni Bhon kay Purita nang makalapit na ito.

"Hello. Anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong niya.

"Visiting you of course. Na-miss kita eh."

Ito ang pinagkaiba nilang magpinsan. Masyadong outspoken si Bhon samantalang si Dyuswa niya ay 'inspoken'. Lihim siyang natawa. May term ba na gano'n? Whatever. Kung ang mga bakla nga may gay language. Eh di siya gagawa din- the Purita language. First word- INSPOKEN. Ibig sabihin, kinikimkim ang tunay na nararamdaman.

"Do you mind if you tour me in your school?" nakangiting tanong nito sa kanya. Napatingin siya sa paligid. Lahat ng mga babae sa kanila nakatingin. Naku naman. iba talaga ang mga lahi nila Dyuswa at Bhon. Head turner.

"Wala naman akong mind eh. Kaya sige ba," masaya niyang sagot saka sinukbit na ang bag.

"Hoy! Hindi pa tayo tapos sa discussion natin!" sigaw ni Mario sa kanya.

"Mister Quizon, you can silently get out here and don't ever come back," inis na sabi ng librarian.

Patay na. Blacklisted na for a while si Mario sa library. Napakamot na lang sa ulo si Mario at kinuha ang mga gamit saka lumabas na din ng library. Sumunod na lang ito kina Purita at Bhon.

"Oh ba't sumunod ka?" maang niyang tanong.

"At may gana ka pang itanong sakin 'yan? Blacklisted na ako sa lib dahil sayo!" inis nitong sagot.

Napangiwi si Purita sa narinig kapagka ay napakamot ng ulo. "Don't worry. Ako ang bahalang humiram ng mga libro sa lib. Sa garden na lang tayo magre-review."

"Ewan ko sayo," nakanguso nitong sabi.

"Oh siya nga pala. Bhon, si Mario. Ang napaka-gwapo kong tutor," pagpapakilala niya kay Bhon subalit nakatingn kay Mario na parang nang-aasar dahil pinagdiinan niya talaga ang salitang 'napaka-gwapo'.

Tumikhim muna si Mario bago nakipag-kamay kay Bhon. "Gwapo lang pare. Hindi 'napaka'."

"Nice meeting you bro," magiliw na sabi naman ni Bhon.

Napahinto sila sa paglalakad nang makasalubong nila sina Joshua at Eileen na halatang may pinagdedebatehan habang naglalakad. Napahinto din ang mga ito nang makita sila.

"Bhon?" gulat na tanong ni Joshua.

"Pinsan," sabi naman ni Bhon.

"Magpinsan kayo?" maang na tanong ni Mario sa dalawa.

"Hindi pa ba obvious Mario? Pareho kaya silang gwapo," sabad ni Purita.

Muntik nang matawa si Purita nang makita ang reaksiyon ni Eileen. Para itong nakakita ng dalawang UP student na nag-o-oblation run. Parang gusto niya itong inisin kaya naman lumapit siya sa magpinsan at hinawakan ang magkabilang-kamay ng mga ito.

"Bhe, gusto daw ni Bhon na mag-ikot dito sa school. Tara samahan mo akong i-tour siya," sabi ko at tiningnan si Eileen na bakas na sa mukha ang inis at inggit. Pinagtaasan niya lang ito ng kilay.

"May discussion pa kami," sabi ni Joshua.

"Uh-oh. Hindi pwede 'yan. Minsan lang kaya pumupunta dito ang pinsan mo tapos hindi mo pa sasamahan. Huwag ka namang ganyan bhe. Bad 'yan," nanlalambing na sabi niya kay Joshua.

"Fine. I'll see you tomorrow Eileen," sabi ni Joshua kay Eileen.

"What? Pero di ba importante ang ididiscuss natin ngayon???" di makapaniwalang tanong nit okay Joshua.

"It can wait tomorrow."

Inis na tiningnan ni Eileen si Purita. Binelatan lang siya nito. Ilang sandali pa ay umalis na ang tatlo at naiwan silang dalawa ni Mario.

"Huwag mo nga akong hawakan. Hindi kita girlfriend," narinig pa nilang saway ni Joshua kay Purita.

"Urgh!!!! Nakakainis talaga ang babaeng iyon!" nanggagalaiti niyang sigaw.

"I told you. Expectation hurts big time," napakibit-balikat na sabi ni Mario sa kanya. Nilingon niya ito saka inirapan.

"Hinihingi ko ba opinion mong pilandok ka?"

"Ang swerte talaga ni Purita. Bukod talaga siyang pinagpala sa babaeng lahat."

Inis na hinampas ni Eileen si Mario ng libro saka padabog siyang umalis.

"Pero ikaw pa rin ang gusto ko Eileen!" pahabol na sabi nito.

"Tse!"

###

"So eto naman ang gym namin. Dito naglalaro si bhebhe ko. Alam mo ba Bhon, napakagaling niyang maglaro ng basketball. Siya pa nga ang naging MVP no'ng nakaraang friendly game eh," pagbibida ni Purita.

"Stop it Purita. Mas magaling sa akin si Bhon," sagot ni Joshua habang iniikot nila ang gym.

"Pero hindi ako varsity player ng school namin," dugtong ni Bhon.

Napahinto si Purita sa narinig. "Ay, bakit naman?"

"I don't know. Kinakabahan kasi ako kapag may competition. Ayoko namang matalo ang team because of me," natatawang sagot nito.

"Aw sayang naman," nakangusong sabi niya.

"Actually, hindi naman sayang talaga. Iniisip ko na lang na makakatulong pa 'yon sa mas nangangailangan ng scholarship."

"Oo nga ano. Ewan ko ba kay Dyuswa. Bakit hindi na nag-give way sa mas nangangailangan. Kuripot kasi."

"Passion ko ang pagba-basketball. And hindi ko naman tinanggap ang scholarship. Binigay ko 'yon sa isang substitute member namin," sagot nito.

Napamanghang hinawakan ni Purita si Joshua sa narinig. "That's my boyfriend! Ang bait-bait talaga."

Pilit namang tinatanggal ni Joshua ang pagkakahawak niya dito. Tahimik lang na nakangiti si Bhon habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Malapit nang gumabi. What if mag-dinner na lang tayong tatlo?" yaya ni Bhon sa kanila.

"Dinner? Libre mo???" namimilog ang mga matang tanong ni Purita.

"Oo. My treat."

"Woah! Ang galante mo talaga Bhon kahit kailan. 'yan ang gusto ko sayo eh. Di tulad ng iba d'yan, kailangan pang pilitin para lang manlibre," nakasimangot niyang sabi habang nakatingin kay Joshua.

"So, let's go?"

"Kayo na lang. may practice pa kami maya maya eh," pagdadahilan ni Joshua.

"Ay? Sama ka na bhe. Please?" ingos ni Purita.

"Maybe next time pinsan," sabi ni Joshua kay Bhon.

"Walang problema pinsan. Marami pa namang time na magkakasama tayong tatlo," nakangiting sabi niya na nakatingin kay Purita. Mahinang tumango lang si Joshua.

"Ayissha Kyleigh, let's go?" yaya nit okay Purita.

Saglit pang nag-isip si Purita saka ngumisi. "Basta bhe next time sumama ka na ha? Sayang 'yong masarap na dinner eh. Hihihi. Tara Bhon."

Nagsimula nang maglakad ang dalawa palayo kay Joshua.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Bhon.

"Mmm, gusto kong kumain ng pizza saka pasta. Saka ano, pagkatapos pumunta tayo ng Organic Restaurant. Gusto ko na talagang kumain ng gulay at prutas eh."

Napatawa si Bhon sa narinig. "Ang takaw mo talaga."

"Naku, minsanan lang 'to no."

###

Napakunot-noo si Joshua nang makitang inakbayan ni Bhon si Purita. Narinig pa niyang kakain sila sa isang Organic Restaurant. Ito 'yong sinabi sa kanya ni Purita na gusto nitong kainan last time. Basta libre talaga sa babaeng iyon, agad na papaya na sumama kahit sino pa ang magyaya. Actually wala naman talaga silang practice ngayon eh. Ayaw niya lang kasing sumamang kumain sa kanilang dalawa. Pero parang nagbago ang isip niya. Parang gusto niya ring kumain ng pizza saka pasta. Not to mention ang gulay at prutas. Inis siyang napakamot ng ulo.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now