Part 68

9.6K 317 32
                                    

Purita's POV

Napabalikwas ako ng higa nang makarinig ako ng katok sa pinto. Siguradong si Dyuswa yan. Ayoko pa rin siyang kausapin dahil nagtatampo pa rin ako sa kanya. Ilang sandali pa ay tumigil na rin ang katok.

"Tsss."

Biglang tumunog ang phone ko. Dali-dali ko namang tiningnan kung sino ang nagtext. Si Bhon.

"Pinsan, may ginagawa ka ba ngayon? Masyal naman tayo."

Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa nabasa ko. Buti pa si Bhon, tinutupad ang sinasabi. Kaagad akong nagreply sa kanya. Kesa naman magmukmok ako rito sa bahay at mag isip ng kung ano-anong bagay. Baka mabuang lang ako. Hanggang ngayon kasi ay wala pa akong naisip na idadahilan para payagan ako nila grandlola na umalis na ng bahay. Haaay. Muling tumunog ang phone ko.

Okay. I'll fetch you. 5pm.

Dali dali akong naligo at nagbihis. Mag aalas singko na rin kasi. Pagkatapos kong mag ayos ng aking sarili ay lumabas na ako ng kwarto. Nagulat pa ako nang makitang nakasandal sa dingding si Dyuswa. Nakakunot noo niya akong tiningnan.

"Saan ka pupunta?"

"Mamamasyal. Bakit?"

"Sinong kasama mo? Gabi na ah."

"Si Bhon," sagot ko saka ngumiti sa kanya.

"Saan kayo pupunta?"

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang eh mamamasyal kaming dalawa."

"Purita..."

"Okay lang Dyuswa. Hindi naman kita pinipilit na mamasyal eh. Gawin mo na lang ang project mo ngayon. Di ba ipapasa mo pa yun sa Lunes?"

Napabuntong hininga na lang siya.

"Look Purita..."

"Niyaya ako ni Bhon na mamasyal kaya pumayag ako. Saka siya naman ang kasama ko eh. Huwag kang mag alala. Sigurado akong mag eenjoy naman akong kasama si Bhon."

"Purita makinig ka naman."

Tiningnan ko siya at hinihintay ang sasabihin niya.

"It's just that hindi lang talaga ako pwede ngayon. Pero pinapangako kong maghahanap ako ng right time and place para makapamasyal tayong dalawa lang."

"Kelan? Kung huli na ang lahat?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Ohmaygad! Muntik na akong madulas. Napatingin ako sa ibang direksiyon. Ayokong maghinala siya. Kasi kapag ganon, baka komprontahin niya si Diane. At kapag nangyari yun, sasabihin naman ni Diane ang totoo. Hay. Kaya ko namang umalis sa bahay na ito eh. Pero ang hindi ko kaya ay ang hindi ko na makita kailan man si Dyuswa. Kahit pa nga nagtatampo ako sa kanya ngayon.

"Wala. Bababa na ako. Naghihintay na siguro sa akin si Bhon," sabi ko at nauna nang bumaba ng hagdan.

[<>]

Erlinda's POV

Kanina ko pa gustong tawagan si Purita pero hindi ko naman magawa. Paano ko ba sasabihin sa kanya na naglayas si Oscar matapos niyang malaman ang totoo. Galit na galit siya sa akin dahil daw bakit ko hinayaang gawin iyon ni Purita. At mas galit na galit siya sa kanyang sarili dahil wala siyang nagawa. Kaya lumayas siya kanina at hindi man lang nagpasabi kung saan siya pupunta. Babalik na lang daw siya sa bahay kapag napatawad na niya ang kanyang sarili.

Ayokong gambalain ang anak ko. Alam kong ginagampanan pa rin niya ang papel niya bilang apo ng mga Raymundo. Kapag sinabi ko sa kanya ang totoo, malamang mag aalsa balutan yun pauwi rito sa bahay. Kaya mas mainam na lang siguro na huwag ko munang ipapaalam sa kanya ang nangyari.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now