Part 12

19.5K 650 103
                                    

"Pwde bang huwag mo naman akong sakalin??" inis na sabi ni Joshua habang nakasakay si Purita sa likod niya.

Wala na siyang choice kundi ang buhatin ito dahil wala ng ibang tao ang naroroon. Baka ma rape pa ito. Kargo de konsensya pa niya kung sakali.

"Bhe..naubusan na ba ng magnitude ang mundo? Bakit pakiramdam ko lumulutang ako?" tanong nito na sinisinok pa.

Napabuntong hininga siya. Magnitude? Ang layo naman nun sa gravity. Bobo nga talaga ang babaeng 'to.

"Ayusin mo nga ang paghawak sa leeg ko. Pag nainis ako ihahagis kita aa gitna ng kalsada."

Napabuga ito ng hangin saka mahinang tumawa. "Makakaya mo bang ihagis ang kagandahan ko?"

Napailing na lang siya. "Saan ba ang sa inyo?"

"Hindi ko alam."

"What? Pwde bang sabihin mo na. Dahil mahuhuli na ako sa birthday ng tita ko. Patay ako dun sa kanya mamaya."

Hindi na ito sumagot sa kanya. Nilingon niya ito at nakitang nakatulog na. Wala na. Patay na talaga siya nito. Ano nang ggawin niya sa babaeng ito? Ibabalik na ba niya ito sa mental hospital?

###

"Bhe??"

"Huwag ka na ngang magsalita. Naaamoy ko yung alcohol eh," reklamo niya.

"Sorry."

"Saan na nga ang sa inyo? Saan ang sakayan papunta sa inyo?"

"Doon lang," turo nito sa bantayan ng jeep. Medyo madilim sa waiting shed na iyon.

"Sigurado ka?"

"Oo nga. Ibaba mo na lang ako do'n."

Ibinaba niya ito sa waiting shed at pinaupo ito. Pinasandal niya ito para hindi ito matumba.

"Aalis na ako," sabi niya. Nakapikit lang itong tumango sa kanya.

"Bye bhe! Palangga ta ka."

Napakunot noo siya. "What?"

"Sabi ko, palangga ta ka."

"Ano yun?"

"Mag-iingat ka ibig sabihin nun."

"Ah, okay. Sige. Palangga ta ka rin."

Nakita niya ang pagbungisngis nito. Napailing siya. Umaandar na naman kasi ang katok nito sa ulo. Ngumingiti ng walang dahilan.

"Palangga ta ka Dyuswa!" ulit nito.

Napabuntong hininga. "Palangga ta ka rin Purita."

Napahagikhik ito ulit. "Bye bye bhe!"

"Bye."

Paalis na sana siya nang may dumating na tatlong kalalakihan sa shed at patingin tingin kay Purita. Damn! Bakit ba kasi naglalasing ang babaeng ito?

###

Nagulat ang yaya nila Joshua nang pagbuksan siya nito ng gate.

"Ay dios mio iho! Sino yang pinatay mo!?"

"Ya, stoo barking okay. Papasukin niyp na kami," sabi niya habang nakasampa sa likod niya si Purita.

Pagpasok nila ay nagulat din ang mga magulang niya at ang kanyang tita Hannah.

"Joshua, anonh kalokohan to?" tamong ng daddy niya.

"She is my friend dad. Nalasing siya, nakatulog. Di ko alam ang bahay nila so I bring her here."

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now