Special Chapter

12.2K 374 149
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA
SPECIAL CHAPTER

"Mahal mo ba ang anak ko?"

Natigilan ako sa tanong ni tita Veronica ng mga sandaling iyon.

"Tita..."

"You don't have to lie again Purita," kalmado niyang sabi subalit mararamdaman mo talaga ang inis niya.

Napayuko ako sa kanya at mahinang tumango.

"Gusto mong patawarin kita sa panloloko mo sa amin?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Opo tita."

"Then let my son go. Huwag ka nang makipagkita sa kanya kahit kailan. I don't want you for my son Purita. I want someone for him. Ang mas babagay sa kanya."

Parang sinaksak ang puso ko sa narinig. Tanggap ko naman na dati pa na hindi kami magkakapantay ni Dyuswa pagdating sa aspeto sa buhay. Pero mas masakit pa rin pala na harap-harapan itong ipamukha sa iyo. Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak ng mga sandaling iyon.

Naramdaman ko ang paghawak sa kamay ko ni tita Veronica.

"I know I look so bad in your eyes. Pero bilang ina ni Joshua, I will do everything for him..kahit na magmukha pa akong kontrabida sa mata mo at sa ibang tao. Gusto kong maging masaya si Joshua sa bagay na makakabuti para sa kanya."

"P-papayag po ako sa isang kondisyon tita..."

Mukhang nagalit siya sa sinabi ko kaya binawi niya ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"At ikaw pa ang may ganang humingi ng isang kondisyon matapos ang ginawa mong panloloko sa amin?"

Pinatatag ko ang sarili ko. "Kung gusto niyo pong maging masaya si Dyuswa, hayaan niyo po siyang makilala ang totoo niyang ama. Sobrang nasaktan po siya nang malaman niya ang totoo. At mas masasaktan po siya ng sobra kapag hindi niya maabutang nasa mabuting kalagayam ang ama niya."

"What do you mean?"

"Kilala ko po ang totoong ama ni Dyuswa tita. Sasabihin ko sa inyo kung nasaan sila nakatira sa States basta pumayag kayo sa kondisyong hinihingi ko. Payagan niyo si Dyuswang makita ang ama niya. Para sa gano'n ay maging totoong masaya siya."

Matagal pa akong tiningnan ni tita bago siya marahang tumango.

"I will kung tutuparin mo ang sinabi ko."
****

Kanina pa nakaalis si Dyuswa sa Blue Coffee pero nanatiling nakaupo pa rin ako. Parang wala ng lakas ang mga paa kong tumayo. O baka naman sobramg bigat lang ngayon ng puso ko kaya naman hindi na ako makagalaw ng maayos.

Ginawa ko naman ang tama di ba? Tama ang ginawa ko. Dahil kung hindi ko iyon gagawin ay baka hindi na ako patahimikin ng konsensiya ko. Mas okay na ang puso ko ang mahirapan kesa hindi ako patulugin ng konsensiya ko dahil lang sa hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. Hindi ko na sinabi sa kanya kung nasaan ang totoo niyang ama dahil alam kong ipapaalam din iyon sa kanya ni tita Veronica.

Sana nga lang ay maging masaya siya. Sana matagpuan na niya ang nawawalang parte ng pagkatao niya. Naramdaman ko na naman ang paglandas ng luha sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung papano ako nakauwi sa bahay ng ligtas. Pakiramdam ko kasi kanina ay parang wala ako sa sarili. Buti na lang at walang may nangyaring masama sa akin.

"Anak, saan ka galing?" tanong sa akin ni inay.

Niyakap ko siya nang mahigpit at napaiyak na naman ako. Hindi na talaga ako nagsawa sa kakaiyak.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now