Kabanata 40- Ship and Flower

10.5K 430 109
                                    

A/N: I deleted the previous post dahil nagloloko si watty ko. Kaya kung may comments and votes kayo do'n, pakiulit na lang. LOL.

Pagkagising ko kinaumagahan ay wala pa rin si Kelly. Saan kaya pumunta kagabi 'yon? Sabay na lang silang nawala ni Matthew eh.  Napatakip ako ng aking bibig. Muntik na akong makatulog ulit dahil sa morning breath ko. Chos.

Mabango kaya ang hininga kahit kakagising ko lang. It's just that, medyo kakaaiba lang talaga ang amoy so I need to mumog na the soonest as possible.

Dumiretso ako sa banyo saka nagmumot naghilamos ng mukha. Buti na lang at hindi ako nagka-eyebags. Sinuklay ko muna ang aking buhok saka lumabas na ng room.

Gulat ako nang makitang nasa sala ang Craig at nakaupo sa sofa habang nagbubuklat ng magazine.

"Papano ka napasok dito?" tanong ko sa kanya.

"Dumaan ako sa pinto," pambabara niya.

Wow ha. Ang aga-aga ito agad ang sumalubong sa akin.

"Alam kong sa pinto ka dumaan!"

"So what's with the question all about?" tanong niya sa akin at inilapag ang magazine sa table.

"Hindi mo ba alam na trespassing itong ginagawa mo? Pumapasok ka na walang permiso ng may-ari!"

"You know what. I won't talk to you anymore. Just do your stuff and I'll wait for Kelly here," sabi niya at kinuha ulit ang magazine.

Kung nakakamatay lang siguro ang irap ko, malamang kanina pa siya nakahubad d'yan. Ipinilig ko ang aking ulo. Anong konek Purita?

Imbes na pag-aksayahan ko ng oras ang kurimaw na ito ay magluluto na lang ako ng aking agahan. Konti lang kasi ang nakain ko kagabi.

"Nagluluto ka?"

Tanong niya habang nagpi-prito ako ng bacon. "Ay hindi. Tumatae po ako! Kita niyo po oh. Piniprito ko ang tae ko. Malapit na ngang maluto eh. Wanna taste?"

"I'm just checking. Baka kasa magkasunog dito sa condo," naiiling niyang sabi.

"Anong akala mo sa akin hindi marunong magluto?"

"May sinabi ba ako?"

"Pero iyon ang pinupunto mo eh."

"Tss. Bahala ka sa buhay mo. Wait, nangangamoy sunog na yata 'yang tae mo. Dukutin mo na," sabi niya sa nang-aasar na tono.

Kaagad kong pinatay ang stove at nilagay sa pinggan ang bacon. Inamoy ko ito at biglang kumalam agad ang sikmura ko.

Kumuha ako ng kanin para makakain na ako. Nanatiling nakasandal lang ang Craig sa pinto. Alam kong nakakainis siya pero kailangan ko naman siyang yayaing kumain. Kahit kunwari lang.

"Gusto mong kumain?" labas sa ilong kong tanong sa kanya.

"You want me to eat your poop? No thanks."

Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi na lang sana akong nagmagandang loob na anyayahan ang kurimaw na 'to.

"Bahala ka sa buhay mo. Hayop ka!" Inis kong sabi at nagsimula nang kumain.

Naasiwa na akong kumain kasi nakatayo lang talaga siya at hindi ko alam kung pinagmamasdan ba niya ako o ano. Nakakainis talaga ang lalaking ito. Binilisan ko na lang ang pagkain at muntik na akong mabulunan.

Buti na lang at may tubig sa mesa kaya mabilis akong  nakainom.

"Ang takaw mong kumain pero ang payat mo pa rin," komento niya.

"Hindi payat ang tawag d'yan kundi sexy," tumayo na ako at nilagay sa sink ang pinagkainan ko.

Pagkalabas ko galing ng kusina ay nadatnan ko siyang papalabas na ng condo.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon