Kabanata 1

14.4K 366 104
                                    

"And our chief judge for this pageant is a graduate of Business Management in University of the Philippines as Suma Cum Laude. Let's give her a big round of applause, Miss Ayissha Kyleigh Sandoval"

Halos mabingi ako sa masigabong palakpakan ng mga echuserang audiences habang ina-usher ako ng isang barangay official papunta sa judge's table. Sinabitan pa ako ng garland sa leeg. Kaloka. Ano akala niya sa akin, kaka-graduate lang?

Umupo ako sa gitnang table katabi ang iba pang judges. Ni hindi ko sila tinapunan ng tingin. Dahil una sa lahat, maganda talaga ako eh. At pangalawa, UP graduate ako. And lastly ,SUMA ako.

SUMAsabay dati sa mga nerd kong kaklase para mangopya kapag may exams at maging ka-grupo nila sa mga group project. At ang kapalit no'n? Tuturuan ko lang naman sila kung paano lumandi with dignity. Alam niyo kasi, may mga tinatago ding kalandian ang mga nerd na 'yan eh. Tinatago lang nila sa makakapal na eyeglasses at libro nila.

I know, I know. Masama iyon. At alam niyo ba kung anong mas masama? Nako, malalaman niyo rin mamaya. Teka lang ha? Mag-uumpisa na ang Interview portion. You know, this is my favorite part sa beauty pageant. Mahirap kaya akong magbigay ng tanong.

"So for your question, will you do the honor miss Ayissha?" nakangiting tanong sa akin ng babaeng emcee.

Kinuha ko ang microphone sa mesa.

"How are you feeling right now?" tanong ko sa contestant.

"I'm a bit nervous but still I feel so overwhelmed standing here on stage," confident na sagot nito.

"So kapag nakaupo ka pala ay hindi ka na mao-overwhelmed?" pabara kong tanong sa kanya.

Dinig ko pa ang tawanan ng mga echuserang audiences. See? Mahirap talaga akong magtanong. Ako pa ba na isang SUMA?

Namutla ang contestant. Hindi niya kasi masagot ang tanong ko. Kaloka ha. Sige, bibigyan ko siya ng chance.

"What is your favorite color candidate number 9?" tanong ko.

"Red."

Kinamot ko ang ulo ko gamit ang lapis.

"Okay. That's all," walang gana kong sabi.

Kita ko pa ang pagkairita sa mukha niya bago tumalikod. Well, boring siya. Pasalamat nga siya at hindi pa very hard question ang tinanong ko sa kanya. Baka mas lalo lang siyang ma-badtrip.

Laking pasasalamat ko at natapos na rin ang pageant. Nakipag-picture-an pa ang ibang judges samantalang ako ay kaagad nang sumibat. Kaagad naman akong sinalubong ni Marlen. Ang bading na komontak sa akin para magkunwaring chief judge na may magandang educational background. O di ba? Hindi naman masyadong masama ang ginawa ko. Magandang raket kaya ito.

"Ikaw talaga bakla ka. Inayos mo man lang sana ng konti ang mga tanong mo," reklamo niya sa akin.

"Eh sa boring silang kausap eh. Asan na ang bayad?" naiinip kong tanong sa kanya.

"Oh eto na.," sabi niya sabay abot sa akin ng puting sobre.

Binuksan ko ito at napangiti nang makita ang dalawang libo doon. Kaagad ko siyang niyakap.

"Oy bakla. Thank you ha," masaya kong sabi.

"Sige na. Siya nga pala, may gagawin ka ba? May bagong raket na naman ako para sayo."

Ipinasok ko muna sa shoulder bag ko ang sobre at tiningnan siya.

"Pass muna ako. May seminar kami bukas sa isang barangay eh. You know, sa part time job kong pagpo-promote nanh paggamit ng condom."

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now