Part 58

14.7K 428 88
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 58

PURITA'S POV

Ang ganda-ganda talaga ng gising ko ngayon. Mga kasing-ganda ko rin siguro. Tumayo na ako sa aking higaan at dumiretso sa banyo para maghilamos. Bakit kaya ang ganda-ganda ko? Naku, ayoko nan gang tanungin ang sarili ko. Pasalamat na lang talaga ako sa mga tunay kong mga magulang dahil nagkaroon ako ng ganitong asit.

Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng banyo saka kinuha ang pink mug na bigay sa akin ni Dyuswa kagabi. Ang sweet naman pala niya eh. Akala ko talaga kasi hindi na niya ako bibigyan ng regalo. Hindi ko talaga siya papansin ng isang oras. Hmp.

Lumabas ako ng silid dala-dala ang mug. Gusto ko na kasin gamitin ito sa pagtitimpla ko ng gatas. Pinuntahan ko muna ang kwarto niya saka kumatok. Papasok na sana ako dahil walang sumasagot pero naalala ko ang insidente kahapon. Huwag na nga lang. Baka kasi kung ano na naman ang makita ng magaganda kong mga mata weh. Saka baka tulog pa siya. Mamaya ko na nga lang siya bubuwisitin. Bumaba na lang ako ng hagdan at dumiretso sa kusina.

Nadatnan kong kumakain ng agahan sina grandlolo at grandlola kasama ang personal na maid na si Yaya Sitang.

"Oh, apo gising ka na pala. Kamusta ang tulog ng maganda kong apo?" nakangiting tanong sa akin ni grandlola.

Lumapit ako sa kanila saka nag-mano. Umupo ako sa tabi niya at nagtimpla na ng gatas.

"Sa Biyernes na ang wedding anniversary namin apo. Handa ka na bang humarap sa napakaraming tao?"

Napahinto ako sa paghahalo ng gatas sa mainit na tubig sa narinig. Hindi talaga ako handa. At saka ayoko talagang mangyari 'yon. Baka 'yon na ang araw na mabuking kami. Ayoko pa namang saktan sila dahil sa ginawa naming pagsisinungaling. Masyado na rin kasing napalapit ang loob ko sa kanila. Napakabait kasi nila sa akin. Pakiramdam ko ay hindi nila ako papatawarin kapag nalaman nila ang totoo. O ang pinakamasama pa ay baka isumpa nila ako.

"Ah, eh, m-medyo po grandlola."

"Alam kong kinakabahan ka pero normal lang 'yon lalo na kapag tinanong ka ng mga reporters."

Napamulagat ako sa sinabi ni grandlola. Reporters? Tulad ng mga nagbabalita sa TV Patrol at sa CNN? Nako, ayoko nito. Alam kong maganda ako pero hindi ko kayang magsinungaling sa harap ng maraming tao. Baka kasuklaman ako ng lipunan kapag nalaman nila ang pagpapanggap ko.

Ngiti na lang ang tanging naisagot ko sa kanila. Paano na'to? Hindi na ba pwedeng mag-back out na lang? Pero paano naman si itay? Bukas na raw kasi ang surgery niya eh. Napaaga ang surgery dahil babalik na raw ng America ang gagawa ng operasyon sa makalawa. Kailangan ko na talagang makausap si tito Henry at Dyuswa tungkol dito. Hindi pwedeng umabot kay itay ang ginagawa ko. Tiyak sobrang magagalit iyon sa akin.

Saglit akong nagpaalam sa kanila dala-dala ang tinimpla kong gatas. Kakausapin ko si Dyuswa ngayon na gumawa siya ng paraan para hindi ako makapunta sa wedding anniversary nila grandlola. Kailangan niya akong tulungan dahil kasabwat siya rito. Hindi pupwedeng ako lang ang mamroblema nito.

Kumatok ulit ako sa pinto subalit walang sumasagot. Binuksan ko na lang ito at binuksan ang ilaw. Ipinatong ko ang gatas sa mesa at lumapit sa kama. Tulog na tulog pa ang mokong. Hinawakan ko ang balikat niya at nagulat ako nang maramdamang ang init niya. May lagnat ba siya? o dahil sa sobrang hot niya ay lumalabas na sa katawan niya? Ipinilig ko ang aking ulo. Ano ba itong iniisip ko. Pinilit ko siyang gisingin subalit ungol lang ang sagot niya.

Sinalat ko rin ang leeg at noo niya. Ang init talaga.

"Dyuswa! Ang init mo ah. Tatawagin ko lang ang driver natin. Kailangan mo nang dalhin sa ospital," natataranta kong sabi.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now