Part 38

15.1K 421 75
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 38

***

Laking gulat ni Joshua nang makitang lumabas si Purita sa gate ng katapat nilang bahay. Nakasuot ito ng apron saka sombrero.Anong ginagawa niya roon?Bakit gano'n ang suot nito?

Dahan-dahan niya itong nilapitan kaya naman hindi siya nito napansin na papalapit na siya sa direksiyon nito.

"Anong ginagawa mo rito?"

Napatili si Purita dahil sa gulat kaya naman nabitawan niya ang garbage bag at nagkalat ang mga basura.

"Ano bang proble..."

Biglang nawala ang inis ni Purita nang Makita si Joshua. Mabilis siyang lumuhod sa semento at pinulot isa-isa ang mga nagkalat na basura. Hindi ito makatingin kay Joshua dahil ayaw nitong Makita ang reaksiyon niya.

Tumayo ito nang maibalik na nito sa garbage bag ang mga natapong basura. Inis namang kinuha ni Joshua ang garbage bag at hinagis ito sa gitna ng kalsada kaya nagkalat na naman ito.

"Ano bang problema mo bhe?! Hindi mo ba nakikita na nagtatrabaho ako. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Matalino ka naman di ba?" sabi nito sa kanya na pinipigilang mainis.

"Bakit mo nga ginagawa 'yan?Nagpapaalila ka sa ibang tao!"

"Hindi pagpapaalila ang tawag do'n.tinutulungan lang ako," depensa nito.

Napabuntong-hininga siya.

"Hindi 'yan ang solusyon sa problema mo."

"P-problema?" maang nitong tanong.

Napatikhim siya. Hindi dapat nito malaman na alam niya ang kalagayan ni tito Oscar. Siya lang ang dapat nakakaalam no'n. Kilala rin niya kasi si Purita eh.Somehow. Ayaw nitong nalalaman ang tunay na estado ng kanilang pamilya. Hindi dahil sa ikinakahiya niya ito. Pero ayaw lang talaga nitong kaawaan sila ng pamilya nila.

"Wala. Kalimutan mo na lang 'yon."

"Ang gulo mo rin minsan eh. Hindi ba sabi mo ayaw mo na akong makita? Ginagawa ko naman ah. Kahit mahirap pero kinakaya ko naman. Tapos ikaw na naman 'tong nagpapakita sa akin?"

Napabuga siya ng hangin.

"Baka nakakalimutan mo na rito ako nakatira?"

Inilibot nito ang kanyang paningin saka napangiwi. Ipinagkrus nito ang mga kamay sa harapan nito.

"Eh ano naman ngayon kung dito ka nakatira?"

"Hindi k asana pumunta rito at nagpakita sa akin."

"Tsss. Eh sino bang lumapit sa akin?" nakataas ang kilay nitong tanong.

Saglit siyang natahimik sa narinig. May punto rin naman kasi ito.Siya ang lumapit. Pero curious lang naman kasi siya eh. Iyon lang. Masama ba 'yon?

"T-tinawag mo akong bhe," nasabi niya.

"Ako?Tinawag kitang bhe? Kaya lumapit ka sa akin? Eh hindi ko nga alam na nasa labas ka ng bahay niyo," nakapameywang nitong sabi.

"Oo.Sinabi mo 'yon."

"Bhe naman.Huwag ka ngang magsinungaling!"

"See! Tinawag mo na naman akong bhe. That's the proof."

Biglang tumunog ang phone niya. Kinuha niya ito sa bulsa ng shorts niya saka sinagot.

"Hello Dad? Sige po. Pupunta na ako..."

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now