Part 41

13.2K 389 19
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 41

***

PURITA'S POV

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Dyuswa. Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng nerbiyos. Normal lang ba talaga 'to sa taong magsisinungaling? Nabigla pa ako nang tinapik na ni Dyuswa ang balikat ko.

"Are you ready?"

Mahina lang akong tumango. Nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pintuan at inalalayan niya akong bumaba.

"Your hand is cold. Kinakabahan ka ba?"

"Sa totoo lang bhe...ang ibig kong sabihin, kinakabahan talaga ako. Paano kung mabuking tayo?" nag-aalala kong tanong.

"Then the deal is off," sagot niya sabay kibit ng balikat.

"Kahit 50% wala talaga akong makukuha?"

"As in wala Purita."

Napapikit ako. Juskolurd, patawarin niyo na po ako ha? Alam kong pagsisisihan ko po 'to sa huli pero ayaw ko namang mawala nang wala sa oras si itay. Tulungan Niyo po ako ha? Wala nang atrasan 'to. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tiningnan si Dyuswa.

"Okay. Umpisahan na natin 'to."

Pagpasok namin ng gate ay sinalubong agad kami ng daddy ni Dyuswa. Alam ko na talaga kung saan nagmana ng kakisigan ang bhebhe ko. Nasa lahi talaga eh. Hihihi. Actually nakita ko na rin dati ang daddy at mommy niya no'ng kinidnap kami kaso hindi ko lang sila nakita nang ganito kalapit.

"You must be Purita?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"O-opo tito."

"Shhh. You should call me daddy from now on."

"Ah, o-okay po d-daddy," naiilang kong sabi.

Ilang sandali pa ay nakapasok na kami sa kanilang bahay. Hindi ko 'to first time na pumasok sa kanilang bahay, pero dahil sa gagawin namin, parang ito 'yong una kong pagkakataon na pumasok dito hindi bilang tunay na Purita. Kundi isang nagbabalat-kayong Purita. Naku, inuusig na ako ng konsensiya ko. Ang bilis naman yata. Wala bang traffic sa kanila?

"Welcome to our humble home Purita," malugod na sabi ng daddy na niya ngayon.

Kasabay no'n ay nagsilabasan na ang mommy ni Dyuswa, si tita Hannah at ang lolo at lola niya na nakaupo sa wheelchair. Nakangiti silang lahat sa akin. Ay mali. Wala palang kare-a-reaksiyon ang lolo niya. nakakaramdam na tuloy ako ng takot kay grandlolo. Hay.

"A-apo? Ikaw na ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni grandlola.

Tulak-tulak ng mommy ni Dyuswa ang wheelchair ni grandlola habang papalapit sila sa akin. Nakita kong maluha-luha niyang hinawakan ang mga kamay ko at inilagay ito sa kanyang pisngi.

"Ang tagal-tagal ka naming hinanap iha. Salamat sa Diyos at natapos na rin ang paghahanap namin sa inyo," dugtong nito.

Saglit pa akong tumingin kay Dyuswa. Tinanguan lang niya ako. Tiningnan ko si grandlola saka pilit na ngumiti.

"Iha, ako nga pala si Veronica. Ang mommy ni Joshua. Na magiging mommy mo na rin ngayon. Masayang-masaya ako na nandito ka na," masiglang bati ni tita Veronica sa akin saka niyakap ako nang mahigpit.

"I-ikinagagalak ko rin po kayong makita m-mommy."

###

First time kong maka-experience nang kumain ng ganito karaming pagkain. Para kasing may fiesta lang ngayon eh. Hindi ko tuloy kung ano ang uunahin kong kainin. Buti na lang at katabi ko ang bhebhe ko kaya siya na ang naglagay ng ibang pagkain sa akin. Ang sweet di ba? Kinikilig tuloy ang atay ko. Hihi. To think na magkatabi kami ng bhebhe kong kumain. At sabay pa. Oh di ba?

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon