When Dyuswa Meets Purita Again Book 2- Teaser

11.8K 347 116
                                    

Iyong moment na feeling mo naka-move on ka na...

Nakatayo si Purita sa stage habang nakikinig ang mga tao sa kanya sa isang seminar. Itinaas niya ang isang maliit na box.

"Kapag marunong kang gumamit ng condom, doon mo mare-realize na nakapag-move on ka na sa ex mong iniwan ka or iniwan mo," nakangisi niyang sabi habang iwinawagayway ang box ng condom.

Biglang nagtaas ang kamay ng isang lalaki.

"Anong konek ng condom sa pagmo-move on miss?"

Natigilan siya sa tanong nito. "Nonsense question. Next please," nakangiti niyang sabi sa mga tao.

Pero dahil sa mapaglaro ang tadhana, nakita mo ang taong pinag-move on-an mo.

Sa isang air conditioned room. Doon naghihintay ang mga babaeng aplikante para sa posisyong sekretarya. Nakaupo din doon si Purita at kini-compose ang self niya.

"Kailangang labas cleavage natin during the interview with the bosses," anang isang babae.

"Talaga? Kahit na hindi gaanong malaki ang boobs mo basta nakalabas lang ang cleavage eh okay na?" tanong ng isa.

Napaisip si Purita. Lihim siyang napatingin sa boobs niya.

"Oh my God! Nagdala sana ako ng pudding o di kaya ay tinapay," bulong niya sa kanyang sarili.

Bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isang matandang babae.

"Ayissha Kyleigh Samaniego."

Gulat siyang napatayo habang hawak-hawak ang dibdib niya. Bago siya pumasok sa room para sa panel interview ay kinuha muna niya ang napakaraming condoms sa bag niya at isa-isa iyong pinasok sa bra niya.

"In fairness, andami talagang naitutulong ang paninda kong condom sa buhay ko," nakangisi niyang sabi dahil medyo lumaki tignan ang boobs niya.

Taas noo siya at nakangiting pumasok sa loob. Tiningnan niya isa-isa ang mga nasa panel at nahinto siya nang makita ang lalaking matagal na niyang hindi nakikita. Napalunok siya ng kanyang laway nang magtama ang paningin nila.

"Ayissha Kyleigh," malamig na pagkakabanggit ni Joshua sa kanyang pangalan.

Masasabi mo bang naka-move on ka na nga ba talaga?

Sa Green Life Restaurant.

"Nandito na siya?" gulat na tanong ni Ginny kay Purita.

"Oo. Nagkita ulit kami," nakangiti niyang sagot.

"Akala ko ba naka-move on ka na? Oh eh bakit kinikilig ka na naman d'yan ngayon?" nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Eileen.

"Bakit? Hindi ba pwedeng kiligin sa taong dahilan nang pagmo-move on mo?"

Paano kung siya ay tuluyan nang naka-move on sa'yo?

Dali-daling hinabol ni Purita si Joshua na papasok na sa isang glass type na elevator.

"Bakit hindi mo ako tinanggap bilang secretary ha? Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin?" inis na tanong ni Purita.

"For God's sake, Miss Samaniego. That was seven years ago. I chose miss Dela Cruz over you because her credentials are far way better than yours. You are just a college undergrad. See the difference?" naiiritang sagot sa kanya ni Joshua.

Hindi na nakasagot si Purita dahil pakiramdam niya ay nasampal siya ng sampung beses sa narinig.

"So stop imagining nonsense things. Just accept it. Hindi lahat ng gusto mo ay mapapasayo," sabi nito at sinarado na ang elevator.

Sinundan lang ng tingin ni Purita ang pababang si Joshua.

***

Napabalikwas ng bangon si Purita nang tumunog ang phone niya.

"Hello?"

"Miss Samaniego?" anang sa kabilang linya.

"Yes, speaking."

"Please report here in Elite's Group of Companies. Mr. Raymundo needs to talk to you personally."

Natulala siya sa narinig.

"O-okay."

Matagal nang natapos ang tawag subalit tulala pa rin si Purita. Ilang sandali pa ay napatili na siya.

Makakaya mo bang makita siyang may hawak ng iba?

"Pinatawag kita dahil may offer ako sa'yo. Mas malaki pa ang magiging salary mo kumpara sa pagiging sekretarya dito if papayag ka," malamig na sabi ni Joshua sa kanya.

"Ano ba 'yon?"

"Be my girlfriend."

Napaawang ang labi niya sa narinig.

"G-girlfriend?"

"Yeah. Fake girlfriend."

Ilang sandali pa ay pumasok ang isang magandang babae na Executive Director ng kumpanya. Lumapit ito kay Joshua ay humalik sa pisngi nito. Napako doon ang tingin ni Purita.

"There's this non-fraternal clause in this company. Meaning, bawal magkaroon ng intimate relationship ang mga empleyado dito sa isa't-isa."

"Hi. I'm Michelle. Joshua's girlfriend," nakangiti nitong pagpapakilala sa kanya habang nakahawak sa braso ni Joshua.

Pilit na ngumiti si Purita sa kanila.

"H-hi," bati niya.

Makakaya mo bang magpanggap na hindi ka nasasaktan?

"Akala ko naka-move on na ako Ginny eh. Pero nagkamali ako. Dahil di ba kung naka move on na ako, hindi na ako magseselos kapag makita kong may kahawak siyang iba. Hindi na ako maiinggit kapag sa iba na siya nakangiti. Pero bakit nasasaktan pa rin ako?" humihikbing sabi ni Purita kay Ginny habang nasa bar sila.

Magpapanggap ka bang masaya kapag kaharap siya?

Sa loob ng sasakyan ni Joshua. Nakaupo si Purita habang binibilang ang mga condoms sa kanyang bag.

"Alam mo ba ang pag-ibig ay parang condom?"

"Bakit?"

"Kasi kapag ang condom nabutas, siguradong makakabuntis ka. Parang sa pag-ibig, kapag nasaktan ka, mapipilitan kang magbago. Nakakatawa di ba? Sino kaya ang nakapag-isip ng gano'n? Hahahahaha," sabi niya saka pilit na tumawa ng malakas.

Tumingin siya sa labas ng at lihim na pinunasan ang pumatak na luha sa kanyang mga mata.

It takes a strong heart to accept and leave everything behind.

"Alam kong sana ay matagal ko na itong ginawa. Pero gusto ko lang talagang humingi ng tawad sa'yo. Sana mapatawad mo ako," sabi ni Purita kay Joshua habang nasa dalampasigan sila.

"Matagal na kitang pinatawad. Nakaraan na iyon. Kalimutan na natin ang lahat. Let's forgive ourselves. Move on and continue to live with our own life."

"Tama ka. Maraming salamat Dyuswa."

Tumalikod na si Purita at nagsimula nang maglakad palayo.

"Purita..."

Napahinto siya sa paglalakad pero hindi niya nilingon si Dyuswa.

"B-bakit?"

"Maraming salamat din..."

Mahina lang siyang tumango at nagpatuloy na sa paglalakad palayo kay Dyuswa.

But who will take a strong love to come and meet again the love that was once lost and forgotten?

WHEN DYUSWA MEETS PURITA BOOK TWO is the first installment of The Campuestuhan Series.

Okay guys. Teaser pa lang 'yan ha? Hahahahhaha. So what do you think? Hehehehe.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now