Kabanata 9

8.8K 186 20
                                    

#WDMPTheDeal

Nanggagalaiti akong lumabas ng opisina ni Dyuswa dahil sa dalawang kadahilanan. Una, dahil Hindi naman pala gano'n ka-importante ang dahilan kung bakit niya ako pinapunta rito. Ano namang kaalam-alam ko sa celebration of love na 'yan? Leche!

At ikalawa, hindi ko napanindigan ang pagiging sweet, kind and understanding fake girlfriend ko sa kanya. PAANO NA LANG ANG BONUS AT SALARY INCREASE KO?

Nakaka-jirits lang talaga!

Nakabusangot pa rin ang mukha kong pumasok sa loob ng elevator. Kung bakit ba kasi minsan hindi ko makontrol ang emosyon ko kapag kaharap ang lalaking iyon eh.

Nang bumukas ang elevator ay pumasok doon si Luke. Napahinto ito sa pagsipol nang makita ako. Ngumisi naman siya nang makita akong nakasimangot.

"Hi!" masigla niyang bati.

"Hi mo mukha mo," pagsusuplada ko sa kanya.

Eh maano ba. Bad mood talaga ako eh.

"Wow. Easy, easy Miss Beautiful. Mataas yata ang blood pressure mo ngayon ah," natatawa niyang sabi.

Napabuntong-hininga na lang ako. Kailangan kong kumalma. Hindi ko dapat pala basta dinadamay ang ibang tao sa pagka-bad trip ko. Dahil naniniwala ako na huwag mong gawin sa ibang tao ang ayaw mong gawin nila sa'yo.

Ilang sandali pa ay ngumiti na ako sa kanya. Kaya ngumiti rin siya pabalik sa akin.

"Naba-badtrip ako ngayon kaya huwag mo akong kausapin ngayon!" sigaw ko.

Napapitlag siya sa sigaw ko pati na rin ang ibang empleyadong nasa loob ng elevator.

Eh maano ba? Talagang nagha-hyperventilate ako ngayon!

"Purita naman. Pwede naman nating pag-usapan 'yan na tayo-tayo lang. Baka isipin nila na inaaway kita," napapakamot ng ulo niyang sabi sa akin.

"Hindi ako nakikipag-usap sa taong may kuto!"

Saglit pa siyang natahimik sa sinabi ko kapagka ay tumawa. Bangag talaga. As in.

"Ako may kuto? No way! Hahahaha."

"Tatawa-tawa ka pa d'yan. Pasalamat ka at cute ka kung hindi kanina pa kita binalibag d'yan sa kinakatayuan mo," pabulong kong sabi.

"Oy narinig ko 'yon ha."

Hinarap ko siya at pinagtaasan ng kilay.

"So what?"

"Huwah! Ang taray. Ikaw na talaga ang dyosa!" natatawa na naman niyang sabi.

"Matagal ko nang alam na isa akong dyosa. Huwag mo nang ipa-remind sa akin 'yan dahil minsan nakakarindi na ring pakinggan."

Saktong tumunog ang elevator at nasa ground floor na kami. Sumunod naman siya sa paglabas sa akin.

"Pinapanindigan mo talaga ang pagiging mataray mo ha," sabi niya sa likuran ko.

"Bakit?"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin at nagtaas-taas din ng kilay. Om fairness. Ang cute niya rin kapag nagpapataas-baba ng kilay.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"Why you're asking the obvious?"

"I mean, bakit mo ginagawa 'yan?"

"Kasi nga nakataas pa rin hanggang ngayon ang kanang kilay mo. Oo na ikaw na nga ang mataray na dyosa. Pero ibaba mo na 'yang kilay mo dahil nagmumukha ka ng timang. Hahahaha."

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon