Part 73

9.2K 278 36
                                    

Hinihingal akong napahinto sa kakalakad dahil sa paghahanap kay Dyuswa rito sa SM City. Saan na kaya napunta iyon? Napatingin ako sa relo. Alas tres na ng hapon. Mahigit isang oras na pala ang paghahanap ko sa kanya. Gusto kong umiyak. Paano kung naligaw yun? Paano kung may kumidnap sa kanyang sugar mommy? Huhuhu.

Hindi pa ako nakapagpaalam sa kanya ng bonggang-bongga eh. Hindi ko pa siya nahalikan sa labi. Oo, iyon ang huling gagawin ko kapag aalis na ako ng bahay nila. Kalandian man ang tawag doon eh masisisi ko ba sarili ko? Kung ganon ba kagwapo at kakisig ang boyfriend mo eh hindi ka man lang hahalik sa kanyang labi bago mo siya layuan? Hindi pa ako ganon ka bobo para hindi gawin yun ano.

"Dyuswa nasaan ka na ba?"

Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Wala talagang bakas ng dyowa ko. Nanghihina akong napaupo sa hagdan. Isinubsob ko ang aking ulo sa pagitan ng aking mga tuhod.

Muntik na akong mangudngod sa sahig ng may nagmamadaling bumaba ng hagdan. Ilang sandali pa ay naririnig ko na ang tilian ng ibang mga babae. Ah. Baka naman may mall tour ang artistang iniidolo nila. Pero wala akong pakialam sa mga artista na yan. Si Dyuswa ang kailangan ko. Siya lang at wala ng iba. Huhuhu.

Tell me something
When the rain falls on my face
How do you quickly replace it with
A golden summer smile?

Awtomatikong napalingon ako nang marinig ang kumakanta. Hinanap ko kung sino ang nagmamay ari ng boses na iyon. Halos tumalon ang puso ko nang mapagsino ito. Si Dyuswa. Nakasuot siya ng puting V-neck shirt, naka black jeans at ang paborito niyang gray walking shoes. Medyo magulo ang buhok niya subalit mas lalo lang itong nagpalabas ng kagwapuhan niya.

Nasa tapat siya ng Odyssey at may hawak na mikropono. Gusto kong matawa dahil kinain niya ang hiya niya para kumanta sa harap ng maraming tao. Pero mas nanaig ang kilig ko sa fallopian tube kaya nakangiti lang akong nakatingin sa kanya.

Tell me something
When I'm feelin' tired and afraid
How do you know just what to say
To make everything alright?

Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang tumingin siya sa akin at kinindatan ako. Shet lang. Nakakilig ang boses niya. Hindi ko inexpect na magaling palang kumanta ang dyowa ko. Maygad Dyuswa. Bakit pinapahirapan mo akong layuan ka.

I don't think that you even realize
The joy you make me feel when I'm inside
Your universe
You hold me like I'm the one who's precious
I hate to break it to you but it's just
The other way around
You can thank your stars all you want but
I'll always be the lucky one.

Sumenyas siya sa akin na lumapit sa kanya. Nararamdaman ko na nakatingin na rin sa akin ang ibang audience niya kaya uminit ang magkabilang pisngi ko. Ngumiti siya sa akin at sumenyas ulit na lumapit na sa kanya. Gosh. Tatanggi pa ba ako? Ano ako, hilo? Syempre hindi na. Si Dyuswa Raymundo na yan ano.

Tell me something
When I'm 'bout to lose control
How do you patiently hold my hand
And gently calm me down?

Nang makalapit ako sa kanya ay narinig ko ang tilian ng mga babae. At mas lalo pang umingay nang hawakan ako ni Dyuswa sa kamay. Jusko. Daig pa namin ang KathNiel at JaDine ha. Hiyang-hiya naman sila sa Dyurita loveteam. Ay ang chaka. Purswa na nga lang. PurSwa para sa best in loveteam. Charot lang. Hihihi.

I don't think that you even realize
The joy you make me feel when I'm inside
Your universe
You hold me like I'm the one who's precious
I hate to break it to you but it's just
The other way around
You can thank your stars all you want but
I'll always be the lucky one

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon