Kabanata 43- Unexpected

10.7K 406 132
                                    

Palihim kong pinunasan ang aking mga luha bago ko itinulak si Dyuswa. No. Hind na tama ito. Ayoko nang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya. Oo, mahal na mahal ko siya pero hindi sapat na dahilan iyon para guluhin pa ang relasyon nilang dalawa ni Michelle.

"Ano pa bang kailangan mo Dyuswa? Okay na naman tayo di ba?"

"Ikaw ang kailangan ko Purita."

Napabuga ako ng hangin. "Huwag mo nang gawin pang mahirap sa atin ito Dyuswa. Please lang."

"Hindi mo ba alam na nahihirapan na rin ako?" mahina niyang tanong sa akin.

Hindi ko siya ma-gets. Naguguluhan ako sa kanya. Bakit pa niya sinasabi ng lahat ng ito gayong engaged na sila ni Michelle? Bakit niya mas pinapa-komplikado ang lahat?

"Kukunin ko na si Bhebhe Qoh. Umalis ka na at alam kong hinihintay ka na ni Michelle."

"Wala na kami ni Michelle."

Napahinto ako sa pagdadampot kay Bhebhe Qoh dahil sa narinig. Tumayo ako ng tuwid at hinarap ko siya. kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mukha.

"Anong sabi mo?"

"Wala na kami ni Michelle. Nakipaghiwalay na ako sa kanya kanina," titig na titig siya sa akin habang sinasabi niya iyon na para bang gusto niyang Makita kung ano ang magiging reaksiyon ko.

"Bakit mo ginawa 'yon?"

"Para sa'yo," tipid niyang sagot.

"At akala mo matutuwa ako sa'yo dahil ginawa mo 'yon?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

How could he dumped her so easily? Gano'n-gano'n na lang pala 'yon?

"No. But that's the only way I know para matapos na itong paghihirap natin. Para wala nang mas masaktan pa."

"Eh tang-ina mo pala Dyuswa eh! Ni-girfriend mo hindi mo mapanindigan? At ngayong engaged na kayo ngayon mo pa naisipang makipaghiwalay sa kanya?"

I can't believe I am madly in love with him. He brings his jerkiness to a whole new level. Dali-dali ko nang dinampot si Bhebhe Qoh at nag-martsa palayo sa kanya.

"Purita. Just hear me out please," pagmamakaawa niya sa akin habang nakasunod pa rin siya sa likod ko.

"Ayoko nang marinig ang mga paliwanag mo Dyuswa."

"Ano bang gusto mong gawin ko?" basag na ang boses niyang tanong sa akin.

Huminto ako sa paglalakad subalit hindi ko siya nilingon.

"Layuan mo na ako Dyuswa," sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nag-uumpisa na ako sa bago kong buhay eh. At kahit papaano ay hindi ko na siya masyadong naiisip. Tapos ngayon, ito lang ang maririnig ko? Na nakipaghiwalay na siya kay Michelle para sa akin? Hindi niya baa lam na may suicidal tendency si Michelle? Paano kung naisipan no'ng magpakamatay ulit at natuluyan? Eh di kasalanan ko pa. Marami na ang nasaktan dahil sa aming dalawa. At ayoko nang madagdagan pa iyon. Okay naman siya noon kasama si Michelle eh.

Akala ko ay hindi na niya ako sinundan pero nang makalabas ako ng Twin Bridge ay nasa likuran ko na naman siya.

"I am trying to make things right, right now Purita. At uumpisahan ko 'yon sa'yo."

Muli ko siyang hinarap. I saw his sincerity in his eyes. Kitang-kita ko ang paghihirap niya. Pero hindi iyon sapat na dahilan para manaig ang isang parte ng pagkatao ko. Tumahol si Bhebhe Qoh at alam ko kung anong ibig sabihin ng tahol niyang iyon kaya hinigpitan ko siya ng hawak.

"You want to make things right for me? Then please, let me go away in your life."

Nabigla siya sa sinabi ko. Kailangan kong sabihin 'yon sa kanya. Dahil iyon lang ang alam kong tama sa ngayon. I can't welcome him in my life kung alam kung may masasaktan kapag ginawa ko 'yon. I will not be completely happy. We will not be completely happy. At marami pa kaming unresolved issues. Sa pamilya at sa mga sarili namin. Ni hindi ko pa nga rin napapatawad ang sarili ko dahil sa ginawa ko sa kanya. Hindi ko maaatim na pakisamahan siya o magpanggap na parang wala lang nangyari.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon