Part 49

12.8K 396 15
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 49

***

PURITA'S POV

"Masaya akong nakita kita Purita."

Paulit-ulit itong nagpi-play sa isipan ko kaya hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng kilig. Bakit naman niya sasabihin 'yon sa akin? Eh palagi naman kaming nagkikita sa bahay at sa school. Tapos niyakap niya pa ako nang mahigpit. Iyong yakap na tumatagos hanggang sa skeleton system ko. Hihihi. N

"Hindi kaya nagbago na ng puso si Dyuswa? Nahuhulog na kaya ang loob niya sa akin?"

Nagpagulong-gulong ako sa aking higaan hanggang sa...BENG! Nahulog ako sa kama at patihayang nakahandusay sa sahig. Doon naman ako natauhan sa mga imahinasyon ko.

"May iba palang mahal si Dyuswa."

Malungkot akong bumangon at hinimas-himas pa ang batok ko. Medyo masakit eh.Iyon nga pala ang dahilan kung bakit hindi muna ako umuwi rito. Gusto ko lang kasing magpahangin at magmuni-muni sandali. Simula ngayon, babawas-bawasan ko na ang pagiging klengi ko sa kanya. Noon hindi ako papaya na may lalapit at hahawak sa kanya kasi akala ko talaga eh single pa siya. Pero ngayon na alam ko nan a meron siyang minamahal na iba, ibang storya na ito. Kailangan ko nang magparaya.

Hindi ko alam kung makakalimutan ko ba ang nararamdaman ko sa kanya. Na-love at first sight kasi ako sa kanya simula nang makita ko siya sa school eh. Tandang-tanda ko pa noong kaka-transfer ko lang sa school. Second year high school ako at siya naman ay third year na. Kumakain kami ng lunch sa canteen ni Flower. Ang totoong si Flower.

"Bes! Sino siya?" kinikilig kong tanong kay Flower.

"Siya lang naman ang jack of all trade ng school na ito. Basketball player,Vice President ng Student Council at topnotcher sa kanilang class."

"Ang haba-haba naman ng pangalan niya bes. Kawawa naman siya kapag nag-shedding tuwing exams."

"Gaga! Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Pero dahil sobrang shunga to death mo, ipapakilala ko nalang siya sa'yo."

"N-naku, teka bes. Nahihiya ako! Ano ba!" pigil ko sa kanya.

Pero hindi na siya nagpapigil at tinawag ang gwapong lalaki at ang kasama nitong isa pa.

"Hi guys. I just want you to meet my new bestfriend. Ayissha Kyleigh."

Nagtatambol ang puso ko sa kaba nang tiningnan niya ako sa mga mata at ngumiti siya sa akin. Oh my God. Binuhay niya ang katawang lupa ko.

"Nice meeting you. I'm Joshua Raymundo. Welcome to our school," nakangiti niyang sabi.

"H-hello. D-dyuswa," nauutal kong sabi.

Naalala ko pa na natawa siya sa pagtawag ko sa pangalan niya. Hindi kasi ako makabigkas ng letter J nang maayos eh. Doon ako nahulog sa kanya. Kaya simula no'n kinuntsaba ko na si Flower sa mga kalokohan ko. Pinsan niya kasi ang Mario na bestfriend ni Dyuswa. Minabuti kong magtago na lang sa kanya kasi hindi ko pa kayang magtapat sa kanya noon. At wala talaga akong lakas na loob na kausapin siya sa personal. Nawawala ako sa sarili ko noon eh. Kapag nakikita ko siya sa malayo, kaagad akong nagtatago para hindi niya ako makita. Pero sinusundan ko naman siya kapag hindi niya alam. Doon nagsimula ang kabaliwan ko. Ang pagsusulat sa pader, sa pisara, sa papel at sa kung anong dahon na makikita ko sa school.

Araw-araw akong nagpapadala ng mensahe sa kanya kaya naman asar na asar sa akin si Flower sa mga iniuutos ko sa kanya eh. Pero wala pa rin siyang magagawa kasi nga mag-bestfriend kami. Hanggang sa sumapit na ako ng third year, gano'n pa rin ang ginagawa ko. Nakaramdam na ako ng pangamba nang makita kong nagbabago na si Dyuswa. Hindi na siya gaanong masayahin, naging suplado na ito at minsan hindi na rin namamansin. Pero hindi pa rin ako sumuko sa pagpapadala sa kanya ng mga mensahe hanggang iyon nga. Sumapit ang araw na nagpa-Purita hunting pa sila. Aaminin ko na medyo kinabahan ako kasi naman andami nang naghahanap sa akin. Dagdagan pa na sumulpot sa eksena si Angel at ni Eileen. Kaya wala na akong choice kundi ang magpakilala. Di hamak naman na mas maganda ako sa dalawa eh. At hindi ko inasahan na magpapakilala ako sa kanya na ako si Purita sa isang hindi inaasahang insidente. Nakakaloka di ba? Pero ang labis kong ipinagtataka ay bakit parang hindi ako matandaan ni Dyuswa nang magpakilala ako sa kanya. Ang ibig kong sabihin, noong pinakilala ako sa kanya ni Flower. Hindi ba dapat ay natatandaan niya pa rin ako kahit papaano? Kahit huwag na 'yong pangalan ko, 'yong magandang mukha ko na lang.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now