Part 21

14.1K 583 13
                                    

Nakasilong na si Purita matapos siyang batiin ni Joshua ng 'Happy Birthday'. Sa ngayon ay magkatabi silang nakatayo sa waiting shed habang hinihintay ang pagtila ng ulan. Sila lang ang nakasilong doon si shed.

"Ilang taon ka na?"

"Hindi ko alam," napakibit balikat niyang sagot.

"What do you mean na hindi mo alam."

"Marahil mas matanda pa ako sa lola mo."

"You're really crazy."

"Hindi kasi alam ni nanay ang tunay na kaarawan ko."

Nakatitig lang sa kanya si Joshua. Medyo nanibago pa ito sa reaksiyon ni Purita. The reaction is new. Kumbaga ngayon pa lang nito nakita sa kanya ang reaksiyon na hindi nito mawari kung malungkot ito o masaya. The un-Purita way.

"Hindi pa rin kita maintindihan."

"Nakita lang ako ni nanay noon na palaboy laboy sa lansangan. Umuulan noon. Naawa siya sa akin kaya kinupkop niya ako. Hindi ko matandaan kung anong pangalan ko at sino ang aking mga magulang. Medyo bata pa ako kasi noon. Wala pa sa tamang isip. Kaya simula nabg inalagaan niya ako, sinabi niya na lang na tuwing umuulan ang kaarawan ko."

"Ibig sabihin, ampon ka lang?" nagtatakang tanong nito.

"Oo bhe. Pero hindi ko naramdaman na ampon lang ako. Mahal na mahal ako ni nanay ko eh," nakangiti niyang sagot.

"Sinubukan mo bang hanapin ang tunay mong mga magulang?"

"Hindi."

"Bakit?"

"Kasi hindi ko naman alam kung saan at papano ko sila hahanapin. Okay lang naman. Ganyan talaga ang buhay. May mga bagay na kailangan mong tanggapin para makapagpatuloy ka sa mundong ito."

Bahagyang naawa si Joshua kay Purita ng mga sandaling iyon. He never thought that this crazy, carefree girl had a serious and sad past.

"Pero keri lang. Tuloy ang buhay. Ang mahalaga, maganda ako. Hindi ba bhe??" nakangiti niyang tanong kay Joshua.

"Tumila na ang ulan. Umuwi na tayo," yaya nito.

"Eeh. Ilibre mo muna ako," ingos niya.

Saglit na nag-isip si Joshua kapagka ay napabuntong-hininga.

"What do you want?"

"Yey! Ililibre mo talaga ako??" namimilog ang mga mata niyang tanong kay Joshua.

"Habang hindi pa nagbabago ang isip ko."

"Ayos! Gusto kong kumain sa isang Organic Restaurant."

"What? Anong meron do'n?"

"Mmm, mga prutas at gulay lang ang siniserve doon. Sari-saring luto. Walang karne at mga preservatives," mssayang balita niya.

"You're a vegetarian?"

"Oo."

"Bakit?"

"Dahil daw kapag namatay ka, yung mga kinain mong mga hayop ang magpapahirap sayo sa impyerno. Naku, hindi ko matanggap na tutukain lang ako ng manok ano."

Muntik nang matawa si Joshua sa narinig. Kakaiba talaga ang imahinasyon ng babaeng ito.

"So tanggap mo na na sa impyerno ka mapupunta?"

"Ha?"

"Kasi pag sa langit ka pupunta, hindi ka naman papahirapan ng mga kinain mong hayop eh."

Saglit siyang nag isip saka natawa. "Ay oo nga ano. Ngayon ko lang naisip yon. Ang talino mo talaga bhe!" mangha niyang sabi.

"Sadyang mababa lang ang pag-iisip mo kaya hindi mo naisip yun," sagot nito.

"Eh! Ayoko nang maging vegetarian. Tara na nga sa Jollibee! yaya niya saka sinunggaban ang braso ni Joshua at nagsimula nang maglakad.

"Bitawan mo nga ako. Hindi kita girlfriend," sabi nito hababg pilit na tinatanggal ang kamay ni Purita dito.

"Hindi ako naniniwala. Girlfriend mo ako eh."



####

A/N: Sobrang ikli po niyan sana ay maintindihan ninyo. Babawi ako next UD. I swear I mean iut. Hehehehe. Thank you!

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now