Part 36

14.3K 416 48
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 36

***

Umiiyaksi Purita habang nakaupo sa damuhan nang makita siya ni Joshua. Nagtataka siyanitong nilapitan. Nang makita niyang papalapit sa kanya si Joshua ay itinaasniya ang kanyang mga kamay.

"Huwag!Huwag kang lumapit. Lumayo ka..." naiiyak niyang sabi.

"Bakitka umiiyak?"

"Walakang pakialam. Ayaw mo na akong makita di ba? Kaya umalis ka na. Lalo nangayon. Huwag kang lumapit sa akin."

"Pero..."

"Pleaselang."

"Purita..."

***

###

PURITA'S POV

Walang tao pagdating ko ng bahay. Nasatrabaho na naman ang mga tao sa bahay. Samantalang ako ay pagala-gala lang.Bumibigat lalo ang loob ko. Gusto ko sanang tumulong sa kanila ngayon kaso walatalaga akong gana. Broken-hearted ako ngayon. Parang lulubog ang puso ko.Ganito pala ang pakiramdam. Ganito pala ang nararamdaman ni Florentino ngayon.

Bakit pa kasi umalis-alis ang lalakingiyon. Kung nandito lang siya eh di sana may karamay ako sa pagluluksa sa pusokong sawi. Huhuhu. Wala na nga akong bestfriend tapos wala pang boyfriend.Nakaka-depress naman. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang.

"Nakakalimutanmo ba na ikaw si Purita??"

Naalala kong sabi sa akin ni Florentino sabawat sandaling malungkot ako. Napahugot ako ng malalim na hininga. Tama. Akosi Purita. Ang magandang si Purita. Makaka-move on din ako. Matutulog ako nangmahimbing ngayon. At simula bukas, mawawala na itong nararamdaman ko sa bhebheko. Este kay Dyuswa pala. Simula bukas.

Kinabukasan...

Gising na gising na ang diwa ko. Peroparang ayaw pa ng mga mata kong dumilat. Kaagad namang hinanap ng kamay ko angaking cellphone. Babatiin ko si Dyuswa ng magandang umaga. Kung napanaginipanniya ba ako. Hihihi. Kinikilig ang ngala-ngala ko.

Nang mahanap na ng kamay ko ang cellphoneay iminulat ko na ang aking mga mata. Bigla kong nabitawan ang phone at tumamaito sa mukha ko. At may naalala ako. Hindi ko nga pala dapat i-text si Dyuswa.Magmo-move on nga ako di ba?

Minsan talaga dumadaan tayo sa stage nglife natin kung saan inuuna muna nating hanapin ang cellphone kesa magdasalpara magpasalamat sa panibagong araw na ibinigay sa atin ng Diyos. Panibagongaraw sa buhay ko para kalimutan si Dyuswa. Huhuhu.

Tumayo ako sa aking higaan at lumapit sadingding kung saan nakadikit ang mga pictures ni Dyuswa. Akma ko na sana itongtatanggalin. Pero hindi ko talaga kaya. Napasandal ako sa dingding.

"Pictures nga hindi ko kayang tanggalin,feelings ko pa kaya? Huhuhu."

May pag-asa pa ba akong makapag-move on?Diyos ko Lord, bigyan niyo naman ako ng sign. Ang bigat ng mga paa ko habangtinutunton ang daan papuntang banyo para maligo. Kailangan ko pa ring mag-aralpara sa pamilya ko. Hay.

Late na akong dumating sa school. Patay na,Chemistry pa naman ang klase ko ngayon. At sobrang strikta pa ng guro namin.

"You're late Miss Sandoval!" galit na sabing guro namin.

"Ma'am bakit po kayo nagagalit sa mga latenang pumasok? Buti nga po pumapasok pa eh. Samantalang 'yong mga absent hindiniyo naman pinapagalitan."

Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko.Bad mood kaya ako ngayon. Saka totoo naman ang sinabi ko eh. It's better to belate than never. O di ba? Tama ang English ko? Huh. Salamat kay Mario. Hihihi.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now