Kabanata 50- Fallen

11.9K 357 157
                                    

Fallen

"Purita?" untag sa akin ni Dyuswa.

Kasalakuyang nasa labas pa rin kasi ang tingin ko. Nalibang na ako sa pagbibilang ng bituin sa langit. Itinagild ko ang aking ulo para tingnan siya.

"Ano nang sagot mo?" tanong niya sa akin.

"Talaga bang hindi sinturon iyon?"

Umiling siya. Bakas sa reaksiyon ng mukha niya na naguguluhan siya.

"Hindi nga sabi. Purita naman eh. Wala namang kinalaman ang pagkaka-turn on ko sa'yo sa hinihiling ko eh."

Umayos ako nang pagkakaupo at tumango-tango. Alam kong wala ngang konek. Pero doon nakasalalay ang sagot ko sa kanya eh. At dahil hindi sinturon iyon, parang naloloka na ako.

Bakit ba kasi iyon ang naisip ko? I could have thought of another thing to depend sa isasagot ko sa kanya. Bakit iyon pa?

Tiningnan ko siya ulit. He's just waiting for my answer. Napalunok ako ng aking laway saka marahang tumango sa kanya.

"Anong ibig sabihin mo sa tangong iyan?"

"Oo."

"Oo na?"

"Na...let's give it another try."

Kitang-kita ko ang pangingislap ng kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Unti-unti siyang ngumiti sa akin at ilang sandali pa ay may lumabas na luha sa kanyang mga mata.

Kaagad niya itong pinunasan at isinandal ang ulo niya sa upuan. Nakatingala siya ngayon sa roof ng sasakyan habang pinipigilan ang paglabas ng kanyang mga luha. Ilang sandali pa ay nagpakawala siya ng isang mahinang tawa.

Kita mo itong lalaking ito. Kung kailan binigyan ko na ng chance saka pa iiyak? Ginagawa ba niya akong gaga rito?

"Hoy Parker! Ano bang nangyayari sa'yo? Lasing ka pa rin ba? Bakit umiiyak..."

Nabigla ako dahil hinigit niya ako at niyakap nang mahigpit.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon Purita!"

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata sa sobrang sakit na aking nadarama. Sa inis ko ay pinaghahampas ko siya sa likod kaya pinakawalan na niya ako.

Naguguluhan naman siyang tiningnan ako.

"Akala ko ba okay na tayo?" nagtataka niyang tanong.

"Bigla-bigla ka na lang kasing nangyayakap. Ni hindi pa ako tapos magsalita kaya tuloy nakagat ko dila ko! Nakakainis ka naman eh!" sabi ko at pinaghahampas na naman siya sa dibdib papunta sa tiyan.

Pero nang makapa ng mga kamay ko ang matigas niyang tiyan ay naestatwa na naman ako. Bakit kasi matigas iyan? Hindi naman matigas iyan dati ah?

"I'm sorry. I'm sorry baby," panunuyo niya sa akin.

Masyado nang malapit ang mukha namin sa isa't-isa kaya naman amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga na nahalo sa kung ano mang alak ang ininom niya kanina.

Nagti-twerk ang fallopian tube ko! Please don't!

Hinawakan niya ang kanang pisngi ko and he gently rubbed it.

"I just can't believe that this is happening right now. Baka nananaginip lang ako ngayon o dala lang nang pagkalasing ko. I just want to kiss you para malaman kung totoo nga ba ang lahat ng ito o hindi."

Lunod na lunod na ako sa mga tingin niya. Ayokong tumingin sa labi niya dahil baka matukso lang akong halikan iyon. Gusto kong hanapin si Ayissha Kyleigh sa sistema ko pero parang kinain na siya ng fallopian tube ko.

When Dyuswa Meets PuritaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora