Part 42

14.3K 439 27
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 42

##

"Good morning!!!!!" sigaw ni Purita habang nag-i-stretching sa kanyang higaan.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at awtomatikong tumingin sa dingding. Lumaki ang kanyang mga mata ng hindi niya makita ang mga litrato ni Joshua.

"Saan napunta 'yon? Sinong nagnakaw ng mga litrato ng bhebhe ko?"

Kaagad siyang tumayo at lumabas ng kwarto niya. Mas lalong bumilog ang kanyang mga mata sa nasaksihan. Hindi nila ito bahay. Ilang sandali pa ay kumalma rin siya nang mahimasmasan siya. Oo nga pala. Nandito siya para magpanggap na kapatid ni Joshua. Napapakamot siya ng ulo na bumalik sa silid niya.

Papasok na sana siya sa loob nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Joshua.

"Anong nangyari?" tanong nito sa kanya.

Hindi maiwasan ni Purita ang ngumiti nang maluwang. Ganito pala ang mukha ni Joshua kapag bagong gising. Magulo ang buhok at medyo nakapikit pa ang mga mata.

"Wala naman. Good morning!" kinikilig niyang bati.

"Good morning din. ATE," sabi nito saka sinarhan muli ang pinto.

Napangiwi siya sa narinig. Inaasar talaga siya ng lalaking iyon. Buti na lang at good mood siya ngayon kaya palalampasin niya muna ito.

"Ay oo nga pala. Ang kondisyon ko siya kanya," naalala niyang sabi. Mabilis siya kumatok sa pinto nito.

"What?" tanong nito na magkasalubong ang kilay.

"May kondisyon ako sa'yo. At kailangan mo nang malaman ito ngayon din."

Napahawak ito sa kanyang ilong. "Nakapagmumog ka na ba?"

"Ha?" nagtataka niyang tanong.

"You know what, magmumog ka muna bago mo ako kausapin. At may muta ka pa. Don't you know?" tanong nito at sinara ulit ang pinto.

Naiwan namang natitigilan si Purita. inamoy-amoy nga niya ang kanyang hininga.

"Tss. Normal lang naman na bumaho ang hininga ng isang tao kapag gumising sa umaga eh," depensa niya saka bumalik na sa kanyang kuwarto.

###

Kumpleto ang pamilyang Raymundo sa hapag-kainan ngayong umaga. Kaya naman hindi maiwasan ni Joshua ang ngumiti. Minsan lang kasi mangyari ang ganitong eksena. His parents are both busy sa kanilang trabaho. Kaya minsan hindi na sila nagkaka-abutan sa pagkain.

"Apo ko, dito ka umupo sa tabi ko," nakangiting sabi ni lola Rosita kay Purita.

Nakangiti namang tumabi si Purita sa matanda. "Lola, ang ganda niyo naman kahit matanda na kayo. Sana pagtanda ko ganyan din ako kaganda."

"Nako, kung alam mo lang halos patayin ng lolo moa ng ibang manliligaw ko rati."

"Wow. Talaga po lola? Nakakainggit naman po kayo. Ako nga po, parang ako pa ang nanliligaw kay Dyus.."

Nahinto siya sa pagsasalita nang makitang pinanlakihan siya ng mga mata ni Joshua. Tinikhim na lang niya ang kanyang sasabihin saka hinarap na lang ang pagkain.

"Mabuti na lang iha at nasa iisang school lang pala ang pinapasukan niyo ni Joshua," sabi naman ng ina ni Joshua.

"Oo nga po mommy eh. Atleast hindi na gasto sa gasolina," biro niya.

Tawanan naman ang lahat sa kanyang biro.

"Siya nga pala Ayissha, mabait ba do'n ang kapatid mo?" tanong sa kanya ni Hannah.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon