Part 10

20.5K 730 96
                                    

###

"Tama na ang satsat. Malapit nang dumating ang mga magulang mo dala ang ransom. Ibig sabihin, malapit mo na ring makita si Kamatayan," sabi ng isa saka tumawa nang malakas.

"Boss, eh anong gagawin natin sa girlfriend niya. Papatayin din natin?" tanong ng isa pa.

"No. Don't touch her!" mariing sabi ni Joshua.

"Sino ka para utusan kami??"

"Ako lang ang kailangan niyo di ba? Kaya huwag niyo na siyang idamay."

Umusod palapit sa kanya si Purita. "Hindi pwede. Kung papatayin niyo si Joshua, patayin niyo na rin ako," matatag nitong sabi. He gave her a warning look.

"She's not my girlfriend. Kaya huwag niyo siyang idamay dito."

Binigyan naman siya ni Purita ng isang bakit-mo-sinabi-yon na tingin.

"Hindi mo naman pala syota eh. Bakit hinahabol ka niya kanina?" tanong ng isang lalaki.

"Boyfriend ko siya. At girlfriend niya ako. Hindi nga lang siya aware," sabad ni Purita.

Magsasalita pa sana si Joshua nang may narinig na silang tunog ng sasakyan. Inutusan ng tiyo ni Angel ang dalawa na magbantay at siya naman ang haharap sa mga magulang ni Joshua. Iniwan nito ang dalawa kay Angel at lumabas na.

Dahan-dahang lumapit sa kanila si Angel.

"Joshua, patawarin mo sana ako sa ginawa ko. Wala akong magawa. Si tiyo Karding na kasi ang nagpalaki sakin at siya na lang ang natitira kong kamag anak. Kaya nunh sinabi miyang buhay pa ang ama ko, nabuhayan ako ng loob. Hindi ko to ginusto pero wala eh. Alam kong mali ang ginawa ko kaya sana patawarin niyo ako."

"Sana sinabi mo sakin dati pa. Tutulungan naman kita eh. Kung kapatid nga talaga kita. It was all my father's fault for leaving you behind."

"Natakot ako Josh. Sinasaktan kasi ako ni tiyo Karding eh," naiiyak nitong sabi.

Naawa naman si Joshua sa narinig. Kung totoo man ang narimig niya, may ate na pala siya. At si Angel yun. Naintindihan niya ito. Kaya bukal sa loob niya itong pinatawad. Nagulat siya nang niyakap siya nito.

"Maraming salamat Joshua," mangiyak ngiyak na sabi ni Angel.

"Op op. Tama na yan. Baka nakakalimutan niyo na magkapatid kayo," awat ni Purita.

Natatawang tiningnan siya ni Angel.

"So ikaw pala si Purita? Finally. Nice to meet you," anito.

"Same same. Boto ka ba samin ni Joshua?" tanong niya dito sabay kindat kay Joshua na napabuntong hininga lang.

"Oo naman. Bagay kayong dalawa honestly," nakangiti nitong sagot.

"Bhe! Narinig mo yun?? Hindi ka ba kinikilig? Sample naman d'yan bhe!" masayang sabi niya kay Joshua.

"Boss! Naloko tayo!"humahangos na sabi ng isang lalaki. Napatayo si Angel sa narinig.

Kasabay nun ay ang pagtunog ng sirena ng police car. May narinig na silang putukan sa labas. Lumabas ang lalaki para saklolohan ang bossing nila.

Kaagad na lumapit sa kanila si Angel saka kinalasan sila.

"Kailangan niyo nang umalis. Delikado,"sabi nito.

"You'll go with us," sagot ni Joshua.

Nang matanggalan na sila ng tali ay siya namang pagpasok ni Karding na may dalang baril.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now