Kabanata 16- Hunch

9.6K 352 71
                                    

Hindi natin maiiwasan na magkaroon ng isang masamang desisyon para sa ikabubuti ng iba. Makakasakit tayo ng feelings nila at magmumukha tayong kontrabida sa kanilang paningin. Where in fact, ginawa lang naman natin iyon hindi para sa sarili natin. Kundi for a common good.

Tulad nang ginawa ko ngayon. Nilipat ko ang birdhouse ni BhebheQoh sa likod ng bahay. Nakakaasar na kasi ang kalandian niyang taglay kapag may mga bisita akong lalaki eh.

Nagmamakaawa na nga siya sa akin na magbi-behave na raw siya. Huh! Ako pa ba? Si Purita? Lolokohin ng isang aso? Manigas siya roon sa backyard!

Inayos ko ang aking sarili dahil magre-report na naman ako sa kapita-pitagang opisina ni Dyuswa Raymundo. Sana ay hindi na kami magkasagutan ngayon. Pinangako ko pa naman sa self ko na magiging very good fake girlfriend ako sa kanya. Nakakaloka. Dahil sa mga inasal ko noong nakaraan, baka hindi ko na maa-achieve ang tugatog ng tagumpay.

Promise, ika-kalma ko na talaga ang sarili ko. Patience lang ang kailangan ko. Trabaho lang talaga, walang personalan.

Muli kong pinasadahan ang repleksiyon ko sa salamin. Ang ganda-ganda ko talaga.

Hay. Hingin ko na lang kaya ang talking mirror ni Dyuswa para naman hindi na ako parang sirang-plaka na purihin ang sarili ko. Nakakasawa na rin eh.

Ilang sandali pa ay lumabas na ako ng bahay. Dinig ko pa ang panaghoy ni Bhebhe Qoh sa backyard. Naaawa ako pero para sa kanya rin naman ang ginawa kong iyon eh.

Habang nakasakay ako sa taxi ay biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Windang na windang talaga ang brain cells ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over.

Girlfriend ni Florentino si Diane. Nasampal ko ang babaeng iyon. Inakusahan na naman ako ng mga bagay na nagpabagabag ng slight sa akin kagabi. Sising-sisi talaga ako kung bakit hindi ko na lang sinampal ang magkabilang-pisngi niya.

Dagdagan pa ng kabangagan ni Luke. Na-i-stress ang fallopian tube ko. Sinabi nang ayaw kong magpaligaw eh. Sobrang pushy! Saka gusto siya ni Ginny ano. Ilalakad ko pa nga siya sa bestfriend ko eh. Kaya hindi talaga puwede.

Huminto ang taxi sa tapat ng building.  Pagkatapos kong magbayad ay bumaba na ako. Habang tinatahak ko ang lobby ay nakasalubong ko si Jasmine. Ang secretary ni Dyuswa.

"Ma'am Ayissha. Ang aga niyo yata ah? Miss niyo na agad boyfriend niyo?" tanong nito sa nanunuksong tono.

Buti at friends na kami kung hindi ay baka nasupalpal ko ang babaeng ito.

"Oo eh. Nabitin kasi ako kagabi. You know."

Para naman siyang natameme sa sinabi ko. Sobrang shock ang loka. Akala niya naman totoo. Nakakaloka.

"I-ibig niyo pong sabihin..."

Mabilis na akong tumango bago niya pa dugtungan ang sasabihin niya.

"Ang swerte-swerte niyo naman po ma'am. Ahm, how's the feeling po?"

Ay nakakaloka ang babaeng ito! Ang sarap niyang ingudngod sa dingding. Akala ko kasi tatahimik na siya eh. Usisera rin pala.

"Feels like heaven."

Tutal, naumpisahan ko na. Ituloy-tuloy ko na nga itong panti-trip ko sa kanya. Dalawa lang kami nang makapasok na sa elevator kaya ipinagpatuloy ko ang paghabi ng kuwento.

"Iyong feeling na magkahinang ang inyong mga mata under the moonlight na lumalandas sa glass wall ng kanyang kuwarto..."

Umirit pa ang kabayong katabi ko habang naninindig naman ang balahibo ko sa mga pinangsasabi ko ngayon.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon