Part 59

14.4K 439 67
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 59

****

DURING THE OPERATION...

PURITA'S POV

Nasa labas kami ng operating room nina inay at tita Sarah. Naghihintay na matapos ang operasyon ni itay. Kinakabahan ako na natatakot dahil baka hindi maging matagumpay ang operasyon ni itay at magkaroon siya ng mas malalang komplikasyon sa katawan. Diyos ko Lord, sana naman po ay walang mangyaring masama kay itay. Kung may ibibigay man po kayong karma dahil sa pagsisinungaling ko, sa akin Niyo na lang po ibigay. Huwag lang po kay itay. Dahil kaya ko naman ginawa ito ay dahil nga kailangan ni itay na mapagamot agad eh.

Nilapitan ko si inay na tahimik lang na nakaupo sa mahabang upuan. Alam kong kahit hindi siya magsalita ay nararamdaman ko pa rin na nag-aalala rin siya sa operasyon ni itay. Hinawakan ko ang mga kamay niya saka ngumiti.

"Inay, huwag po kayong mag-alala.Magagaling ang mga doctor na mag-oopera kay itay."

Iyon ang sabi sa akin ni Dyuswa. At syempre naniwala naman ako dahil ang ospital nila ang pinakasikat at kilalang ospital dito sa bansa eh.

"Alam ko. Pero wala namang perpektong tao anak eh.Paano kung magkamali sila?"

"Ang nega niyo naman 'nay.Ano ba 'yan. Akala ko ba sa'yo ako nagmana sa pagiging positibo sa buhay?"

Napabuntong-hininga siya saka pinilit na ngumiti. "Alam mo namang kahit palagi kaming nag-aaway ng itay mo eh mahal na mahal ko 'yon. Hindi ko kayang mawala siya anak."

"Kayang-kaya ni itay 'yan. Malakas kaya ang fighting spirit no'n," pagpapatatag ko sa loob niya.

"Sana nga anak. Sana."

"Purita."

Napatingin ako kay tita Sarah nang tinawag niya ako.

"Po?"

Sinundan ko ang tingin niya at nakita buhat sa malayo si tita Veronica kasama ang ilang mga doctor. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi pupwedeng makita ako rito ni tita Veronica. Baka ano pa ang isipin no'n pag nakita niya ako rito. Nagkukumahog akong nagpaalam sa kanila at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Siguradong papagalitan ako nito ni Dyuswa kapag nalaman niyang pumunta ako rito sa ospital.

Muntik na akong madulas sa pasilyo sa sobrang pagmamadali. Nang lumiko ako sa kaliwa ay nandoon din pala sina tita Veronica. May sa pagka-multo pala itong mommy ni Dyuswa eh. Kanina lang ay nasa area namin sila. Ngayon nandito na naman sila sa pinagtakbuhan ko. Nakakaloka. Nabigla ako nang biglang may tumakip sa bibig ko at hinatak ako papasok sa isang room.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Dyuswa. Inis niya akong isinandal sa dingding ng kwarto habang tinatakpan pa rin niya ang bibig ko ng kanyang kamay. Naaamoy ko na naman tuloy ang mabango niyang hininga. Ano ba ito.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba at sabi ko sa'yo eh huwag ka nang pumunta rito?"

Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil nakatakip nga ang bibig ko ano.

"Bakit hindi ka makasagot?"

Tanga ba siya? Paano ako makakasagot sa ginagawa niya sa akin? Inis kong sinenyasan siya na tanggalin niya ang kamay niya sa bibig ko. Kaagad naman niyang tinanggal iyon.

"Gusto ko lang kasing malaman agad ang resulta ng operasyon kay itay. Saka kailangan ako nina inay."

"But you're putting yourself in danger. Paano kung nakita ka rito ni mommy? Ano na lang ang sasabihin niya? Baka maghinala pa siya at magpa-imbestiga tungkol sa'yo.Baka malaman ng itay mo ang totoo because of your reckless act."

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now