Part 39

16.3K 484 35
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 39

***

Inis na binato ni Purita si Joshua nang dala-dala niyang saging. Buti na lang at umilag ito.

"Ayoko nga!"

"Bakit ayaw mo? Tinutulungan na nga kita eh."

"Wow. Thank you ha? Pero ayoko."

"I really need you," pagsusumamo nito.

"Bakit ba gano'n ka na lang ka-obsess d'yan?"

"I have a personal reason."

"Ayoko pa rin," matigas niyang sabi saka nagpatuloy sa paglalakad.

Hinabol naman siya ni Joshua.

"Pag-isipan mo ngang mabuti ang alok ko sa'yo. Madali lang naman ang gagawin mo eh."

"Kung ikaw pinaglihi sa pagsisinungaling, ibahin mo ako bhe!"

Napahilamos si Joshua ng kanyang mukha. Halata na sa mukha nito ang pinipigilang inis at pagtitimpi kay Purita.

"Ano pa bang gusto mo maliban sa unang alok ko sa'yo?"

Napahinto sa paglalakad si Purita nang marinig ang tanong nito. Dahan-daahan niyang nilingon ang kanyang ulo sa direksiyon ni Joshua.

"Sigurado kang ibibigay mo kahit anong gusto ko?"

"Oo," napabuntong-hininga nitong sagot.

Gumuhit ang ngiting-aso sa mukha ni Purita nang marinig ito.

###

PURITA'S POV

Nakahawak sa pader ang aking mga kamay habang nagtatagisan kami ng tingin ni Dyuswa. Jusko, bakit ba ganito siya makatingin sa akin.

Napapikit na ako nang makita kong ibinuka na niya ang kanyang bibig. Alam ko na ang kasunod ng mga ganitong eksena eh. Hahalikan niya ako. Siyempre hindi na ako magpapakipot ano.

"We need to talk."

Naputol ang kilig ko sa sinabi niya. Gano'n lang 'yon? nakakainis naman. Kailangan lang pala naming mag-usap tapos gano'n pa ka-intense ang ginawa niya. Urgh. Iminulat ko ang aking mga mata.

Medyo malayo na siya sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata na may problema siya.

"Anong pag-uusapan natin? Akala ko ba ayaw mo na akong makita?"

"I have to tell you something," seryoso niyang sabi.

Oh no. Magtatapat na ba siya sa akin? Sabi ko na eh. Made-develop din siya sa akin. Naku, kung nandito lang sana si Flower ngayon, ipagmamalaki ko talaga sa kanya ito. Thank you Lord. Ang aga namang blessing nito.Hihi. Inayos-ayos ko muna ang aking buhok saka ngumiti sa kanya.

"Ano 'yon?"

"Huwag ka sanang mabibigla."

"Naku!Ano ka ba. Matagal ko na ring ini-expek 'yang sasabihin mo eh. Kaya sabihin mo na," sabi ko sabay kindat.

"Be my...elder sister."

"Yes! Yes!" maagap kong sabi.

"Yes? Anong sinabi mo?" tanong ko sa kanya nang ma-proseso na ng utak ko ang sinabi niya.

"Be my elder sister."

"Elder sister? Ako?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Oo."

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon