Part 11

21.5K 664 43
                                    

Kanina pa naiinis si Joshua sa kakasunod ng dalawang babae sa kanya. Hindi na niya alam kung papano sila papatigilin. Kaya naman idinulog niya ang kanyang problema sa adviser niyang si Mario.

"Pinsan ni Eileen si Purita?? Wow! Coincidence ba to pre?" naaamazed na tanong ni Mario sa kanya.

"I dont care pare. I just need to get rid of them."

"Alam mo, may plano na ako."

"Ano?"

"Hali ka at ibubulong ko sayo."

###

Sa isang coffee shop. Doon nag-uusap sina Purita at Flower.

"So yung Eileen pala ay pinsan mong buo?"

"Oo."

"Ba't di mo sinabi sa akin dati?"

"Big deal ba yun? Ang big deal ngayon ay inaagaw niya sa akin si Dyuswa," inis niyang sabi.

"Itigil mo na kaya yang paghahbol kay Joshua," suhestiyon nito.

"Para mo na ring sinabi na hindi ako huminga niyan eh."

"Edi OA! Hindi ka naman gusto nun eh."

"Gusto niya ako. Malapit na. Nararamdaman ko na ang sparks!"

"Sparks? Baka makuryente ka niyan at magkikisay ka na lang sa daan?"

"Ang sungit mo ngayon bakla. May PMS ka ba?"

"Wala. Naloka lang ako sa pagpapaliwanag kay Mario sa totoong nangyari."

"Naku sorry ha? Ang pinsan mong yan oa din minsan ha? Hindi naman kagwapuhan," napalabi niyang sabi.

"Ikaw na nga ang tinulungan, manlalait ka pa?"

"Iba yung panlalait sa nagsasabi ng totoo ano."

"Ewan ko sayo."

"Tulungan mo na kasi akong dispatsihin sa landas namin ni Dyuswa ko si Eileen. Please??"

"Ayoko nga."

Napanguso siya. "Hindi moko love."

"Huwag mo akong idaan d'yan ha? Andami ko nang tinulong sayong bakla ka."

"Last nato promise," sabi niya sabay wink.

"Ano na?"

"Yehey! Ganito yun," at binulong niya ito kay Flower.

####

Nagulat si Eileen nang makitang may isang bouquet ng pulang rosas sa kanyang upuan. Kinuha niya ito at may isang note na nakalagay.

Hi my one and only. Roses for you. Sana magustuhan mo.

Hindi niya maiwasang mapangiti sa nabasa. Sigurado siyang si Joshua ang nagpadala nito. Nahihiya lang mahbigay ng personal.

Mabilis siyang lumabas ng kwarto niya at hinanap si Joshua. Dala dala pa rin niya ang mga rosas. Natagpuan niya si Joshua na kumakain sa canteen kasama si Mariong pilandok.

"Joshua! Salamat sa bulaklak ha?" masaya niyang sigaw. Nagkatinginan ang mga estudyante sa kanila at nag umpisa na ang asaran.

"What are you talking about?" naguguluhan nitong tanong.

"Dyuswa!! Bhe!! Salamat dito sa chocolates na binigay mo ha?" sabi naman ng paparating na si Purita.

Palipat-lipat ng tingin si Joshua kina Eileen at Purita na naguguluhan.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon