Part 3

29.5K 985 139
                                    

***

"Oh bakla bakit nakanguso ka d'yan ngayon?" puna ni Flower kay Purita.

"Nati-threaten ako," sagot niya.

"Sa ano?"

"Pakiramdam ko may gusto si Dyuswa sa Angelibog na yun eh."

"Pano mo nman nasabi yan?"

"Yung ngiti niya sa babaeng yun, kakaiba eh. Para akong dinadaga," sagot niya.

"Okay, game over na ito. Tama na kasi ang kaka stalk sa kanya. Hindi ka naman nun papansinin eh."

"Ano ka? Pinansin niya kaya ako kanina habang papasok kami ng canteen.

"Anong sabi?"

"Kung may plano daw ba akong buksan ang pinto. See? Pinagbuksan ko siya ng pinto," pagmamalaki niyang sabi.

"Whatever Purita. Umaandar na naman yang kaambisyunan mo," naiiling na sabi nito sa kanya.

"Pero nakipag break na ako sa kanya eh. Ano nang gagawin ko?"

"Eh di balikan mo. Tutal ikaw lang naman ang may karapatan dahil ikaw lang naman ang nakakaalam ng relasyon niyong dalawa," asar nitong sagot.

"Baklang hukluban ito," nakasimangot niyang sabi.

###

Dear Dyuswa,

Na.miss mo ba ako? Kasi ikaw miss na miss talaga kita eh. Naalala mo pa yung moment na sinagot kita? 11:59 pa yun ng gabi ng October 31.Masaya ako dahil isang minuto na lang at mananakot na tayo sa mga kabataan dahil halloween na. Hihi.

Sino ba si Angel na yan? Ayoko siyang nakikitang umaaligid sayo ha? Hindi siya paru-paro. Isa siyang bubuyog. Akin ka lang ha? Okay? Nakikipagbalikan na ako sayo. I swear I mean it.

PS . Handa na talaga akong magpakita sayo. Meet me sa puno ng acacia later? Magpapaganda ako sayo pramis. Hihihi.

Love love love,

Purita

Napabuga si Joshua sa nabasa. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon. Hihintayin siya sa acacia? Baka maligno lang ang makita niya do'n eh. Hindi na siya magpapauto pa.

***

Acacia, 3pm

"Dumating ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Purita.

"Yah. Veni, vedi, veci."

"Eh? Ano yun??" naguguluhan niyang tanong.

"I came, i saw, i conquer," sagot nito.

"Aaaaaaaah! Pumunta ka dito para sakupin ako??? Ang sweet mo talaga," kinikilig niyang sabi.

"Let me kiss you," sagot nito.

"H-ha???"

Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa mukha niya. Hahalikan ba siya nito ngayon??? WAaaah.

Maarteng inilayo ni Flower ang mukha niya kay Purita.

"Ikaw bakla namimihasa ka na ha? Porke ba at mestisong bakla ako ay papayag ka nang makipaglaplapan sa akin? Ewwness ka!" maarteng sabi nito.

"Naku sorry. Nadala lang ako sa practice natin. Iniimagine ko kasi na si Dyuswa ka eh. Hihi."

"Tse!"

"Okay na ba yun?"

"Okay na kung iyon sana ang reaksiyon niya pag makita ka," sabi nito saka biglang tumawa.

When Dyuswa Meets PuritaWhere stories live. Discover now