Season 1 |26|>>#Beldrick (Part One)

106K 1.2K 169
                                    


Yung picture ni Justin with Jaden nasa gilid. :)

And like the #BGFAG  page guys!  thanks!

~~~

Several years before

Jesse's POV 


"Isabelle, tara mall tayo,"


"Huh? Ayoko Jesse, busy ako eh,"


"Hmph! You always have an excuse for me, Belle."


Pagkasabi ko nun kay Isabelle ay tumalikod na ako. Nakakainis naman kasi eh! Best friend ko siya pero ngayon feeling ko,  unti-unti na siyang lumalayo sa akin. Tsk! Kasalanan 'to ni kuya Nico eh! Kung hindi niya niligawan si Isabelle, sana walang pinagkaka-abalahan ngayon ang kaibigan ko.


Alam ko naman super in love si Belle kay kuya eh, kaya nung niligawan siya nito ibunuhos lahat ni Isabelle ang oras niya sa kuya ko at nag papasalamat din ako dahil kahit papaano ay nababawasan na ang pagiging moody ng best friend ko at hindi na ako masyado nababalingan nito sa tuwing nasa hindi siya magandang mood, pero may mga oras din na hinahanap ko ang presensya niya at ang wala niyang sawang pagku-kwento sa akin.


Malapit na ako sa upuan ko ng bigla kong maramdaman na may yumakap sa akin mula sa likod.


"Isabelle?"


"Jesse, best friend sorry na. Please 'wag ka na mag tampo?" 


"Kasi naman Isabelle eh! Simula nang ligawan ka ni Kuya, hindi mo na ako pinapansin!"


"Uy, hindi naman sa ganun Bestie... Sobrang gusto ko lang talaga kuya mo, at dati ko pa 'to pinapangarap 'di ba? Kaya medyo siya muna ngayon ang pinagkakabaalahan ko. Pero promise Bestie after kong sagutin si Nico, mag mamalling ulit tayo!"


Dahil na-miss ko na ang best friend ko at hindi ko siya kayang tiisin, ay binigyan ko siya ng famous power hug ko. "It's okay Bestie, I understand! Basta promise mo ah, mag mamall ulit tayo ah."


"Promise Bestie, cross my heart!"


"I'll hold on to that ah!"


"Sure Bestie, so una na ako ha? Hinihintay na ako ni Nico eh,"


"O sya umalis ka na nga, kwentuhan mo ako bukas ah,"


"Sure! Bye!"


"Bye Bestie!"


Nag part ways na kami ng bestfriend ko.  Tapos nun nag mall na lang ako ng mag-isa. Mga ten na ata nang gabi ng makauwi ako sa amin. Nagalit sa akin si Daddy pero katulad ng sinabi sa akin ni kuya Nico, dapat lahat ng sinasabi ni Daddy wag ko na lang daw pansinin. Tsk! Ang bad talaga ng kuya ko, pero effective yung suggestion niya! 

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon