El Destino desde 1870 (The fa...

Im_Vena द्वारा

31K 2K 373

Completed El Destino desde 1870 is a series that splits its time evenly between two time periods revolving ar... अधिक

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Wakas
Liham
ANNOUNCEMENT
THANK YOU!

Kabanata 49

276 24 4
Im_Vena द्वारा

Olivia,

Ang kadiliman ay nagsimula na. Tuluyang ginapi ang liwanag na siyang tangi naming pinanghahawakan sa buhay na kay pait. Mga luhang umaagos ay tuluyang natuyo. Dugong dumadanak ay natigil at ang kasarinlang hinahangad ay napawi.

Dagok ang nakamtan sa kasakimang hantaran. 'Di mawari ang sakit, pighati at pagkamuhi sa mga taong lubos na aking tinatangi. Bakit nila ito nagawa? Pagkukulang bang matatawag ang pagtitiwalang inalay? O kasalanang hindi mapapantayan?

Tuluyang natigil ang aking pagsusulat sa kwaderno nang muling magsituluan ang aking mga luha nang aking maalala ang aking nasaksihan sa plaza kahapon. Pumikit at tuluyang nilamon ng panginginig dala ng galit.

Nang ako ay magising sa piitan matapos ang aking panaginip ay pinalaya ako ng mga gwardya sibil na tila hindi na nila ako kailangan pa. Lubos ko iyong ikinataka lalo nang aking malaman na nauna pang palayain sila Señor Carlos sa akin.

Subalit nang aking mapagtanto ang mga pangyayari, na hindi na lamang kathang-isip ang mga pagtatraydor ay lubos akong kinain ng poot. Dinagdagan pa iyon ng aking nasaksihan kahapon.

~•~

Halos mapataklob na lamang ako ng aking bibig nang masaksihan ang garotteng nagaganap sa plaza ng San Fernando. Kalalabas ko lamang sa piitan at ang nais ko lamang ay magtungo sa Bahay Aliwan, subalit hindi ko inaasahang ganito ang aking masasaksihan.

"Hindi ba ang binatang ngayon ay pupugutan ayang manunulat na si Ginoong Leonardo?"

"Isa siyang erehe, nararapat lamang iyon."

"Malaking kaguluhan ang kaniyang ginawa. Siya ay lubos na nakakahiya!"

Halos mabingi ako sa iba't-ibang kwentuhang aking narinig sa aking paligid. Ang mga naghihilom kong sugat ay tila bumalik sa aking nasasaksihan ngayon. Naroon ang Ginoo at wala na ring halos malay na nakatayo sa harapan habang naghahanda ng pugutan ng ulo. Nakatali ang kamay at paa na tila gumawa ng isang karumaldumal na krimen. Ni hindi man lamang nila ito tinakluban ng kahit anong tela sa mukha. Nais nila itong ipahiya.

Akala ko ay lubos na ang aking naiyak nang ako ay magising mula sa pananaginip ng kaniyang pamamaalam. Subalit ang masaksihan ito ngayon ay lubos pa sa paulit-ulit na kamatayan. Tila 'di mabilang na karayom ang ibinabaon sa aking dibdib, ni sa panaginip ay hindi ko napaghandaan ang pangyayaring ito. Ang dating kasama ko lamang na tumanaw sa mga taong namamatay sa garotte ngayon ay siyang makakaranas ng kalupitan ng bayan na kaniya lamang ipinaglalaban.

"Tila patay na ang ginoo at mukhang papatayin lamang nila muli." Hindi ko maatim na mapakinggan pa ang mga iyon subalit wala akong magawa upang sila ay suwayin dahil tama ang kanilang tinuran. Bangkay na ang Ginoo na aking tinatangi. Bangkay na siya subalit kinahihiya pa rin. Nilalapastangan nila ang bangkay ng aming pinuno sa harap ng napakaraming taong bayan. Isang utos na binaba mula sa Maynilad.

"Tingnan niyo ang ereheng hangal!" Tumawa ng malakas ang Gwardya Sibil na ngayon ay may hawak nang tabak. Umiiyak na tinanaw ko lang ito at wala na halos magawa. Suot ang itim na kasuotang pangmadre at ang itim din na tela na aking itinataklob sa aking mukha ay nagpatuloy lang ako sa pagtingala. Pinagmamasdan ang bangkay ng aking minamahal at nagpipigil ng galit.

Kabaliktaran ng kaniyang mukha sa aking panaginip ang aking nakikita ngayon. Wala na halos kulay ang kaniyang mukha. Lubog ang mga mata, payat na payat. Puno ng sugat ang katawan at mga butas na mukhang mula sa bala ng baril. Duguan ang barong na damit. Walang panyapak at mayroon ding butas ang sintido. Napapikit na lamang ako nang hindi ko na halos kayaning tingnan ito.

Paano nila nagawa ito? Paanong ang marangal na taong tanging hinahangad lamang ay ang malayang bansa ay nagkaganito? Paanong nauwi sa ganito ang lahat. Hindi ko ito matanggap. Hindi ko lubos matanggap ang lahat ng ito. Hindi dapat ito ang nangyayari. Hindi ito ang aming pinlano. Malayo ito sa lahat ng aming pinagsikapan. Malayong-malayo sa aming pinangarap.

Sa nanlalabong mata ay nasaksihan ko ang marahas na pagpugot sa ulo ng aking pinakamamahal. Isang pangyayaring hindi na mawawaglit sa aking isipan at alam kong babaunin ko hanggang kamatayan. Wala na rin halos dugong tumalsik sa pagpugot ng ulo niya, subalit triple ang sakit na aking nadarama.

Mga hayop sila! Pinatay nila si Leonardo at binaboy pa nila ang bangkay nito.

Ang hindi ko rin halos matanggap ay ang katotohanang walang umangal sa mga hangal na taong nakikinuod lang. Maging ang mga taong sinubukang iligtas ng Ginoo sa kamangmangan, at ang mga taong lubos niyang pinagkatiwalaan.

Naroon si Carlos at nanunuod din lamang. Hindi siya nakaligtas sa aking mga mata bagama't napakalayo niya at talagang nag-u-umapaw ang sakit at aking tahimik na pag-iyak.

Ang kuyom ko nang kamao ay mas natikom pa dahil sa kaniyang presensya. Naroon din si Agnes at ang ilan pa naming mga kapanalig. Mga taksil na nais lamang ay pansariling kapakanan.

Sumpain kayo sapagkat ang aking mga kamay mismo ang tatapos sa inyong mga buhay kagaya nang kung paano niyo wakasan ang buhay ng Ginoo.

~•~

Hindi ko na napigilan pang mapahiyaw at maitapon ang lahat ng laman ng lamesa sa aking kubong kinalulugaran. Ang kubong ginawa ko sa gitna ng kagubatan na minsan na rin naming tinuluyan ni Leonardo.

Limang araw na ang nakalilipas subalit hindi pa rin halos mawala sa isip ko ang nangyari. Nagluluksa pa rin ako at sinisisi ang sarili sa pagkukulang na nagawa. Kung hindi sana kami nagpahuli ay maaaring maiwasan ito. Subalit kung hindi sana kami isinuplong ni Agnes ay walang mangyayaring ganito.

"Mga hayop kayo!" Muli ko iyong naisigaw at galit na naihampas na lamang ang sariling ulo sa lamesang aking nasa harapan. Wala na ang talaarawan dahil tuluyan na iyong tumalsik sa lapag dala ng aking pagdaramdam. Muli na naman akong naiyak kung kaya naman hinayaan ko na lamang din. Umaasang darating ang araw na tuluyan nga itong matutuyo at maisasakatuparan ang aking mga pinaplano ng wala ng kurot sa puso.

Subalit sa bawat oras na pumapatak at bawat pagbalik ng alaala ng kaniyang bangkay na katawan sa plaza ay tila nawawala ako sa katinuan. "Ayaw ko na! Kunin mo na rin ako mahal ko! Parang awa mo na, balikan mo ako Leonardo!" Ito pala ang ibig sabihin ng aking panaginip. Akala ko ay isa lamang iyong masamang bangungot subalit mukhang iyon pala ay isang pagdalaw. Isang malungkot na pamamaalam. Bagay na kailanman ay hindi na mangyayari sa aking reyalidad sapagkat siya ay patay na. Namatay siya hindi dahil sa sakit o dahil sa mga bala. Namatay siya sa pagtatraydor ng mga taong tinuring naming pamilya. Bagay na mas masakit kaysa sa kahit anong bagay na nangyari sa amin.

"Paano niyo nagawa sa amin ito!" Muli ko iyong naisigaw at ang tanging nakapagpatigil na lamang sa aking pagwawala ay ang biglaang pagpasok ng Madame Racelita mula sa labas. Salubong ang kilay niya at halos takbuhin ako nang kaniyang mapagtanto ang nangyayari.

"Jusko, Olivia. Parang awa mo na, huwag mo nang pasakitan ang iyong sarili. Wala na siya, wala na ang Ginoo." Mula sa pagkakatayo sa aking gilid ay niyakap niya ako at hinagod ang likod.

"P-Paano nila ito nagawa? Paano nila nagawa ito?" Paulit-ulit ko iyong tanong kung kaya naman halos wala rin siyang masabi. Niyakap niya lang ako at piniling ganoon ang gawin.

"Shhh.."

"H-Hindi ko maintindihan! W-Wala akong maintindihan. Magkakaibigan kami... pero... Pero bakit!" Humahagulgul na tanong kong muli. "Anong kasalanan namin sa kanila? A-Ang akala ko ay pamilya kami!" Mas humigpit pa ang yakap ni Madame Racelita sa akin.

"Jusko, Olivia."

"Isang huwad! Mga huwad!" Sobrang sakit ng aking nararamdaman. Paulit-ulit na lang at nangyari na naman. Ano ba talagang maling nagawa ko para humantong ang lahat sa ganito. "Pagbabayaran nila ito! Sisingilin ko sila! Sa ngalan ng Cagabong. Ipinapangako kong ako mismo ang maghahatid sa kanilang huling hantungan." Ang salitang binitawan kong iyon ay hindi sineryoso ng Ginang. Lumipas ang mga araw at hindi na niya ako iniwan. Doon na kami nanuluyan sa kadahilanang tuluyan na rin palang isinara ang Bahay Aliwan. Napag-alaman ko na lamang isang araw na ang Señor Carlos Laong na ang siyang Gobernadorcillo ng Bayan ng San Fernando. Kinasal sila ng Indiang si Agnes Tenor. Lubos ang sakit na aking naramdaman sa kaalamamg ang ginhawang kanilang nararanasan ay ang kapalit ng kanilang pagtataksil.

Nahuli si Don Mariano at binikti sa puno ng mangga. Sinabing nagpakamatay raw ito subalit alam kong kabaliktaran niyon ang nangyari. Si Kapitan Arturo naman ay tuluyan nang nilimot ang alyansa at muling bumalik bilang tuta ng Gobernadorcillo ng San Ignacio. Habang ako ay nagpatuloy sa pagsasanay. Naghahanda sa una kong hakbang upang linisin ang kaniyang pangalan.

I M _ V E N A

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

Bride of Alfonso Binibining Mia द्वारा

ऐतिहासिक साहित्य

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
Paper Planes Saya Allego द्वारा

सामान्य साहित्य

85.3K 3.5K 55
Adolescence is such a bizarre term for the fourteen-year old Aya. Wielding wooden swords and doing circuit exercises seem easier than doing make-ups...
5.2M 161K 63
"There's another heartbeat in the darkness." Worthwood Academy, a school where extraordinary is only ordinary. Everyone is special in their own ways...
171K 7.7K 27
Kingdom of Tereshle prequel story. (COMPLETED) Maria Estellan. For a year, naging payapa ang pamumuhay ni Mellan. Sa isang malaking mansyon, doon siy...