One She and Five He (OSAFH)

De MirahPatricia

1.1M 35.6K 4.3K

[COMPLETED] Gugustuhin mo bang tumira sa iisang dorm kasama ang limang hot guys with different personalities... Mai multe

READ FIRST!
Prologue
01 - First Mess
02 - Second Time is Worse
03 - Dorm 143
04 - The GALAXY and I
05 - Enemy and Best friend
06 - Bench
07 - Dinner Disaster
08 - It Might Be You
09 - Typical Scandal
10 - Nova Café
11 - Raining Bills
12 - Her Name was Sam
13 - Mascot
14 - V-Shaped Toot Toot
15 - Breath of Life
16 - PAU Music Fest
17 - Her Reason
18 - Elevator Doctor
19 - Sumpa
20 - I Will Be Here For You
21 - Sketch
22 - Bipolar Savior
23 - Confused
24 - A Big Clue
25 - Can't Remember
26 - Tips To Get the Guy
27 - The Man
28 - The Cousins and The Boys
29 - Tip No. 1
Author's Note
30 - Marco de Leon
31 - Tip No. 2
32 - The Handkerchief
33 - In the closet
34 - Tip No. 3
35 - Halloween Party
36 - Tip No. 4 and the Instant Mama
37 - Who's the Papa, anyway?
38 - Ang Saranggola
39 - Forest Adventure
40 - Bestfriend-zoned
41 - Jelly-jellyFISH
42 - Cupcakes
43 - Men In Black
44 - Patty Pet
45 - The Girl Named Chinnie
46 - Embroidery Mystery
47 - Amalayer?
48 - The Invitation
49 - Tip No. 5
51 - Sudden Death
52 - Behind the Scenes
53 - Unanswerable Questions?
54 - Christmas Tree
55 - Kidnapped
56 - When Two Lips Touched
57 - Siblings
58 - Confession
59 - Official Couple
60 - Mga Banat ni Hiro
61 - Endearment Agreement
62 - Death Anniversary
63. The Diamond Necklace
64 - Memories
65 - Curfew
66 - A Night to Remember
67 - The Face behind that Eyeglasses
68 - The Painful Truth
69 - Revelation of the Past
70 - Finale
Epilogue
A Letter For You
Fun Facts
Book Two
Other Stories

50 - The Engagement

12.2K 370 62
De MirahPatricia

At dahil Christmas ngayon, mahaba tong update ko. Enjoy! I will always appreciate your votes and feedbacks. Merry christmas OSAFHers ❤❤❤

*****

SHAN FERNANDEZ' POV

Mahal ko si Hiro. Mahal ko siya.

Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko ang sinabi ni Sam. Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa pagkabigla. Oo, alam ko na noon pa na may gusto siya kay Hiro. Pero hindi ko inaasahang sa ganitong pagkakataon niya sasabihin yun. Akala ko noon tanggap ko na ang tungkol dun pero nung marinig ko mula sa kanya mismo, sobra akong nasaktan.

Nginitian ko siya para itago ang totoo kong nararamdaman. Pero hindi pa rin ako makapagsalita dahil unang-una ayaw bumuka ng bibig ko, at pangalawa ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Pero nakapagtataka lang kasi mahal din kita, Shan. Nag-aalala din ako sayo at ayokong nasasaktan ka. Pero bakit iba yung nararamdaman ko kay Hiro?" sabi nya na mukhang naguguluhan. "Hindi ko alam kung kelan nagsimula ang ganito kong nararamdaman sa kanya. Basta ang alam ko lang bumibilis ang kabog ng dibdib ko pag nandyan siya. Tapos gusto ko lagi siyang nakikita at nakakasama. Kahit na lagi niya akong tinataboy tapos lagi siyang galit sa akin parang balewala lang kasi ang importante ay makuha ko ang atensyon niya. Ganun ba talaga yun? Yun kasi ang nararamdaman ko eh." dagdag pa niya. "Para bang ang hirap sa pakiramdam pag wala siya."

Nakita kong biglang lumungkot ang mukha niya. Naramdaman ko din yun sa tono ng boses niya pagkabigkas ng huli niyang sinabi.

"Kaya pala. Kaya pala ganun ang nararamdaman ko kapag magkasama sila ni Chinnie. Kaya pala parang naiinggit ako. Para kasing gusto kong ako ang kasama nya at hindi si Chinnie eh. Lalo pa nung malaman ko ang tungkol sa engagement." Napayuko siya bigla. Sobrang lungkot ng itsura niya. At masasabi ko ring nasasaktan siya.

Nagpatuloy siya. "Sa Sabado na ng engagement party nila, limang araw mula ngayon. Alam mo Shan, parang hindi ako makahinga kapag naiisip ko yun. Masakit sa dibdib eh."

Nasaktan ako nang marinig ang pagkabasag ng boses niya. Parang maiiyak na siya pero pinipigilan lang niya. Kaya naman hinaplos ko ng likod niya at saka siya hinila palapit sa akin para yakapin.

"Naiintindihan kita, Sam. Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Hindi kita iiwan."

*****

SAMANTHA ORTEGA'S POV

Limang araw na ang nakakalipas mula nang malaman ko ang tungkol sa engagement. Mag-isa akong naglalakad habang iniisip kung ano ang mangyayari matapos ang araw na ito. Ilang oras nalang ay aalis na sila para pumunta sa event. Kung noon araw ang binibilang ko, ngayon oras nalang. Napakabilis ng pangyayari. Matagal na ba tong nakaplano at ako lang ang hindi nakakaalam? Sana nalaman ko nalang nung umpisa palang para ako na mismo ang kusang lumayo at hindi na ako nag-effort pa para kay Hiro. Kung sa bagay hindi ko naman akalaing magkakagusto pala ako sa kanya eh.

Nahinto ako nang matanaw ko sa isang bench sina Hiro at Chinnie. Ayoko na sana silang tingnan pero parang may magnet na kumukonekta sa aming lahat para patuloy kong tingnan silang dalawa kahit na parang dinudurog ang puso ko.

May hawak na gitara si Hiro at sabay silang kumakanta. Nakangiti pa si Chinnie at maaliwalas din ang mukha ni Hiro. Masyado siguro silang nag-eenjoy na magkasama kaya hindi nila ako napapansin.

Ngayon palang ay nakikita ko na kung gaano sila kasaya sa isa't isa. Siguro nga masaya din sila sa engagement. Kaya ano pa ba ang magagawa ko? Bakit ba kasi ngayon ko lang narealize ang nararamdaman ko para kay Hiro? Pero kung sakali mang sabihin ko sa kanya, may magbabago kaya?

"Sam?"

Natauhan ako nang may tumawag sa akin. Si Chinnie. Nakangiti pa siya habang nakatingin sa direksyon ko. Pati si Hiro ay napatingin din sa akin. Huminto siya sa paggigitara at tiningnan ako. Blangko lang ang mukha niya. Nailang naman ako kaya umiwas ako ng tingin.

May sinabi si Chinnie kay Hiro pero hindi ko narinig dahil medyo malayo ako. Tapos ay bigla siyang tumayo at naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Ano na naman ba ang binabalak nito?

"What are you doing here? Are you stalking us?" Halata sa boses niya ang pagkairita pero ngumiti pa din siya para itago kay Hiro ang totoo niyang kulay. Plastik.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakakainis ang pag-akusa niya sakin ng kung anu-ano. "Napadaan lang ako no. Malay ko bang nandito kayo."

Lalo namang lumapad ang ngiti niya. Sa totoo lang nakakainis na ang itsura niya. "Oh really? Eh bakit ka nakatingin sa amin? Yan ba ang napadaan?"

Napakuyom ako para pigilin ang sarili ko. Baka masampal ko siya eh. "Eh anong gusto mong palabasin? Ano bang punto mo? Bakit kelangan mo pa akong lapitan?"

Tumalim ang tingin niya pero hindi pa rin nawawala ang napakaplastik niyang ngiti. "Simply because natutuwa ako kapag nakikita kong naiinsecure ka sakin. Nafaflattered ako eh."

Nakakapanggalaiti talaga to. Parang ang sarap padapuin ng palad ko sa makapal niyang mukha. Kaya lang nandyansi Hiro eh. Baka ako na naman ang magmukhang masama.

"Anyway, I'm so excited sa engagement party namin ni Hiro mamaya. You should come. Invited ka naman diba?" dagdag pa niya. Nakakainit talaga ng ulo.

"Busy ako. Kaya baka hindi ako makapunta." sagot ko. Wala akong balak itorture ang sarili ko no. Magmumukha lang akong kawawa.

"Aww. Sayang naman. Sige ka hindi mo makikita ang mga exciting na mangyayari. I have great plans pa naman. Really exciting that you shouldn't miss."

Napakunot-noo ako dahil sa tono ng pagsasalita niya. Para bang may hidden meaning ang pagkakasabi niya nun. Isama pa ang nakakaloko niyang ngiti. Bigla akong kinutuban. Naalala ko tuloy yung narinig kong binabalak niya.

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. "Umamin ka nga sakin. Ano ba talagang binabalak mo? Kasama ba to sa plano nyo?"

Nagkibit-balikat lang siya. "You'll see if you come." Yung expression niya parang may gusto talagang iparating eh at the same time pinapalabas niyang inosente siya.

"Itigil mo to. Wag mong idadamay si Hiro sa mga masama mong plano." mariin kong sabi sa kanya. Hindi pwede to. Mukhang walang alam si Hiro sa mga plano ni Chinnie. Nakita kong nagtitiwala siya sa babaeng to. Kaya kelangang mapigilan ko siya sa anumang balak niya.

"Oh well, everything was settled already. Wala ka ng magagawa." Tatalikuran na sana niya ako pero pinigilan ko siya.

"Sandali lang." Hinawakan ko siya sa braso para pahintuin siya pero nung dumikit ang kamay ko sa balat niya, bigla nalang siyang bumagsak sa sahig.

"Aaah!" Napasigaw siya. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Pati si Hiro ay napatingin na rin sa kinaroroonan namin. Nang makita niyang nasa sahig si Chinnie, biglang nagsalubong ang kilay niya.

"Why did you pushed me?"

Napa-huh ako sa sinabi ni Chinnie. Anong push you? Eh hindi ko nga siya nahawakan eh. Acting na naman ba to?

Inilapag ni Hiro ang gitara niyang hawak at saka tumayo. Nakatingin siya sa amin habang papalapit.

"Hiro, help me. Tunulak niya ako." sumbong ni Chinnie. Ang sarap talaga ingudngod ng mukha niya sa sahig.

At dahil uto-uto si Hiro, tinulungan niya si Chinnie. Ang sarap nilang pag-untugin pareho. Bagay nga sila. Isang sinungaling at isang uto-uto. Edi magsama sila.

Binalingan ako ng tingin ni Hiro. "Hanggang dito ba mag-aaway kayo?"

"Wala akong ginagawang masama sa kanya Hiro." Pagtatanggol ko sa sarili ko. "Kung meron mang may nagbabalak ng masama, hindi ako yun---"

"Sam, nandito ka lang pala!"

Naputol ang sasabihin ko nang biglang dumating si Shan. Natahimik siya nang mapansin siguro ang hindi magandang atmosphere. "Anong nangyayari dito?"

"Kelangang malaman na ni Hiro ang lahat, Shan." sagot ko sa kanya tapos ay muling tiningnan ang dalawa. "Hiro, hindi mo dapat pagkatiwalaan si---"

"Tara na Sam." Nahinto muli ako dahil hinawakan nalang bigla ni Shan ang braso ko. "Hayaan na natin sila."

Umiling ako. "Kelangan ko ng sabihin kay Hiro lahat ng nalalaman ko bago pa mahuli ang lahat."

Lalong humigpit ang hawak sa akin ni Shan. Naging seryoso din ang mukha niya. "Bumalik na tayo sa dorm. Luto na yung mga cupcakes." Saka niya ako hinigit. Pero dahil sa ipinagpipilitan ko ang gusto ko, nagpumiglas ako. "Teka lang Shan. Bitiwan mo ko."

Nakita kong humakbang na palayo si Hiro. Sumunod naman si Chinnie na nag-iwan pa sa akin ng nakakairitang ngiti. "Aw c'mon Sam. Dapat nakikinig ka kay Shan. You should go with him. Forever."

"Hoy sandali lang! Hiro! Makinig ka sakin!" Nagpumiglas muli ako para sana habulin si Hiro pero ayaw akong bitawan ni Shan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya ngayon. Diba dapat sinusuportahan niya ako dahil para naman to sa ikabubuti ni Hiro? Pwede siyang mapahamak kapag hindi siya lumayo kay Chinnie. Nararamdaman kong hindi maganda ang mangyayari mamaya kaya dapat malaman na niya ng mas maaga.

Hindi na lumingon pa si Hiro. Nang hindi ba namin sila natanaw, saka lang ako binitiwan ni Shan. At dahil sa inis, pagalit ko siyang hinarap.

"Ano ba Shan! Sana hinayaan mo nalang ako! Yan tuloy umalis na siya!"

Napayuko siya, mukhang naguilty. "Sorry. Pero mas mabuting hayaan nalang natin sila. Wag na natin silang pakialaman."

Wala na rin naman akong nagawa kundi sumama nalang kay Shan pabalik sa dorm. Sobrang bigat ng dibdib ko habang naglalakad kami. Ang hirap ipaliwanag. Tama si Shan. Hindi na dapat pa akong makialam sa kanila. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko eh. Parang hindi ko yata kayang manahimik nalang.

"Pasensya ka na ah." Nagsalita si Shan sa gitna ng katahimikan. "Pinoprotektahan lang kita. Alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari. At kapag patuloy ka pang lumapit sa kanya, mas mahihirapan ka lang. Kaya mas mabuting ilayo na kita. Yun lang ang tanging magagawa ko para sayo."

Napatingin ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang sincerity niya kaya ako naman ang biglang nakaramdam ng guilt. Pakiramdam ko napaka-unfair ko kay Shan. Iniisip niya lang naman ang kapakanan ko pero ako pa tong hindi makaappreciate. Napakaunfair ko.

Yumuko nalang ako dahil pakiramdam ko napakasama ko. "Sorry Shan. Hindi dapat kita sinigawan kanina. Sorry."

Naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa likod ko. Nang iangat ko ang tingin ko sa kanya ay nakangiti na siya. "Basta ipangako mo sakin na hindi ka na gagawa ng anumang makakasakit lang sayo. Ikaw na mismo ang umiwas. Okay?"

Nginitian ko siya at tumango. Tama siya. Hindi ko dapat lapitan pa ang mga bagay na makakasakit lang sa akin.

Pagkarating namin sa dorm, nadatnan namin sina Kei, Rain, at Kian na mukhang papaalis na. Nakaayos na ang mga suot nilang semi-formal na damit at pinapolish nalang ang mga ayos.

"A-Aalis na kayo?" tanong ko sa kanila. Nang makita kong handa na silang pumunta sa engagement party parang biglang may humiwa sa dibdib ko. Gusto kong maniwalang nananaginip lang ako pero hindi eh. Ngayon na ang araw na iyon. Hindi ko na maitatanggi ang katotohanan.

"Uh, Oo." Nag-aalangan pang sumagot si Kei habang inaayos ang butones ng polo niya. "Eh kayo? Bakit di pa kayo nagbibihis?"

Nagkatinginan kami ni Shan. Tapos ay napayuko ako kaya siya na ang sumagot. "Hindi kami makakapunta eh."

Pagkagulat ang rumihistro sa mukha ng tatlo. "Ano? Hindi kayo pupunta? Bakit?"

"May importante kaming pupuntahan ni Sam." sagot niya. Sa totoo lang wala naman talaga kaming pupuntahan eh. Sabi kasi ni Shan mas mabuting wag na daw akong pumunta. Mas makabubuti daw yun sa akin. At saka hindi na rin daw siya pupunta kahit sinabi na sa kanya ng GALAXY na importanteng nandun daw siya. Sasamahan nalang daw niya ako.

"Hindi talaga kayo pupunta?" ulit ni Rain. Umiling lang si Shan.

"Umm, s-sina Hiro at Chinnie? Nasan na sila?" Tiningnan ako ni Shan na para bang gusto akong pagalitan dahil sa tanong ko. Hindi ko nalang siya pinansin. Oo alam kong hindi ko na dapat pa itanong yun dahil mas maghihirap lang ang kalooban ko kapag narinig ko ang sagot nila. Pero ayaw patalo ng isip ko. Para bang gusto kong bawat segundong lilipas ay alam ko ang nangyayari sa kanila.

"Nakaalis na si Chinnie. Mag-aayos pa kasi siya." sagot ni Kian. "Si Hiro naman lumabas lang. Pero babalik pa yun para magbihis."

Tumango-tango nalang ako. May parte sa akin na nabuhayan nang malamang hindi pa siya nakakaalis.

"Geh, una na kami. Sumunod kayo ah." sabi ni Kei nang nakaayos na sila. Nang wala sa amin ang sumagot ay tiningnan niya ako ng makahulugan. "You know the right thing, Sam."

Matapos yun ay umalis na sila sa dorm. Hindi ako kumibo at hinintay lang na magsink in sa utak ko ang huli niyang sinabi. Naguguluhan ako. Anong ibig niyang sabihin?

"Umm, dyan ka na muna Sam. Kukunin ko lang yung cupcakes." Tumango nalang ako kay Shan. Pumunta siya sa kusina at ako naman ay napaupo nalang sa sofa. Nilibot ko ng tingin ang dorm. Napatingin ako bigla sa isang kulay pink na papel na nakapatong sa mesa sa may lampshade.

Invitation. Iyon yung invitation na iniwan ni Chinnie para daw pumunta ako sa engagement party nila. Balak ko sanang pumunta pero naisip kong tama si Shan. Sasaktan ko lang ang sarili ko kapag pumunta pa ako.

"Heto na." Lumabas si Shan mula sa kusina dala ang mga cupcakes sa plato. Nakangiti pa siya habang dala-dala yun na para bang birthday ko. Kulang nalang dun ay kandila at birthday hats. Napangiti tuloy ako.

Nilapag nya sa mesa ang cupcakes at saka naupo sa tabi ko. "Tara kain na!"

Kumuha siya ng isa kaya kumuha na din ako kahit na wala ako sa mood kumain.

"Kumain ka ng marami ah. Ginawa ko lahat yan para sayo." Masigla niyang sabi. "At saka sabihin mo lang kung kulang pa sayo yan. Gagawa pa ako ng marami."

Ngumiti nalang ako ng matipid.

"Ano kulang pa ba? Gagawa pa ba ako? O gusto mo pizza naman? Oorder nalang ako."

Iling lang ang isinagot ko sa kanya.

"Sam?"

Tumingin ako sa kanya nang biglang mawala ang sigla sa boses niya.

"Hindi mo man lang ba titikman yan? Hindi mo ba gusto?" tanong niya habang nakatingin sa cupcakes. Agad ring dumako ang tingin ko sa hawak kong cupcake. Wala pang bawas.

"U-Uh...p-pinapalamig ko lang. Mainit pa kasi eh." pagdadahilan ko. Para kasing nawawala ako sa sarili ko nang hindi ko namamalayan eh.

Bumalik ang ngiti niya. "Ganun ba? Sige papalamigin ko muna." Kumuha siya ng pamaypay at pinaypayan ang cupcakes. Nakatingin lang ako sa ginagawa niya. Bigla akong naguilty dahil sa ikinikilos ko. Nadadamay tuloy si Shan.

"Uh Sam?"

"Hm?"

"Wag mo ng isipin ang engagement. Kalimutan mo na ang lahat. Kalimutan mo na ang nararamdaman mo kay Hiro."

Nabigla ako sa sinabi niya. Patuloy lang siya sa pagpaypay ng cupcakes at ako ay gulat na nakatingin sa kanya.

Nagpatuloy siya. "Isipin mo nalang na wala kang nararamdaman sa kanya. Sa ganung paraan mababawasan yang sakit sa dibdib mo. Pwede ka namang umiyak kung gusto mo eh. Makakatulong din yan. Pero sana alam mo kung hanggang saan ka lang. Para hindi ka na lalo pang masaktan."

Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Siguro nga tama siya, kalimutan ko nalang to at isiping wala akong nararamdaman kay Hiro, at magkunwari na hindi nasasaktan. Bakit ba kasi nararamdaman ko to? Bakit kay Hiro pa?

Napatingin kaming pareho sa pintuan nang bigla itong bumukas.

Bumungad sa amin si Hiro. Napahinto pa siya saglit sa pintuan nang makita kami ni Shan. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa aming dalawa.

Nakatingin lang din ako sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya. Parang gusto kong tumayo at bigla siyang yakapin habang sinasabi ang nararamdaman ko at makiusap na wag ng ituloy ang engagement. Pero alam kong hindi iyon ang nararapat na gawin sa mga oras na to.

Nagtuluy-tuloy na sa pagpasok si Hiro at dumiretso papunta sa kwarto niya. Nakasunod lang ang mga mata ko sa kanya. Kahit na nakasarado na ang pintuan sa kwarto niya ay hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko doon. Lalo pang sumikip ang dibdib ko nang maisip ang katotohanang sa sandaling lumabas siya mula sa kwartong yan ay matutuloy na ang engagement.

"Sam..." sambit ni Shan sa pangalan ko. Kumurap-kurap ako dahil nanlalabo na ang mga mata ko. Hindi ko namamalayang naluluha na pala ako. Hindi ko balak umiyak dahil naniniwala ako sa sinabi ni Shan na dapat ko ng kalimutan tong nararamdaman ko. Pero hindi ko makontrol ang emosyon ko. Ang hirap.

"A-Ayos lang ako Shan." Pilit ko siyang nginitian para ipakitang wala siyang dapat na ipag-alala.

Bumukas ang pintuang kanina lang ay tinitingnan ko. Lumabas mula roon si Hiro na nakasuot ng tuxedo. Nakagel pataas ang buhok niya na lalong nagpadagdag sa kagwapuhan niya. Napakagwapo niya ngayon.

Sinulyapan niya kami ni Shan at saka naglakad na papunta sa labas. Ni hindi siya nagbitiw ng kahit isang salita. Para bang hindi kami nag-eexist sa paningin niya. Sumikip na naman ang dibdib ko. Oras na lumabas siya sa kwartong to alam kong hindi ko na siya mapipigilan. Handang handa na siya para sa engagement. At kahit anong tanggi ang gawin ko sa isip ko ay nakakaramdam pa rin ako ng sobrang sakit.

"Hiro sandali." Hindi ko na napigil ang sarili ko. Gusto ko sanang manahimik nalang at hayaan siya pero naalala ko ang sinabi ni Chinnie. May binabalak siyang masama diba? Pano kung ikapahamak ni Hiro ang pagpunta niya sa engagement?

Huminto si Hiro pero nanatiling nakatalikod sa amin. Magsasalita na sana ako pero bigla akong natigilan nang hawakan ni Shan ang kamay ko. Kumunot ang noo ko. Humigpit naman ang hawak niya at umiling na parang pinipigilan ako.

Lumingon si Hiro nang mainip siguro sa tagal kong magsalita. Pero pagbukas ko palang ng bibig ko ay mas lalo pang humihigpit ang hawak ni Shan. Narinig ko pa ang mariin niyang pagbulong. "Wag Sam."

"Hiro---"

"Hindi ka niya papaniwalaan." Mahina niyang sambit uli pero sapat para marinig ko.

"Wag ka nang---"

"Masasaktan ka lang sa gagawin mo."

Napakagat-labi nalang ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sino ba ang susundin ko? Si Hiro na naghihintay sa sasabihin ko? O si Shan na pinipigilan ako at nagsasabi ng posibilidad?

Hindi ako nakapagsalita. Kaya naman ngumisi nalang si Hiro at padabog na isinara ang pintuan nang lumabas siya sa dorm.

Nangilid ang luha ko. Pilit kong pinipigilan pero parang sasabog ang dibdib ko. Dun lang ako binitiwan ni Shan. Napaupo ako sa tabi niya. Yumuko nalang ako para hindi niya makita ang luha sa mata ko na nag-uunahan na sa pag-agos. Napatakip pa ako ng bibig para pigilan ang paghagulgol.

"Hindi ako magsosorry sa pagpigil ko sayo Sam. Alam kong alam mo kung bakit." sabi niya. Huminto ako sa pag-iyak at saka nagmadaling tumanaw sa bintana. Doon ay nakita ko ang kotse ni Hiro na papalabas na sa gate ng PAU. Agad kong pinunasan ang luha ko sa pisngi at nagmadaling lumabas. Pero bago ko pa man mabuksan ang pintuan ay napigilan na ako ni Shan.

"Anong gagawin mo?" seryoso niyang tanong habang nakaharang sa pintuan. Pilit ko naman siyang pinaalis. "Padaanin mo ko Shan."

"Anong balak mo? Hahabulin mo siya? Para ano? Para pigilan?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Sa halip ay pinilit kong makalabas pero dahil nakaharang siya hindi ako makaalis.

"Tapos ano? Itataboy ka niya? Magagalit siya sayo?" dagdag niya. "Hindi ka pa ba nasasanay Sam? Ilang beses ka ng tinaboy ni Hiro. At malaki ang chance na gawin niya ulit yun ngayon. Isipin mo naman ang sarili mo, Sam."

Nagsisimula na naman ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa sinabi niya o dahil ayaw niya akong palabasin. "Umalis ka dyan Shan. Importante ang sasabihin ko kay Hiro."

"Importante? Gano kaimportante? Mas importante pa sa nararamdaman mo? Gusto mo ba na nasasaktan ka? Hahabulin mo siya ngayon tapos ano? Sasabihin mo na mahal mo siya. Na ngayon mo lang narealize ang nararamdaman mo? Sa tingin mo ba may magbabago kapag ginawa mo yun?" patuloy niya. "Maeengage na siya. At ngayon na yun. Handang-handa na siya. Handa na ang lahat. Sa tingin mo ba iiwanan niya ang engagement party para sayo? Kung sigurado kang maganda ang magiging resulta ng binabalak mong gagawin, ako pa mismo ang sasama sayo na humabol kay Hiro. Pero hindi eh. Aware ka sa sitwasyon nyo. Kaya alam kong alam mo na rin kung paano siya magrereact sa gagawin mo."

Wala nang tigil ang luha ko dahil sa mga naririnig ko mula kay Shan. Tama siya. Lahat ng binitiwan niyang salita ay tama. Kaya lalo akong nasasaktan. Ang sakit pala na marinig ang katotohanan.

"Hindi tungkol dun ang sasabihin ko sa kanya. May masamang binabalak si Chinnie. May masama siyang plano sa engagement party. Kelangan kong balaan si Hiro. Kelangan na niyang malaman bago pa man may mangyaring masama sa kanya. Kaya nakikiusap ako sayo Shan. Padaanin mo ko." Nagmumukha na akong desperada pero wala akong pakialam. Mas mahalaga ang kalagayan ni Hiro.

Umiling si Shan na lalo namang ikinasama ng loob ko. "Hindi. Alam kong hindi yan ang totoo mong dahilan."

"Ano ba Shan! Kelangan ko siyang iligtas!"

"Hindi mo kelangang magpakabayani para sa kanya. Kung totoong may masamang plano si Chinnie, ako ang pupunta sa kanila. Maiiwan ka dito."

Lalo akong napaiyak dahil sa desisyon ni Shan. Gumana na naman ang side niyang maotoridad gaya ng attorney niyang daddy. Kung tutuusin mas mabuti ngang siya ang pumunta dun dahil mas may chance na paniwalaan siya ng mga tao pero ayoko. Gusto kong ako mismo ang pumunta doon. Gusto kong ako ang magsabi kay Hiro. Gusto ko siyang makita, kahit alam kong masasaktan ako.

Huminto na ako sa pakikipagtalo kay Shan dahil alam kong talo na ako at wala na akong magagawa pa sa pagiging overprotective niya. Hinayaan ko siya doon sa may pintuan at kinuha ko nalang ang cellphone ko sa may lampshade dito sa sala.

Ito nalang ang alam kong magagawa ko sa ngayon.

Hinanap ko ang number ni Hiro at saka siya tinawagan.


THIRD PERSON'S POV

Ilang ring ang lumipas bago may sumagot sa tawag ni Sam. Abala si Hiro sa pagmamaneho kaya hindi niya agad nasagot ito lalo pa't nasa kalagitnaan siya ng kalsada.

"Hello? Who's this?" Hindi na niya nagawa pang tingnan ang pangalan ng caller dahil basta nalang niya kinabit sa tenga ang earphone.

Muling bumilis ang tibok ng puso ni Sam nang marinig ang boses ni Hiro. "U-Umm." Hindi siya nakapagsalita kaagad dahil naunahan siya ng mga luha niya at bumabara sa lalamunan niya ang mga hikbi na pilit niyang tinatago upang hindi nito marinig.

Nagsalubong ang kilay ni Hiro. "Who the hell is this?! Kung hindi ka magsasalita then don't call! Ibababa ko na to."

Naalerto si Sam kaya agad siyang nagsalita. "Sandali lang Hiro!"

Nakuha ang atensyon ni Shan dahil sa pagbanggit ni Sam ng pangalan ni Hiro. Malaking bahagi sa kanya ang nasasaktan kapag binibigkas ni Sam ang pangalan nito. Lalo pa noong narinig niya mismo mula sa kanya na mahal niya ito. Ginawa niya ang lahat para ipakita na hindi siya naapektuhan noon pero sa pagkakataong ito na harap-harapang ipinapamukha sa kanya ni Sam ang lahat, hindi niya alam kung hanggang kailan niya makokontrol ang nararamdaman.

"Sam?" Nalilitong sambit ni Hiro. Kilala niya ang boses na iyon. Nagulat siya sa biglaang pagtawag nito.

Napatakip ng bibig si Sam nang marinig ang pagsambit nito sa pangalan niya. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. "Hiro makinig ka sa akin. Importante to." Hindi sumagot si Hiro mula sa kabilang linya kaya nagpatuloy siya. "Wag ka ng tumuloy. Umiwas ka na habang may pagkakataon ka pa."

Magkahalong pagkagulat at pagkalito ang naramdaman ni Hiro dahil sa sinabi ni Sam. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nito. "What the hell are you talking about?"

"May masamang binabalak si Chinnie. Narinig ko mismo mula sa kanya. Kaya makinig ka sa akin habang hindi pa huli ang lahat. Please." paliwanag ni Sam. Si Shan naman ay nanatili pa rin sa kinaroroonan niya at nakikinig lang.

Namayani ang katahimikan sa magkabilang linya. Naghintay si Sam sa sagot ni Hiro hanggang sa maya-maya ay nagsalita na ito. "Are you done with your fvcking lies?"

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Sam dahil sa sinabi ni Hiro. Lies? Mukha ba akong nagsisinungaling? Ganun ba talaga ang tingin niya sa akin?, sa isip niya. Naalala tuloy niya ang sinabi sa kanya ni Hiro noon na isa siyang sinungaling dahil hindi niya matandaan ang nakaraan nila. (Refer to Chapter 25 - Can't Remember)

"Hindi ako nagsisinungaling, Hiro! Nagsasabi ako ng totoo! Yun ang nalalaman ko. Bakit ba ayaw mo kong paniwalaan?" Nababasag na naman ang boses niya dahil sa sakit. Kailan ba matututunan ni Hiro na pagkatiwalaan siya?

"Sabihin mo nga sa akin. Bakit mo ba to ginagawa? Oo sabihin na nating may binabalak siyang masama. Eh ano naman sayo? Ano bang pakialam mo sa buhay ko?" mariin nitong tanong na halos magwasak sa dibdib niya. Lagi namang ganito ang pagtrato sa kanya noon pa man pero bakit ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong sakit? "Tell me, why do you care? Ano ba ako sayo?"

Muling dumaloy ang mga luha niya. Lalong pinabalis ng tanong na iyon ang puso niya. Iyon ang tanong na nagpa-realize sa kanya ng nararamdaman niya para dito. Pero ano nga ba ang isasagot niya?

Pumikit siya ng mariin. Ayaw na paawat ng luha niya. Napaupo na rin siya dahil nakaramdam na siya ng panlalambot ng tuhod. Patuloy din siya sa pagtakip ng bibig niya upang pigilan ang paghagulgol. Napuno naman ng pag-alala si Shan kaya dahan-dahan itong humakbang palapit sa kanya.

"Wala ka bang idea? Ano sa tingin mo?" tanong ni Sam kay Hiro. Lalo namang nagsalubong ang kilay nito. "Fvck! Magtatanong ba ako kung alam ko? Stupid!"

"Hiro," sambit niya. "Hindi ko alam kung papaniwalaan mo ang sasabihin ko. Pero gusto kong malaman mo na totoo lahat ng sasabihin ko. Kaya makinig ka. Baka ito na ng una at huling beses na sasabihin ko to sayo." Huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy. "Hiro, gusto kong malaman mo na mahal---"

"MAHAL KITA SAM! MAHAL NA MAHAL KITA!"

---Mahal kita, Hiro.

Natulala nalang siya nang biglang hablutin ni Shan ang cellphone mula sa mga kamay nya, idagdag pa ang malakas nitong sigaw.

"S-Shan..."

"Itigil mo na to! Tama na!"

Lalo syang nabigla sa expresyon nito. Masyado itong seryoso. Ito ang unang beses na nakita niya ang ganitong pagkatao ni shan. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng takot rito.


Napapikit si Hiro nang masilaw sa isang liwanag sa harapan nya. Hindi na niya napansin ang tinatahak na daan.


"Shan, akin na yan!" Sinubukang bawiin ni Sam ang cellphone kay Shan pero hindi sya nito pinagbigyan. Desidido na siyang aminin kay Hiro ang totoo kahit na alam niyang malaki ang chance na mareject lang siya kaya hindi niya gusto ang ginawa ni Shan. "Ano ba? Hindi ko pa nasasabi lahat ng gusto kong sabihin sa kanya! Akin na yan!"

"Itigil mo na to, Sam." Naging mahinahon ang boses ni Shan pero mararamdaman mong puno ito ng sakit.

"Ano bang problema mo?"

"Sobrang sakit na, Sam. Sobrang sakit na dito." Tinuro nito ang dibdib niya kung saan nakatapat ang puso. "Kaya please, itigil mo na to. Wag mong gawin to. Please..."

Natahimik siya dahil sa sinabi ni Shan. Tama ba ang narinig niya mula rito?


Halos mahinto naman ang puso ni Hiro nang hindi niya namalayang may malaking truck na papasalubong sa kotseng minamaneho niya.


"May mata ka naman. Pero bakit pagdating sa'kin nabubulag ka. Bakit hindi mo ko nakikita kahit ako naman ang laging nasa harapan mo? Lagi nalang bang si Hiro? Si Hiro na hindi nakakaappreciate ng existence mo? Si Hiro na walang ibang ginawa kundi ang saktan at pahirapan ka? Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Masakit! Sobrang sakit. At alam kong alam mo kung ano ang pakiramdam nun!" tuloy-tuloy na sabi ni Shan. Unti unti na ring nangilid ang mga luha nito.

Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung anong sasabihin sa biglaang pag amin nito ng nararamdaman. Ni minsan hindi niya inasahan to.

"Tinitiis ko ang sakit dito." tinuro nito ang dibdib. "Dahil iniingatan ko ang pagkakaibigan natin. Pero mas nagtitiis ako sa sakit na makita kang nasasaktan. Kung pwede nga lang na ako nalang ang masaktan, kung pwedeng ako nalang ang mahirapan. Titiisin ko. Wag mo lang maramdaman ang sakit na yun."

"S-Shan..." Wala siyang ibang masabi kundi ang sambitin ang pangalan nito.

"Mahal kita sam. Higit pa sa kaibigan. Gusto kita gaya ng pagkagusto mo kay Hiro. Mahal kita gaya ng pagmamahal mo sa kanya."


Pinihit ni hiro ang manibela pakanan upang iwasan ang truck.


Muli syang naluha dahil sa sinabi ni Shan. Hindi nya naisip na ganun pala ang nararamdaman ng kaibigan. Nasasaktan nya pala ito nang hindi nya sinasadya.

"I'm sorry..." tumalikod ito sa kanya. "Alam kong mas mahihirapan ka ngayon. That's why I am sorry..." Saka ito humakbang papunta sa pintuan. Sandali itong huminto at bahagya siyang nilingon. "I'm sorry kung mas lalo kang nahihirapan ngayon. But I am not sorry for loving you."


Nagkarambola ang maraming sasakyan sa kalsada. Nakakapanindig-balahibo ang pangyayari. Inararo ng malaking truck ang isang kotse at tumilapon ito hanggang sa nagkayupi-yupi na parang lata. At ang huling makikita ay ang nakasubsob na si hiro sa manibela ng kanyang kotse.

Continuă lectura

O să-ți placă și

921K 56.6K 93
Hello Duology, Book #1 || Just when I thought I got over from the ghost of the past, another person started haunting me.
2.7M 62.6K 58
She's mysterious. She's a brutal one. She's merciless. She loves playing "Killing Games". She doesn't hesitate to kill a person in an instant. Her st...
12.2M 266K 65
COMPLETED/UNEDITED A girl who uses fake eyeglasses to suppress her identity accidentally bumped the notorious King of Lee-Park International. Was it...
The Mysterious Nerd (HS #1) De meri

Ficțiune adolescenți

177K 4.1K 35
Every people have a hidden Secret..She's seeks for a revenge and justice with her round big eye glasses so yeah! she's 'THE MYSTERIOUS NERD'