Jungkook is Mine [completed]

By momochanchan_

182K 7.5K 2.7K

[bts series #1] [COMPLETED] [WARNING: not a FORMAL story] A not-so pervert girl who ends up taking care of a... More

01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08. [1]
08. [2]
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15. [1]
15. [2]
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
HAPPY BIRTHDAY TAEHYUNG!
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
36. [1]
36. [2]
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
[!!]
Special Chapter

35.

3.6K 130 107
By momochanchan_

sa mga d pa nakakaalam, hyong talaga ang pagpronounce ng hyung. (형) hyeong kc talaga ung original na spelling e. hehehehe. la lng bat ba.

*•*•*

Lumipas ang ilang araw pagkatapos ng kaarawan ni Hoseok. Nagpakulay ng brown si Jungkook sa buhok at medyo naging kulot ito at bumuhaghag. Nagpakulay na raw kasi ang mga hyungs niya at siya nalang ang hindi pa.

Hindi niya na hinatid ang kasintahan dahil nauna na itong umalis at umuwi para sa group activity raw nila ng mga ka-grupo niya. Napapakamot sa ulo na naglakad si Jungkook papunta sa center plaza ng SOPA. Katatapos palang ng last class niya at medyo maggagabi na, dumiretso agad siya du'n para puntahan ang Namjoon hyung niya na naghihintay sa kanya.

May importante raw silang pag-uusapan. Pinagmamadali pa siya ni Namjoon dahil mahalagang-mahalaga raw iyon. Ano kayang pag-uusapan namin ni hyung? Tungkol nanaman siguro 'yan sa Bagito Scandal na kumakalat sa Facebook ngayon.

Nang maaninag niya si Namjoon na nakaupo sa bench habang naka-de-cuatro ay tinawag niya ito saka kumaway. "Namjoon hyung!"

Napaangat naman ang tingin nito mula sa pagse-cellphone saka kumaway rin sa kanya at sumenyas na lumapit ng mabilis. "Dalian mo na, Maknae!"

Nagmadali siyang lumapit saka umupo sa tabi ni Namjoon sa bench. "Ano ba pag-uusapan natin, hyung?"

Hindi siya sinagot ni Namjoon saka may pinindot-pindot na kung ano sa cellphone niya. "Ya, hyung, kinakausap kita," ani Jungkook habang kinakalabit ang nakakatanda.

Nakita nalang ni Jungkook na tinatawagan na pala ni Namjoon si Irene. Nakapatong lang kasi ang cellphone nito sa hita. Dialling idol master cute <3. "Bakit mo tinatawagan si Irene, hyung?" takang tanong ng binata.

"Kalma mo etits mo, Maknae. Wait ka lang," sambit ni Namjoon kaya napababa nalang ang balikat niya.

Dinamay pa etits ko. . .

Ilang segundo lang ay sinagot narin ni Irene ang tawag. Nakalagay parin ang cellphone ni Namjoon sa hita niya saka naka-loudspeaker kaya rinig na rinig ni Jungkook. "Oh Namjoon, bakit?!"

"Namjoon oppa nga sabi tawag mo sa'kin eh! Sa'n ka ba ngayon idol master cute?"

"Dito--sa Busogan! Basta kainan! Ano ba, Jung Hoseok tigil-tigilan mo nakakahiya na!" sigaw ni Irene mula sa kabilang linya. Rinig din ang kakaibang ingay.

Jung Hoseok? Kasama niya si hyung? Isip-isip ni Jungkook.

"Ah, nand'yan ka sa Busogan? Malapit dito sa SOPA?" inosenteng tanong ni Namjoon na halatang nagpaparinig kay Jungkook. Sa kabila naman nu'n ay alam na alam niya kung nasaan sila dahil nabanggit ito sa kanya ni Hoseok. Gusto lang niya iparinig kay Jungkook na magkasama ang SeokRene ngayon. "Teka, bakit ka sumisigaw idol master cute? Saka anong Jung Hoseok? Kasama mo siya ngayon?" kunwari ay hindi pa niya alam.

"Oo. Kasama ko siya ngayon! Narinig mo naman, 'diba? Kasi 'tong si Hobi eh kaya napapasigaw ako! Nung sinabi kong tumigil na sa kakapick-up line, ngayon naman nagsasayaw-sayaw na. Kanina pa yan sayaw ng sayaw habang nakaupo kami dito tapos kumakanta pa! Kinginang buhay 'to. Pinagtitinginan na kaya kami dito ng mga tao--King ina ng kaluluwa mong kabayo ka, ha?! 'Di ka talaga titigil?! Hindi ka ba napagod sa paglalakad natin papunta dito?! Tutusukin kita nitong toothpick makikita mo!"

"...Oh yeah! Haha!" hinihingal pa si Hoseok at mukhang pagod na pagod sa ginagawa. "Kunwari kiligin ka naman Irene! Hehehe. Ina nito, hindi nalang makisakay. Effort din 'to, Honeybunch."

"Ate, please, pakibilisan nalang nababaliw na 'tong kasama ko e! 'Sensya na Namjoon ha, 'to kasing deadly weapon na 'to hindi tumitigil e! Parang sinapian ng demonyo, amputa."

"Okay lang hehe. Ano ba ginagawa niyo d'yan, idol master cute?"

"Ano bang ginagawa sa kainan? 'Diba kumakain? Malamang kakain kami! Tanginang 'to. Bobo lang?"

"Idol naman eh! Kailan ka ba magiging matinong kausap?"

"Kapag tuminu-tino na 'yang mukha mo!"

"Sino 'yang kausap mo, ha, Irene?"

"Si Namjoon 'to. 'Wag mo na kong pansinin, kingina mo ka. 'Di kita kilala. Nakakahiya ka," natatawang sabi ni Irene kay Hoseok.

"Saya mo ngayon idol, ha?"

"Oo, saya ko talaga. Libre e. Aayaw pa ba ako? Ano, libre niya raw ako ng lugaw. 'Yung tig-sasampu lang. HAHA! Ang cheap talaga nitong kabayong 'to. . .Mga ate, kuya, pagpasensyahan niyo na 'tong kasama ko, ha?! 'Di kasi nakainom ng gamot!" rinig nilang natatawa si Irene sa kabilang linya.

"Ah sige, baba ko na 'tong tawag na 'to ha idol baka kasi nakakaistorbo na 'ko."

"Hindi a! Itong kabayong 'to ang nakakaistorbo. Konti nalang talaga mapapakain ko na 'tong sapatos ko sa kanya. Haha! Sige, bye Namjoon!"

"Namjoon oppa nga!" pahabol pa ni Namjoon saka na binaba ang tawag. "'Tong si idol ayaw na ayaw akong tawaging oppa. Bakit mukha ba 'kong eomma?" bulong pa niya sa sarili.

"Hyung, ano ba kasi talaga pag-uusapan natin?" tanong ni Jungkook. Nangiti lang ng malapad si Namjoon na para bang may pinapahiwatig. "'Wag ka ngang ngumiti ng gan'yan, hyung. Mukha kang monster." sabay tawa niya ngunit hindi pinansin ng nakakatanda ang pang-aasar niya.

"Ano'ng masasabi mo maknae na lumalamang na si Hoseok kay idol master cute?" nakangising tanong ni Namjoon.

Napataas ang isang kilay ni Jungkook. "Ha? Anong lumalamang? Ito ba'ng pag-uusapan natin, hyung?"

"Narinig mo ba kung ga'no sila kasayang magkasama?"

"Oo naman, hyung. Narinig ko-naka-loudspeaker eh," nakangiting sagot ni Jungkook.

"Kahit hindi mo sabihin, Maknae, nararamdaman ko. Tayong dalawa lang naman dito kaya pwede mo nang ilabas 'yang nasa luob-loob mo."

Hindi nakapagsalita si Jungkook saka napakamot nalang sa batok niya at ngumiti. "Ano bang sinasabi mo, hyung? Anong nararamdaman ko? Anong kelangan kong sabihin?"

"Mahal mo pa ba si Joy?"

"Oo naman, hyung. Bakit? Bakit mo tinatanong?"

"Talaga?"

"Oo nga, hyung."

"Talagang-talaga?"

"Hyung, kulit mo ha? Para ka ring si Jimin hyung e."

"Talagang-talagang-talaga?"

Napakunot nalang ang noo ni Jungkook sa inaasta ng hyung niya. "Hyung, kung may gusto kang iparating, pwedeng sabihin mo na ng diretso?"

"Maknae, ang sinasabi ko lang na kung hindi mo na mahal si Joy ay itigil mo na. Pareho lang kayong dalawa na mahihirapan kung ipagpapatuloy niyo ang relasyon niyo. Isa pa, niloloko mo na nga si Joy, pati sarili mo niloloko mo na rin. At kung sa tingin mo na iba na 'yang nararamdaman mo kay Irene, eh galaw-galaw na."

Napatahimik nalang si Jungkook sa narinig. Napaisip siya sandali. Hindi naman siya sigurado kung gustung-gusto niya na talaga si Irene. Saka kung meron man ay alam niyang hindi pwede ang nararamdaman niya. Sa isang babae lang dapat nakatuon ang atensyon niya. Tama lang siguro na kung ano man ang nararamdaman niya ngayon kay Irene na paghanga ay dapat hanggang du'n nalang.

"Alam mo bang medyo matagal na kitang napapansin na kakaiba na 'yang mga tinginan mo kay idol master cute? Minsan, nakikita kitang napapangiti nalang kahit wala naman siyang ginagawa o kaya naman pag naririnig mo pangalan niya. Nako, maknae, iba na talaga 'yan."

"Anong iba, hyung? Bakit? Normal lang naman kapag tumitingin ako kay Irene, ha?"

"'Wag ako maknae, iba nalang. Kung sa tingin mo utak talangka din ako gaya ni Taehyung o kaya ni Jimin, ibahin mo 'ko. Because I got jams," napakunot ang noo ni Jungkook sa narinig. "Joke. Ibahin mo 'ko kasi alam na alam ko ang gan'yan, Jungkook. Saka tropa-tropa naman tayo 'diba? Kaya pwede mo namang sabihin sa'kin ng diretso kung anong nararamdaman mo kay Irene. Hindi naman ako nanlalaglag."

"Kung alam mo naman pala hyung-bakit kailangan mo pa akong paaminin?"

"Edi umamin ka din! Haha! Rapsa."

"Ha? Anong rapsa, hyung?"

"Binaligtad ko lang 'yung sarap. Alam mo ba kung bakit kita kailangang paaminin? Kasi gusto ko mismo sa bibig mo manggaling na may gusto ka na nga kay idol master cute. Hindi ko na tatanungin kung bakit o kailan pa nangyari pero sigurado talaga ako na may gusto ka na nga sa kanya."

Napatingin naman si Jungkook kay Namjoon na magkadikit ang dalawang kilay. "Ah, fck. Hyung, ano ba gagawin ko? Hindi 'to pwede e."

"Anong hindi pwede? Ulol, pwede 'yan. May malasakit ako sa inyo-kayo nila Joy, Hoseok, at Irene. Ang tanging masasabi ko nalang ay kung may malasakit ka rin kay Joy, makipaghiwalay ka na sa kanya kung ayaw mo siyang masaktan," simpleng pahayag nito. "Hindi naman sa hindi ako pabor kay Hoseok para kay idol pero hangad ko lang ay ang makalaya ka na at maging masaya kahit na kasiyahan niyo ng mga tropa ang makitang nasasaktan ako."

"Pa'no mo naman nasabing para makalaya ako at maging masaya? Sa tingin mo ba, hyung, na nakakulong nalang ako ngayon kay Joy?"

"Dati, hindi. Pero kasi nagbago na si Joy ngayon kaya oo. At isa pa, alam kong ikaw ang gusto ni idol master cute sa simula palang. Ayaw ko namang umasa nalang si Hoseok kay idol. Hindi porque ganu'n na ang mga nangyayari ay aasa na siyang pareho na ang nararamdaman nila ni idol sa isa't-isa. Hoseok deserves someone better. Kahit hindi ko 'to sabihin sa tropa nating kabayo, mararamdaman niya rin 'yun. Mas maganda kung maaga palang marealize niya na 'yun. Si idol master cute kasi ikaw parin ang gusto e. And I can feel it." napapikit pa si Namjoon saka napahawak sa dibdib.

"Korni mo, hyung. Magsama kayo ni Hoseok hyung."

"Oo, para maangkin mo na si idol? Haha. Nice moves, Maknae."

Napayuko saglit si Jungkook, napakamot sa ulo niya saka tumingala ulit. "Hyung, 'di naman kasi ako sigurado kung gusto ko na talaga si Irene e."

"Ahh, kailangan pa ba talagang makita mo mismo sa harap-harap mong masayang magkasama sila Hoseok at idol para masigurado mo? Kailangan pa talagang magselos ka para malaman mo kung ano ang chance na sinayang mo?" napakamot nanaman sa kanyang ulo si Jungkook saka nagkibit ng balikat. "Pukingina mong bobo ka, Maknae."

"Hyung, 'wag mo namang idamay puki ng ina ko dito. Saka rerespetuhin ko nalang siguro kung may gusto na nga sila sa isa't-isa. Hyung, kapag tropa, 'diba dapat walang talu-talo? Ayoko namang mag-away kami ni Hoseok hyung nang dahil sa isang babae."

"Ah, kailangan dalawang babae pa?"

"Hyung, kahit mas matanda ka, pwede ba kitang murahin? Tang ina mo, hyung," mahinahong saad ni Jungkook-bakas sa mukha ang pagkairita. "Hindi kasi 'yun ang ibig kong sabihin."

"'Ba gago 'tong batang 'to ah. Hindi pa nga ako pumapayag, ginawa mo na."

"Seryoso na kasi, hyung. Medyo matagal na kasi akong napapaisip tungkol dito eh. Para nang sasabog ang utak ko kasi hindi ko alam kung anong gagawin. Sa tingin ko pareho na silang may nararamdaman sa isa't-isa."

"Sa tingin mo lang 'yan, gago. May sinabi na ba sayo mismo si idol master cute na may gusto siya kay Hoseok?"

Umiling-iling si Jungkook bilang sagot. "Gusto ko ngang malaman hyung e. Kaso natatakot akong malaman kung oo ang isasagot niya."

"BOOM BOBO! Akala ko si Taehyung at Jimin lang ang utak talangka, ikaw rin pala." napatayo nalang si Namjoon saka inayos ang suot na uniporme. "'Ge, maglaro nalang kayo ng hintay-hintayan at bobo-bobohan. Alis na 'ko maknae, pupuntahan ko pa si Miju super mega idol master Lord." saka na siya umalis.

Napailing nalang si Jungkook saka bahagyang nangisi. Nakaramdam siya ng gaan dahil sa wakas ay meron naring nakakaintindi at nakakaalam ng nararamdaman niya hindi tulad noon na sinasarili lang niya.

Pero may isa pa ring bumabagabag sa isipan niya. Alam niyang mali ang ginagawa at dapat na sa kasintahan lang ang atensyon niya ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Para bang may isang parte sa kanya na nagsasabing tama lang ang ginagawa niya.

Mahalagang maghinay-hinay muna siya at 'wag magpadalus-dalos sa mga bagay-bagay. Kelangan munang siguraduhin ko kung talagang may nararamdaman na ko kay Irene.

*•*•*

Pagkatapos kumain ng SeokRene ng ilang ulit ng unli lugaw sa Busogan, napagpasyahan na nilang umalis. Nilibre kasi ni Hoseok si Irene dahil hindi ito kumain nung breaktime. Hindi kasi nito ginagastos ang baon at iniipon lang. Naawa naman ang binata kaya nilibre nalang niya ang dalaga.

Inabot na sila ng gabi. Mabuti nalang ay ihahatid ni Hoseok ang dalaga sa apartment nito dahil nakakatakot pa naman ang dinadaanan nito kapag gabi na. Para hindi boring ang paglalakad ay tuluy-tuloy lang sa pagtapon ng pick-up lines si Hoseok sa dalaga.

"Irene, nilalamig ka na ba?"

"Medyo, gabi na rin kasi e."

"Ano ba yan, Irene. Pick-up line 'yon!"

"Ahh," napatawa nalang ang dalag. "'Ge, bakit?"

"Kanina ka pa kasi nakahubad sa isipan ko e."

"Gago ka ah!"

Habang minumura-mura ni Irene si Hoseok dahil sa sinabi nito ay may biglang sumulpot sa harapan nila na mukhang kriminal na may suot na black bonnet at maskara. Tanging mata lang nito ang nakikita. Napatigil naman sila sa paglalakad at sumeryoso ang mukha. Bakas ang takot sa mukha ni Irene. Umabante naman si Hoseok saka tinago sa likod niya ang dalaga upang protektahan ito.

"Holdap 'to! Akin na laman ng mga pitaka niyo!" sigaw ng holdaper habang nakatutok sa kanila ang kutsilyo.

Pinagmasdan naman ng binata ang buong katawan ng magnanakaw na mas maliit pa sa kanya. Nakita niyang wala itong dalang baril at tanging kutsilyo lang. Maari pa silang makatakbo nang mabilis.

"'Sensya na po pero walang laman mga pitaka namin eh. Kaya nga naglalakad lang po kami pauwi kasi wala kaming pamasahe," maamo ang mukha na sabi ni Hoseok saka napakamot sa ulo.

"Oo nga, manong. Mga estudyante lang kami. Walang laman pitaka namin. Ingudngod ko pa sa mukha mo eh para makita mo," sang-ayon ni Irene na sumilip mula sa likod habang tumatangu-tango.

"Ah ganu'n ba? Eh pa'no 'yan?" sabay tago ng holdaper ng kanyang kutsilyo at alalang-alala ang mukha.

"Kung gusto niyo po kukuha muna ako sa bahay namin tapos babalikan ko nalang kayo dito. Ano po, deal?" mungkahi ni Hoseok na nagpagulat kay Irene sa likod. Nagpigil nalang siya ng tawa saka binaon ang mukha sa likod ng binata para hindi marinig ang tawa niya.

"'Ge, aantayin ko nalang kayo dito ng syota mo. Bumalik nalang kayo kapag may laman na 'yang mga pitaka niyo ha? Kahit mga five-hundred okay na pangkain lang sa pamilya ko. Pasalamat kayo, ha, mabait ako."

"Sige po. Salamat po," mabilis na sabi ni Hoseok saka na hinawakan ang kamay ni Irene at naglakad ng mabilis papalayo sa magnanakaw na nakatayo parin sa pwesto nito.

Nagpipigil lang ang dalawa ng tawa hanggang sa pagkarating nila sa apartment ni Irene. Napahagalpak ang dalawa sa tawa na kanina pa nila pinipigilan dahil sa nangyari.

"Kinginang bobo naman ng tarantadong 'yon! Hindi siya aasenso!" napapadabog pa ang dalaga sa sobrang kakatawa. "Tang ina mong baba ka! Hanep! Akala ko lalaban ka! Hindi ko alam na 'yun pala gagawin mo!"

"Kaya nga eh! Isa siyang kayamanan- sarap niyang ibaon sa lupa!" sang-ayon ni Hoseok na pulang-pula na rin ang mukha.

Pagkatapos ng halos dalawang minuto ng walang-tigil na pagtawa, nagkatitigan nalang sila saka muli nanamang natawa ng walang dahilan.

Pinunasan ni Irene ang mga luhang lumabas sa mata dahil sa katatawa. "'Wag ka kasing titingin sa'kin! Natatawa ako sa mukha mo eh! Hindi ka ba natatakot na baka maaksidente ka kapag yumuko ka?"

"Kalokohan! Kahit sabihin mong wag tumingin sayo eh mukha mo lang naman nakikita ko kahit saan ako tumingin eh."

Sa wakas ay nahimasmasan narin ang dalawa. Nakangiti nalang sila sa isa't-isa dahil hindi parin sila makaget-over sa nangyari.

"Pa'no ba yan? Anong oras na kelangan ko nang umuwi. Baka hinahanap na 'ko nila Taehyungie."

"Sige, umuwi ka na. Chupe! 'Wag ka nang dadaan sa dinaanan natin kanina, ha? Baka 'yung gunggong naghihintay pa din du'n e. Dun ka nalang sa ibang daan. Okay lang kahit mas malayo kesa naman mapahamak ka, 'diba?"

"Uyy! Concern siya! Kilig much! Opo, masusunod, mahal na Prinsesa."

Tinaas ni Irene ang dalawang hinpapakyu na daliri saka tinapat sa mukha ni Hoseok. "Kita mo 'tong dalawang daliri kong 'to? Ipangsasaksak ko 'to sayo, tamo."

"Hardcore!" bahagyang napatawa ang binata. "Pero salamat nga pala, Irene, ha? Ang saya ko ngayong araw na 'to kasi nakasama kita. You not know how I'm happy."

"Tang ina mo sana tr-in-anslate mo nalang sa Filipino. Tarantado ka!" napatawa na rin si Irene. "Ako nga dapat magpasalamat eh. Libre mo kasi. Saka, ano, kahit papaano 'yung stress napawala mo. Napasaya mo nanaman ako ngayon. Hanep ka talaga. 'Ge na! Umalis ka na!" pananaboy ni Irene saka na tinulak-tulak si Hoseok palabas ng kanyang apartment.

"'Yun naman talaga dapat kong gawin e, ang pasayahin ka. Ayiiee! Kilig! Ayoko muna umalis, kulitin mo muna ako para tumagal usapan natin. Dali kulitin mo na 'ko! Willing naman akong magpakulit eh, basta ikaw." hinarang ni Hoseok ang sarili sa pinto habang nakapikit pa ang mga mata at nakanganga-ang walang kamatayan na ekspresyon ni Hoseok.

"Anong kulitin?! Tang ina mo hindi ka aalis?!" gigil na sigaw ni Irene saka inipit-ipit ang binata sa pinto. "'Yang baba mo nakikita ko parin. Gago!"

"Aray, aray! Eto na, eto na!" niluwagan ni Irene ang pag-ipit sa binata kaya nakaalis na ito. Sumilip siya sa pinto at nakitang naglalakad na patalikod ang binata palayo. "I really like you, Irene Aiko Navarro! HART HART!" sigaw nito habang nakahugis-puso nanaman ang dalawang kamay sa ibabaw ng ulo.

"Pakyu! 'Wag ako, tang ina mong Breezy Boy ka!"

Nang nawala na sa paningin si Hoseok ay sinara na niya ang pinto. Napasandal siya sa likod nito saka napangiti ng malapad. Hindi niya mapapagkakailang unti-onti na siyang nagkakagusto kay Hoseok.

*•*•*

Pagkauwi ni Hoseok sa bahay nila ay nagkagulu-gulo ang buong tropa. First time kasing umuwi ng late si Hoseok. Hindi sila magkandaugaga sa biglaang pag-uwi ni Hoseok ng late. Tahimik naman na nakikinig lang si Jungkook habang nakaupo sa sopa at naglalaro sa cellphone.

"Sa'n ka galing, ha, Hoseok? May ginawa ka 'no? Bakit namumula ka?" tanong ni Jin habang sinusuri ang pulang mukha ni Hoseok.

"Ah, sa tabi-tabi lang, Jin hyung."

"Namalimos ka, 'no?" dagdag pa ni Jin.

"Ulol."

"Saya mo ngayon, ah. T-um-orjak ka na siguro ng babae. Ano pakiramdam, ha, Hoseok?" nang-aasar na saad ni Yoongi.

"Eto hyung, masaya. Ako kasi nakauna kay Seulgibabes mo eh--"

'Di pa tapos sa pagsasalita si Hoseok nang inambahan siya ng suntok ni Yoongi. "GAGO KA AH!"

"Biro lang, hyung. Enangyan. Magagawa ko ba 'yun?" nakangiting pahayag ni Hoseok kaya binitawan na siya ni Yoongi.

"Baka naman kaya ang saya mo ngayon, hyung, kasi nag-enervon ka? Hehe. Sa'n ka ba kasi talaga galing baba hyung at ginabi ka na?" giit ni Jimin saka kinwelyuhan si Hoseok.

"Hindi ba sinabi sa inyo ni Namjoon? Alam niya 'yun eh," ani Hoseok saka tinanggal ang mga kamay ni Jimin sa kwelyo niya.

"Galing yan sa Busogan! Kasama si idol master cute! Nilibre niya ng tig-sa-sampung lugaw! Tang ina mo, nakakahiya ka! Sana nag-ipon ka pa ng mas marami!" natatawang wika ni Namjoon na nakaupo lang din sa sopa sa tapat ni Jungkook.

"Ulol! Tangina mo ka! Eh ikaw, nagagawa mo ba 'yan kay SMIML Miju mo?!"

"Tangina! Walang ganyanan!"

"H-um-a-hart-hart ka na ba kaya late ka nang umuuwi?" para bang nanay na tanong ni Taehyung sa kanyang baba hyung habang nakalagay pa ang mga kamay sa bewang. "Ano?! Sagot agad! Hindi kita pinalaking gan'yan, ha, Hoseok!"

"Ya, Taehyung, gumalang ka sa nakakatanda! Anong Hoseok ka dyan? Aba, aba!" saway ni Jin.

"'Bayaan niyo siya trip niya 'yan e," sambit ni Yoongi.

Napatawa naman ng malakas si Jimin dahil sa inaasta ni Taehyung saka pinaghahampas ang balikat nito.

"Sensya na, eomma, kasama ko kasi si Irene. Rapsa!"

"Ayun naman pala!" sabat ni Yoongi.

"Eh 'diba, hyung malapit lang naman 'yung Busogan? Bakit ang tagal niyo?" takang tanong ni Jungkook. Napatingin naman silang lahat sa kanya dahil kanina pa siya tahimik at hindi nagsasalita.

"Hinatid ko pa kasi si Irene sa apartment niya, Maknae. Saka naparami kami sa lugaw. Unli kasi e."

"Sa wakas nagsalita ka rin!" sigaw ni Jimin saka mabilis na tumakbo papalapit sa kanilang maknae at niyakap ito ng mahigpit. Tinulak naman siya ng malakas ng binata habang tumatawa kaya tumalsik siya papunta kay Namjoon. "Bakit?! Bakit mo 'ko tinulak?! Bakit mo ginagawa 'to sa'kin?! I don't deserve this!"

"Wow english," komento ni Jin. "Umakyat ka na nga sa kwarto mukha kang kupal ni Taehyung nung di pa siya tuli!"

"Hala, hala, si hyung dinamay pa etits ko," sambit ni Taehyung.

"Korni mo. Ulol! You got no jams!" iritang sigaw ni Namjoon saka tinulak din palayo si Jimin.

"Balang-araw pagsisihan niyo rin ang mga ginawa niyo sa'kin lalo ka na, Maknae!" sabay isa-isang dinuru-duro ang mga tropa hanggang kay Jungkook habang papaakyat siya sa hagdan ng nakatalikod. "Na sa'kin parin ang huling halakhak!"

"Korni mo tanga. Matulog ka nalang, 'di ka mahal ni Kris," pahayag ni Yoongi saka na rin umakyat sa hagdan patungong kwarto.

"Tang ina mo, Yoongi hyung. Isa ka pa!" sabay pasok na ni Jimin sa kwarto.

Sumunod na rin si Taehyung. Inakbayan lang siya ni Hoseok saka sila nagharutan sa isa't-isa habang papaakyat ng hagdan.

Lumapit si Jin kay Namjoon saka ito tinapik sa balikat. "Pareng Namjoon, 'yung gate ha, 'wag mong kakalimutang i-lock. 'Ge, akyat na rin ako."

Papaalis na sana si Jin nang hinawakan ni Namjoon ng mahigpit ang kamay nito.

"Pareng Jin, 'di mo ba ako aantayin?"

"Aantayin?"

"Aantayin na ipagtabuyan pa kita."

Muntikan nang mapatawa ng malakas si Jungkook nang narinig ang usapan nila pero nanatili siyang kalmado dahil ayaw niyang masira ang moment ng NamJin.

"Pare naman, bakit ba ang sama-sama mo sa'kin?! Palagi ka nalang gan'yan! Wala naman akong ginagawa sayo!"

"Dahil ito lang ang tangi kong magagawa para mapagtakpan ang katotohanang ikaw parin, pareng Jin."

"Putangina mong bading ka!" sabay hila ni Jin ng kamay sa pagkakakapit ni Namjoon. "I feel so harrassed!"

"Biro lang, hyung, eh 'to naman hindi nalang makisakay. Harrased amputa feel na feel mo, ha, pareng Jin? 'Ge, matulog ka na." sabay taboy ni Namjoon sa nakakatanda.

Napapailing nalang si Jin habang umaakyat ng hagdan.

"Hyung, ang ampalaya kinakain hindi inuugali," ika ni Jungkook habang medyo natatawa at nakatingin lang sa kanyang cellphone.

"Maknae, ang oportunidad kinukuha hindi sinasayang. 'Wag kang bobo. Tangina mo," sabi naman ni Namjoon.

Napaangat ang ulo ni Jungkook saka napatingin sa hyung niya at ngumisi. Bumalik nalang ulit ang atensyon niya sa nilalaro niya.

"Narinig mo naman siguro 'yung kanina, 'diba? Ang hina mo talaga, Maknae. Lumalamang na sayo si Hoseok! Wala ka pa bang moves d'yan?" natatawang tanong ni Namjoon.

Nakatutok parin ang tingin ni Jungkook sa nilalaro sa cellphone. "Hyung, bakit ba ang atat mo? Ang mga gan'yang bagay, hindi dapat pinapadalus-dalos yan. Kailangan kong maghinay-hinay lalo na't wala pa akong kasiguraduhan sa totoong nararamdaman ko kay Irene. Ayokong gumawa ng isang bagay na hindi ko pinagdesisyunan ng maayos. Isa pa, may girlfriend ako, hyung. Imposibleng magkagusto nalang ako ng ganu'n-gano'n sa kanya. Baka siguro naman kasi ay pag-hanga lang talaga 'to at hindi 'yung katulad ng iniisip mo. Nalilito na 'ko. Hindi ko talaga alam, hyung. Bahala na," kalmadong paliwanag ng binata.

"Sa bagay, Maknae, may point ka. Pero ang gusto ko lang sabihin ay sana 'yang paghinay-hinay mo ay medyo bilisan mo na kasi malay mo isang araw, kung kelan napag-isip-isip mo na, nahuli na ang lahat. . ."

". . .Kaya kung ako talaga sayo, Maknae, torjak-in mo na bago pa may t-um-orjak na iba."

"Gago ka, hyung, kadiri ka. Hindi ko magagawa 'yun."

"Painosente ka pang bata ka eh nahuli na nga kita sa CR nuon!"

"Bakit, hyung? Normal naman 'yun ah!"

"Hindi lang 'yan. Nahuli pa kitang nanunuod ng p0rn nung madaling araw last week!"

Napatawa nalang ng marahan si Jungkook saka umiling.

Ilang segundo lang ay nagvibrate ang cellphone ni Namjoon. One message received.

From: idol master cute <3

Oy Namjon! Libre mo ko bukas ng maraming pizza at ice cream ha? Ipapaalam ko lng kc sayo na BIRTHDAY KO NA BUKAS! HAHAHAHA. Ikaw plang kaya nakakaalam nito saka si Eugene. Swerte mo gago hahahaha. Ge bye asahan ko yan ha? Pati regalo narin pala! Hahaha!

"Oh? Birthday pala bukas ni idol master cute?!" halos pasigaw na sambit ni Namjoon. Napaangat naman ang ulo ni Jungkook na naglalaro parin ng cellphone sa sopa sa tapat ni Namjoon. "Panigurado may regalo na 'yan si Hoseok. Ano kaya regalo niya? Ano rin kaya ireregalo ko?" medyo malakas ang tono ni Namjoon dahil balak niyang paringgan si Jungkook. Nakatingin lang siya sa cellphone niya at kunwaring nagbabasa pero ang atensyon niya ay na kay Jungkook na para bang ang lalim ng iniisip. Napaisip na rin siguro siya kung anong ireregalo kay idol.

"Birthday ni Irene bukas, hyung?" malumanay na tanong ni Jungkook. "Oy, hyung, ano nga?"

"'Wag kang magsalita d'yan. 'Di kita kausap."

"Luh. Snobber si hyung. Nagtatanong lang eh. Okay." napatayo si Jungkook sa kinauupuan sa sopa saka inayos ang buhok niya. "Tanginang 'yan," bulong niya sa sarili.

Napangisi naman si Namjoon. Sabi na eh puputok din 'yang si Maknae. Halata namang kanina pa 'yan inis na inis at pilit lang na tinatago sa pagiging kalmado niya.

"Oy, Maknae! Binibiro ka lang eh! Oo, birthday ni idol master cute bukas. T-in-ext niya 'ko. Paghandaan mo na regalo mo sa kanya bukas," medyo pasigaw na sabi ni Namjoon habang natatawa dahil patuloy paring umaakyat si Jungkook.

Napatigil naman sa paglalakad ang binata. Bahagyang napalingon ito at napangisi saka na pumasok sa kwarto.

Napabuntong-hininga nalang si Namjoon saka napailing-iling. "Kawawa naman si Joy. Sana maaga palang makipaghiwalay na si Maknae sa kanya," bulong niya sa sarili.

Tumayo na siya saka dumiretso sa labas para i-lock na ang gate.

*•*•*

guys, kailangan ko opinyon niyo hehehehe kanino kayo boto? Hoseok o Jungkook? kaninong team ba kayo? SeokRene o JungRene? saka bqt sila ung napili niyo huehuhue gusto ko lng malaman. hehehe kc ako pareho silang dalawa e normal ba un? haha kinginang utak to pareho ko cla gusto :--(

Continue Reading

You'll Also Like

36.4K 1.2K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
132K 4.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...