Jungkook is Mine [completed]

By momochanchan_

182K 7.5K 2.7K

[bts series #1] [COMPLETED] [WARNING: not a FORMAL story] A not-so pervert girl who ends up taking care of a... More

01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08. [1]
08. [2]
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15. [1]
15. [2]
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
HAPPY BIRTHDAY TAEHYUNG!
23.
24.
25.
26.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36. [1]
36. [2]
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
[!!]
Special Chapter

27.

2.4K 132 57
By momochanchan_

last na hahaha matatagalan pa po ung susunod becoz busy na hehe requested din pala ni Patreyshaann kaya pinost ko na rin to huehuehue

try niyong basahin to habang tinutugtog ung blanket kick hahaha!

*•*•*

Nanlaki lalo ang mata ni Jungkook. Isang babaeng mukhang zombie ang sinusubukang luoban sila at hindi isang magnanakaw-si Irene.

Agad niyang binitawan ang matigas na bagay at mabilis na lumapit sa bintana dahil walang tigil sa kakakatok ang dalaga. She was asking for entrance. Binuksan agad niya ang bintana para maiwasan ang ingay at para papasukin ito. Pasuray-suray at pagewang-gewang naman na pumasok doon ang dalaga.

"Irene, a-anong ginagawa mo dito?" malakas na bulong niya kay Irene habang hinahawakan siya sa balikat para alalayan siya. Sinuri niyang mabuti ang itsura nito mula ulo hanggang paa. "Lasing ka. Naman Irene, bakit ka uminom?" medyo inis na tanong niya.

Ilang linggo na niyang hindi nakikita si Irene. At masaya siyang makita ulit ito. Pero hindi naman niya inakalang magkikita ulit sila sa ganu'ng sitwasyon.

Sumilip siya sa labas ng bintana para tignan kung may nakakita ba sa nangyari. Since it was already close to midnight, wala naman siyang nakitang saksi sa kabaliwang ginawa ni Irene. Sinarado niya ng maigi ang bintana saka hinarap ang lasing na dalaga.

Seryoso niya itong pinagmasdan. Ang laki na ng eyebags nito, at medyo magulo ang buhok na parang sinabutan, nagkaroon na rin ito ng mga pimples pero cute namang tignan sa kanya, pulang-pula ang mukha, at amoy na amoy ang alak.

Bakit siya uminom? Anong ginagawa niya dito? Namomroblema ba siya? Gusto niya itong itanong sa dalaga pero wala ito sa wisyo kaya hinayaan niya nalang.

Agad siyang niyakap ni Irene ng mahigpit. Inakap niya rin ito pabalik dahil kung hindi ay bumagsak pa ito sa sahig.

"I'm sorry, sorry. Sorry, Kookie beybeh. Sorry sa ginawa ko sa inyo ni Joy. Hinding-hinding-hindi ko na, uulitin 'yun," sambit ng dalaga sabay napasinok. She could barely open her eyes but she was sure Jungkook was the one she was hugging. She recognized him because of his addictive manly scent.

"Sshh. Okay na. Okay na, Irene. Hindi mo na kailangang mag-sorry," malumanay na sabi niya saka inalalayan at pinaupo si Irene sa kama niya kung saan siya nagre-review. Ilang linggo na ang nakalipas, at halos nakakalimutan na namin ni Joy 'yun.

"H-hindi. Ang, ang laki ng kasalanan ko. Pinakealaman ko kayo. Ang desperada ko. Sorry. Susubukan ko nang hindi magselos. Promise," saka pa tinaas ni Irene ang kanang kamay niya at ngumiti ng pagkalaki-laki. Napailing nalang si Jungkook saka bahagyang natawa.

Iba talaga nagagawa ng alak. Ako, umiinom ako dahil tinuruan ako nila hyung pero hindi naman sobra-sobra.

Dumiretso si Jungkook sa pinto saka ito binuksan at bumalik ulit sa kung nasaan si Irene.

"Anong oras na pumunta ka pa dito? Saan ka ba nakatira, Irene? Ihahatid nalang kita," tugon niya sa dalaga pero hindi siya nito pinansin. Tinititigan lang siya nito ng maigi.

Sa kabilang dako naman, si Taehyung at Hoseok, pigil na pigil ang tawa. Kanina pa sila nagising, nang binuksan ni Jungkook ang ilaw sa buong kwarto. Si Taehyung ang unang nagising dahil nasa taas siya ng double-deck. Nagising naman si Hoseok dahil sa kakagalaw ni Taehyung sa taas. Tinatakpan nila ng unan at kumot ang bibig nila para pigilin ang tawa kaya hindi sila nahahalata ni Jungkook na nakikinig lang sila.

Suminghot ng malakas si Irene saka tumayo at lumapit kay Jungkook. "Namiss kitaaa! Hehehe." isinakbit nito ang dalawang kamay sa batok ni Jungkook.

"Ah, ako rin," sambit nalang ng binata habang nag-aalinlangan sa pag-ngiti. Hindi ko gusto 'yung amoy niya.

Hindi parin tinatanggal ni Irene ang dalawang kamay sa batok niya. "Ang bangu-bango mo naman Kookie beybeh. Paamoy," suminghot ng malakas si Irene saka inamuy-amoy ang dibdib at kili-kili ng binata. Lumayo naman siya sa mga kamay ng dalaga saka natawa.

Hinawakan niya ito sa dalawang kamay. "Halika na, ihahatid na kita. Sabihin mo sakin kung saan ka nakatira." wika ni Jungkook na nagpipigil ng tawa habang inaalalayan si Irene sa pinto.

"Ayoko! Ayokong umuwi! Dito lang ako!" bulyaw ni Irene habang nagpupumiglas sa hawak ni Jungkook.

Nang nakaabot na sila sa pinto, nakawala si Irene sa kanya. Sinara ni Irene ang pinto at hinarap siya. Napaatras naman si Jungkook sa gulat. Unti-onti siyang nilapitan ng dalaga at kitang-kita niya na inaakit siya nito habang papalapit sa kanya.

Pero hindi siya na-a-attract sa dalaga, natatawa pa siya. Hindi niya maintindihan kung bakit tawang-tawa siya sa nangyayari. Ayaw niyang tawanan ng malakas si Irene dahil baka suntukin lang siya nito. Hindi pa naman niya gusto kapag galit ang dalaga.

"I don't need mariwana, I don't need kokeyn. Your presence is enough to drive me insane," mapang-akit na sabi nito. Natawa si Jungkook habang patuloy parin sa pag-atras.

"Wow, ang galing mo naman, Irene. S-in-earch mo ba 'yan?" nakakalokong ngiti ang binato niya sa dalaga na patuloy paring lumalapit sa kanya at binibigyan siya ng mapang-akit na tingin.

"Jungkook, sabihin mong mahal mo 'ko."

"Mahal mo 'ko," sagot ni Jungkook saka huminto sa pag-atras at ngumiti kaya isang suntok ang natanggap niya mula sa dalaga.

Impit na nasigaw siya saka hinimas ang pisngi niya kung saan palaging sinusuntok ni Irene. "Para sa'n 'yun?! Ginawa ko lang naman 'yung sinabi mo ah?" hindi sumagot si Irene at isang matamis na ngiti lang ang binigay. Narinig naman ng binata ang halakhak nila Taehyung at Hoseok pero hindi nalang niya ito pinansin saka hinimas-himas ang pisngi.

"Haranahin mo naman ako, Kookie. Tugtugan mo ko ng gitara. Kantahan mo ko, gustung-gusto ko 'yung boses mo," pagpupumilit ng dalaga na parang bata.

"H-ha? Eh sira na 'yung gitara ko e. Sinira kasi ni Namjoon hyung," sagot niya saka napakamot sa ulo.

"Sige na, Kookie!!" pagpupumilit parin nito. Hinawakan siya ng dalaga sa suot niyang sweater na white ang color sa sleeves at light gray naman sa center. Kinaladkad siya nito at hinila-hila ang sweater niya. "Kookie, sige na! Sabi ni Namjoon nag-gi-gitara ka daw eh!"

"Teka, teka. Oo na, Irene! Bitawan mo na 'ko," binitawan naman siya ni Irene. "Uhm," panandalian siyang nag-isip kung saan makakahanap ng gitara. Napatingin naman siya sa isang stuffed toy na gitara na maliit at pangbata lang na nakasabit sa dulo ng double-deck nila Hoseok. Madali niya itong kinuha. "Eto, may gitara na." (at the multimedia)

"Tiw tiw tiiiww. Tiw tiw tiiiw," ang gaya ng boses ni Jungkook sa tunog ng isang gitara habang kunwaring in-i-i-strum ito. Feel na feel pa niya ang paggigitara at papikit-pikit pa. Nakabusangot lang ang mukha ni Irene saka kinuha ang stuffed toy na gitara at binato sa kung saan. Natamaan naman ang mukha ni Namjoon pero mabuti nalang at hindi ito nagising.

"Next time nalang! Gusto ko ng totoong gitara!" inis na sambit ni Irene.

"O-okay," ang ngiti nalang ng binata sabay kamot sa batok niya.

"Alam mo bang nag-i-imagine ako palagi na kinasal na tayo?" she said in a seductive tone. Biglang nagbago ang tono nito. Pinagpatuloy ng dalaga ang pag-abante niya sa binata. Nagsimula namang umatras ulit si Jungkook. Pakiramdam niya ay nagiging laro na ang mga nangyayari.

"H-ha? Hindi ko alam eh. Bakit mo naman in-i-imagine na kinasal na tayo?" natatawang tanong ng binata habang patuloy sa pag-atras. Hindi niya akalaing nawala ang katamaran at kaantukan niya dahil sa pinaggagagawa ni Irene. Napakamot siya sa ulo habang pinipigilan ang tawa.

"Tapos umuuwi ka sa bahay galing trabaho tapos hahalikan mo 'ko tapos sasabihin mo, "honey, kamusta mga bata?", "honey, tigang ako ngayon.". Hehehe. Alam mo bang gusto kong mangyari 'yun?" she said again in the same tone. Napakamot ulit sa ulo si Jungkook habang nagpipigil ng tawa.

Tigang? Ang tindi talaga ni Irene pagdating sa kalibugan. Galawang breezy girls.

"W-wow. Hindi ko akalaing ganyan mo 'ko kagusto, Irene," saad niya habang patuloy parin sa pag-atras. Hindi parin siya tinitigilan ng dalaga. Hanggang sa nakaabot sila sa bandang bintana-kung saan malapit ang kama niya at kung saan pumasok si Irene.

Wala na siyang aatrasan. Dead-end. Napalunok siya habang tinitignan si Irene. Tumingala ito sa kanya dahil sa tangkad niya.

"Irene Jeon. Hehehe. 'Diba mas maganda pakinggan kesa sa Joy Jeon? Tss. Pwe," natatawang sabi ni Irene saka kunwari ay dumura-dura pa.

"Nag-i-ilusyon ka nanaman, Irene."

"Bakit si Joy pa, Jeon? Kung pwede naman ako?" she was really seductive. She traced her fingers on his chest. Napalunok ulit si Jungkook at nag-aalinlangang ngumiti. He felt something different nang narinig niyang tinawag siya ni Irene sa apelyido niya.

Ano bang ginagawa nito ni Irene?

"Haha. Okay, sige, tama na. Iuuwi na kita," sabi nalang niya saka mahinang tinulak si Irene. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila papunta sa pinto.

"Ayaw ko sabing umuwi e!" sigaw ni Irene saka hinila ang kamay niya kaya napatigil sila.

"Lasing ka, Irene."

"Eh ano naman?!"

"Sshh. 'Wag kang sumigaw baka magising sila hyung," malumanay na paalala ni Jungkook.

Nagulat nalang siya nang bigla siyang hinawakan ni Irene sa damit saka kinaladkad ulit katulad ng ginawa nito kanina. Sasabog na ata ang utak niya sa pinag-iisip at pinaggagagawa ng dalaga sa kanya. "Jeon, 'wag mo na kong pahirapan, please, didiretsuhin na kita. Akin ka nalang!" she whined.

"Teka lang, Irene. Ano ba? Haha! 'Yung damit ko mapupunit na manipis lang 'yan!" natatawang sabi niya habang sinusubukang hilahin ang manipis na sweater niya sa mga kamay ni Irene. Halos makita na ang katawan niya dahil sa ginagawa ng dalaga. "Irene, ano ba? Haha! Para-paraan ka talaga sakin eh, 'no?"

"Wala akong pakealam! Maghubad ka! Sige na, Jeon, akin ka nalang!" pagpupumilit ni Irene habang patuloy lang sa paghihila ng damit niya.

"Masyado mo na 'kong pinagsasamantalahan, Irene!"

"Akin ka nalang, Jeon!"

"Ahh, grabe, hinuhubaran mo na ko!" sigaw niya habang tumatawa dahil medyo kinikiliti rin siya sa mga ginagawa ni Irene. Natataas na nito ang damit niya sa kakahila.

"'Pag naging akin ka, iyung-iyo na buong katawan ko!"

"Naknamputa naman, Irene. Libog Lord ka ba? 'Wag mo ngang sabihin 'yan! 'Wag mo kong igaya sa kalibugan mo!"

"Jeon, ako ang manok mo! Dahil ako ang lilimlimsa itlog mo."

Nanlaki lalo ang mata niya saka napatawa ng malakas. Libog Lord talaga.

"Oo na! Oo na! Naknamputa naman oh! Iyo na 'ko, sige na, basta bitawan mo lang ako!" patuloy parin sa pagtawa ang binata habang nagpupumiglas kay Irene. Tawang-tawa talaga siya itsura ni Irene at sa ginagawa nito, lalong-lalo na sa mga sinasabi nito.

"Talaga? Akin ka na?!" binitawan nito ang damit niya sa wakas. Madali namang inayos ng binata ang damit niya bago nagsalita. "Malilimliman ko na ba ang itlog mo?!"

"Hindi, biro lang 'yun. Hindi mo lilimliman ang itlog ko, Irene, kaya tumigil ka na sa mga kahibangan mo. Halika na, ihahatid na kita sa inyo," kaswal na sabi niya saka ngumiti kaya sumimangot si Irene.

"Eh gusto kong limliman ang itlog mo eh. Manok nga 'ko, 'diba?!"

"Heh! Tumahimik ka, Irene. Hindi ka manok. Halika na, uuwi ka na."

Nauna nalang na dumiretso si Irene sa pintuan dahil sa tampo. Sinundan naman siya ng binata.

"Buti naman napagpasyahan mo nang umuwi," natatawang wika ni Jungkook. Pero akala niya lang 'yun dahil biglang tumalikod si Irene at humarap sa kanya. She looked at him full of seduction and tempation. Nanlaki ang mga mata ni Jungkook sa gulat saka napalunok.

"Nanaman? Hindi ka pa tapos?" napapalunok na tanong ni Jungkook. Awtomatiko siyang umatras nang umabante nanaman sa kanya ang dalaga.

"Hindi pa."

Gan'to ba talaga nagagawa ng alak?

"Ano pang gagawin mo? Lilimliman mo itlog ko?" pigil ang tawa na tanong niya.

"Bago ako umalis, kailangan kong mag-iwan ng marka sayo," mahinang wika ni Irene saka mabilis na linapit ang labi niya sa labi ng binata. Tinapat naman ng binata ang palad niya sa labi ng dalaga saka napatawa ng malakas.

He sprinted away and jumped on his bed. He squeezed himself against the wall and held up his forearms across his chest to protect himself from danger. Nagkukunwari siyang takot kay Irene pero ang totoo ay tuwang-tuwa lang talaga siya sa ginagawa nito.

Hay, ano ba tong ginagawa ko?

Mabilis na lumapit si Irene saka siya binitag sa pader. She leaned herself and pouted her lips to kiss him pero umiiwas si Jungkook habang tumatawa.

"Reyp! reyp! Mga hyung, tulong!" pabirong sigaw niya habang tumatawa. Pinunasan pa niya ang mga luha sa mata niya sa katatawa. Wala na siyang pakealam kung magising sila dahil masyado na siyang immersed sa nangyayari.

Ang sarap talagang pag-tripan ni Irene. Pauuwiin ko pa ba 'tong babaeng 'to?

"Tangna, Irene, nababaliw ka na talaga! Imbis na nag-re-review ako, eto ako, nakikisabay sa trip mo," natatawang wika ni Jungkook. Halos di na makita ang mga mata niya sa kakatawa.

"Akala mo ba trip ko lang 'to? Hindi! Dahil hahalikan talaga kita! Matagal ko nang gustong gawin 'to e, maliban sa limliman itlog mo. Kaso hindi ako makatyempo." she cupped both of his cheeks then leaned closer to him. Sobrang lapit na nila sa isa't-isa.

"Ah talaga, Irene?" natatawang tanong niya.

Mahahalikan na sana siya ni Irene pero mabilis niyang kinuha ang isang Super Mario stuffed toy na nakakalat sa sahig saka tinapat sa gitna ng pagitan nilang dalawa.

Lumayo naman si Irene saka sumimangot. Tawa ng tawa naman ng malakas si Jungkook. Rinig na rinig na rin ang pagtawa ni Hoseok saka ni Taehyung.

Maya-maya lang ay nag-iba ang hulma ng mukha ng dalaga. Para bang meron itong kung ano sa loob ng bibig na malapit nang lumabas. Bago pa makakilos si Jungkook ay sinukahan na siya nito sa katawan. Buti nalang ay hindi nasukahan ang higaan niya.

"Ahh, sht," nawala ang ngiti at halakhak na bumalot sa kwarto nang naduwal ang dalaga. Pagkatapos nu'n ay nawalan na ito ng malay at nakatulog sa dibdib ng binata.

"Sht, Jungkook!" natatawang sabi ni Taehyung saka muling bumalik sa pagkakahiga.

"Hyung, patulong naman!" mahinang sigaw ni Jungkook habang diring-diring tinitignan ang sarili.

Natatawa namang bumalik din sa pagkakahiga si Hoseok at nagkunwaring humihilik ng malakas. Ganu'n din si Taehyung.

Napaikot nalang ang mga mata ni Jungkook saka sapilitang binuhat ang dalaga kasabay ng pagtayo niya. Ang bigat talaga ni Irene.

Binuhat niya ang dalaga saka pumunta ng banyo. Pinaupo niya muna ng pansamantala si Irene sa lapag saka kumuha ng silya saka pinasok sa banyo. Binuhat niya ulit ang dalaga saka pinaupo ito duon.

He took a deep a breath as he gazed on her.

Nakayuko ang ulo ng babae habang nakaupo ito sa silya. Napailing siya saka kumuha ng malinis na bimpo. Sinabunan niya ito at kinuskos. Pagkatapos ay pinunasan niya ang mukha ng dalaga na may bahid ng suka. Pati narin ang buhok nito na nalagyan ng mga suka. Hindi niya gusto ang amoy na bumalot sa banyo- pinaghalong pabango niya at amoy ng suka ng dalaga. Pero pinilit parin niya para lang malinisan si Irene.

"Pagkatapos mong pumara-paraan sa'kin, pagsamantalahan ako, susukahan mo ko? Irene talaga, hindi ka na nagbago," mahinang saad niya habang pinupunasan ang mukha nito.

"Bakit ka ba kasi uminom? Nakakatakot ka pag lasing, Irene. Alam mo ba 'yun?"

Nang natapos na ay binanlawan niya ang bimpo saka iniwan sa lababo. Binuhat niya ulit ang natutulog na babae saka dinala sa kwarto nila. Inihiga niya ito sa kama niya saka dumiretso sa damitan niya. Kanina pa siya hindi mapakali sa malagkit na bagay na nasa katawan niya.

*•*•*

Pagkatapos ng halos ilang minuto ng pagligo, bumalik siya sa kwarto para tignan ang dalaga. Kinuskus-kuskos lang niya ang buhok gamit ang tuwalya habang naglalakad papunta sa kama niya.

Mahimbing na natutulog ang dalaga habang yakap-yakap ang Super Mario stuffed toy na ginamit niya para ipangharang sa labi nito na sapilitang hinahalikan siya kanina. Medyo amoy parin ang suka kay Irene pero hinayaan nalang niya dahil natuyo narin naman na ito sa damit niya. Ayaw rin naman niyang bihisan ang dalaga.

Umupo siya sa gilid ng kama saka tinignan ng mabuti ang mukha ng dalaga. Hinawi niya ang buhok nito saka sinuklay. Kinumutan niya rin ito dahil sa lamig ng aircon. Hindi niya namalayang napangiti nalang siya bigla habang inaalala ang mga nangyari kanina.

Iniiling niya nalang 'yun saka tumayo na. Lumapit siya sa double-deck kung saan nakahiga ang Hoseok hyung niya saka inis na hinablot ang unan na yakap-yakap nito. Kinuha niya rin ang ekstrang kumot sa paanan nito saka na bumaba sa sala.

No choice kaya sa couch nalang siya matutulog.

Wala naman sigurong multo dito sa sala 'no?

*•*•*

sa mga gustong magpadedicate, pm niyo lng ako or comment nlang kau hehehe.

Continue Reading

You'll Also Like

132K 4.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
767 31 2
Genevieve's willingness to succeed in life alone made her stop relying on her parent's money since college. With a fashion degree, she opened her onl...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
324K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...