The Billionaire's Revenge (...

By alebjo

519K 9K 624

We were a good couple once, a perfect couple indeed but it was changed when an unexpected event happened. It... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Finale
Epilogue

Chapter 54

5.2K 79 3
By alebjo

Not edited.

Beth.

"Pero bago yun, gusto kong makita mo ang gagawin ko sa girlfriend mo."
Pagkatapos niyang sabihin yun, tinanggal niya ang aking piring sa mata. Napapikit ako dahil sa sinag ng ilaw na tumama sa mga paningin ko. Pinikit-pikit ko ang aking mga mata para mag-adjust sa liwanag.

Inilibot ko ang aking paningin at hinanap agad si Clark sa paligid nang umayos ang aking paningin.

Nakita kong pilit niyang winawaksi ang mga braso mula sa hawak ng dalawang lalaki sa magkabilaan habang pilit na tinatali siya ng mga ito.

"Clark! Clark!" Saad ko habang nakikita syang lumalaban sa taling iginapos sa kanya.

"Beth! Beth! Listen to me sweetheart, listen to me. Everything will be okay, okay? Trust me. Everything of it will end, okay?" Pilit niyang pinapagaan ang kalooban ko sa sitwasyon namin. At dahil doon, tumango ako kasabay na pinanghahawakan na magiging okay din ang lahat. Gusto kong umasa dahil yun lamang ang magagawa ko.

"Damn you!! If you want to play, play fair then! Hindi yung umaasa ka sa mga bata mo para magtrabaho sayo! Pakawalan mo ako at labanan!"

Tumawa uli ito ng nakakaloko."Yan ang gusto ko. Ang parang aso kang nagwawala. Matagal kong panahon ang hinangad na makita kang parang walang kakayahang lumaban! At sobrang saya sa pakiramdam."
Saad nito at lumalapit kay Clark. Pagkatapos ang inumbagan niya ito sa suntok sa tiyan.

"Clark!"

Alam kong nasaktan si Clark sa ginawa ni Lucas pero hindi niya ito pinakita sa kaharap.

"Masakit?" Tuyang tanong ni Lucas.

Ngumisi lamang si Clark bilang sagot.

Muling sinuntok ni Lucas si Clark, pero ngayon hindi lang isang suntok. Kundi magkakasunod na suntok.

"Lucas tama na! Tama na!"
Mukhang walang narinig ito at walang awang pinagsusuntok si Clark. Hindi lang sa tumatama ang mga suntok nito sa tiyan kundi pati na rin sa mukha.

May mga putok na sa labi si Clark dahil dito. At hindi makalaban si Clark dahil sa nakatali ang kanyang mga kamay. Ang dalawang tauhan naman ni Lucas ay nakamasid lamang sa kanila.

"O ano? Masakit ba? O kulang pa?Hindi ka ba mag-mamakaawa na itigil ko na ito?"
Ani Lucas.

"Yun lang ba ang kaya mo? Hintayin mo kapag ako ang magbubugbog sayo dahil hindi lang ito ang aabutin mo. At hinding-hindi ako magmamakaawa sayo." Saad ni Clark.

"Ang tapang mo parin? At tingin mo tapos na ako? Nagsisimula palang ako."
Tinanguan ni Lucas ang kanyang mga tauhan. At ganoon na lamang ang aking takot dahil ang mga ito ang nagsimulang nagbugbog kay Clark.

Jusko ko! Walang humpay na pinagsalitang bugbugin nga mga ito sa Clark. May pagkakataon ring sabay sa pagbitaw ng mga suntok kay Clark.

Walang nagawa si Clark at wala itong kalaban-laban dahil parehos nakagapos ang mga kamay ni Clark.

Binalingan ko si Lucas. "Lucas, tama na! Itigil mo na ito! Maawa ka, itigil mo ito!" Sa pagkakataong ito, tanging pagmamakaawa ang aking nagawa. Pareho rin nakagapos ang aking mga kamay.
Nakita kong umubo na si Clark ng dugo dahil sa pambububog.

Ilang sandali niya akong tinitigan bago pinahinto sa mga tauhan niya ang pambububog kay Clark.

"Mukhang wala kang pakialam sa pagbasag ko ng mukha mo, huh?" Tanong nito kay Clark, na syang nakalaylay ang kanyang ulo at puno ng dugo.

Dahan-dahang iniangat ni Clark ang kanyang mukha para makita si Lucas. "K-kahit i-ilang tauhan mo pa ang bubugbog sa akin ay wala akong pakialam."

"Alam ko, pero sa gagawin ko ay siguradong magwawala ka nang husto at magmamakaawa."

Binitawan niya ang Ulo ni Clark at may kinuha sa kanyang bulsa.
Isang bakal, isang punyal.

Diyos ko! Ano ang gagawin niya?

Hinaklit ni Lucas ang buhok ni Clark para magpantay sila.
"Manood ka sa gagawin ko!"

Pagalit na binitawan ni Lucas si Clark at tumingin sa akin. Unti-unti itong lumapit habang hawak ang punyal.

Isang nakakalokong ngisi ang ginawa niya. Isang ngisi na alam kong walang gagawing hindi maganda.

Dumoble ang takot na nararamdaman ko.
"A-anong g-gagawin mo?" Utal kong tanong.

"Itutuloy ang naputol na pinagsaluhan natin kanina." Saad nito at tumawa ng parang baliw.

Hinawakan niya muli ang mukha ko at walang sabing pinunit ang damit ko gamit ang punyal.

"No!Fuck! Get off her you asshole! Don't touch her! Don't touch her!" Galit na sigaw ni Clark.

Hindi niya pinansin si Clark.
Ramdam ko ang lamig na nagmumula sa punyal dahil kanyang itong idinikit sa balat ko at kanyang inilakbay. Nakalitaw ngayon ang pang itaas kong katawan at tanging bra ko ang natira.

"Huwag, huwag mong gawing ang balak mo, Lucas, maawa ka. Huwag!"

Hindi ito nagsalita at patuloy na dinampi at inilakbay ang punyal sa katawan ko. Nangingi na ako sa takot. Gusto kong umiyak pero pinipilit kong pigilan dahil ayokong makita ni Clark na sobrang akong tatakot sa nangyayari. Ayokong dagdagan ang nararamdaman niya ngayon.

Umikot si Lucas sa likod ko. Ngayon ay pareho kaming nakaharap kay Clark.
Bigla niyang hinawakan ang ulo at pinagilid. Naramdaman ko hininga ni Lucas sa leeg ko. Sinunggaban ni Lucas ang leeg ko.

Pilit kong iniwaksi ang leeg peri ang higpit ng pagkahawak niya sa ulo ko.

"Damn you asshole!! Fuck you!! Bitiwan mo sya!! Bitiwan mo sya!!"
Sigaw ni Clark. Nagpupumilit si Clark na makawala sa mga gapos niya nang makita ang ginawa ni Lucas. Pero hanggang sa pagwawala lang ang kanyang ginawa dahil hindi sya makawala.

Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Hindi ko na mapigilan dahil sa sitwasyon namin. Lalo na nang hinawak-hawakan ni Lucas ang katawan ko. Ibinaba niya sa tiyan ko. Hinawakan rin nito ang dibdib ko!

"Huwag! Maawa ka... Huwag!"
Usal ko habang umiiyak.

Hindi ako tumigil sa pagpalag.
Ayoko ko na dito. Nakakadiri. Nakakadiri ako! Kung sinong lalaki ang nakahawak sa akin!

Nakita kong pilit pa ring nagwawala si Clark.

"Hayop ka!! Papatayin kita!! Hayop ka! Bitiwan mo sya!"

"Nagsisimula pa lang ako. Nagsisimula palang akong mag-enjoy sa katawan niya, tapos patitigilan mo ako? Hindi pwede! Hindi pa ako tapos!"
Sagot ni Lucas.

"Boss baka pwedeng kami naman pagkatapos mo." Saad ng isa sa mga tao ni Lucas.

"No! Don't you dare dahil papatayin kita!" Sigaw ni Clark. Tumawa lang si Lucas na nakakahibang.

"Saka na, pagtapos na ako. Kayo na ang bahala sa kanya."
Saad ni Lucas sa kasama niya. At pinatuloy ang kababuyang paghalik sa akin!

Nakita kong punong-puno ng galit ang mga mata ni Clark sa ginagawa ni Lucas. Nagbabaga. Nangangalit. Disperadong siyang makawala sa gapos niya. Nag-uumigting ang panga niya sa galit. Animo makawala lang syang ay talagang papatayin niya si Lucas.

"Tama na... Tama na.." Hikbi ko. Napapagod na ang katawan ko sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko. Galit, takot, galit, takot. Isama pa ang pandidiri. Pandidiri sa lumastangan sa akin, at nandidiri sa sarili ko.

"What else do you WANT?! Binigay ko na sayo ang perang hinihingi mo! Dapat pinakawalan mo na kami!!" Sigaw ni Clark.

"Tell me!! Ano pa ang gusto mo at tigilan mo na ang ginagawa mo!!"Muling sigaw ni Clark.

Doon huminto si Lucas sa ginagawa.
"Sinabi ko na sayo kanina. Gusto kitang patayin! Pero kailangan ko pa ng Go signal kay Boss."
Saad niya.

"Boss? You mean you have a conspirator here?"
Tanong no Clark sa sinabi niya.

"Oo, kung gusto kitang patayin, gusto rin niyang mangyari yun sayo. Kung malaki ang galit ko sayo, mas malaki ang galit niya sayo. Kung ako gusto kitang tirisin, siya, gusto ka niyang durugin." Sagot ni Lucas.

"Hindi mo ba alam na marami kang kalaban? Marami ang gustong makitang kang bumagsak."
Patuloy ni Lucas.

Alam ko iyon. Alam na alam. Sa pagtatrabaho ko kay Clark marami ang gustong bumagsak siya dahil sa pinakikita nitong pagkadominante sa negosyo. Marami syang inagawan na cliyente dahil sa magandang stategic planning na pinaprisinta niya sa mga potential clients na hindi magawa ng mga kalaban niya. Marami din syang naisarang mga deals sa mga naglalakihang investors.
Parehong hinahangaan at tinatatakutan si Clark. At kasabay nun ay pagdami rin ng kanyang mga kalaban, mga kumakalaban sa kanya.

"Sabihin mo, sinong demonyo ang utak nito?! Sabihin mo?!" Galit na sigaw ni Clark. Mas lalong nag-aapoy ang galit sa mga mata niya. Mas lalong lumagablab ang panlilisk ng kanyang mga mata.

"Huwag kang mag-alala makilala mo rin siya. Pero sa ngayon ipapamasahe muna kita sa kanila." Saad ni Lucas at sinenyasan ang mga tauhan niya.

Walang inaksayang sandali ang mga ito at pinagtulungang bugbugin muli si Clark.

"Clark!"

Tumingin ako kay Lucas para itigil niya ang kanyang pagpapahirap kay Clark. Hindi ko kayang makita syang duguan. Hindi ko kaya.

Walang ibang ginawa si Clark kundi tanggapin ang lahat ng suntok na binibigay sa kanya.
Tinatadyakan rin sya ng mga ito.

Bumaling ako kay Lucas.
"T-tama na, Lucas. Tama na.. Itigil mo na ito. Maawa ka."
Pagsusumamo ko sa kanya.
Ibinaling ni Lucas ang kanyang atensyon mula kay Clark sa akin.

"Maawa? Naawa ba sya sa akin ng tanggalin niya ako sa trabaho?"

"Dahil kasalanan mo rin. Mabuting taong si Mr. Reyes pero nagawa mo pa rin syang pagnakawan." Ani ko.

"Dahil kailangan ko ng pera!"
Sagot niya.

"Nagawa ka niyang tanggalin dahil sa sarili mong kagagawan. Ginawa lang ni Clark ang dapat niyang gawin!"
Saad ko.

Dumilim ang kanyang mukha at sinampal ako.

"Pwes!Gagawin ko rin ang dapat kong gawin, yun ay ang patayin siya. Kahit walang pahintulot ni Boss ay papatayin ko na sya!"
Galit niyang saad. Itinuon niya ang kanyang atensyon muli kay Clark na pinagsusuntok ng mga tauhan niya habang hawak ang punyal.

Galit at madilim ang kanyang mukha at unti -unting lumapit kay Clark. At nang makalapit sya ay inamba niya ang kanyang kamay na may hawak na punyal kay Clark!

"Clark!"


Vote, comment and share.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 134K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
96.7K 1.6K 57
❤ Reached #13 in #Filipino When everything you thought was right, suddenly goes wrong, kanino ka lalapit? Kanino ka kakapit? Angel Fueco has everythi...
873K 17.2K 23
Krake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina t...
556K 20.4K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...