The Billionaire's Revenge (...

By alebjo

519K 9K 624

We were a good couple once, a perfect couple indeed but it was changed when an unexpected event happened. It... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Finale
Epilogue

Chapter 53

6K 118 9
By alebjo


Not edited.

Beth.

Unti-unti kong minulat ang talukap ng aking mga mata. Pero kahit anong gawin kong pagmulat ay hindi ko magawa. May nakaharang na bagay para sa pagmulat ko. Wala akong makita dahil ramdam kong nakatakip sa mga mata ko.
Kahit aninag lang sa paligid ay hindi ko makita.

Nasaan ako?

Gusto kong aalisin ang anumang nakaharang pero hindi ko magawa dahil nakatali ang aking mga kamay sa kinauupuan ko. Kahit ang mga paa ko ay nakatali rin.
Ang katawan ko ay masakit marahil sa pangangalay.
Ang baho rin dito. Masangsang ang amoy.

Jusko ko!

Inalala ko ang nangyari kung bakit ako narito.

Sa bahay ng mga magulang ni Clark. Ang katotohanan. Ang galit ni Clark. Ang paghabol ko sa kanya. Ang paghinto ng itim na van. At ang pagdukot nila sa akin.

Ang takot ko kanina habang tinatangay nila ako ay muling umusbong. Sino sila? Bakit nila ako kinuha at dinala dito?
Anong kailangan nila?

Hindi ko alam kung nasaan ako at kung sino ang mga taong dumukot sa akin.
At hindi ko alam kung bakit ako nandito.

Jusko, tulongan mo ako.
Sana malaman ni Clark na nawawala ako. Sa galit ba naman nito sa akin, posibleng wala na itong pakialam sa akin.

Sa gitna ng pag-iisip ko ay narinig kong may bumukas. Malamang pintuan iyon.

Narinig ko ang mga yabag. Yabag papunta sa akin.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya. Ramdam ko ang presensya nito sa aking harapan.

"Sino ka?" Ulit kong tanong dahil wala akong nakuhang sagot sa kanya.

Muli, wala akong narinig na sagot mula sa kanya kundi isang magaspang na kamay ang humaplos sa pisngi ko. Agad kong iniwas ang mukha ko mula sa taong ito.

"Kahit sa ganitong sitwasyon ang ilap mo parin, Beth."
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang makilala ko ang boses ng taong nagsalita.

L-lucas!

"Lucas" Paos kong naisatinig.

"Mabuti naman at nakilala mo pa ang boses ko. Akala ko nakalimutan mo na ako."
Malamig niya saad. Muli niyang hinaplos ang mukha ko.
Kahit ilang taon kaming hindi nagkita ay nakilala ko kahit papaano ang kanya boses dahil na rin sa nakasama ko siya sa trabaho dati.

"Bitawan mo ako! At bakit mo ako dinukot!" Saad ko sa kanya.

Tumawa ito nang bahaw.
"Wala ka talagang pakiramdam sa akin ano?! Hindi mo ba naramdaman na may gusto ako sayo?" Pag-aamin niya.

Ano?

"Gustong gusto! Gustong gusto kita! Kaya mukhang hindi mo iyon nakita dahil sa iba ka nakatingin! Bakit dahil ba mayaman siya? May pera naman ako, Beth! Kaya kong ibigay ang kahit anong gusto mo!"
Sigaw niya sa mukha ko habang hawak ito.

"Hindi ko kailangan ng pera. Talagang kaibigan lang ang turing ko sayo, Lucas." Sagot ko.

Napadaing ako nang biglang niyang bitawan biglang ang mukha ko.
"Puta!! Kaibigan?! Pero hindi yan ang gusto kong maramdaman mo sa akin! Ang gusto ko ay gustuhin mo rin ako!!"
Ramdam ko galit habang sinasabi niya iyon. At pwede ba yun? Ang diktahan kung sino ang pwedeng gustuhin at mahalin?

"Hindi nadidikhan ang nararamdaman ng isang tao, Lucas. Hindi mo ako pwedeng diktahan sa nararamdaman ko para sayo!" Sigaw ko sa kanya.

"At bakit hindi?! Yung Villanclara nga nagawa mong magustuhan ako pa kaya! Bakit ano ang nakita mo sa kanya na wala ako? Kung pera lang din naman, mayroon din ako niyan. At alam mo ba mas mahigit ako doon. Dahil hindi ako kasing sama niya."
Kung hindi lang ako nakagapos dito, malamang nasampal ko siya dahil sa mga binitawan niyang mga salita. At papaano niya nalaman ang tungkol sa amin ni Clark?

Hindi ko minahal si Clark dahil lang sa pera niya.
Mahal ko siya dahil sa katauhan niya, hindi sa kung anong mayroon siya.

"Sinabi ko na sayo na hindi ko kailangan ng pera para lang magustuhan ang isang tao. Mahal ko Clark kahit wala siyang pera. Mahal ko siya dahil mabuti siyang tao.At yung sinasabi mong masama siya? Hindi yan totoo dahil mukhang sarili mo ang tinutukoy mo sa sinabi mo kanina."

Biglang napabaling sa kaliwa ang mukha ko nang biglang sinampal niya ako.
Malakas at masakit. Pero hindi ako umaray.

Unti unti kong ibinaling ang mukha ko sa kanya. Kahit hindi ko sya nakikita, pinakiramdaman ko siya at doon bumaling.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit mo ako dinukot at bakit mo ito ginagawa?" Maiigting ko tanong sa kanya.

"Ano sa tingin mo, Beth? Sa lahat ng sinabi ko hindi mo pa alam?"
Balik niyang tanong sa akin.

May hinala na ako sa naging dahilan pero gusto kong malaman ay kung bakit.

"Sige, para malinaw ay sasabihin ko sayo. Una, ay nasabi ko na, gusto kita at magiging akin ka! Pangalawa, gusto kong gumanti kay Villanclara sa lahat ng ginawa niya sa akin!! Hindi ko siya sasantuhin. Papatayin ko sya sa lahat ng kasalanan niya sa akin!"Nanggigil niyang saad. Puno ng galit ang kanyang boses habang sinasabi niya ang kanyang mga salita.

Nakakangilabot ang kanyang mga sinabi. Kahit anong mangyayari ay hindi ako magiging kanya. Hindi ko siya hahayaan sa masama niyang gagawin kay Clark.

"Hindi ko papayagang mangyari ang mga plano mo. At bakit ka maghihiganti kay Clark? Ano ang naging kasalanan niya sa sayo?"

Magkasunod na halakhak ang kanyang ginawa.
"Hindi mo alam? Hindi mo alam!?!"

Napakislot ako sa aking kinauupuan dahil sa lakas ng kanyang sigaw. Hindi niya pa rin tinatanggal ang piring sa aking mga mata. Pero kahit ganoon ay ramdam ko ang kanyang mga galaw. Ramdam ko ang kanyang papunta't paroroon sa aking harapan.
Bigla itong huminto at malakas na dinaklot ang magkabilang pisngi ko.

"Makinig ka sasabihin ko dahil sasabihin ko sayo ang kahayupang ginawa sa akin ng hayop na yun!
Tinanggal lang naman niya ako sa trabaho nang walang dahilan. Nang tanungin ko siya tungkol doon; alam mo ba kung ano ang kanyang sinabi? Ang sabi niya 'Hindi ko deserve ang posisyon ko at sa kompanya niya!' Puta! Ilang taon akong nagtrabaho sa kompanyang iyon bago mapasakanya! Tapos sa isang iglap ay basta niya lang ako tinanggal! At hindi lang iyon, pinablacklist niya ang pangalan ko sa lahat ng kompanya na pwedeng ko applyan! Kaya hindi ko mapapatawad ang hayop na yun sa ginawa niya sa akin!"

Hindi ko alam na tinanggal ni Clark si Lucas sa kompanya, pero kung ganoon nga ang nangyari, malamang ay may ginawa ang huli na hindi maganda o hindi nagustuhan ng una kaya ginawa ang pagtanggal.

"Hindi ko nga alam kung anong mayroon sa hayop na yun at hindi mamatay-matay. Una naiiwasan niya ang kotse, pangalawa hindi siya nakaabot sa oras ng pagsabog ng bomba. Ang swerte niya!"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Siya ang may pakana nang lahat ng iyon?! Siya ang gustong pumatay kay Clark sa una palang! Kanina ko pa nilalabanan ang takot ko, pero hindi ko na ito matatago dahil sa kanyang mga sinabi. Lalo't na siya ang gumawa ng mga panganib kay Clark na syang pwede nitong ikamatay.

"Hayop ka! Hayop ka! Ang sama mo! Ang sama-sama mo! Hindi ka nagtagumpay noon kaya lalong hindi ka magtatagumpay ngayon! Hayop!" Tumawa lamang ito nang tumawa. Parang ikinasaya nito ang aking sinabi.

"Talaga ba? Pero mukhang ubos na ang kanya swerte, dahil nasa akin ka ngayon. Ikaw ang magsisilbing pain ko para lumapit ang isda sa akin. Kahit hindi ko siya puntahan para patayin, siya ang pupunta sa kamatayan niya."
Muli ito tumawa ng pagkasaya-saya.

Tumawa ito ng tumawa. Humalaklak na para isang demonyo.

"Pero bago yun magiging akin ka muna." Napantig ang tenga ko sa kanyang sinabi. Hindi pwede! Hindi ako papayag sa gagawin niya sa akin! Muling gumapang sa takot sa loob ko.

"Anong gagawin mo?! Anong balak mo sa akin?!" Sigaw kong saad.

"Paliligayahin natin ang isa't isa. Matagal na akong naggigil sayo pero ngayon ay matitikman na kita."

"Hayop! Hayop ka talaga, hindi ko papayagan na babuyin mo ako! Hindi! Mamatay muna ako bago mo magawa ang balak mo!"

"Wala naman akong balak na buyahin ka eh. Pagkatapos kong pagsawaan ang katawan mo ay papatayin kita. Para hindi ka mapakinabangan pa ni Villanclara! Ito yung tinatawag nilang hitting two birds with one stone. Ganda ng plano ko di ba?"

Muli itong tumawa. Parang baliw na tawa. Hindi ko na makilala ang dati kong naging katrabaho at kaibigan dahil sa mga aksyon at sinasabi nito. Kinain na ng kasamaan si Lucas.

"Hayop ka! Nababaliw ka na! Pakawalan mo ako dito!" Singhal ko sa kanya.

Imbes na sagutin niya ako. Isang kamay ang humaklit sa pisngi ko. Naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg.
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa takot.

"Hindi ako tanga para pakawalan ka." Maiigting nitong sagot.
Naramdaman ko nalang ang dila nito na dumampi sa leeg ko. Dinalaan niya ako!

Jusko! Tulungan mo ako. Clark! Tulungan mo ako.

Nagpumiglas ako sa kanya ginawa. Hinalikan at sinipsip rin nito ang leeg ko.
"Ang bango mo, Beth. Ang sarap." Saad nito at sinibasib uli ang leeg ko. Hindi ito huminto at bumaba ang kanya mga halik.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Hayop siya! Hayop ka Lucas!
Pero kahit ganoon ay nagpupumiglas ako. Iniiwas ko ang parte ng katawan na kanyang hinahalikan.

Pero kahit anong gawin ko, ay mas nanaig pa rin si Lucas sa kanyang ginagawa. Hinawakan niyang mabuti ang mukha ko para hindi gumalaw.

Pumaloob rin ang malaya nitong kamay sa loob ng blouse ko.
Hinihimas nito ang aking tiyan at ang dibdib ko.
Pumaglag ako para hindi niya mahawan pero sinikmurahan niya lang ako.

Doon ay nawalan ako ng lakas para lumaban. Nanunuot ang sakit ng suntok niya sa kalamnan ko.

"Tama na.... tama na...." Umiiyak kong saad. Nakakatakot ako. Nagngingilabot sa ginagawa niya sa akin.
Ang dating pangyayaring pamumuwersa sa akin noon ay biglang bumalik sa isipan ko. Ang takot ko noon ay dumagdag sa takot na nararamdaman ko ngayon.

Tuloy lang ang pag-agos ng aking mga luha habang sumasambit ng pangalangin at tulong. Na sana ay hanapin ako Clark at dadating siya para sagipin ako.

Clark tulungan mo ako. Please.

Tuloy lang sa ginagawa si Lucas, hanggang sa may kumatok.

Doon napahinto si Lucas.
"Sino yan?"
Tanong nito.

"Boss, andito na ang subject."
Sagot ng boses na nasa labas.

"Sige, lalabasin ko." Ani Lucas.

"Nandito na sya, Beth. Mas maging masaya ito. Sandali lang at susunduin ko lang sya."
Iniwan ako ni Lucas para sunduin ang taong sinasabi niya.

Si Clark na ba yun? Sana.

Sinamantala ko ang pagkakataong wala si Lucas. Dahil wala akong makita, sinubukan ko nalang kalagin ang bagay na gumagapos sa akin.

Mahigpit ang pagkakatali pero sinubukan ko parin.

Habang ginagawa ko ito ay narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Welcome Villanclara! Mabuti naman at hindi ka naligaw dito. Mukhang hindi ka man lang nahirapan para hanapin ang lugar na 'to."
Nanunuyang saad ni Lucas.

Si Clark! Nandito si Clark!

"Beth!" Rinig kong sigaw nito.

"Clark!"

"Anong ginawa mo sa kanya! Pakawalan mo siya! Sigaw ni Clark. Alam kong si Lucas ang sinisigawan nito.

"Hindi ako tanga para gawin ang sinasabi mo. Hindi mo na ako empleyado para utos-utusan mo."
Sagot ni Lucas.

"What else do you want? I got your money. Kaya pakawalan mo na siya." Nagpipigil ng galit si Clark habang sinasabi yun. Nakarinig ako ng malakas na paglapag ng isang bagay.

"Sa tingin mo pera lang ang kailangan ko mula sayo? Kulang pa yan. Kulang pa yan sa lahat ng ginawa mo. Buhay mo ang kailangan ko. Kailangan kong patayin ka!"

"I don't remember anything I did something bad to you, aside from firing you."
Saad ni Clark.

"Ah! Sa tingin mo hindi masama ang pagtanggal mo sa akin nang walang dahilan? Puta! Nawalan ako ng trabaho dahil sayo!" Sigaw niya kay Clark.

"You did that to yourself, not me. Hindi ako gumagawa ng isang bagay nang walang dahilan. Kaya kita tinanggal ay dahil ninanakawan mo ang dating may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo at dinudoktor ang mga dukumento para hindi ka mahuli. Now tell me, are those reasons not enough para tanggalin kita sa kompanya?"

Si Lucas? Si Lucas ang nagsabotahe sa kompanya ni Mr. Reyes? Ang sama niya. Sa magandang pinapakita ni Mr. Reyes sa kanya at sa amin ay nagawa pa nitong pagnakawan? Hayop niya talaga. Bagay lang talaga ang ginawa sa kanya ni Clark.

"Ginawa ko yun dahil kailangan ko nang pera! Kailangan kong bayaran ang utang ko dahil hinahabol na nila ako!" Hindi itinanggi ni Lucas ang paratang sa kanya. Magpasalamat pa siya dapat kay Clark hindi siya nito ipanakulong. Nakakalaya siya.

"That was your reason, at hindi ko na problema yun. Hindi ko hahayaan na may anay na patuloy sisira sa kompanya ko. You must be grateful dahil hindi kita pinakulong. "

"Hayop ka! Papatayin talaga kita!" Sigaw ni Lucas.


Vote, comment and share.

Continue Reading

You'll Also Like

48.6K 1K 40
Highest rank: #1 in NONFICTION This story might contain explicit words or explicit scenes which may not be appropriate to young audiences. There mig...
873K 17.2K 23
Krake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina t...
707K 10.5K 55
Published Book na po ito. Published ang FIRST VERSION. Limited Copies. Kung may interesadong bumili ng kopya nito kindly Message lang po ako dito. T...
2M 136K 48
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...