Jungkook is Mine [completed]

By momochanchan_

182K 7.5K 2.7K

[bts series #1] [COMPLETED] [WARNING: not a FORMAL story] A not-so pervert girl who ends up taking care of a... More

01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08. [1]
08. [2]
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15. [1]
15. [2]
16.
17.
18.
19.
21.
22.
HAPPY BIRTHDAY TAEHYUNG!
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36. [1]
36. [2]
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
[!!]
Special Chapter

20.

2.5K 127 13
By momochanchan_

opo masyado po akong nagmamadali hahaha bat ba balak ko nga sana sa dec 25 nlang mag ud e hahaha

*•*•*

Magdadalawang buwan na nang umalis si Jungkook sa apartment na tinirhan nilang dalawa ni Irene. Maraming nagbago sa buhay ng dalawa. Pinagpatuloy na ni Jungkook ang pag-aaral niya pagkatapos niyang sumailalim sa therapy. Samantalang si Irene naman ay naghahanap parin ng trabaho hanggang ngayon. Nang nakabalik kasi siya sa pinapasukan niyang trabaho, agad din siyang natanggal pagkatapos ng ilang mga araw dahil sa mga kakaibang kinikilos niya na hindi na nagugustuhan ng mga kostumer. Buti nalang nakuha niya ang huling sahod niya. Simula kasi nang nawala si Jungkook sa kanya, nawalan na siya ng gana magtrabaho. Minsan nahuhuli pa siyang natutulog sa trabaho.

Araw-araw na umaasa ang dalaga na baka bumalik sa kanya si Jungkook. Kaso puro asa lang siya dahil wala namang dumadating na Jungkook.

Si Jungkook naman, unti-onti nang bumabalik sa dati niyang buhay. Kung dati'y medyo nahihiya pa siya sa mga tropa, ngayon kung kumilos siya ay parang walang nangyari sa kanya.

Si Irene, patambay-tambay nalang sa Facebook profile ng binata. Nakikita niya kasing nag-o-online ito kahit hindi naman nagpo-post ng kung anu-ano.

Nakikita lang niya sa newsfeed kung ano bang ni-la-like nito, du'n niya nalalaman kung online ba si Jungkook o hindi. Gusto niyang i-add ang binata kaso puno na ang friends nito at hindi na pwedeng mag-accept pa. M-in-e-message niya ang binata ng paulit-ulit ngunit mukhang hindi ata ito nagbubukas ng inbox dahil kahit seen man lang ay hindi siya nakakatanggap.

Mukha na 'kong tanga, pota. Desperada na kung desperada pero gusto ko na talagang makita si Jungkook.

Hindi narin nakatira ang dalaga sa dating apartment dahil lumipat na siya sa mas malapit na school kung saan nag-aaral si Jungkook. Nakikita niya kasi sa tagged photos ng binata ang school nito saka ang uniform na sinusuot nila. Stalker lang ang peg niya.

Gusto lang naman niyang makita si Jungkook. Okay lang sa kanya kahit hindi siya makita ng binata. Basta makita lang niya si Jungkook, okay na.

Kasalukuyang nakikitira ang dalaga sa dating kaibigan niya na si Roderick Pinagpala. Pero mas gusto niyang tinatawag itong Deeck Pinagpala. Wala mang magawa ang kaibigan sa pang-aasar ni Irene kaya hinahayaan nalang niya kahit naiinis siya.

"Saan ka nanaman pupunta, Irene? Sa SOPA nanaman?" tanong ni Roderick. Nakita niyang nag-aayos nanaman kasi ang dalaga ng sarili sa harap ng salamin.

"Sa'n pa ba? Hehehe. Malay mo this time makita ko na siya. Hindi lang talaga ako sumasakto sa timing kaya hindi ko pa siya nakikita," sagot naman ni Irene habang nagsusuklay ng buhok at nag-aayos.

"Hindi ka nga makakapasok du'n. Gusto mo bang makapasok, ha?"

"Pwede ba?" gulat na gulat na tanong ni Irene sa kanya saka tumakbo papalapit sa kaibigan at niyugyug-yugyog ito. Tumango nalang si Roderick saka inikot ang mga mata.

"Dapat may kamag-anak ka du'n or dapat du'n ka nagta-trabaho para naman makapasok ka."

"Ha? Anong sabi mo, kuya Deeck?! Dapat nagta-trabaho ako du'n para makapasok ako? Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin 'to?"

"Malay ko na na gusto mong makapasok du'n?"

"Hehehe. Salamat kuya Deeck a?"

"Oh, ano nanaman 'yang iniisip mo? 'Wag mo sabihing-PUT-" tanging nasambit nalang ni Roderick dahil bigla siyang niyakap ni Irene habang patalun-talon at patili-tili pa.

"Salamat talaga sa idea, kuya Deeck! Hehehe! Ang galing-galing mo talaga! Babayaran ko talaga lahat n utang na loob ko sayo!" malakas na sigaw ni Irene saka na tumakbo palayo habang sumisigaw-sigaw parin.

Nagkibit nalang ng balikat si Roderick saka bumalik sa ginagawa niya.

*•*•*

Ang galing talaga ni kuya Deeck. Alam ko na ang gagawin ko. Maghahanap ako ng bakanteng trabaho sa loob ng SOPA. Na-e-excite na 'ko! Makikita na rin kita sa wakas, Jungkook!

Kasalukuyang nagtatago sa likod ng puno si Irene habang pasilip-silip lang sa gate entrance ng SOPA kung saan nag-aaral si Jungkook. Naisip niyang madali lang namang mahanap ang binata dahil sa tangkad nito. Kumpara naman sa mga ibang estudyanteng nakikita niya, ang laki talaga ng kaibahan ni Jungkook.

Nanlaki naman ang mga mata niya nang muling nakita si Jungkook, for the first time. Halos mag-iisang linggo na siyang naghihintay sa iisang pwesto para lang makita si Jungkook. Napasandal siya sa puno at napatalikod habang hinahabol ang hininga. Napahawak naman siya sa dibdib niya dahil ang bilis ng tibok ng puso niya na para bang hinahabol siya ng sampung kabayo. Malamang dahil na-e-excite siya at tuwang-tuwa siyang nakita na niya rin sa wakas ang binata.

Muli siyang lumingon at tinignan ang binata. Ngayon lang niya napansin na nakaakbay pala ito sa isang babae.

Si Joy?! Nagkabalikan pala sila?! OMG!

Bigla naman siyang napasimangot nang nakita niyang tuwang-tuwa ang mukha ni Jungkook habang nakikipag-usap kay Joy. Halos hindi na nga makita ang mga mata nito sa kakangiti. Ganu'n din si Joy. Sobrang saya talaga nila sa isa't-isa.

Napakagat nalang siya sa labi saka napayuko. Ano pa bang in-e-expect niya? Na sa kanya magkakagusto si Jungkook? Na babalik din ito sa kanya? Syempre hindi, magkakabalikan talaga ang dalawa.

Nakita niyang tinapat ni Joy ang hawak nitong ice cream sa labi ni Jungkook. Sinubukan naman itong dilaan ng binata kaso nilalayo ito ni Joy sa kanya kaya nagmukhang tanga ang binata. Nagtawanan nalang ang dalawa pagkatapos.

Napaisip tuloy si Irene. Nang minsan bang nagkasama sila, gan'yan din tumawa at ngumiti si Jungkook?

Heh! Nevermind nalang! Okay na 'ko kahit nagkabalikan na sila. Gusto ko lang naman talagang makita si Jungkook e. 'Yun naman talaga ang pinunta ko dito, 'diba?

Okay na 'ko.

Pero kasi parang may kulang...

Tinitigan lang niya ang dalawa habang malapit na silang makapasok sa entrance ng SOPA. Napasinghap naman siya nang nakita niyang hinalikan ni Joy si Jungkook ng mabilis sa labi saka ngumiti.

Ay! Pota. . .Hindi pala. Hindi pala okay.

Maghahanap talaga ako ng paraan para makapasok sa SOPA nang hindi nag-aaral.

Kailangan kong mayakap si Jungkook. At sapakin sa mukha.

*•*•*

Kinabukasan...

Masayang-masaya na naglalakad sa hallway ng unang palapag ng SOPA si Irene, suut-suot ang uniporme ng mga janitress sa SOPA, nakatali ang buhok at nakasuot ng cap, habang may hawak-hawak na mop at baldeng may laman na tubig.

Wala akong pakealam sa outfit ko. Basta makita ko lang si Jungkook. Desperate much? Wala e, ganu'n talaga.

Ang kailangan ko nalang gawin ay ang hanapin ang room ni Jungkook. Sa'n ba 'ko pwedeng magtanong?

Naghanap-hanap si Irene ng pwedeng mapagtanungan. Kaso medyo napapangunahan siya ng kaba dahil mukhang masusungit ang mga estudyante ng SOPA. Hanggang sa may nakita siyang nakaupo sa bench, estudyante naman ito pero mukhang matanda na kesa sa ibang mga estudyante. Kulay pula ang buhok nito at mukhang busy lang sa ginagawa nito sa hawak-hawak na cellphone.

Agad niya itong nilapitan saka nagtanong, "Ahm, bata, pwede bang magtanong?"

Napaangat naman ang ulo nito at tumingin sa kanya. Nabigla siya sa nakita. Putang-Ito ba si Namjoonie? Namjoonie! MyGahd!

"Ahh, bakit ano 'yun? Teka, kilala ba kita? Nakita na ba kita dati?" tanong naman nito sa dalaga saka napatayo at tinignan ng mabuti ang mukha ni Irene. Napatingin naman sa ibang direksyon ang dalaga saka binaba pa lalo ang cap na suot niya para hindi siya makilala ni Namjoonie.

"Hindi ah! Ngayon pa nga lang kita nakita e. Teka, pwede na ba 'kong magtanong? Alam mo ba kung sa'n 'yung room ni Jeon Jungkook?" ilang na ilang na tanong niya kay Namjoon. Patuloy lang ito kasi sa pagtitig sa kanya.

"Teka, parang kilala kita! Ikaw si. . .Ikaw si. . .Pota! Hindi ko maalala!" sigaw ni Namjoon saka napadabog. "Sa'n nga ba ulit kita nakita?" gigil na gigil na tanong nito sa sarili.

"Teka nga, bakit mo ba 'ko sinisigawan? Ngayon nga lang tyo nagkita kaya hindi tayo magkakilala! Saka nagtatanong ako sayo, sagutin mo naman, please."

"Nevermind na nga lang. Sa third floor siya d'yan sa building na 'yan. Bahala ka nalang mag-ikut-ikot kung saan," paliwanag ni Namjoon saka umupo ulit sa bench at pinagpatuloy ang ginagawa niya.

"Ahh, sige. Salamat," nakangiting sabi nalang ni Irene saka na umalis dala-dala parin ang mop at balde.

Tangina naman ng Namjoonie na 'yun! Muntik na 'kong makilala! 'Buti nalang bobo siya at hindi niya naalala. Pero mas gwapo pala siya sa personal?

Pero wala paring tatalo sa Kookie beybeh ko. Ingrown lang siya ni Jeon Jungkook para sa'kin.

Umakyat na siya sa third floor na parang assassin. Nakayuko kasi siya at halatang-halata na nagtatago lang. Mukha siyang tanga pero okay lang sa kanya kahit nagmumukha siyang weirdo sa iba. Siya lang kasi ang nakacap sa lahat ng mga janitor at janitress sa SOPA.

Pasilip-silip lang siya sa mga rooms na nadadaanan niya saka mabagal na naglalakad para pagmasdan kung nasa loob ba si Jungkook.

Napatigil naman siya saka tinignan ang lahat ng mga rooms sa buong hallway hanggang sa dulo. Ang dami. Mukhang mapapalaban ako nito a.

*•*•*

"Hyung, may tanong ako. Nine times nine?" tanong ni Taehyung kay Hoseok.

"Easy naman! Syempre sixty-nine! Gago!" sagot naman ni Hoseok kaya napaface-palm nalang si Jungkook.

Napatawa naman ng malakas si Taehyung saka napahampas pa sa tuhod.

"Bakit? Anong tinatawa-tawa mo d'yan? May mali ba, ha?" inis na inis na tanong ni Hoseok sa patuloy parin na tumatawa na si Taehyung. Pinili nalang na mag-cellphone ni Jungkook habang hinihintay si Joy na pumunta saglit ng banyo.

"Hindi. 'Kala ko kasi hindi mo alam e!"

Mas lalo pang napaface-palm ang binata. Kahit na busy sa paglalaro sa cellphone niya, naririnig parin niya ang kabobohan ng mga hyungs niya. Joy, antagal mo naman. Nauulol na 'ko sa mga kasama ko.

Maya-maya lang ay dumating na rin si Joy. Nakangiti itong lumapit sa kanya saka siya hinalikan nito sa pisngi. "Babe, pasok na 'ko sa loob ng room, ha?" pagpapaalam ni Joy. Tumango nalang si Jungkook.

Kasalukuyang kasing nasa labas ang mga tropa. Wala pa naman kasing prof kaya tumatambay muna sila sa hallway. Si Hoseok naman, nakikitambay lang pero hindi talaga du'n ang room niya. Kasabayan niya kasi si Namjoon at sa kabilang building pa sila.

Maya-maya lang ay may sumigaw na unano galing sa malayo habang tumatakbo papalapit sa kanila. Hindi, si Jimin lang pala.

"Kookie!" sigaw nito at nang makalapit ay hinawakan agad ang dalawang magkabilaang pisngi ni Jungkook at pilit na nilalapit ang nguso niya sa nguso ng binata.

"Yuck, bromance!" komento ni Taehyung na diring-diri sa nakikita.

"Kung nagseselos ka, Taehyung, pwede naman nating gawin 'yan," singit ni Hoseok.

"Ulol?" tanging nasabi lang ni Taehyung saka nagwalk-out at bumalik na sa room niya.

"Hyung naman, nakakadiri ka talaga! Kailangan ba kapag nagkikita tayo, hahalikan mo 'ko?" inis na inis na sambit ni Jungkook saka tinanggal ang dalawang kamay nito sa pisngi niya.

"Hehehe. Labyu talaga, Kookie."

Hindi naman bakla 'tong si Jimin hyung pero pagdating sa'kin, nababakla na e.

Mga ilang saglit lang ay pumasok narin sila sa room nang nakitang malapit na ang prof.

Nagsimula narin ang klase. Katabi niya si Joy na binibigay ang buong atensyon sa prof. Si Jungkook naman, hindi magawang makinig sa klase. Tinatamad kasi siya. Gusto nalang niyang matulog. Pinagsasabihan naman siya minsan ni Joy kaya minsan bumabalik siya sa pakikinig. Kaso maya-maya lang ay tatamarin nanaman siya.

"Babe, subukan mo namang makinig sa prof natin. 'Wag mo hayaang kainin ka ng katamaran," pagsesermon sa kanya ng kasintahan kaya tumango siya at tinuon nalang ang pansin sa prof. Pang-ilang sermon na ba 'to ni Joy sa'kin?

Kahit ano kasing gawin ko, tinatamad talaga ako e. Saka kahit makinig naman ako, lumalabas rin naman sa kabilang tenga ko 'yung mga naririnig ko.

Nakapatong ang baba niya sa dalawang kamay niya at nag-iisip nalang ng kung anu-ano. Iniisip niya kung pa'no ba makapasa sa subject na 'yun ng hindi nakikinig.

Hanggang sa napatingin siya sa labas at nakita ang isang janitress na busy sa pagma-mop ng sahig. Pamilyar ang hugis ng katawan at tangkad nito kaya tinignan lang niya ng maigi ang janitress. Pilit niyang inaalala kung sa'n ba niya nakita ang taong 'yun. Kaso wala naman siyang naaalala. Bakit ko nga ba tinitignan ang janitor na 'yun? Janitor ba 'yun o janitress?

Mga ilang saglit lang ay medyo napaangat ang tingin nito at parang may hinahanap sa loob ng room nila.

Sinong hinahanap niya?

Sinundan naman ni Jungkook kung saan ito nakatingin saka binalik ang tingin niya sa janitress.

Tumitig ito sa kanya kaya nakilala rin niya kung sino ang janitress.

Nanlaki ang mga mata niya nang nakitang si Irene pala ang janitress na 'yun. Kumaway iyon sa kanya habang nakangiti ng malaki.

"Kookie beybeh!" hindi niya narinig ang sinabi nito pero alam niyang tinawag siya nito dahil nabasa niya 'yun sa labi ng dalaga.

Si Irene nga!

Napakagat ang binata sa labi saka napaiwas ng tingin at binalik ang atensyon sa prof. Sa sobrang excitement niya nang makita ang dalaga ay nahirapan siyang huminga. Saglit lang naman 'yun at nagbalik ulit ang normal breathing niya. Binalik niya ang tingin sa labas at nakitang wala na ang dalaga du'n. Nasa'n na ba siya?

Namamalikmata lang ba ako o talagang nakita ko si Irene?

Continue Reading

You'll Also Like

20.4K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
13.5K 528 18
Si Karylle ay nagpunta sa Batanes upang makapagpahinga mula sa mga problema nya. Magkukrus ang landas nila ng isang lalaking Ivatan habang nasa bakas...
52.7K 748 15
Hello Watty!! First time ko po gagawa ng story :)) sana po magustuhan nyo :)) #InspiredByVicerylle :"> "@vicegandako Supermodel turned actress turned...
36.5K 1.2K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"