The Billionaire's Revenge (...

By alebjo

519K 9K 624

We were a good couple once, a perfect couple indeed but it was changed when an unexpected event happened. It... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Finale
Epilogue

Chapter 51

6.7K 117 10
By alebjo

Not edited.

Clark.

Nang magising ako, inilibot ko ang buong paningin sa akin paligid. Everything in here shouted that I was in hospital.

Iniangat ko ang aking katawan para umupo pero hindi ko magawa dahil sa biglaang hilo na aking naramdaman. Hinawakan ko ang aking ulo at ramdam kong mayroon benta na naroon.

Napapikit ako dahil sa huling alaala na nangyari sa akin.

Si Beth nakidnapp at wala akong nagawa para mailigtas sya. Naikuyom ko ang aking kamay dahil sa alaalang yun.

"Kung sino ka man, ipaparamdam ko sa'yo na hindi mo na sana inisip na kunin sa akin ang mahal ko. Hindi kita bubuhayin."

Hindi dapat ako nandito. Dapat hinahanap ko na sa mga oras na ito si Beth. Hindi dapat ako nagsasayang kahit isang segundo, dahil hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya.

Tumayo ako mula sa higaan at hinila ang IV na nakatusok sa akin. Sa ganoong position ako naabutan ni mama.

"Oh God, Clark! Ano ba yang ginagawa mo." Anang ni mama at lumapit sa akin. May tumalsik na mga dugo mula sa paghila ko.

"Alfonso tawagin mo ang doktor, bilis." Utos ni mama kay papa.

"Anak hijo, hindi mo dapat basta-basta hinihila nalang ang IV mo. At bakit ka nakatayo? You supposed to be lying in bed. Baka mabinat ka." Ani ni mama.

"No ma, hindi dapat ako nagpapalipas at nagsasayang oras knowing Beth is in danger." Saad ko sa kanya at pumunta ng hospital cabinet sa loob ng kwarto ko.

Malamang may dinalang damit sa akin si mama. At hindi ako nabigo dahil may isang maliit na maleta na naroon. Binuksan ko ito at kinuha ang damit na naroroon.

"What do you mean by that Clark? And what are you doing? Are you going to change?

"Ma, Beth was kidnapped and I need to rescue her." Sagot ko at pumasok sa loob ng c.r. Dito nagbihis ako.

"W-what?! How?! And that's the reason why the team who rescued you found you unconscious malapit sa kinahihimpilan ng kotse mo?"
Saad ni mama mula sa labas.

"Yes ma." Sagot ko.

"Oh my god, Clark! You see? Dahil sa babaeng yan nalalagay ang buhay mo sa panganib! I told you na layuan mo na sya. Kita mo, napahamak ka dahil sa kanya!"

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang iniisip ni mama.

Nang makapagbihis ako, lumabas ako at hinarap siya.

"Ma, what are you thinking? I'm okay. Si Beth ang nasa panganib ngayon pero siya ang sinisisi mo. Kung hindi dahil sa kidnappers na yun hindi madudukot si Beth, hindi rin nangyayari sa akin ito. Kaya stop blaming Beth for this!"
Saad ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nangyayari na ito kay Beth, pero si Beth pa rin ang sinisisi niya.

"Yes it is her fault, kung hindi sya nakidnap, hindi mangyayari na napahamak ka at nandito sa hospital ngayon."
Sagot niya sa akin. Sa mga sinasabi ni mama ngayon, hindi mangyaring makitid na ang kanyang pagkaunawa pagdating kay Beth.

Ayaw kong mag-away kami dahil sa pagsisis nito kay Beth.

Mabuti nalang at bumukas ang pintuan at iniluwa nito sa papa kasunod ang isang lalaking nakawhite coat. It must be the doctor.

Napalingon din si mama sa direksyon nila.

"Mabuti at nandito ka doctor. Gusto nang lumabas ng anak ko kahit kagigising niya palang. Binunot din ang kanyang IV. Tell me doctor na hindi pa syang pwedeng lumabas, right?" Anang ni mama at nilapitan ang sinasabing doctor.

"Let's see. I check him up and get his vital signs. Hijo please sit down for awile." Sagot ng doctor. Sinunod ko rin ang kanyang sinabi. Umupo ako at sinimulang kunan ng mga vital signs.

"So ano ang resulta doc? Please tell me na hindi pa sya pwedeng lumabas."

Humarap ang doctor kay mama.
"Actually ma'am, lahat naman ay normal, ang BP ay normal, and even his heartbeat ay normal, pwede na syang madischarge."
Anang ng doctor.

"How about ang sugat na basta nalang niya binunot?"
Tanong ni mama.

"It's fine ma'am. Dumugo lang naman ito dahil sa biglaang paghila, pero hihilom din naman ito tulad ng ibang sugat." Ani ng doctor.

Tumayo na ako at lumapit kay mama para halikan sya.
"Ma, I need to help Beth."
Tinapik ko ang doctor at nagpasalamat. Tinungo ko rin si papa at nagpaalam.

Hindi ko na nilingon si mama na panay ang tawag sa akin. Sila na ang bahala sa hospital bills ko.

Nang makalabas ng kwarto ay nakita kong nakabantay ang mga taong hinired ko para bantayan ang aming safety. Naroon din si Joseph.

Nilapitan ko ito. "We need to talk."
Tumango lamang ito bilang pagsunod.

Nandito kami sa library namin. Nandito ang lahat ng pinagtawag ko. Head ng security namin, mga detective, PNP at AKG.

Lahat ng detalye na kakailangin ay ibinigay ko sakanila. Pati ang kulay at plate number ng sasakyang pinagsakayan sa pagdukot kay Beth.

Bawat isa sa kanila ay may kani-kanilang task na gagawin para mailigtas si Beth.

"Hihintayin natin na kontakin tayo ng mga kidnappers, kidnap for ransom ang isa mga anggulo ng pagdukot sa kanya."
Saad ng isang opisyales ng AKG.

"Pero hindi din natin iaalis ang anggulong dahil sa personal na galit sa inyo at ng kasintahan nyo, base na rin sa natanggap nyong mga pagbabanta."

Lahat ng sinabi ay pinakinggan ko.

Pero kahit na nakatututok ako sa kanila, ang isip ko ay lumilipad kay Beth. Hindi ako mapakali sa bawat segundong lumilipas.

Hindi ko mapigilan ang lumakad at pabalik.
"Hanggang kailangan tayo maghihintay?"

"Kailangan natin ng kontak sa kanila habang habang tinitrace ang CCTV na maaring nakunan na pwede natin gawing lead."

"Kailan natin makukuha ang kopya ng CCTV?"

"Hindi ko masabi pero makakasa ka na kukuha kami ng kopya as soon as possible sir. Sa ngayon ay kailangan natin maghintay sa pag-usad ng kasong ito."

Maghintay? Maghintay habang nasa kamay ng sinumang demonyo si Beth? Hindi ko kaya, mababaliw ako sa kakaisip sa kaligtasan niya.

Shit! Kung sino man, kung sino man ang may pakana sa nangyayari ngayon ay mapapatay ko.

Nagngingitngit ang loob kong lumabas ako mula sa kwartong nilisan ng mga taong magiging tulong ko sa paghahanap kay Beth. Dumiretso ako sa maliit na cellar ng bahay. Nagsalin ako ng whiskey at agad na tinungga.

Kapag may mangyaring masama sa kanya ay hindi ko mapapatawad ang sarili. Kung hindi ko sana sya iniwan mag-isa ay maiiwasan sana ang pangayayaring ito at mas lalong hindi ito mangyayari.

Hindi ko namalayan na masyadong napadiin ang hawak ko sa aking baso.

Muli ko itong nilagyan ng whisky at tinungga. Makailang inom ako bago ko napasyahan na tumungo sa aking kwarto.

Nadaanan ko ang aming library na nakaiwang ang pinto. Isasara ko sana ang pinto nang may narinig akong tinig sa loob nito.

Ang balak kong pagsara ay hindi ko nagawa, nanatili ako sa kinatatayuan ko para pakinggan kung sinuman ang naroon. Hindi ko ugali ang makinig ng usapan nang may usapan pero may kung ano ang nagtutulak sa akin na gawin ito.

"Hindi mo ba nakuha ang simpleng utos ko?"

Alam ko kung kaninong boses ang naririnig ko. Pagalit itong nagsalita.

"Simpleng instruction pero hindi nyo nagawa? Sa anong banda ng sinabi kong 'hintayin ang go signal ko bago nyo ito gawin!'"

"Anong sinunod? Hindi! Hindi nyo ako sinunod! Dahil kung sinunod nyo ang utos ko hindi sana nadisgrasya ang anak ko sa kabubuntot sa inyo!"

Mula sa sinabi ng taong ito, ay nag-iba ang pagsalsal ng dibdib ko. Hindi ko nais ang patutunguhan ng kanyang sinasabi.
Sana iba ang iniisip ko.

"Anong wala?! Magdedeny ka pa! Nadisgrasya ang anak ko dahil sa kasusunod dahil nakita niya ang pagdukot nyo sa babaeng yan! Lintik na babae yan, malas talaga sa buhay ko! Oh saan nyo siya dinala?"

"Ano?!-"

Mula sa kinaroroonan ko, ay hinarap ko ang taong nagpadukot kay Beth. Hindi ko akalain na gagawin niya ang ganitong gawain. Hindi ko akalain na kaya niyang gumawa na pwede ikapahamak ng iba.
Hindi ko akalain na kaya niyang gawin ito sa akin.

Masakit isipin na ang taong hinahangaan at tinitingala ko ay syang bibigo at sisira sa akin.

Hindi ko na sya kilala.

"Ma."

Gulat na napalingon ito sabay ng paglaglag ng kanyang cellphone.

Makita ang pagtakas ng kulay sa kanyang mukha.

"C-clark a-anong ginaga-wa-"

"Saan nyo dinala si Beth?"
Pilit kong pinigil na magtaas ng boses dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon dahil papaano ay ina ko pa rin ang kaharap ko.

Ang hinihintay kong sagot ay hindi ko natanggap dahil nakatitig lamang ito sa akin.

Mukha itong nakakita ng hindi kapani-paniwalang nilalang sa kanyang harapan.

"Ma nasaan si Beth? Saan nyo sya dinala?!"

"A-aanong sinasabi mo? Bakit mo t-tinatanong sa akin ang babae mo?"

"Ma stop lying! I heard everything! Narinig ko na pinadukot nyo sya kaya wag na kayong magmaang-maang at sabihin nyo sa akin kung nasaan si Beth!"
Hindi ko na napigilan ang masigawan sya. Galit sa kanya at takot para kay Beth ang nararamdaman ko ngayon.

Pinilig niya ang kanya ulo bilang tugon. Mula sa gulat ay bumangis ang kanyang mukha.

"Dapat lang sa kanya yan. Dapat hindi na kayo magkita pa. Hindi kayo bagay sa isa't-isa. Look what she have done?! Ginugulo niya ang pamilya natin! Gusto niya tayong sirain! Gus-"

"Ma enough! Walang kasalanan si Beth sa nangyayari sa atin. Hindi ko alam kung bakit galit kayo sa kanya? Walang naman syang ginawang mali sa inyo!"

Hindi ko na kayang marinig sa sarili kong ina ang siraan sa akin ang babaeng mahal ko.

Mahal ko ang aking ina pero mahal ko rin si Beth. Hindi ko kayang marinig ang pinagsasabi niya sa babaeng mahal ko.

"Hindi mo ba nakikita ang ginagawa niya sa ating pamilya? Sinisira niya tayo! Kinukuha ka niya sa akin. At ano ba ang nakita mo sa kanya, eh mukhang pera ang babaeng yan. Ilang beses ko bang sinabi na pera lang ang habol niya sa'yo!"

Patuloy pa rin sa pagsasalita.
Parang ayaw niya magpa-awat.

"Ma just stop! Stop it, ma and tell me where did you take Beth?!"

"Para ano? Pupuntahan mo sya doon? Hindi pwede, hindi pwedeng magkita kayo!"

"Ma, bakit kayo galit sa kanya? Why are you doing this to us? To me? Don't you know, you are making yourself a criminal?!"

"Bakit ang laki ng galit mo kay Beth ma? Hindi na kita maintindihan at lalong hindi na kita kilala. Hindi na ikaw ang mama na nagpalaki sa amin ni Clarissa dahil sa ginagawa mo."

"Dahil hindi kayo bagay! Hindi siya nababagay sayo! Si Madeleine, siya ang nababagay sa'yo!"
Galit niyang sigaw sa akin.

"Ma, si Beth ang mahal ko hindi si Maddy. Bakit hindi mo yan maiintindihan? Bakit ang hirap sayo intindihan na si Beth ang nagpapasaya sa akin at hindi ko kayang mawala siya sa akin!?" Ganting saad ko sa kanya.

"Pinoprotektahan ko lang ang pamilyang ito!"

"Mula saan ma? Mula kanino? Kay Beth? My god! ma, kung ang tungkol sa pera ang tinutukoy mo, alam ko na. Alam kong ginawa niya lang ang kanyang ginawa dahil sa sitwasyong kakailanganin niyang isalba ang kanya ama. Na tinago mo sa akin ang katotohanang yan. Now tell me ma, Kanino dapat ako mag-iingat?"

Pagkatapos kong sabihin yun, naramdaman ko ang malamig na kamay na dumampi sa pisngi ko.
Hinawakan ko ang pisngi na kanyang sinampal at tiningnan sya.

Para na akong nakatingin sa isang estranghero. Ang inaasahan kong taong mag-alalay at susuporta sa kasiyahan ko ay sya ring sisira nito.

"Si papa? Alam ba ni papa ito? O baka kasabwat nyo rin siya sa pagpapadukot kay Beth?" Tanong ko habang nagdadasal sa loob ko na sana hindi siya kasali dito.

"Wala syang alam dito." Wala sa loob na sagot nito. Gumaan kahit papano ang loob ko sa aking narinig.

"Ma, tell me saan nyo dinala si Beth? Saan?!"

Hindi sya nagsalita at tinalikuran ako.

"Don't make me hate you more ma, I already am dahil sa pangingidnap mo kay Beth. Now ma, nasaan si Beth?"
Pilit kong tinitimpi ang galit ko sa kanya ngayon dahil sa nalaman ko. Pero kasabay nito ang takot na hindi niya sasabihin ang kinalalagyan ni Beth.

"Sabihin nyo sa akin kung saan nyo sya dinala bago ko kayo kamuhian at kalimutan na kayo ang aking ina, ma."



To be continued.



















































































Continue Reading

You'll Also Like

562K 20.6K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
220K 9.4K 36
Mula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na in...
6.5K 267 48
A man who despises the world, humanity, and everything that can be left behind... Why did he transform into a monster, the complete opposite of his a...
3.3K 52 31
In the bustling city of Manila, Irina an ambitious and vibrant young woman, enjoys a carefree night out with friends to move on her ex boyfriend who...