Jungkook is Mine [completed]

By momochanchan_

182K 7.5K 2.7K

[bts series #1] [COMPLETED] [WARNING: not a FORMAL story] A not-so pervert girl who ends up taking care of a... More

01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08. [1]
08. [2]
10.
11.
12.
13.
14.
15. [1]
15. [2]
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
HAPPY BIRTHDAY TAEHYUNG!
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36. [1]
36. [2]
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
[!!]
Special Chapter

09.

3.7K 142 24
By momochanchan_

Pagkamulat palang ng mga mata ni Irene ay makikita na sa mga kanyang labi ang malapad na ngiti. Pati sa pagbangon niya sa hinihigaan niya, nakangiti parin. Hindi niya parin kasi makalimutan ang mga kabulastugang ginawa niya kay Jungkook kagabi.

Gusto niya ulit-ulitin lahat ng ginawa niya.

Jungkook, drugs ka ba? Naaadik na kasi ako sa'yo e.

Halatang pinag-isipan. Pakyu, Irene. Pakyu.

Pagkatayo na pagkatayo ng dalaga, sinilip niya agad kung nakahiga pa ba si Jungkook sa taas ng double-deck at natutulog parin kaso wala na pala ang binata du'n. Ang gulu-gulo pa ng kumot, hindi man lang tinupi.

Nagkibit-balikat nalang siya. Alas nueve narin pala kaya siguro gising na.

Bago siya lumabas ng kwarto, inamoy niya muna ang hininga niya. Baka kasi paglabas niya ay nandu'n na pala si Jungkook tapos bigla pala siyang napasigaw. Edi naamoy ng binata ang hininga niya.

Parang naamoy niya lang sa bunganga niya ang amoy ni Jungkook nung nakita niya siya sa dirty river ni Lanlan.

Eww, amoy panis. Ang baho, shet.

Pagkalabas niya sa kwarto, naabutan niyang saktong naglagay si Jungkook ng dalawang baso sa lamesa. "Good morning, Irene. Tara kain," nakangiting bati at alok nito sa kanya.

Ang aga-aga ito agad pinambungad mo sa'kin, Jungkook! 'Yan tuloy, buo nanaman araw ko.

Nangiti nalang si Irene at hindi nagsalita saka mabilis na tumakbo papuntang banyo.

Paglabas niya ng banyo, nakita niya namang pinupunas ni Jungkook ang basang kamay nito sa suot na shorts.

"Kain na tayo, Irene," pagyaya nito saka umupo na sa harap ng hapag-kainan. "Mukhang nakatulog ka ng maayos a. Laki ng ngiti mo e."

Bakit pakiramdam ko para na kaming mag-asawa? Yes naman, feel na feel. Kulang nalang mga cute at makukulit na mga bata na pakalat-kalat dito.

"Oo naman. Sarap mo kasi," nakangiting sagot ni Irene .

Takang-taka na napatingin tuloy sa kanya bigla si Jungkook na busyng-busy sa pag-prepare ng pagkain nila sa mesa. "Ano?" tanong nito sa kanya.

Hindi naman siya nagpahalata at agad na binawi ang sinabi niya. Tangina. Muntik na 'yun a.

"Joke. Wow, ikaw nagluto nito?" pag-iiba ni Irene ng topic saka umupo narin sa harap ng mesa at tinuro ang mga nakalutong ulam.

"Bobo ka ba? 'Di ba wala naman tayong stock ng groceries? Syempre, hindi," kaswal na sagot ng binata pero hindi naman nito pinahalata sa dalaga ang pagkainis.

Bwisit. Parang medyo sinira niya tuloy 'yung binuo niyang araw ko. Pakshet 'tong gagong ilong na 'to. Hindi ko maintindihan kung nambabara ba siya o hindi e. Pero kebs lang keri pa naman.

"Eh sa'n ka nakakuha nito?" turo naman ni Irene sa dalawang ulam na nakalapag lang sa mesa-dinuguan at giniling na baboy.

"Ahh, kila aling Jen 'yan," nakangiting sagot ni Jungkook saka sinumulan nang kumuha ng kanin sa kaldero.

Napatingin naman si Iren sa kanin na kinuha ni Jungkook sa maliit na kaldero. Bakit parang ang bango naman ata 'tsaka ang perfect ng pagkakaluto?

Wala naman akong naaalala na may stock ako ng bigas dito.

Wala rin akong naaalala na bumili ako ng bigas dahil pagkarating namin kahapon ay kila aling Jen kami agad kumain.

Saan galing yan?! At saan din galing 'yang kalderong iyan?!

"Paano ka nagsaing? Wala pa naman tayong stock dito ng bigas e. Hindi pa nga tayo nag-go-grocery," nakakunot ang noo na sabi ni Irene. "Wala rin akong kalderong gan'yan dito."

"Binigay lang 'yan ni tita Khakeen kaninang umaga," paliwanag ng binata. "Pati nga kaldero sinama pa niya e." napapailing pa ito habang medyo tumatawa.

"Putangina, ano?!"

"Kalma Irene," mahinang sabi ni Jungkook kaya naman kumalma agad si Irene dahil masunurin talaga siya pagdating sa binata.

"Pumunta siya kanina dito?! Para ibigay lang 'yan?! Puta-"

"Oo. Ang aga nga e. Kaya ang aga ko rin nagising," paliwanag ni Jungkook saka sumubong muli ng pagkain.

"Eh bakit daw niya tayo binigyan ng kanin?" inis na tanong ni Irene kay Jungkook. "Anong akala niya sa'tin, sa'kin, walang pera?! Aba'y putangina pala niya e!"

Uminom muna si Jungkook ng tubig bago nagsalita, "Hindi naman siguro 'yun 'yung intensyon niya. Kasi nga 'diba, ang alam niya kararating lang natin galing probinsya tapos wala pa tayong stock ng pagkain dito. Kaya siguro binigyan niya tayo dahil du'n," medyo nakangiting paliwanag ng binata.

Hindi nalang sumagot si Irene. Hindi niya kayang tanggihan ang mga sinabi ni Jungkook dahil totoo naman talaga 'yun. Ngunit sigurado siyang may halong kalandian din 'yun. Imposibleng wala.

Ulol mo, Khakeen, pasimple ka pa a. Ang aga sumegway sa bebe cK0uh naunahan pa 'ko. Kainis. Bakit niya ba kami dinalhan ng kanin? Putangina, may pera naman ako e! Bilhin ko pa 'yung asawa niyang libog e.

Joks. Hindi naman ganu'n karami pera ko pero kaya ko naman bumili ng pang-kain namin. 'Tsaka kahit marami akong pera, hinding-hindi ko bibilhin 'yung asawa niyang panot. Ulol, ulol! Kanya na 'yun!

Kumain nalang din si Irene ng giniling habang medyo nagdadabog pa.

Pagkatapos ng ilang segundo, uminom ulit ng tubig si Irene bago nagsalita.

"Saan ka ba nakakuha ng pera pambili ng mga ulam na 'to? Sa wallet ko ba?" tanong ng dalaga.

Hindi sumagot si Jungkook at nagpatuloy lang sa pagkain.

Tumayo nalang si Irene at kinuha ang wallet niya na nakapatong sa taas ng ref.

Tinignan niya ang laman ng pitaka saka tumingin sa binata na patuloy parin sa pagkain, "Eh, bakit walang bawas? Eto parin yung pera natin kahapon e." nakatingin lang si Irene ng diretso kay Jungkook.

Wait, paano siya nakabili ng ulam kila aling Jen kung hindi naman niya nabawasan 'yung perang pang-budget namin dito sa wallet ko?

Putang-

"Sabihin mo nga sa'kin, sinong bantay ng tindahan nila aling Jen ngayon?" striktong tanong ni Irene kay Jungkook.

Dahan-dahang bumalik si Irene sa pwesto niya kanina habang nakatingin lang kay Jungkook at naghihintay ng sagot nito.

"Si Judy," kaswal na sagot ng binata habang nakatingin kay Irene saka pinagpatuloy nalang ang pagkain.

Judy?

Judy.

Juday.

Duday.

Duday?!

Putang ina, si Duday?!

"Si Duday?! 'Wag na 'wag mo ngang matawag-tawag na Judy 'yung babaeng 'yun. Duday ang pangalan niya, okay?!" malakas na sabi ni Irene saka nilapit ang mukha niya kay Jungkook habang nakaupo. "Anong ginawa niya sayo, ha?!"

Lumayo naman si Jungkook ng kaunti na parang na-awkward kaya napalayo nalang din ang dalaga.

Awkward. Sorry naman, hindi ko napansin.

"Kumalma ka nga muna Irene," sambit ni Jungkook saka uminom nalang ng tubig. "Wala naman siyang ginawa sa'kin. Sabi niya sa'kin Judy Anne raw pangalan niya pero Judy nalang daw itawag ko para daw cute," paliwanag nito habang hindi nakatingin kay Irene.

Ano ba yan?! Tangina talaga ng Duday na 'yan. Ihambalos ko sa paekpaek niya 'tong tsinelas kong may mga kumikinang na bato nang matikman niya ang salitang cute.

Cute pala ha. Putang ina niya.

"At pumayag ka naman ha?"

"Hindi ako sumagot. Tumango nalang ako. Wala rin akong magagawa e. Teka, bakit ba nagagalit ka? Ayaw mo nu'n, nakalibre pa tayo sa kanya ng ulam? Babayaran ko naman sana 'yun galing sa wallet mo e--" hindi na pinatapos ni Irene ang pagpapaliwanag ni Jungkook.

"Kaso?!"

"Kaso sabi niya okay lang daw kasi libre naman na daw niya. Sabi pa nga niya kahit ilang balot pa daw ng ulam kunin ko. Dalawa nalang kinuha ko kasi nakakahiya naman kay aling Jen," pagpapatuloy ni Jungkook.

"Putang- Lumayo ka na du'n sa babaeng 'yun ha," kalmadong utos ni Irene saka umirap at tinuloy nalang ang pagkain niya.

"Bakit ko naman siya lalayuan? Mabait naman siya e. Tignan mo nga nakalibre pa tayo."

"Tsss. Ganu'n lang 'yun kasi gwapo ka. Hindi 'yun nagmana sa nanay niya na si aling Jen 'no. Nagmana 'yun sa putanginang sobrang pogi niyang tatay na si Jake na akala mo lahat ng babae gusto siya," inis na inis na paliwanag ng dalaga.

Napatingin naman si Jungkook kay Irene ng seryoso na parang gusto pa nitong marinig ang susunod na sasabihin ng dalaga.

"Alam mo bang 'yang Duday na 'yan, lahat ng lalaki dito sa lugar natin syota niyan. Pati 'yung dati kong crush na si Nico na taga-champaca sinulsol niya. Lahat ng date sa kalendaryo monthsary niyang putanginang 'yan."

"Bakit mo ba sinasabi sa'kin 'yan? Sa tingin mo ba papatulan ko 'yun?"

Wait, oo nga naman. Bakit ko ba sinasabi sa kanya? Uy, may tanga.

"'Di kasi, ano, uhm, basta! Ewan ko rin e. Basta gusto ko lang sabihin sayo para layuan mo na siya," awkward na pagkakasabi ni Irene saka yumuko nalang at pinagpatuloy ang pagkain.

"Kahit naman hindi ko layuan 'yun, hindi ko parin papatulan 'yun syempre. Pero 'di nga, totoo ba 'yun? Hmm. . .Hindi naman siya maganda e," komento ni Jungkook habang ngumunguya. Uminom muna ang binata ng tubig saka ulit tumingin kay Irene. "Mas maganda ka pa du'n, Irene."

Wait.

Mas maganda ka pa du'n.

Mas maganda pa ako du'n.

Mas maganda pa ako kay Duday.

IKR.

Pero 'di ko maintindihan kung pampapagaan lang ba ng loob 'yung sinabi niya o talagang sinabi niya 'yun talaga galing sa kanyang hearteu.

Charaught.

"Ano? Pakiulit nga," malaki ang ngiti na utos ni Irene.

"Mas maganda ka du'n 'kako. Ikaw gusto mo pang paulitin e." napatawa naman ng marahan si Jungkook saka napailing.

Bakit ba ang gwapo ni Jungkook pati 'yung tawa niya?! Tangina lahat nalang sige!

Ang swerte talaga ng girlfriend niya!

"Wala namang panama sayo si Judy e kaya wag mo na siyang pag-initan." napangiti nalang si Jungkook kay Irene saka tinuloy ang pagkain.

And I can't fight this feeling anymore. . .Kasi naman e, kinikilig ako sa sinabi niya!

Hindi malabas ni Irene ang kanyang feelseu kaya binilisan nalang niya ang pagkain habang hindi nakatingin kay Jungkook.

I need to get out of here and get some fresh air. 'Yung puso ko kasi ayaw kumalma!

"Uy, bakit nagmamadali kang kumain, Irene? Aalis ka ba?" takang tanong ni Jungkook sa kanya saka nagtanong ulit. "Bakit namumula ka? May sakit ka ba? Allergic ka ba sa kinain natin?"

"Wala 'to. Hihihi. Kain ka lang d'yan. Ikaw a, concern ka sa'kin. Napaghahalataan na kita Jungkook. Crush mo talaga ako 'no?"

Crush niya rin siguro ako. Kaya siya nag-aalala sa'kin.

"Huh? Oo naman."

Nanlaki ang mga mata ni Irene sa sinabi ni Jungkook.

"Oo naman?! Na crush mo 'ko?!"

Nangiti si Jungkook saka umiling. "Hindi. Na concern ako sa'yo."

"Ahh." napatawa nalang si Irene ng awkward saka pinagpatuloy ang pagkain niya ng mabilis.

"Syempre, concern ako sayo. Nangako ako sa nanay mo saka kay ate Nicole na babantayan at aalagaan kita hangga't kasama mo 'ko e. Kaya kung may mangyaring masama sa'yo, sangkot ako du'n. 'Tsaka anong napaghahalataang sabi mo?"

'Yung puso ko, malapit nang sumabog!

Wooh! Hindi ko na kaya! Kingina!

Nang hindi na nakayanan ni Irene ang nararamdaman, agad siyang tumayo at nagsalita, "Tapos na 'ko. Jungkook, pwede bang ikaw muna maghugas ngayon? May pupuntahan lang ako saglit."

"Aahh. Oo, sige."

Galing sa second floor ng apartment building, agad na naglakad si Irene ng mabilis papuntang rooftop sa fourth floor.

Huminga muna ng malalim si Irene bago nagsisigaw sa rooftop, "Waaah! Putangina niyong lahat! Kinikilig ako, kingina! Putangina mong kupal ka! Tumigil ka na sa kakangiti mo sa'kin! Tama na pagpapakilig mo! Ano bang karapatan mong pakiligin ako?! Jungkoook, gustung-gustung-gusto kita! Crush na crush kita! Wooh!" pasayaw-sayaw pa si Irene at pakembut-kembot habang sumisigaw.

Tingin niya ay pulang-pula na ang mukha niya sa kasisigaw.

Nang natapos na siyang maglabas ng feels, hinabol niya ang hininga niyang tumakbo palayo sa kanya dahil sa sobrang kalandian niya.

Pagkatalikod niya, nagulat siya nang nakitang nanlalaki ang mga mata ng medyo matandang babae sa kanya na nagsasampay ng damit sa bandang gilid. Sa sobrang excitement niya, hindi niya napansing may tao pala sa rooftop.

Nakakahiya kay manang, pakingshet.

"Hehe. Sorry po," nahihiyang sambit niya habang medyo tumatawa pa ng peke at unti-onti nang naglalakad papuntang pinto pababa.

Tumakbo na siya sa hagdan habang nakatakip sa bibig niya dahil sa sobrang tuwa, hindi niya mapigilang tumawa.

Bago siya pumasok sa pinto ng apartment niya, huminga muna siya ng malalim saka nag-ayos ng buhok.

Pagkabukas niya ng pinto, naabutan niyang papalabas na ng kusina si Jungkook. Mukhang katatapos lang nito maghugas. "Sa'n ka ba galing, Irene?" tanong sa kanya ni Jungkook.

"D'yan lang sa tabi-tabi," sagot naman ni Irene habang papunta sa couch. Sinubukan niyang isaksak ang T.V. at buksan para tignan kung may kuryente na ba.

Shet. Meron na! Finally, may nagawa ka ring tama Khakeen at Romel!

Dumiretso ng kwarto si Jungkook pagkatapos ng ginagawa. Hindi alam ni Irene kung anong gagawin kaya nagtanong siya kay Jungkook, "Anong gagawin mo?"

"Maliligo lang. Ang lagkit ko na e," nakangiting sagot ni Jungkook saka tuluyan nang pumasok sa loob ng kwarto.

Napangiti naman si Irene saka tinutok nalang ang tingin sa T.V.. Gagamitin na ni Jungkook ang extra na safeguard at palmolive na kinuha pa ni Irene sa probinsya bago sila umalis.

Ang bango-bango nanaman niya.

*•*•*

Habang nanonood lang ng Spongebob Squarepants, mga ilang minuto ang nakalipas nang may biglang kumatok sa pintuan kaya napatingin agad si Irene du'n.

Sino nanaman kaya 'yang manggugulo sa buhay ko?

Agad na lumapit sa pintuan si Jungkook at binuksan 'yon.

'Yung pangalawang tao na gumugulo lang pala sa buhay niya next to Duday, si Khakeen.

"Hello, Irene. Si Jungkook, nasa'n?" tanong naman ni Khakeen sa kanya ng nakangiti.

OMG! 'Di nga? Si Khakeen, nakangiti?

At kingina, akala ko ma-se-sermon-an kami ng gagang 'to dahil 'yun naman talaga ang laging bungad niya sa'kin kapag pumupunta siya dito. Tapos isusungalngal niya sa'kin na hindi pa 'ko nakakabayad sa renta ko.

Matagal pa bago nakasagot si Irene, "Wala. Naliligo."

Napadako ang tingin niya sa medyo malaking tupperware na hawak ni Khakeen saka tinignan ang ginang na may pagtataka.

"Para saan naman 'yan?" tanong ni Irene habang turu-turo ang tupperware na hawak ni Khakeen.

"Hindi "para saan", "para kanino". Pagkain lang naman 'to, Irene. 'Tsaka kakakausap ko lang sa kanya kani-kanina lang e."

"O alam mo naman pala na nandito lang siya e, nagtatanong ka pa kung nasaan siya. Nasaan ba utak mo, tita Khakeen, ha?"

"Ang sungit mo naman. Jungkook, nand'yan ka ba?!" sigaw ni Khakeen sa loob ng apartment kaya naman napatakip si Irene bigla sa tenga niya.

"Hinay naman tita Khakeen ang sakit mo sa tenga!" medyo malakas na sigaw ni Irene saka nginitngit ang labi niya. "Bakit mo po ba kami pinapadalhan ng pagkain? Sa tingin mo ba wala kaming perang pambili?"

"Anong kayo? Para kay Jungkook lang naman 'yung mga binibigay ko. Bakit mo sinasama sarili mo?"

Aba't gago 'to ah! Hindi niya ba alam na-Tangna.

"For your info, tita Khakeen, kasama ko siya dito sa apartment ko kaya "Kami". Kung anong ibibigay mo sa kanya, dadaan din sa'kin 'yun."

"Aba, girlfriend ka ba? Hindi naman a. Sabi niya wala daw siyang girlfriend. Espesyal na kaibigan ka lang daw niya."

Alam ko naman 'yun pinagduduldulan pa ni Khakeen. Tangnang 'to. 'Tsaka okay na 'ko sa espesyal na kaibigan. Tangna niya sagad sa buhok ng panot niyang asawa na mukhang hippo.

"E-eh ano naman? Hay nako, tita Khakeen, tumigil ka na nga lang. May asawa ka na lumalandi ka pa.," nasabi na lang ni Irene. Parang talo tuloy siya sa sagutan nila ni Khakeen.

"Aba't-Uy, Jungkook."

Napatigil sa pagsasalita si Khakeen saka napatingin sa likod ni Irene.

Kalalabas lang ni Jungkook galing sa banyo kaya hindi pa masyadong tuyo ang katawan nito. May nakasabit rin na towel sa leeg niya.

Nanlaki ang mga mata ni Irene ng panandalian nang inakbayan siya ni Jungkook ngunit napalitan din 'yun agad ng malaking ngiti. Dinamdam niya ang paghawak ng binata sa balikat niya habang hindi pinapakita sa kanila ang kilig niya.

"Ano po 'yun, tita Khakeen?" nakangiting tanong ni Jungkook

Hmm. Sininghot ni Irene ng tahimik ang kamay ni Jungkook na nakaakbay sa balikat niya. Ang bango bango naman, tapos ang lamig pa ng katawan niya, at medyo basa pa. Jusko!

Nakangiti namang inabot ni Khakeen ang tupperware na hawak nito kay Jungkook. "Naalala kasi kita kaya gumawa ako ng cookies sa bahay. Hehehe."

Cookies?! What the fck! Cookies angwala.

Napaikot nalang ang mga mata ni Irene. Hindi siya maka-interfere dahil alam naman niya kung ano ang ginagawa ni Jungkook.

"Bakit naman naalala niyo 'ko sa cookies?" tanong ni Jungkook.

Tangna. Weirdo talaga nito ni Khakeen. Oo nga naman. Anong kinalaman ng cookies kay Jungkook? Bakit, bako-bako ba mukha ni Jungkook gaya ng cookies na gawa niya? Aba't gago 'to a? Hindi ba 'yung asawa niyang bako-bako ang naaalala niya at si Jungkook pa talaga?

"'Diba Jungkook pangalan mo? Malapit lang sa cookies e. Jung-Kook-Kies. Kookie. Cookies," nakangiti namang paliwanag ni Khakeen sa kanilang dalawa na may kasamang hand gestures pa.

Wait, onga 'no. Nice naman, may isa nanaman siyang nagawang magandang bagay.

Ano kaya kung Kookie nalang itawag ko sa kanya?

My Kookie.

My Kookie Beybeh.

"Oo nga 'no. Hehehe. Salamat po dito sa cookies," napakamot nalang si Jungkook sa batok niya habang nakangiti dahil sa hiya. "Salamat din pala du'n sa Kookie. May bago na 'kong nickname."

"Walang anuman. Hehe. Teka, pwede ba 'kong pumasok sa loob? Kwentuhan muna tayo kahit saglit lang," pag-aya ni Khakeen sa kanilang dalawa.

Ang bait-bait talaga niya pag nandito si Jungkook! Nakakaproud. Pota.

"Ahh, ehh-"

"Hindi po pwede. 'Yan ka nanaman. Tignan mo sa likod mo oh paparating nanaman si Utay, ang landi mo nanaman daw." nagturo pa si Irene sa likod ni Khakeen gamit ang nguso niya.

"Whatever, Irene. Hindi mo na 'ko malolokong bata ka."

"Aba't-Tignan mo oh, papalapit na nga," paliwanag ni Irene na medyo naiinis pa.

Bakit ba ayaw umalis nitong Khakeen na 'to? Ayaw nga namin e. Hindi makaintindi.

"Sus, 'yan ka nanaman Irene, ha. Tapos kapag lilingon ako wala naman." nakataas pa ang kilay ni Khakeen.

"Go on. See for yourself," nakabungisngis na sambit ni Irene kaya medyo kinabahan na si Khakeen dahil sa pag-eenglish ng dalaga.

Napalunok muna si Khakeen bago humarap sa likod niya at nakita ang nakabusangot na panot niyang asawa.

Hekhek. Sige, landi pa more. Ang talas kaya ng pandinig nito ni Utay.

"Akala ko ba forever tayo, my one and only babes?" malungkot na tanong ni Utay.

"I-it's not what you think, babes. Kaibigan ko lang si Jungkook," paliwanag naman ng babae habang nauutal-utal pa.

"Nakita ko lahat, babes. Pero hindi ko narinig lahat. Hindi lang siya kaibigan para sayo. . .'Yung mga tingin mo sa kanya, ganu'n mo rin ako sulyapan noon, mga ilang taon na ang nakalipas. Ayoko na," naluluhang sambit ni Utay saka tumakbo papalayo.

"Wait, my one and only babes! I-I can explain! Wait for me!" sigaw naman ni Khakeen saka sinundan at hinabol ang naghihinagpis niyang asawa.

Nagkatinginan nalang si Irene at Jungkook, nagkibit-balikat saka sabay na pumasok nalang sa loob.

Pagkapasok nila sa loob, du'n nalang tinanggal ni Jungkook ang kamay niya na nakaakbay sa dalaga saka dumiretso sa kwarto.

Aww. 'Kala ko pa naman hindi niya mapapansin na nakaakbay parin siya sa'kin. Sayang naman.

"'Yung mag-asawang 'yun talaga. . .Forever, forever. Walang forever, mga ulol." mahinang sambit ni Irene habang nginingitngit ang labi niya.

Umupo sa couch si Irene at pinagpatuloy nalang ang panonood ng Spongebob. . .Ano kayang ginagawa du'n ni Jungkook sa loob ng kwarto?

*•*•*

"Aahh!"

Napabalikwas bigla si Irene sa pagkakaupo nang biglang sumigaw si Jungkook galing sa kwarto.

"Jungkook?! A-anong nangyari?!" sigaw ni Irene pagkabukas niya ng pinto sa kwarto.

Nakaupo si Jungkook sa ibabang part ng double-deck habang nakayuko. Napaangat ang ulo nito at tumingala kay Irene sa taas.

"Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?"

"Kagigising ko lang. Bigla kasing sumakit yung ulo ko, Irene. . .Basta sobrang sakit talaga. Ugh. . ." napasabunot si Jungkook sa buhok niya saka napayuko.

". . .Tapos parang nakakita ako ng kung anu-ano. Pero hindi ko maalala 'yung mga nangyari. Basta. . .Irene, ang sakit talaga," kalmadong pagpapaliwanag ng binata habang tinitiis ang sakit.

Ano bang nangyayari sa kanya? Kinakabahan ako. 'Yung pempem ko, ang bilis ng tibok sa sobrang kaba. Paano ko ba mapapawala yung sakit?

Pero may isang bagay ang mas lalong nakakapagpakaba sa'kin.

"Hindi kaya. . .Nakakaalala ka na Jungkook?" napalunok si Irene sa nasambit pagkatapos.

Ito na ang kinakatakutan ko. . .Ang unti-onting mawala si Jungkook.

_| ̄|○

*•*•*

i just did some backreading and putangina tawan tawa ako sa sobrang dami ng typos nito ( ;'Д`)

hahahaha tawan tawa aq kc taena naiiba iba ko na ung mga pangalan nila naalala ko kc last na edit ko nito antok na antok na ko tapos halos ndi q na mabuka ung mga mata ko HAHHHAHAHA

Continue Reading

You'll Also Like

7.7K 526 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
132K 4.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
36.4K 1.2K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
1K 137 33
SO, YOU SAW MY SCANDAL? a teen fiction an epistolary story, ongoing. written by: lunadeleine We all have dreams, and to achieve them, we have to make...