The Billionaire's Revenge (...

By alebjo

519K 9K 624

We were a good couple once, a perfect couple indeed but it was changed when an unexpected event happened. It... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Finale
Epilogue

Chapter 9

9.6K 143 1
By alebjo

Beth PoV...

"O siya, di na mauulit yu ---teka sino to? Tanong ni papa habang nakaturo at nakatitig kay Clark.

Patay!

Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Clark.

"Magandang tanghali po, ako po si Clark."
Pakikilala niya sa sarili. Inilahad pa niya ang kanyang palad at ngumiti.
Tinanggap naman ni papa ang pakikikamay niya.

"Clark ang pangalan mo iho?  Eh wala naman akong kakilalang Clark ah. Taga san ka ba? , kanino kang anak? , bakit ngayon ko lang kita nakita? at bakit ka nandito? " pagtatanong ni papa. Hindi ko alam kung ano ang itinira ni papa kung bakit nag ala NBI ito kung magtanong. Bago ako makasagot ay sumabat ang usisera kong kapatid.

"Kayo ho walang kakilala na Clark pero si ate mayroon. At saka nandito ho si kuya ay dahil kay ate." Daldal ni Bea. Binalingan ko si Bea para senyasan na itikom na niya ang kanyang bibig kung hindi ay makakatikim sya sa akin. Nang makuha ang mensahe ko ay ibinalik niya ang atensyon sa pinapanood niyang tv.

"Pa,hinay - hinay lang ang pagtanong. Anak ho nina Señorita Alicia si señorito Clark, at nandito ho sya ay dahil.....sa mga gulay,. Oho, dahil gusto niyang makita ang mga tinatanim nating gulay." Sabi ko kay papa. Ayaw ko namang sabihin na dahil nandito ang isang yan ay dahil aaktyat ng ligaw. Nahihiya kasi ako. Nang tingnan ko si Clark ay nakita kong nagpipigil ito na ngumiti. Parang alam ko na ang tinatakbo ng isip niya.

"Oho, nandito ho ako ay dahil gusto kong makita ang mga gulay." Sagot niya.

"Ano ang ibig mong sabihin? Na hindi maganda ang mga gulay namin? ,hindi ka ba naniniwala na puro sariwa ang mga ito?  ." Tanong ni papa.
Alam kong hindi yun ang gustong iparating ni Clark pero iba ang pagkaka interpret ni papa.

"Hindi ho yun ang ibig kong sabihin. Ang sa akin lang ho ay gusto kong makita kung saan nanggagaling ang mga gulay kung paano inilalagaan ang mga ito, yun mga ganun ho. At gusto ko rin naman malaman kung tama ba ang ibinabayad ni mama sa inyo. "  sabi niya.

"Ah ganun ba,...wag ho kayong mag alala nasisigurado kong sariwa ang mga gulay namin. At sa bayad naman ho, eh sobra-sobra pa nga ho ang ibinabayd ng mama nyo." Sabi ni papa. At oras na yun ay parang nag iba ang tono ni papa."at kung gusto nyo ho ay pumunta kayo sa bukid, pasasama kayo kay Beth." Prisinta ni papa.

"That would be great, sige ho pupunta ako doon at para na rin malanghap ako ng sariwang hangin ,at yun ho ay payag itong si Beth na samahan ako." Sabi ni Clark. Bumaling sa 'kin si papa at nagsalita.

"O anak, ano pwede mo bang samahan itong bisita natin sa bukid at parang naman makakita rin ng puro luntian ang paligid."

"Pwede naman ho, kailan ba yun? " tanong ko.

"Kung kailan ka available." Sagot ni Clark.

"Pwede mamaya, wala na rin naman akong gagawin eh." Hindi naman ako atat sa pagsama sa kanya, pero kasi diba mapapasama sila bukas sa 'kin sa pagtour na lugar namin tapos may klase na ako pagka next day, kaya mamaya nalang yung available.

"Ok then, mamaya."

Bago pa humaba ang usapan ay niyaya ko na silang kumain. Siguradong gutom na ang mga ito, lalo na si papa.

"Ah sir sige,  kakain na muna kami, eh kung gusto mo ay sumabay na kayo sa amin. Kaya lang ay pagpapasensyahan nyo na lang ang ulam namin." Pag anyaya ni papa kay Clark.

"Sige ho ba. Wag ho kayong mag alala, kahit anong pagkain ay kinakain ko. At mang Luciano pwede ho bang Clark na lang ang itawag nyo sa 'kin at huwag na ang 'señorito '?. Hindi naman kayo nagtatrabaho sa 'kin." Sabi ni Clark.

"Eh kung yun ho ang gusto nyo."sagot ni papa.

"At tanggalin nyo na rin ho ang 'ho '. Parang matanda naman ako nyan eh." Dagdag pa niya.

" o sige kung yan ang gusto mo Clark." Sabi ni papa.

Aba mukhang on the moves na ang mokong at si papa ang unang niligawan ah. Pagkatapos nun ay tumuloy na sina papa at Bea sa kusina. Kami naman ay nakasunod sa kanila.

Pagdating namin doon ay kumpleto na sila. Magkatabing umupo sina Benjamin at Bea, samantala si papa ay nasa kabisera at nasa gilid niya si mama. Kami naman ni Clark ay makatabi at kaharap ang mga kapatid ko.

Nang makita nina mama at Benjamin si Clark, ay makikitang nasa mukha ang pagtataka at tulad ni papa kanina ay ganun rin ang reaksyon nila.

Ipinakilala ko si Clark sa kanila katulad ng pagpapakilala ko kay papa kanina.

"Ganun ba, ah Clark pagpasensyahan nyo na ang ulam namin, alam kong hindi kayo gaanong kumakain nito, pero ang masasabi ko lang ay kahit ganito lang, kahit isda lang ang ulam namin ay masarap ito dahil si Beth ang nagluto ng mga iyan. Masarap kasi magluto yang panganay ko." Sabi ni mama.

"Ay sinabi mo pa ma, tama ho iyon kuya, kahit anong ulam basta si ate ang nagluto ay siguradong mapaparami ang kain mo." Pagbibida ni Bea.

"Kaya swerte talaga ang mapapangasawa ni ate kung sakali, bukod sa mabait at maalaga ay masarap pang maluto kaya laging busog ang mapapangasawa niya. " sabi ni Benjamin.

"Hoy Benjamin ano ba yang pinagsasabi mo ha, baka gutom lang yan at ikain mo nalang." Sabi ko sa kanya.

"Totoo naman ate ah, at saka di lang busog sa masarap na pagkain kundi pati na rin sa pagmamahal." Dagdag ni Bea. Aba ah. Mukhang pinagtutulungan ako ng dalawa, pero ok lang puro possitive naman ang sinasabi eh. Totoo nga naman masarap akong magluto at masarap din akong magmahal.

"Hoy Bea kung ano - ano yang pinagsasabi mo, bata ka pa at may nalalamang ka nang pagmamahal, san mo ba nakuha yan ha?" Sabi ko sa kanya. Eh grade four palang may pagmamahal -mahal nang nalalaman.

"Sa drama sa tv, eh totoo naman yung sinabi ko ate eh, mabait ka at mapagmahal pero minsan topakin."

"Anong sabi mo?? "

"Wala ate, ang sabi mabait ka period " sagot niya.

"O sya tama na yan at kumain na kayo." Saway ni papa sa amin. Maya -maya ay nagsalita si Clark sa tabi ko.

"So maswerte pala ako."

"Ha? "Tanong ko. Narinig ko naman ang sinabi niya pero di ko maiintindihan.

"Wala, tama nga ang kapatid mo mabait ka." Sabi niya ulit at saka ngumiti sa 'kin.
Napa 'ahh ' na lang ako.

Habang kumakain kami ay panay ang kwentuhan nina papa at Clark. Kung anu-ano pa ang ikinukwento ni papa sa kanya, tulad ng mga gawain sa bukid. Yung mga kapatid ko naman ay hindi rin pahuhuli sa kakulitan. May pagkakataon pa ngang tinutukso nila kami. At panay rin ang tanong sa kanya tulad ng:

"Talaga kuya wala ka pang girlfriend? Kung ganun may pag asa si ate sa 'yo?   Si Bea.

"Oo nga kuya, hindi pa nagka boyfriend yang si ate eh. " si Benji.

"Oo nga kuya, para maging tunay na babae na si ate." Si Bea ulit.

"At wag kang mag-alala kuya, walang boyfriend yang si ate kaya wala kang karibal sa kanya." Si benjamin uli.

"Ganun ba, edi ok wala akong kaaway." Sagot ni Clark sa kanila.

Sasagot pa sana ang dalawa pero sinipa ko na sila sa ilalim ng mesa para matahimik. Napatingin sila sa 'kin  at pinagbantaan sa pamamagitan ng pagpasingkit ko ng mga mata. Nakuha naman nila ang gusto kong iparating sa kanila kaya nagsatahimik sila.
Narinig ko naman nag chuck si Clark kaya napatingin ako sa kanya pero mukhang busy ito sa pagkain.

"Hoy kayong dalawa tigilan nyo na ang ate nyo at kumain na lang kayo, at tigilan nyo na rin ang kuya Clark nyo ha." Saway sa kanila ni papa, buti nga sa kanila, pero ang sunod nyang sinabi ay hindi ko inexpect. "Ah clark wala pa yang manliligaw si beth kaya wala kang magiging problema dahil wala kang magiging karibal." Panggatong ni papa.

"Pa!?" Akala ko pa naman ay susuwayin niya ang mga kapatid ko, yun pala gagatungan pa niya. Hay naku. Sinilip ko si Clark sa tabi, at ang mokong ay parang natutuwa pa.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko. Maya maya ay siniko ako ni Clark. Sa una ay hindi ko siya pinansin pero nang sunod-sunod na ang pagsiko ay nilingon ko sya .

Nakita kong parang may gusto syang sabihin pero hindi niya masabi kaya binulong niya lamang.

"Galit ka ba? Sorry na."

Pero imbis na sumagot ay dineadma ko siya. Pinagpatuloy ko ang pagkain at sya naman ay di na uli nagtangkang kausapin ako.

Sina papa naman kasi, parang binubugay ako. Parang bang mauubusan na ng mga lalaki at dahil nga parang nagkakaubusan na ay basta basta na lang ako i -ooffer sa kani - kanino.

At di ko rin alam kung ano na ang iniisip sa 'kin ni Clark. Baka kung ano sabihin nun... haaay ang saklap.

Nang matapos ang pagkain ay nag prisinta si Clark na tutulong sa pagligpit napinagkainan namin pero tumanggi ako.

"Wag na, kaya na namin ni mama ito. Sige dun ka muna kay papa at samahan mo siya." Sumunod na siya, lumabas siya at nakipag usap kay papa.

"May naamoy ako kay Clark." Sabi ni mama ng maiwan kaming dalawa sa kusina.

"Anong amoy ma? , amoy abroad? " pabirong sagot ko kay mama.

"Matagal-tagal na rin akong hindi nakakurot ng singit ah." Sabi ni mama. Mukhang makakatikim ako ng kurot kay mama 'pag di ako tumino sa pagsagot sa kanya.

"Eto namang si mama di mabiro. O sya na ma, ano ang naamoy mo kay Clark." Sabi ko habang nagsasabon ng pinggan.
Lumapit sa'kin si mama at nagsalita.

"Mukhang kursunada ka 'nak." Sagot niya.

"Pfft! , ano? Mama naman, ano ba namang sinsabi mo, di ako ang tipo niyang babae." Sagot ko.
Ang lakas talaga ng pang amoy ni mama, mukhang nalaman niya ang pakay ni Clark. Pero di ko sinabi sa kanya na totoo ang hinala niya. Nahihiya akong magsabi sa kanya na nililigawan nga ako ni Clark.

"Basta yan ang nararamdaman ko sa kanya, may gusto siya sa 'yo."

"Kayo talaga, kung ano - ano ang pinagsasabi mo." Sabi ko nalang. Pagkatapos nun ay tinapos na namin ang paghugas.

Lumabas na ako para puntahan sina papa. Nakaupo sila sa mahabang bangko sa labas ng bahay. Nang makalapit ako ay may kausap si Clark bukod kay papa.

Kung malakas ang pang amoy ni mama pagdating sa pagkilatis sa isang tao, ay mas malakas naman ang pang amoy ng isang 'to pagdating sa mga lalaki. Lahat siguro ng mga lalaki rito ay naamoy na niya. Walang iba ito kundi si Krista. Anak siya ng  Vice mayor namin na si Dominador San Juan.

"Talaga?! Kaya ngayon ko lang nakita ang gwapo mong mukha. " narinig kong sabi ni Krista. Di lang siya nag iisa, kasama niya ang kanyang mga alipores na sina Dina at Evelyn. Di ko alam kung may crisis ba ngayon sa tela dahil kung magsuot ito ng mga damit ay kita na ang kanilang kaluluwa at kung maari ay pati na rin ang mga buto nila. Konting hila lang ng mga damit nila ay matatastas na dahil sa manipis na strap.

"Yeah, noong isang linggo nga lang kami dumating rito." Sagot ni Clark habang nakangiti pa.

"Talaga!?,kung ganun hindi mo pa na tour ang lugar namin, ahh kung gusto mo itour kita rito." Sabi ni Krista habang todo ang ngiti.

"Oo nga kami rin, pwede ka rin naming itour dito." Sabi naman ni Dina wannabe.

"Oo nga, pwede ka namin samahan kahit saan mo gustong pumunta." Sabi naman ni Evelyn.

"That 's so kind of you, pero nakatour na kami eh, pero thank you ha. " sagot ni Clark.

Hmmp buti nga sa kanila. Teka!  Diba sabi niya pasasama sila sa amin ni Bea bukas sa pag tour sa kanila.? Papaanong nakatour na siya? ..

"Aww, ganun ba di bale, kapag gusto mo uli mag tour dito ay wag kang mahihiyang lumapit sa 'kin at i totour kita. " sabi ni Krista. Aba si Clark pa talaga ang mahihiya ah.
Bali -balita rito na lahat ng mga lalaki dito ay naging nobyo niya. Noong isang buwan nga raw ay naging sila ng anak na lalaki ng mayor namin at noong isang linggo ay hiwalay na sila dahil sa kaibigan ng anak ni mayor. Mukhang may goal si Krista na masungkit ang guiness book of records sa pagkaroon ng maraming nobyo at tingin ko si  Clark ang susunod niyang target.

"Sure, siguro nextime nalang, thank you girls."

Parang naging kiti - kiti ang mga ito dahil sa sagot ni Clark sa kanila. Asa naman silang na may nextime nga. Tsk tsk.

"Sige  Clark aalis na kami at may pupuntahan pa kami. Bye wag mong kalimutan ha." Paalam sa kanya ni Krista.

"Bye, ingat kayo ha."

"Oo mag iingat kami para sa 'yo. Bye! " sabi Krista sabay wave at saka pumasok sa kotse niya. Sumunod naman sa kanya ang kanyang mga alipores.

"Bye Clark! " hirit pa nila bago tuluyang umalis.

Buti naman at umalis na sila.

"Mukhang nag eenjoy ka ha." Sabi ko habang nakasandig sa halige ng pimtuan namin. Mukhang ngayon lang ako napansin ng mokong.

"O Beth, dito ka na pala. Ah sina Krista iyon. Nagpakilala ng napadaan sila. " sabi niya. Nakita kong umalis si papa sa upuan niya at saka pumasok sa loob.

"Ganun ba, ba 't di ka sumama sa kanila ng nagyaya sila?. Magaganda ang mga iyon sigurdong mag eenjoy ka."  Sabi ko.

Di agad siya nakasagot.

"I 'm not interested." Plain niyang sabi.

"O? , kahit sinong lalaki ay mag eenjoy kapag sila ang nakasama. Bukod sa magaganda na eh ang seseksi pa."

"Siguro mga ibang lalaki, pero not me. I told you I'm not interested with them. I 'd rather to be with someone who is simple and at herself. " sabi habang nakatigin sa 'kin...."w -wait! , ....are you jealous? " tanong niya habang hinuhuli ang mga mata ko. Pero syempre tumingin ako sa malayo para umiwas.

"Ano?! kapal mo ha, ba 't naman ako magseselos aber? "Sagot ko.

"Ok sabi mo eh." Sabi niya, pero parang hindi siya naniniwala. Bahala sya.

"Don't you ever compare yourself to others because you 're beautiful Beth. That 's way I refused their offer, because of you. I don 't want to be with them coz I only want to be with you. I want you to tour me around in here not them. " sabi niya nang nakaharap na ako sa kanya.

Dahil sa sinabi niya ay biglang bumilis ang takbo ng puso ko. Dahil sa sinabi niya ay parang wala na akong mabuong salita.
Dahil sa sinabi niya ay parang nag pause sandali  at ang tanging lumabas sa bibig ko ay ...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
. "Gusto mo nang pumunta sa bukid? ".













To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

45.1K 1.5K 31
🔥Highest Ranked Achieved #31 in Paranormal 🔥THE MEGA WATT AWARDS 2017 Best in PARANORMAL WINNER. ( 50% MYSTERY&THRILLER, 25% PARANORMAL, 15%HORROR...
112K 1.1K 37
It's about time to tell the truth from the heart. Published : September 2013 Completed : February 2018
707K 10.5K 55
Published Book na po ito. Published ang FIRST VERSION. Limited Copies. Kung may interesadong bumili ng kopya nito kindly Message lang po ako dito. T...
221K 9.5K 36
Mula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na in...