Jungkook is Mine [completed]

By momochanchan_

182K 7.5K 2.7K

[bts series #1] [COMPLETED] [WARNING: not a FORMAL story] A not-so pervert girl who ends up taking care of a... More

01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08. [1]
08. [2]
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15. [1]
15. [2]
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
HAPPY BIRTHDAY TAEHYUNG!
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36. [1]
36. [2]
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
46.
47.
48.
[!!]
Special Chapter

45.

3.1K 121 48
By momochanchan_

poker face lang ako habang t-in-a-type ko 'to. HAHAHA. vhope vhope forevs <3

and sa mga exo-ls, i was once an exo-l and i know that feeling. bumitaw na ko kasi d ko na kaya. you can't blame me, d lahat ng bumibitaw masasabing fake fan na, napagod lang siguro. dalawang beses ko na 'yang naramdaman kaya i'm now used to it. paulit-ulit nalang. nakakasawa nang umiyak. haha. just wait and hope for the best. be strong. no choice e. wag nalang natin pansinin 'yung mga immature na pinagtatawanan ang sitwasyon niyo, ganun naman palagi e hindi nawawala 'yun, it depends sa inyo kung pipiliin niyong magpa-apekto sa kanila o hindi. mapapagod din 'yang mga tarantadong 'yan. and karma has no menu, wala pang isang minuto sasampalin na yan ng karma kaya wag na kayong mag-alala.

*•*•*

Napapaungol na idinilat ni Irene ang mga mata sa mga malalakas na boses na umagang-umaga'y naririnig niya na agad.

"Pero crush ko na rin siya, kuya Hoseok!"

"Anong crush? Ang bata-bata mo pa ah? Hindi mo alam 'yang sinasabi mo, BJ, ha?"

"Alam ko ang sinasabi ko, kuya. Crush ko na si ate Irene!"

"Hindi. Mag-tootbrush ka nga!"

"Ako lang? Ikaw rin kaya, kuya! 'Di ka lang mukhang kabayo, ang baho pa ng hininga mo!"

"Aba gago 'tong batang 'to ah? Mapanglait ka ha!"

Napaupo sa hinihigaan si Irene habang kinukuskus-kuskos ang mga mata. Pagkadilat ay naabutan niyang nakapulupot ang braso ni Hoseok sa isang bata while rubbing his knuckles on the child's head. Napapaubo naman ang bata dahil hindi ito masyadong nakakahinga sa pagkapulupot ng braso ni Hoseok sa leeg nito. Agad na kinuha ni Irene ang ginamit na unan saka binato kay Hoseok.

"Tangnang Yokababz na 'to! May balak ka bang patayin 'yung bata?!"

Bumitaw naman si Hoseok sa bata saka napadiretso ng tayo at lumingon kay Irene. "Uy, honeybunch! Good morning!"

"Honeybunch? Syota mo na ba si ate Irene?" tanong ni BJ - ang anak ni Lana na pinsan naman ni Hoseok.

"Hindi, 'no?" sambit ni Irene saka kinapa ang panali sa buhok sa gilid ng higaan na tinanggal niya kagabi. Nang nahanap ay agad na tinali niya pataas ang buhok ng mahigpit. Napansin ni Irene sa orasan na nakadikit sa pader na mag-a-alas-sais palang ng umaga. Lumapit naman si Hoseok sa kanya at humawak sa bakal na nakaharang sa taas ng double-deck kung saan siya natulog.

"Mag-a-alas-sais palang ah? Bakit ang aga niyong magharutan?" tanong ni Irene habang medyo iniiwas ang bibig sa binata. Baka raw kasi ay malanghap ni Hoseok ang morning breath niya.

"Sakto lang 'yan. Gan'to talaga dito, palaging maaga," ani Hoseok habang nakangiti. "Kakatapos lang magluto ng almusal ni mama. Tara na?"

*•*•*

"Dawon, stop taking selfies. Come here now and eat your breakfast," wika ni tita Lana habang inaayos ang mga plato at kutsara sa hapag-kainan. Nakaupo na ang dalawang pinsan ni Hoseok na sila BJ at LJ, sa tapat nila ay magkatabi sila Hoseok at Irene. Si Mrs. Jung naman ay inilalagay nalang sa mga bowl ang mga inilutong almusal.

"Gandara ng ate mo 'no?" bulong ni Irene kay Hoseok habang nakasilip kay Dawon na busy sa pagse-selfie sa harap ng salamin. "Selfie Lord ang lola mo. Manang-mana ka sa ate mo, Hobi. Pareho kayong Selfie Lords."

Hindi sumagot si Hoseok at lumingon sa nginuso ni Irene. Napanguso naman ang binata at medyo nangunot ang noo sa nakita. Rinig na rinig ang shutter sound ng camera sa cellphone ni Dawon.

"Noona-yah, wae gyesok selca hae? (Why are you always taking so many selfies?)" tanong ni Hoseok, halata ang inis sa boses nito.

"Wae? Nan jeongmal yeppeun saramieoseo, (Why? It's because I'm a beautiful person,)" simpleng sagot ni Dawon saka tumalikod paharap sa kanila, itinaas ang cellphone, at ngumuso sa harap ng kamera. Pagkatapos makakuha ng ilang shots ay ibinaba na nito ang kamera at humarap sa kanilang Tita Lana. "I'm beautiful, right Tita Lana?" Dawon asked in her Korean accent.

"Oh yes," natatawang sagot ni Tita Lana saka dumiretso sa kusina upang maghugas ng kamay.

Dumiretso sa mesa si Mrs. Jung dala na ang mga pagkaing iniluto saka nilapag doon. "Eat well, Irene," fluent na pagkakasabi ng ginang saka nginitian si Irene.

Irene nodded and smiled back.

"Maeju-yah! Jeongmal? Mideul su ga eopseo! (Hey freakin' ugly person! Really? I don't believe it!)" natatawang pang-aasar ni Hoseok sa kanyang ate saka na nagsimulang kumuha ng pagkain at nilagay sa kanyang plato. "Jijeobunhan saekki! (Pig!)"

Nangiti muli si Irene bago sumubo ng pagkain na sa pagkakaalam niya ay bulgogi. Kakaiba talaga 'tong Yokababz na 'to kapag nagko-korean. Hanep! Si Jungkook, isang beses ko palang ata 'yun narinig mag-Korean tapos "Saranghae" pa ang sinabi! Gago talaga 'yung ilong na 'yun. Ipahid ko sa kanya 'tong uhog ni LJ e. Napatigil sa naisip si Irene saka mabilis na umiling. Sabing 'wag mong iisipin 'yung ilong na 'yun e!

"Hoseokie, geuron mal haji ma, (Hoseok, you shouldn't say things like that,)" natatawang sita ni Mrs. Jung saka naupo narin sa tabi ni Hoseok at kumuha ng sariling plato, kutsara, at tinidor. Na-miss din ng ginang ang mga asaran ng dalawa niyang anak kaya hinayaan nalang niya ang mga ito sa pagba-bangayan.

"Mwo?! Nongdamhaji ma! Ssagaji eopneun saekkiya, iri wa! (What?! Don't joke with me! Come here, I'll teach you some manners!)" ang mabilis na tili ni Dawon saka ibinaba ang cellphone at tumakbo ng mabilis kay Hoseok na mabilis rin namang nakatayo at nakatakbo palayo sa kanyang sumusugod na ate.

"Ahh! Eomma, sallyeo juseyo! (Ahh! Mom, help!)" ang paghingi ni Hoseok ng tulong habang sunud-sunod na nakakatanggap ng malalakas na kutos sa kanyang maliit na ate na patuloy na nagmumura sa salitang Korean. "Irene?! Nakikita mo ba kung ga'no ka-bruha ang ate ko?!" natatawang sigaw ni Hoseok habang sinusubukang ilagan ang sunud-sunod na kutos ni Dawon. "Aray ko naman, 'te! Mahal na mahal mo talaga ako, 'no? Palibhasa kasi hindi nagustuhan ni Jin hyung! Haha!"

Mahinang napahagikgik sa nakita si Irene. Napaka-sweet talaga ng magkapatid. Tipong hindi na mapaghihiwalay ang dalawa kahit na ano pang problema ang tahakin nila. Makikita kila Hoseok at Dawon na mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa sa kabila ng mga asaran at sakitan nila. Agad namang iniiling ni Irene ang ulo nang maalala si Kaloy pati ang ate Nicole niya. Pinangako niya sa sarili na kapag nakauwi na siya ay di-diretso siya sa Antipolo upang duon naman magbakasyon kasama ang pamilya.

"Apa! (That hurts!)" sambit ni Hoseok habang hinihimas-himas ang kanyang ulo. Nakaakbay na si Dawon sa kapatid kahit na matangkad ito at malapad ang mga ngiting bumalik sila sa harap ng hapag-kainan.

"Majado ssa! (You deserve it!)" natatawang saad ni Dawon saka na bumitaw sa pagkakaakbay sa kapatid at umupo sa pagitan ng kanilang dalawang pinsan na sila LJ at BJ.

"They are always like that everytime," ika ni Mrs. Jung kay Irene saka umiling at nagsimula na ring kumain.

Nakakatuwa naman ang Jung Family.

Napabuntong-hininga si Irene saka binigyan ng isang maliliit na ngiti ang mga ka-pamilya ni Hoseok.

I miss you Kaloy, ate Nicole, kuya Ping, at Nanay.

'Nay, please be happy always. Kahit nasa'n ka man, 'wag mong kakalimutan na mahal na mahal ka namin.

Wish you were here. Chos! 'Wag kang magpapakita, 'Nay, ha?

*•*•*

Burnham Park

"Welcome to Burnham Park, Ms. Navarro! I am your personal tour guide! And your PTG is asking for a kiss!" masiglang sabi ni Hoseok saka itinapat ang pisngi kay Irene at tinuru-turo ng daliri nito. Natatawa namang sinampal palayo ng dalaga ang pisngi ni Hoseok.

"Aba't um-i-english ka na, ha? Unang-una, hindi kita personal tour guide. Pangalawa, walang kiss. Tangnang kabayo 'to, demanding amp." natatawang umiling nalang si Irene sa kabaliwan ni Hoseok.

"Grabe ka naman. Pinagpractice-an ko kaya 'yan kagabi! Minsan ka na nga lang makarinig ng gwapong nag-e-english e."

"Kabayong nag-e-english kamo."

Suot ni Irene ang kulay itim na jacket na pinahiram ni Dawon sa kanya, scarf na nakapulupot sa kanyang leeg, jeans, boots na pinahiram din sa kanya ni Dawon, at bonnet na pinasuot sa kanya ni Hoseok na hiniram pa daw ng binata sa jowang bilat ni Jin. Nakasuot din ng jacket, jeans, at boots si Hoseok na pare-parehong mga kulay itim.

Unang binisita ng dalawa ang Burnham Park. Sumakay sila rowboat at nagpalibut-libot sa buong Burnham Lagoon, na-i-kwento pa ni Hoseok habang nakasakay sila sa rowboat na pangarap niyang dalhin si Jimin sa Burnham Lagoon at isakay rin sa rowboat saka itulak sa gitna ng tubig. Matutupad lang daw ang isa sa mga pangarap ng binata kung makita niyang nalulunod si Jimin sa gitna ng Burnham Lagoon.

"Kingina. Bad horse ampots! Kawawa naman si Jimin kung ganu'n!" ang natatawang sinabi ni Irene sa kwento ni Hoseok.

Nag-rent din ang dalawa ng dalawang bisekleta at nilibot ang buong Burnham Park ng halos isang oras. Kung sino ang mahuli sa kanilang racing ay manlilibre ng pagkain kaya naman ay nagpatalo nalang si Hoseok dahil ayaw niyang si Irene pa ang manlibre ng pang-kain nilang dalawa.

"Tubol ka ba, Irene?" tanong ni Hoseok habang kumakain lang sila ng hotdog sandwich na binili lang nila sa tabi-tabi at nakaupo sa isa sa mga benches ng Park.

"Ha? Tubol? Mukha na ba 'kong matigas na tae? Aba't kinumpara pa 'ko ng mahabang baba mo sa tubol ha?" inis na sambit ni Irene saka sumubo sa kinakaing hotdog sandwich.

"Tinatanong nga kita e. Bakit lang naman kasi, Irene."

"'Ge. Bakit?"

"Ang hirap mo kasing pakawalan," maliit ang ngiti na sabi ni Hoseok.

Napatawa naman ng malakas si Irene. "Ha! Tama ka, mahirap ngang pakawalan ang tubol! Sobrang tagal ko kaya sa banyo kapag natu-tubol ako."

Napatawa ng mahina si Hoseok sa narinig na kadugyutan ng dalaga. "Ang hirap nga. Pero kailangan namang pakawalan," seryosong ika nito kaya agad na napalingon si Irene na may pagtataka.

Pinagsasabi nito? tanong ni Irene sa sarili dahil mukhang dalawang meaning ang sinabi ng binata.

"Tara na! Tutal isa kang first-timer sa Baguio, dadalhin naman kita sa Mines View Park!"

*•*•*

Mines View Park

Nakahawak lang si Irene sa kahoy na harang sa mataas na ridge ng Mines View Park habang nasa tabi naman niya si Hoseok na nakangiting nakatingin sa kanya.

"First time mo lang talaga dito, 'no?" natatawang tanong ni Hoseok. Halata kasi sa dalaga ang excitement nito habang inililibot ang mga mata sa buong view ng mga nagtataasang bundok mula sa Mines View Park. Napatingin narin sa magandang view si Hoseok saka nangiti at tinuro ang kahabaan ng mga bundok. "'Yan ang Cordillera Mountain Range. Ang ganda 'no? Pero wala nang mas gaganda pa sayo."

"Pakyu."

"Pero alam mo ba, nung bago lang ako dito, pinangarap ko ring dalhin dito si Jimin saka si Taehyung. Tapos itutulak ko sila ng sabay," natatawang paliwanag ni Hoseok. Natawa nalang din si Irene saka nilibot ang paningin sa Gazebo at pinagmasdan ang mga tao na may kanya-kanyang ginagawa.

"Grabe pala dito," humahagikgik na sabi ni Irene saka sumilip sa pinakailalim ng bundok kung saan makikita ang ilang mga kabahayan. "Sobrang taas natin oh! Pwedeng-pwede na kitang itulak dito para wala nang kabayong umaaligid-aligid sa bahay ng bangtan."

"Bad mo naman, Irene. Palagi nalang akong hurt-hurt sayo," kunwa'y malungkot na saad ni Hoseok saka napanguso. Ngunit agad din namang tumawa.

Pagkatapos nilang magpicture-picture sa loob ng gazebo, umakyat na sila sa mga batong hagdan na dinaanan nila at naglibut-libot pa. Nang madaanan naman ng dalawa ang isang puting kabayo na may matingkad na kulay sa buhok sa ulo at buntot, napahinto si Irene saka pinilit si Hoseok na magpa-picture sa puting kabayo.

"Dali na! Mura lang naman 'yung bayad e! Sasakay lang tayo sa kabayo tapos magpapa-picture!" pagpupumilit ni Irene habang hinihila-hila ang jacket ni Hoseok na parang bata. "Dali na kasi, Hobi! Ang cute kaya ng buhok niya! Kulay pink! Parang buhok ko rin dati!"

Nakasimangot lang si Hoseok, dahilan para mas lalong humaba ang baba niya. "'Wag na. Pang-kain nalang natin 'to. Ikaw na rin ang palaging nagsasabi na kabayo ako, kaya bakit hindi nalang ako ang sakyan mo?!" pasigaw rin na sabi ni Hoseok.

Napatigil si Irene sa pag-hila ng jacket ni Hoseok, nilibot niya ang paningin at mukhang narinig ng mga tao sa paligid ang sinabi ng binata. Napalunok nalang si Irene saka hinila si Hoseok papalapit.

"Magpapa-picture lang ako, Hobi. First time ko nga lang dito kaya dapat may souvenir ako. Saka kakaiba kaya 'yung buhok ng kabayo, may pink na may pagka-violet," bulong ni Irene.

Napalayo si Hoseok saka tumayo ng tuwid at inayus-ayos ang buhok. "'Yun lang naman pala. E'di magpapakulay ako ng pink!"

"Tangnang 'to. 'Di mo naman kailangang sumigaw!" nakataas ang kilay na sabi ni Irene saka nilagay ang mga kamay sa bewang. "Parang kabayo lang e, ayaw pa."

"Bakit kailangan pa kasing sakyan 'yang kabayong 'yan?!" sabay exaggerated na itinuro ni Hoseok ang kabayo. "Eh pwedeng-pwede mo naman akong sakyan, libre pa!" pagmamalaki pa ng binata.

Hindi na maiwasang mapatingin ang mga tao sa kanila. Ang iba'y napapatawa pa dahil sa pagbabangayan nila.

"Ba't ba? Tangnang 'yan! Ngayon na nga lang ako makakapagpicture sa puting kabayo na may pink na buhok e! Alam mo bang sa probinsya namin ay walang gan'yan?!"

"Irene, kung kabayong may pink na buhok lang naman ang gusto mo, bukas na bukas magpapakulay ko! Kesa naman gumastos pa tayo, 'diba?"

"Kingina mo! one-hundred-fifty pesos lang naman ang babayaran, ang dami mo pang sinasabi d'yan!"

Sa kabila ng pagbabangayan ng dalawa ay wala naring nagawa si Hoseok kun'di ang dumukot ng isang-daan at limampung piso sa bulsa ng kanyang jacket at ibayad sa mamang panot na nag-ma-manage ng kabayo na kanina pa sila tinatawanan dahil sa pagbabangayan nila. Excited na hinimas-himas muna ni Irene ang pink na buhok ng puting kabayo saka na nagpa-alalay sa lalaki upang makaupo na siya sa likod ng kabayo. Wala naring nagawa si Hoseok kun'di ang picture-an ang ngiting-ngiti na si Irene habang naka-peace sign pa ang dalawang daliri nito.

"Buti pa 'yang kabayong pink ang buhok sinakyan mo. Ako hindi," sambit ni Hoseok saka umirap.

Napatawa si Irene saka umiling at tinapik ang balikat ng nagtatampong binata. "'Wag kang mag-alala, para sa'kin isang ordinaryong puting kabayo lang 'yun na pink ang buhok. Malaki ang pinagkaiba mo du'n kasi para sa'kin, isa kang noble steed," ngiting-ngiti na sabi ni Irene.

"Ano ba 'yung noble steed?" inosenteng tanong ni Hoseok.

Napanguso si Irene saka naningkit ang mga mata. "Bobo amp. Ewan ko sayo."

Sumunod naman nilang ginawa ay nag-pa-picture ng isang whole-body shot habang suut-suot ang Cordillera regalia. Pinagsuot ng pulang bahag at may hawak na shield at spear si Hoseok, habang si Irene naman ay pinagsuot ng pulang tapis at pulang vest. Pareho ring nakasuot ang dalawa ng pulang headdresses. Hindi parin sila nagmukhang katutubo kahit nakasuot na sila ng mga kasuotan ng mga taga-Cordillera dahil sa kanilang mapuputing kutis.

Pinilit pa ni Irene na hubarin ni Hoseok ang suot nitong jacket, t-shirt na panloob, at jeans upang mas magandang tignan ang Cordillera regalia sa binata. Tanging natira nalang tuloy sa suot ni Hoseok ay ang cycling shorts at ang itim nitong boots. Hindi naman tumanggi ang binata ngunit mawawari ang pagkainis niya kay Irene dahil sa panti-trip nito sa kanya. Nakasimangot tuloy si Hoseok at humaba ang baba nito habang kinukuhanan siya ni Irene ng sunud-sunod na litrato sa cellphone. Hindi narin naiwasang ma-attract ang mga taong dumadaan sa charisma at ka-gwapuhan ni Hoseok habang nakasuot ng bahag at sa baby abs nitong exposed na exposed.

Nagpunta rin ang dalawa sa iba't-ibang mga souvenir stalls at bumili ng mga souvenirs katulad ng printed shirt, keychain, ube at strawberry jams, mga carved artifacts, at iba pa. Lahat ay ginastos ni Hoseok dahil sinadya talaga ni Irene na iiwan ang pera niya sa bahay ng binata.

Nang mapansin ni Irene ang sunud-sunod na pagkuha ni Hoseok ng apat na ube jams ay nangunot ang noo niya saka tinignan ng maigi ang binata. "Ang dami namang ube niyan," komento ni Irene.

"Tig-isa tayo ng ube dito. Masarap kasi 'tong papakin. Balak ko sanang itong mga ube nalang ang kakainin natin habang nagba-byahe tayo pauwi sa Manila bukas," pagpapaliwanag ni Hoseok saka na nagbayad sa babaeng kanina pa siya tinititigan dahil sa katangkaran at kagwapuhan niya.

"Hmm, bukas na pala tayo uuwi?" napapatangong tanong ni Irene.

"Yeah," matipid na sagot ni Hoseok. "Tatlong araw lang tayo dito, 'diba?"

Napatango nalang ulit si Irene saka tinignan ang mga ube jams na kinuha ni Hoseok. "Kung tig-isa tayo ng ube jam, bakit may dalawa ka pang binili? Para kanino 'yung dalawang ube jam?" tanong ni Irene, sinusundan lang niya ng tingin si Hoseok habang nagbabayad ito sa babae ng mga biniling jams.

"Kay Jimin. Para magkaro'n na siya ng jams," sabi ni Hoseok. Pagkatapos nitong magbayad ay umakbay na siya kay Irene upang igiya ang dalaga na umalis na.

"'Yon pala 'yung palaging sinasabihan ni Namjoon si Jimin ng 'You got no jams'?" tanong ni Irene. Tumango nalang si Hoseok saka nangiti at hinigpitan ang pagkakakbay sa dalaga. "Nice. Binilhan mo pala talaga siya ng jams. Mahal na mahal mo parin pala si Jimin, 'no, kahit na pangarap mong itulak siya sa bangin at ilunod sa Burnham Lagoon," natatawang sabi ni Irene saka tumangu-tango.

"Oo naman. Mahal na mahal ko silang lahat," nakangiting sabi ni Hoseok. "Mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko, Irene. Parte na sila ng buhay ko. At hindi ko kayang gumawa ng bagay na maaaring makasira sa pagkakaibigan namin." unti-onting humina ang boses ni Hoseok. Huminga ito ng malalim saka nangiti ng maliit sa dalaga.

Napalunok nalang si Irene saka pinilit na ngumiti kay Hoseok. Hindi naman ako bobo para hindi maintindihan ang mixed signals ni Hobi. . .

*•*•*

Jung Residence

Pagkatapos makakain ng dinner ay agad na hinila ni Dawon si Irene nang makatayo na ang dalaga sa kinauupuan sa harap ng mesa. Gulat na gulat man ay wala naring nagawa si Irene kun'di ang sumunod kay Dawon.

Hindi naman nakalayo ang dalawa, nagpunta lang sila sa bandang sala kung saan walang ibang tao na makakakita sa kanila. Tumigil si Dawon saka nakangiting hinarap si Irene. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang niyakap siya ng mahigpit ni Dawon.

"Bakit po?" mahinang tanong ni Irene. Unti-onti ay niyakap narin niya pabalik si Dawon.

"Thanks for making my brother happy," sabi ni Dawon pagkatapos niyang kumalas sa pagkakayakap kay Irene. Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ng dalaga saka nangiti. "Thanks for being always there for him."

Panandaliang hindi nakapagsalita si Irene. Nakauwang lang ang kanyang labi at hindi makapaniwala sa narinig.

Was I always there for him? Napapasaya ko ba talaga si Hoseok? Karapat-dapat ba talaga akong pasalamatan ni ate Dawon?

Nangiti nalang si Irene sa babae bago pa siya nito tapikin sa balikat at umalis.

Bigla naman tuloy akong nalungkot. Pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat na pasalamatan ni ate Dawon.

Napalinga-linga sa buong bahay si Irene at hindi nahuli ng kanyang mga mata ang binatang hinahanap na may mahabang baba.

Nasa'n na ba 'yung kabayong 'yun? Parang ngayon lang nakita ko siyang tumitigidig-tigidig dito ah!

Nang napadaan sa kanyang harap si BJ ay hinuli niya ang braso nito at tinitigang mabuti ang mga mata nito. Nanlambot naman ang tuhod ng bata dahil may hidden desire siya sa dalaga.

"BJ, alam mo ba kung nasa'n si Hobi?"

"Hobi? Si kuya po ba?" tanong ni BJ nang nakangiti. Mabilis na tumangu-tango si Irene. "Ah, alam ko na kung nasa'n 'yun ngayon!" masiglang sabi nito saka sinenyasan ang dalaga na sumunod sa kanya.

Naglakad lang ang dalawa hanggang sa nakarating sila sa pangalawang palapag ng bahay. Sumunod si Irene kay BJ na pumasok sa kwarto kung saan sila natulog at dumiretso sa balkonahe.

"Dito na po tayo," nakangiting sabi ni BJ.

"Eh wala naman si Hobi dito e!" nagtatakang sabi ni Irene saka inikut-ikot ang tingin sa buong balkonahe at niyakap ang sarili dahil sa lamig ng klima.

Napatigil nalang si Irene nang biglang iniapak ni BJ ang paa nito sa isang kahoy na akyatan sa tabi ng bintana patungo sa mismong bubong ng bahay. Napakibit nalang ng balikat si Irene saka narin umakyat sa akyatan.

"Sabi sayo, ate Irene, nandito si kuya e," bulong ni BJ nang makaakyat na si Irene at nakitang nakahiga nga si Hoseok sa bubong habang diretsong nakatingin ito sa mga bituin. Sumaludo si BJ saka mabilis nang bumaba sa hagdan.

Kahit na nakasuot lang ng simpleng t-shirt ay hindi iyon ininda ni Irene. Balewala lang ang lamig ng panahon dahil mas importanteng makita niya si Hoseok. Naabutan niyang nakahiga ito sa bubong habang nakapatong ang ulo sa dalawang braso at nakatitig ang mga mata sa mga bituing kumikinang sa itaas.

Irene, kailangan mong tapangan ang sarili mo. Sabihin mo na kay Hobi. 'Wag mo nang paasahin 'yung tao. Dahil hindi lang siya ang masasaktan, kun'di ikaw rin. Kaya please lang, Irene, isang tao nalang sana ang hayaan mong lumandi sayo.

"Uy," pagtawag ni Irene saka tumabi kay Hobi.

"Yo," pagbati naman ni Hoseok saka napaupo at nangiti. "Bakit nakagan'yan ka lang? Alam mo namang sobrang lamig dito sa Baguio e." tinanggal ng binata ang suot na jacket saka inabot at pinasuot kay Irene. At tanging puti na shirt nalang ang suot pang-itaas ni Hoseok.

"E'di ikaw naman 'yung nalamigan," sambit ni Irene saka tinanggap na rin ang jacket at sinuot. Napabuntong-hininga nalang ang dalaga dahil naramdaman nanaman niya ang kirot sa puso na palagi niyang nararamdaman sa t'wing pinapakitaan siya ng kabutihan ni Hoseok. Hindi niya man lang alam kung papaano susuklian lahat.

Ni wala man lang akong magawa.

"Ayos lang. Tumira ako sa Korea at Baguio ng ilang taon. Wala nalang sa'kin 'to," paliwanag ni Hoseok saka nangiti at muling humiga sa bubong. "Basta 'wag ka lang malamigan. Alam kong hindi ka sanay sa lamig dito kaya baka magkasakit ka." bumalik ang tingin ng binata sa mga bituin.

Napayuko nalang si Irene saka napakagat sa labi. Napaka-caring at mapagmahal na tao ni Hobi. Walang babaeng 'di mapapamahal sa taong katulad ni Hobi na masayahin, pala-ngiti, at walang ibang hangad kun'di ang pasayahin ang ibang tao. Ang sama-sama ko dahil si Jungkook parin ang gusto ko kahit na isinasampal na sa mukha ko na mas karapat-dapat si Hobi para sa'kin. Ano bang dapat kong gawin para suklian lahat ng mga ginagawa ni Hobi para sa'kin?

Naramdaman nalang ni Irene ang pagtulo ng kanyang luha. Palihim niya iyong pinunasan saka humarap kay Hoseok. Tinitigan niya ang inosenteng mukha ng binata at napaisip. Ano pa bang hahanapin ko sa taong 'to?

"Irene, si Maknae ba talaga?" biglaang tanong ni Hoseok na nakatuon parin ang paningin sa itaas.

Hindi nakapagsalita si Irene saka nayuko nalang at napalunok. Nanaig ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Mahal naman ni Irene ang kaibigan ngunit hanggang du'n lang iyon at tanging pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay.

"Tama naman pala 'yung ginawa ko," nakangiting sabi ni Hoseok. Napaharap naman si Irene sa binata na gulung-gulo ang mukha. Nangiti muli si Hoseok saka hinarap ang dalaga. "Nagkausap na kami ni Maknae isang linggo na ang nakakalipas. Alam ko rin kasing mangyayari na 'to e kaya hinanda ko na 'yung sarili ko. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin kaya napagpasyahan ko nang magpaubaya. Tanggap ko na, Irene, kaya wala ka nang aalalahanin pa. Saka alam ko namang sa simula palang, si Jungkook na talaga ang gusto mo. Isa lang naman akong hamak na noble steed na nakisali sa istorya niyong dalawa, 'diba? Ayoko nang guluhin pa 'yung utak mo. Magulo na nga buhok mo, pati ba naman utak mo guguluhin ko pa?"

Unti-onting narinig ng binata ang pag-hikbi ni Irene. Tinakpan ni Irene ang mukha gamit ang mga kamay niya.

"Wala naman kasi talaga sa listahan ko na gustuhin ka e. Biglaan nalang 'yung nangyari, Irene. 'Di ko rin alam kung bakit," dagdag pa ni Hoseok saka napatawa ng mahina. "'Di bale, kahit na may Jungkook ka na, ako parin naman ang noble steed mo, 'diba? Alam ko na 'yung noble steed, Irene, s-in-earch ko kanina bago tayo kumain. 'Yung steed pala-kabayo, tapos 'yung noble-possessing outstanding qualities. Nalaman kong para sayo, isa pala akong upper-class na kabayo na sinasakyan ng isang matapang din na mandirigma," natatawang paliwanag ni Hoseok.

Hindi maintindihan ni Irene kung bakit nasasaktan na si Hoseok ay nagagawa pa nitong tumawa at ngumiti. Mas lalo lang siyang nasasaktan sa t'wing nakikita niya ang binata na ganu'n. Pinilit nalang ni Irene na pigilan ang pagtulo ng mga luha. Ipinunas niya ang mga braso sa mga mata saka hinarap ang binata na nakahiga parin, nakapatong ang ulo sa mga braso, at nakatingin sa mga bituin.

"Hobi, may tanong ako," mahinang sabi ni Irene.

"Ano 'yon?"

"Ano ba sa Korean ang 'Sorry'?"

Panandaliang napatigil si Hoseok ngunit sinagot rin agad ang tanong ni Irene ng may ngiti. "Mianhae."

"Eh 'yung 'Patawarin mo 'ko'?" mahinang tanong muli ni Irene.

Gulung-gulo namang napaharap si Hoseok kay Irene saka naupo mula sa pagkakahiga na nakakunot ang noo. "Irene? May problema ba?" nakatitig lang si Irene habang hinihintay ang sagot ng binata. Bumuntong-hininga nalang si Hoseok bago muling nagsalita. "Yongseohae jwo."

Nanahimik ng ilang segundo si Irene bago nagsalita. "Hobi, mianhae. Yongseohae jwo, (Hobi, I'm sorry. Forgive me,)" mangiyak-ngiyak na sabi ni Irene saka na tuluyang inilabas muli ang pinigil na luha. "Sorry, Hobi."

Nanahimik ng ilang saglit si Hoseok saka pinilit na ngumiti. "Bakit ka ba nag-so-sorry? Eh ako naman talaga 'tong nakisiksik lang sa JungRene. Wala namang talagang SeokRene e. Pilingero lang ako, Irene."

Si Hobi 'yung tipo ng lalaking hindi dapat sinasaktan. Hangad lang niya ay ang pasayahin ako pero ano 'tong ginagawa ko? Pakyu ka, Irene. Ang landi-landi mo.

"I'm sorry, Hobi. Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko, 'yung ilong parin ng tarantadong gago na 'yun ang hinahanap-hanap ko." napatakip sa mukha si Irene at hindi na pinigilan ang nga luhang tuluy-tuloy na lumalabas sa kanyang mga mata. "Mianhae. Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo."

Huminga ng malalim si Hoseok bago sumagot. "Okay lang, Irene. Kasalanan ko rin e. Sabi ko noon na hindi naman ako umaasa, 'diba? Pero hindi ko rin pala susundin 'yung sinabi ko. Umasa kasi ako, Irene. Pasensya na rin." nangiti ng pilit si Hoseok saka bahagyang napayuko. "Pero Irene, 'wag mo sanang kakalimutan na may noble steed parin sa tabi mo na handang saluhin at ayusin ka kung sakaling may ginawang katarantaduhan si Maknae sayo. Pero sa tingin ko hindi naman magagawa ni Maknae 'yun, may tiwala ako sa kanya, saka mahal na mahal ka nu'n," nakangiting saad ni Hoseok. Mas lalong lumakas ang paghagulgol ni Irene. "'Wag ka nang umiyak, Irene, anu beh!" babakla-baklang sabi ni Hoseok saka inakbayan ang balikat ni Irene at hinimas-himas ito para pakalmahin ang dalaga. Napatawa ng mahina si Irene. Nangunot namang ang noo niya sa gulat nang padaanan siya ni Hoseok ng palad nito sa mukha niya para punasan ang mga luha niya. Natawa nalang si Hoseok nang titigan siya ng masama ng dalaga. "Basta ako parin ang honeybunch mo ah?"

Tumangu-tango si Irene saka niyakap ng mahigpit si Hoseok at pasikretong inamuy-amoy ang mabangong dibdib nito.

Natatawa namang niyakap ni Hoseok pabalik ang dalaga, agad siyang kumalas saka ginulo ang buhok ni Irene at bumulong. "Neol hangsang saranghalke, (I'll always love you,)"

Continue Reading

You'll Also Like

767 31 2
Genevieve's willingness to succeed in life alone made her stop relying on her parent's money since college. With a fashion degree, she opened her onl...
344 68 1
JUST MY TYPE In a new chapter of her life, Shiloah Maureen Torrez finds herself at a university where she encounters the enigmatic charm of a popula...
18.4K 1.3K 30
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...