Jungkook is Mine [completed]

By momochanchan_

182K 7.5K 2.7K

[bts series #1] [COMPLETED] [WARNING: not a FORMAL story] A not-so pervert girl who ends up taking care of a... More

01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08. [1]
08. [2]
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15. [1]
15. [2]
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
HAPPY BIRTHDAY TAEHYUNG!
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36. [1]
36. [2]
37.
38.
39.
40.
41.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
[!!]
Special Chapter

42.

3.1K 113 123
By momochanchan_

sorry sa matagal na update, wala kc kming internet dto sa caloocan hehuheuehue sana naalala niyo pa ung last scene

*•*•*

"Hyung," halos pabulong na pagtawag ni Jungkook kay Hoseok. Isinilid niya ang mga kamay sa bulsa at nanatili sa posisyon niya habang nakatingin lang sa side profile ni Hoseok. Nasa harap naman niya ang nakatatanda na nakaupo sa swing habang marahang in-u-ugoy ito. Alam niyang nakikita siya ni Hoseok mula sa peripheral vision nito ngunit hindi man lang siya nito inimikan o tinignan-diretso lang itong nakatingin sa kawalan. "Hyung, please. . ."

Hoseok heard him, but he didn't asnwer. Napalingon lang siya ng kaunti sa gilid niya ngunit hindi niya tinignan ng diretso si Jungkook. He looked back to where he was staring and heaved a sigh.

"Hyung, mag-usap tayo." Jungkook's voice was louder this time.

Hindi parin humarap si Hoseok kay Jungkook ngunit nagsimula na siyang magsalita. "Bakit nakipaghiwalay ka kay Joy? Anong dahilan, maknae?"

Nanaig ang katahimikan. Tiim ang mga bagang ng isa't-isa. Jungkook couldn't believe what he heard. Tama ba ang narinig niyang galit ang kaibigan dahil nakipaghiwalay siya kay Joy? He scoffed, "Hyung, nagagalit ka ba?"

Again, Hoseok didn't answer. Nararamdaman niya kung ano talaga ang pakay ni Jungkook at nakipaghiwalay ito kay Joy-marahil ay dahil kay Irene.

"Hyung, nakipaghiwalay ako kay Joy dahil ayokong maging madaya sa kanya. Ayokong lokohin pa si Joy. Para ko na rin kasing niloloko ang sarili ko kung ipagpapatuloy ko pa kung anong meron sa'min," kusang pagpapaliwanag ni Jungkook.

"Dahil din ba kay Irene, ha, maknae?" Hoseok asked calmly. Nag-iba talaga ang boses nito at hindi makikita ang kahit na anong bahid ng tunay na pagkatao ng isang masayahing Hoseok. Napatayo ito mula sa pagkakaupo sa swing at saka tumagilid para humarap kay Jungkook. "Si Irene ba?"

Nagsalitan sila ng mga matatalim na tingin bago sumagot si Jungkook.

"Oo hyung," matigas na sabi ni Jungkook saka pinantayan ang mga matatalim na tingin ni Hoseok. Napipikon na siya. Alam na niya ang dahilan kung bakit nanggagalaiti sa galit si Hoseok. Hindi nanaman niya maiwasan ang makaramdam ng selos.

Nagtiim ang bagang ni Hoseok saka kinwelyuhan ang binata. Jungkook kept his calmness. Tinitigan lang niya ang mga mata ni Hoseok. "Anong ginagawa mo maknae? Iniwan mo si Joy para lang sa kanya! Ano bang ginawa sayo ni Joy ha? Naging mabuting girlfriend siya sayo!" nanggagalaiting bulyaw ni Hoseok.

Naningkit ang mga mata ni Jungkook sa inis. Hindi siya makapaniwalang nangyayari ito sa kanilang dalawa. Ni minsan ay hindi pa sila nag-away. Napasinghal siya saka tinitigan ang mga mata ng kaharap. "Yan ba talaga ang kinagagalit mo? May pakealam ka ba talaga kay Joy? O naiinis ka dahil alam mong may posibilidad na pwede kong makuha si Irene?" pabalang na saad ni Jungkook na mas nagpainis lalo kay Hoseok at nagpanipis sa mga labi nito.

Bumuntong-hininga si Hoseok saka binitawan ang kwelyo ng binata at yumuko. "Alam mo naman 'diba? Alam mo naman kung anong nararamdaman ko sa kanya. Alam mo namang sa'kin lang si Irene," kalmado ngunit matigas na sabi ni Hoseok.

Matipid na ngumisi si Jungkook sa kaharap. Sobrang napipikon na siya. Si Hoseok hyung ka ba talaga? "Alam mo rin ba 'yang sinasabi mo hyung? Inaangkin mo si Irene. Ano bang karapatan mong sabihin 'yan?"

Nagtiim ang mga bagang ni Hoseok sa inis. Unti-onting napayukom ang nanginginig niyang mga kamao. "Iniwan mo si Joy para lang kay Irene? Tatlong taong naging kayo ni Joy, maknae!" he said, his brows furrowed.

"Walang masama sa ginawa ko hyung!" nagtagpo narin ang mga kilay ni Jungkook at pinandilatan si Hoseok. Palihim na nayukom narin ang mga kamay niya. Pakiramdam niya ay pinapamukha sa kanya ng nakakatanda na mali ang ginawa niya kay Joy. "Ginawa ko lang kung ano sa tingin ko'ng tama!"

"Tangina naman maknae, bakit mo ba ginagawa sa'kin 'to? Ngayong nararamdaman kong malaki ang pag-asa ko kay Irene, saka ka naman sumingit. Ang laki ng angat mo sa'kin maknae! Ikaw ang gusto niya pero wala kang ibang ginawa kun'di ang saktan siya. . .Hindi ko hahayaang mapasayo si Irene maknae. Gagawin ko ang lahat," nakayukom ang mga kamay na sunud-sunod na sabi ni Hoseok.

Nangiti lang ng matipid si Jungkook saka seryosong tinignan ang kaharap. "Aminin mo na hyung, sa'ting dalawa, mas malaki ang chansa ko kay Irene. Ako ang gusto niya hyung kaya tigilan mo na ang pang-aangkin sa kanya. Ipaubaya mo siya sa'kin!"

Napasinghal si Hoseok saka napatingin sa ibang direksyon at muling tumingin kay Jungkook. "Tangina, nakakaasar na ha maknae. Sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari yun?"

Nagpalitan lang ang dalawa ng matatalim na tingin-ayaw magpatalo sa isa't-isa. Kulang nalang ay mga supporters sa paligid na sinisigaw ang mga manok nila.

Huminga ng malalim si Jungkook saka iniwasan ang masasamang tingin sa kanya ni Hoseok. "Hyung, ayoko na, wag na nating pag-awayan 'to please. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin nang dahil lang sa isang babae. Hyung, tanggapin mo na. Sa ating dalawa, ikaw ang dapat na magparaya," kalmadong ika ni Jungkook na mas kinainis lalo ni Hoseok.

"Imposible. Hinding-hindi ko magagawa yan," kalmadong sabi ni Hoseok habang nakangisi. "Gustung-gusto kitang suntukin ngayon maknae-pero hindi ko magawa-nakakainsulto. Sa tingin mo ba mababaw lang 'tong nararamdaman ko kay Irene para isipin mong ako ang nasa posisyon para magparaya?!"

"Hyung, di ko na kailangang ipaliwanag pero alam kong alam mo ang sinasabi ko," mabilis at matigas na sabi ni Jungkook.

Tinitigan lang ni Hoseok ang naging maamong mukha ng nakababata. Hindi siya magpapatinag dahil hindi pa siya nawawalan ng pag-asa. "Hayaan mong si Irene mismo ang pumili sa'ting dalawa. . ." huling sabi niya saka umalis, leaving Jungkook behind.

*•*•*

"Irene, para kay Kaloy naman 'to..."

Again, Irene heaved a deep sigh habang inaalala ang sinabi sa kanya ng kapatid na si Nicole nang tinawagan siya nito ilang minuto palang ang nakakalipas. Inayos niya ang paghiga sa kanyang kama saka napapikit.

"Isasama ko siya sa Korea, Irene. Hindi ko na kayang makitang araw-araw na umiiyak ang bunso natin. Gusto kong tumira siya sa ibang environment-kung saan makakamove-on siya sa pagkamatay ni nanay."

Why do I have to be so weak?

Hindi nanaman mapigilan ni Irene ang maluha. Palagi nalang siyang umiiyak pagdating sa pamilya niya. Si Kaloy kasi-nalaman niyang umiiyak pala ito gabi-gabi ng pasikreto dahil nami-miss niya na ang nanay. Sa harap ng ibang tao ay magmamatapang naman ito-maging sa pamilya niya.

Hindi naman kailangang magpanggap ni Kaloy na kaya niya e. . .

Crying helps to ease the pain.

Pero kahit ilang beses naman atang umiyak, hindi parin mawawala yung sakit. It takes time to heal the pain.

Mahirap pero kailangang kayanin.

Nasa'n na ba kasi 'yang time na yan nang madekwat ko para mahilom na 'tong putanginang sugat sa puso ko?

Jungkook, putangina mo halika rito pasayahin mo ko sasakalin kita hanggang sa hindi ka na makahingang kingina mo ka.

Joke.

Kaya ko bang gawin yun kay Kookie Beybeh?

Napahilamos nalang sa mukha si Irene saka pinigilang maluha. Bakit nadamay pa yung malaking ilong ni Jungkook dito?

"Gusto ko ring isama ka sa Korea, Irene. Ayokong maghiwa-hiwalay tayo. Tayu-tayo nalang ang magkakasama kaya ayokong maghiwa-hiwalay tayo. . ."

"Pero ate, ayokong umalis."

She couldn't leave her friends. Naging malaking parte narin sila sa buhay ni Irene. Hindi naman siya pinapapili dahil mismo ang ate niya ang nagdesisyon-but it was like choosing between pizza and ice cream. Pero hindi rin naman niya kayang mahiwalay sa pamilya niya.

Akala ko wala nang mas gugulo pa sa magulong buhay ng bangtan. . .

"Ate, may options ba? Pwede bang magtagal pa 'ko dito? O kaya naman sa ibang lugar nalang basta wag sa ibang bansa? 'Te, hindi ko kayang iwan ang mga kaibigan ko," Irene said, almost whispering.

"May dalawa akong bahay sa Korea, Irene. Hinanda ko talaga yung isa dahil balak ko kayong ipasyal nila nanay du'n noon. And now, nakapagdesisyon na 'kong du'n na tayo titira nila Kaloy. Yung isang bahay, binili naman namin yun ni Ping para sa'ming dalawa kapag kinasal na kami."

And then I remembered, nagpakulay pa ako ng pink sa dulo ng buhok ko noon-gusto ko kasi ng bagong style-kasi nga dapat magbabakasyon kami sa Korea-pero hindi rin naman natuloy.

"Pero 'te, may bahay naman tayo dito 'diba? Pwede namang dito nalang tayo o kaya lumipat nalang ng bahay."

Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Nicole sa kabilang linya. "Okay, naiintindihan naman kita. Alam kong ayaw mo lang mahiwalay sa mga kaibigan mo. Pero sana isipin mo rin ang kondisyon ni Kaloy. Masyado pa siyang bata para mag-suffer ng trauma. He needs a therapy. Kailangan may guardian rin na magbabantay sa kanya-at ako 'yon. Hindi pwedeng ikaw dahil nag-aaral ka pa. . .Alam ko ring hanggang ngayon, nagdudusa ka parin sa pagkamatay ni nanay. So please, hayaan niyong tulungan kayo ng ate niyo. Just let me help you and Oliver. Hihintayin ko ang desisyon mo, Irene."

"Salamat, ate."

"Aasikasuhin ko parin ang passport at visa mo. Sabihin mo lang sa'kin kung nakapagdesisyon ka na at kung handa ka na. . ."

Bigla namang tumunog ang tone sa cellphone ni Irene na ibig sabihin ay may new facebook notification. Napatingin siya ruon at awtomatikong napataas ang isang kilay.

Kim Taehyung sent you a game request.

Kinuha niya ang cellphone saka in-unlock ito habang nakahiga parin sa kama. Napatitig lang siya sa notification nang nakasimangot hanggang sa nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at kumalma.

Kaya ko bang iwan ang mga hunghang na 'to?

Itong utak talangka na ito, kaya ko rin bang iwan ito?

Hindi. Sino bang niloko mo Irene?

Agad na binuksan ng dalaga ang messenger at hinanap ang pangalan ni Taehyung.

Irene Aiko: Hoy tangina mo ilang beses ko bng sasabihin na wag ka nang magsesend ng game request?!!!?

Seen 1:13pm

Irene Aiko: GAGO KA AH CGE MANGSEEN KA PA ISISEEN DIN KITA SA PERSONAL PAG MAGKITA TAYO TAMO.

Kung kasama lang ni Irene ang binata ay baka binubugbog niya na ito at pinagsisipa.

Pinakaayaw pa naman niya sa lahat ay mga game requests. Pati mga nangsi-seen.

Pero mahal na mahal ko parin sila...

I really don't know what to do.

Hindi ko kayang iwan ang bangtan thugz society.

Kim Taehyung: sorry na...,,

Napaikot nalang ang mga mata ni Irene saka nagreply. Hindi pa naman niya natitiis ang crush niya.

Irene Aiko: K. Kamusta na kayo dyan? Ilang days na tayong ndi nagkikita miss ko na kayo :(

Dahil wala narin naman na silang pasok, hindi na lumabas ng bahay si Irene. Naihabol narin niya ang mga summer classes niya kaya wala na siyang problema. Taong-bahay nanaman siya. Ilang araw na rin niyang hindi nakikita ang tropa.

Ilang minuto pa ang lumipas bago naka-reply si Taehyung.

Kim Taehyung: irene chat us nlng nxt time,,. ingongod.2x na daw ni jin hyung ung mukha q sa keyboard kpag ndi pa me naglinis ng kwarto.... ,, nahuli nya kc aqng nagcocomputer eh..,

Napabuntong-hininga nalang si Irene sa nabasa.

Kelan kaya titino si Kim Taehyung?

Kapag umikli ang baba ni Hobi?

Kapag lumiit ang ilong ni Jungkook?

Irene Aiko: Teka lng. Ngaun na nga lng tayo nagchat e. Usap muna tayo sbihin mo kay jin.

Kim Taehyung: e kc irene nggigigil na si jin hyung saken..,, maya nlng tauxnsmalandhdifosllqoqoe hsuajndbcnvi hsis fkejhsgsgzgwbru jsjekwkkekenfkldl .wjhfqtqtqt25f kkenql99udkskan hidks429,.

Napangiwi naman sa nabasa ang dalaga saka umiling at napatawa.

Nginudngod na nga talaga siguro ni Jin ang mukha ni Taehyung sa keyboard.

Kawawang Kim Taehyung Kim...

Bigla namang nag-text si Jin sa kanya kaya agad niya itong binuksan.

From: Jin

Irene, punta ka dito house. Kakasweldo ko lang treat ko kayong lahat ng foods hehehe. And wag mo munang ichat si taehyung please kelangan pa niyang maglinis sa kwarto.

*•*•*

Pagkabukas ni Irene ng pinto, naabutan niya sila Hoseok, Yoongi, Namjoon, at Jimin sa sala. Walang nakapansin sa pagkapasok niya sa loob dahil may kanya-kanya silang ginagawa. Si Namjoon at Hoseok ay busy sa paglalaro ng Xbox; si Jimin naman ay nanonood lang sa kanila sa lapag habang kumakain ng tinapay at umiinom ng hot chocolate sa center table.

Naabutan niyang nakapang-porma si Yoongi at nakaayos at naka-wax ang buhok habang pababa ito sa hagdan kaya sa pagkakaalam niya ay aalis ito. Palakad na sana si Yoongi papunta sa pinto nang hilahin ni Hoseok ang braso niya.

"Hyung, sa'n ka pupunta?" tanong ni Hoseok.

"May appointment ako sa doctor pre," sagot ni Yoongi.

"Wag. Wag ka nang umalis." mas lalong hinigpitan ni Hoseok ang pagkakahawak sa braso ni Yoongi.

Nangunot ang noo ni Yoongi. "Kailangan ko pre. Let me go."

"Sabihin mo may lagnat ka. Di ka pa nga gumagaling, aalis ka na agad." seryoso pa ang tono ng boses ni Hoseok kaya napailing nalang si Irene sa narinig.

"Tangina mo, kaya nga 'ko pupunta sa doctor 'diba? Bobo amputa," sabi nalang ni Yoongi saka sapilitang hinila na ang braso mula sa pagkakakapit ni Hoseok saka na naglakad papunta sa pinto. Just then, nakita na rin nila si Irene na kanina pa nakatingin sa kanila. "Hi Irene," Yoongi greeted. Naglakad na siya patungo sa pinto saka na umalis.

"Hello idol!" masayang bati naman ni Namjoon sa kanya saka muling bumalik sa ginagawa sa cellphone nito.

"Hi," bati rin ni Irene saka kumaway sa kanila. "Si Jin?" tanong niya saka luminga-linga sa paligid at hinanap ang presensya ni Jin.

"Si Jin hyung agad hinanap?" Hoseok wondered out loud. "JinRene na ba? JinRene?"

"Magtigil ka nga, Hobi, kung ayaw mong ibuhol ko sa leeg mo 'yang wire ng Xbox controller na hawak mo," pananaway ni Irene saka umirap.

"Nasa kwarto si Jin hyung," sagot ni Jimin na nakaupo sa lapag sa tabi ng center table saka uminom ng hot chocolate sa kanyang tasa.

Aakyat pa sana sa taas si Irene nang sabay-sabay na lumabas sa kwarto sila Jungkook, Jin, at Taehyung. Binati naman siya ng tatlo at tinanguan niya nalang sila.

"Hoseok hyung, pautang naman ng three hundred pesos. Hindi pa kasi nagpapadala sila eomma e. Tapos ayaw pa 'kong pautangin ni Jin hyung. Sige na, babayaran ko naman," agad na sinabi ni Taehyung pagkababa nila ng hagdan.

"Bakit? Ano bang bibilhin mo?" tanong ni Hoseok pagkatapos i-pause ang nilalaro sabay taas ng isang kilay.

"Basta hyung, kailangan ko talaga," pagpupumilit pa ni Taehyung saka ipinagdikit ang mga palad at ngumuso.

"Isang daan lang pera ko dito e." sabay dukot ni Hoseok ng perang papel sa bulsa at pinakita kay Taehyung.

"Sige, one hundred pesos nalang muna. Basta hyung ha, may utang ka pa sa'king two hundred pesos." kinuha na ni Taehyung ang isang daan saka binulsa. Tumango nalang si Hoseok saka pinagpatuloy ang paglalaro sa Xbox.

"Oh ano, Jin, akala ko ba treat mo? Saan na ang foods?" pagrereklamo ni Irene habang nakataas ang isang kilay. Inilibot ni Irene ang paningin. "E mga ulupong lang naman nakikita ko dito e."

"Lakas naman ng loob mo magreklamo Irene. Ikaw na nga 'tong ililibre," sambit ni Jimin saka kumagat sa tinapay na pinalamanan niya ng cheezwiz habang nakaupo parin sa lapag sa tabi ng center table.

"Pakyu," sagot naman ni Irene saka tinaas ang dalawang kamay at pinakyuhan si Jimin. "Dali na kasi Jin, nagugutom na ko e. Hindi na nga ako kumain sa bahay para lang dito."

"Chill, magpapabili palang kasi ako kay Taehyung," ika ni Jin saka cool na nag-abot ng isang libo kay Taehyung. "Oh, Taehyung, umayos ka, ha? Alam mo na 'yung bibilhin mo," pagpapaalala niya sa binata saka bumaling kay Irene habang nakangiti. "Upo ka muna, princess, magpahinga ka muna."

"Maka-princess hyung ah?" singit ni Hoseok. "JinRene nalang. Wala nang SeokRene - JinRene na. Kami nalang ni Annabelle para SeokNabelle."

"Eh kung sipain kaya kita d'yan, ha, Hoseok? Tignan natin kung may SeokNabelle pa," gigil na sabi ni Jin saka sinipa ang couch kung saan nakaupo si Hoseok at Namjoon.

"Selos ka lang hyung e." tinusuk-tusok pa ni Jimin ang tagiliran ni Hoseok.

"Oo nga," sagot naman ni Hoseok saka umirap. "Nagseselos nga 'ko."

"Prinsesa naman talaga sa tropa natin si Irene 'diba? Kaya walang masama du'n," ika ni Jin.

"Aww, buti pa si Irene, princess," sambit ni Namjoon na malungkot pa ang tono ng boses. Napatawa naman sila ng malakas, maging si Jungkook na nakaupo sa couch at busy sa binabasa cellphone nito ay napatawa narin.

"Bakit, hyung? Gusto mo ring maging prinsesa ng tropa natin?" natatawang tanong ni Jungkook saka binato ng magazine si Namjoon sa ulo.

"Hindi," sagot ni Namjoon pagkatapos makailag sa binato ni Jungkook.

"Eh ano?" takang tanong ni Jimin.

"Maging prinsesa ni pareng Jin," kampanteng sagot ni Namjoon.

Napatawa naman sila ng malakas at bakas sa mukha ni Jin ang pangdidiri.

"Kadiri ka! Tang ina mo!" inis na inis na bulyaw ni Jin.

"Bakit kasi. . .prinsesa?!" natatawang tanong ni Jimin na napapahawak pa sa tiyan niya.

"Alangan namang prinseso?" nakataas ang isang kilay na sabi ni Namjoon.

"Prinsipe kasi. Tang inang bobo naman, hyung?!" inis na sambit ni Taehyung na nakarecover na sa kakatawa saka na nagsimulang maglakad patungo sa pinto. "Makabili na nga lang ng foods. Kinginang bromance yan," bulong niya sa sarili.

"Wait!" sigaw ni Irene kaya napalingon silang lahat - pati narin si Taehyung. "Sama ako, Taehyung. Ako pipili ng masarap na pagkain. Marami akong alam, promise!" masayang saad ng dalaga saka patakbong sumunod kay Taehyung.

"Gan'yan ka ba talaga ka-adik sa'kin, Irene?" tanong ni Taehyung saka ngumiwi sa dalagang malapad ang ngiti. Napalingon naman agad si Jungkook sa kanila nang maalalang sinabi niya rin 'yun kay Irene noon. Napailing nalang siya.

"Ano, wala narin bang JinRene? TaeRene na ba? TaeRene?!" pang-aasar nanaman ni Hoseok.

Hindi na nakapagpigil si Irene saka mabilis na pinulot ang isang tsinelas sa lapag at binato sa ulo ni Hoseok. "Puro ka gan'yan! Oo na, SeokRene na! SeokRene! Kingina mo kang kabayo ka!" gigil na sigaw niya. Napahiyaw naman sa sakit ang binata.

*•*•*

Nabili na ng dalawa ang mga dapat nilang bilhin sa mall at kasalukuyan na silang naglalakad papunta sa sakayan. Nanahimik lang si Taehyung sa tabi ni Irene na pinagtaka niya dahil kani-kanina lang ay sobrang daldal pa nito. Para bang nakakita ito ng multo.

"Anyare sayo, ha?" tanong ni Irene na nagsisimula nang mag-alala sa binata.

"Ano, kasi, nakita ko lang 'yung ex ko," honest na sagot ni Taehyung saka nagkibit ng balikat.

"Oh, eh, ano namang masama du'n? Nakamove-on ka naman na sa ex mo, 'diba? Bakit parang namutla ka d'yan?" tanong ni Irene saka pinatong ang free hand niya sa balikat ni Taehyung.

"Magka-holding-hands kasi sila ni Henry," kalamdong paliwanag ni Taehyung. Napalunok naman si Irene. Nag-iba na kasi ang tono ng boses ni Taehyung at parang mas naging malalim ito.

"Henry? Sinong Henry? Bago niya? Saan?" sunud-sunod na tanong ni Irene saka luminga-linga habang sinusubukang hanapin ang tinutukoy ni Taehyung. "Hayaan mo nga sila - ako kasama mo e. Paninindigan ko na ang TaeRene, Taehyung. 'Wag mo nang isipin 'yun," natatawang sabi ni Irene para pagaanin ang mabigat na nararamdaman ni Taehyung.

"Naalala ko lang kasi na pinagpalit ako ng ex ko sa mismong bestfriend ko pa." mabilis na naglakad si Taehyung papalayo kaya agad na sumunod si Irene sa kanya. "Tangina lang 'diba, Irene? Pa'no ko mamahalin 'yung taong palaging sinasabi sa'kin na dapat ganito ako, dapat gan'yan ako, baguhin ko sarili ko - tapos sa huli sasabihin niyang hindi na ako 'yung minahal niya kasi nagbago ako. Nakakagago, 'diba? Tapos hindi ko alam na matagal na pala sila ng bestfriend ko. Kinginang 'yan - bakit hindi pa sila namatay?"

Nanahimik nalang si Irene saka napayuko habang mabilis na naglalakad upang sundan ang lakad ni Taehyung. Ngayon lang niya narinig ang sobrang pagiging seryoso nito. Minsan kasi ay kapag nagseseryoso ito ay nagbibiro lang. Bumuntong-hininga siya bago niyakap ng mahigpit si Taehyung sa tagiliran nito.

"Okay lang, Irene, mukhang crocodile na chickin naman 'yung ex ko e. Mas maganda ka pa nga dun," natatawang sambit ni Taehyung habang tinatapik-tapik ang ulo ni Irene. Bumalik na agad ang pagiging jolly nito kaya napangiti si Irene saka inangat ang tingin sa matangkad na binata.

"Maganda ako? Ibig sabihin tayo na? TaeRene na ba ituu?" nakangiting tanong ni Irene kaya napasimangot si Taehyung saka naglakad papalayo. "Hoy! Tinatanong kita!"

"Hindi parin," sambit ng binata habang naglalakad palayo. Naiwan namang nakanguso si Irene.

"Taehyung naman e! Tayo nalang kasi!" sigaw ng dalaga habang tumatawa-tawa saka tumakbo at sumunod kay Taehyung.

*•*•*

Pagkababa sa jeep ay nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa papasok sa compound - dala-dala ang mga pagkaing pinamili nila. Masayang nag-uusap ang dalawa tungkol sa mga random topics na naiisip nalang nila ng biglaan.

"Hindi parin talaga ako makapaniwalang matagal nang wala sila Jungkook at Joy," sambit ni Irene. Hindi niya maintindihan ang naramdaman simula nang nabanggit ni Taehyung ang tungkol sa hiwalayan nila Jungkook at Joy. Pero nagulat din siya dahil hindi man lang ito nabanggit sa kanya ni Jungkook.

"Kaya nga eh. Ilang years rin 'yung tinagal nila," ika ni Taehyung saka nagkibit ng balikat. "'Di nga namin alam 'yung dahilan kung bakit. Basta sinabi niyang ayaw niya nang lokohin si Joy. Siguro wala na siyang nararamdaman para sa kanya."

Mahirap mang aminin ni Irene sa sarili ay sigurado siyang nakakaramdam siya ng magkahalong saya at lungkot.

Nang malapit na sila sa bahay ng bangtan thugz ay napatigil sa paglalakad si Irene na nanlalaki ang mga mata - ganu'n rin si Taehyung. Naabutan nila sa labas ng gate si Jungkook at Joy. Unti-onting nanginig ang labi ni Irene at nararamdaman niyang malapit nang lumabas sa mga mata niya ang mga luhang nagbabadyang lumabas.

Hawak-hawak ni Joy ang dalawang pisngi ni Jungkook habang magkalapat ang mga labi nila. Nakayuko lang si Jungkook habang nakababa ang dalawang kamay nito sa kanyang tagiliran.

Napalunok naman si Taehyung saka inilipat ang isang supot na hawak sa isang kamay niya. Mabilis niyang inakbayan si Irene ng mahigpit saka sapilitang umikot at naglakad palayo sa senaryong nakita nila.

Napalingon naman agad si Jungkook kaya napatigil sa ginagawa si Joy na puno ng pagtataka at sinundan ang tingin ng binata.

"Alam mo, Irene, magandang ideya nga 'yung TaeRene. Panindigan na kaya natin? Bagay naman tayo, 'diba?" pagbibiro ni Taehyung habang tumatawa pa upang makalimutan ng panandalian ng dalaga ang nakita niya.

Nakayuko lang si Irene at hindi pinapakita sa kasama ang patuloy na pag-agos ng kanyang mga luha. Alam naman niyang wala siya sa posisyon para mag-drama dahil walang namamagitan sa kanila ni Jungkook pero hindi niya mapigilan ang sarili sa pag-iyak.

Bakit kasi si Jungkook pa?

Bakit kasi sa may malaking ilong pa? Kung pwede namang sa may mahabang baba na lang. . .o kaya naman sa lalaking may sayad ang utak na mahilig sa chickin.

Putang inang ilong yan, ang sarap tapyasin.

"Irene!" sigaw ni Jungkook. Akmang tatakbo na siya para sundan ang dalawa nang hinawakan ni Joy ng mahigpit ang braso niya. Lumingon siya rito na nakakunot ang noo.

"Irene, i-fishball nalang kaya natin 'to? Libre ko. Hehehe," sambit ni Taehyung saka sapilitang dinala si Irene sa fishball-an malapit sa labas ng compound nila.

"Kuya, bente pesos po na fishball," nakangiting sabi ni Taehyung sa lalaking nagtitinda ng street foods habang nakaakbay parin ng mahigpit kay Irene. Agad naman siyang kumuha ng dalawang stick saka binigay kay Irene ang isa.

Napatitig nalang si Taehyung kay Irene nang nakitang tinititigan lang ng dalaga ang stick na hawak nito. Napalingon si Taehyung sa lalaking nagtitinda na nakatitig lang din kay Irene at takang-taka sa nangyayari. Nagkibit nalang ng balikat si Taehyung saka na nagsimulang tumuhog ng fishball.

Nagsimula namang magtuhog si Irene ng fishball na gigil na gigil - na para bang si Jungkook ang tinutusuk-tusok nito.

"Alam mo Taehyung, meron talagang mga taong parang fishball, 'no?" panimula ni Irene sa seryosong boses nito kaya napalingon si Taehyung sa kanya. Nakita ng binata ang pagpunas ni Irene sa mga luha niya sa pisngi gamit ang likod ng kamay niya.

"Ha?" takang tanong ni Taehyung saka na nagbayad ng bente pesos sa lalaki pagkatapos tumuhog ng fishball. "Taong parang fishball? You mean, fishball man?"

"Parang si Jeon Fcking Jungkook," dagdag pa ni Irene saka tumusok ng dalawa pang fishball na gigil na gigil.

"Bakit naman?" tanong ni Taehyung. "Akala ko ba squidball siya?"

"Para siyang fishball. Sobrang sarap - sobrang sarap tusukin ng stick," sabay tuhog nanaman ni Irene ng isa pang fishball. "At ilubog sa kumukulong mantika," saka nilubog ng dalaga ng panandalian ang fishball at diniin sa strainer na gigil na gigil ang mukha. "Sabay ilublob sa sawsawang suka na punung-puno ng sili," nilubog niya ng matagal ang fishball sa sawsawan nito na numinipis na ang labi sa inis saka inangat ito at tinapat sa mukha. "Pakyu, Jeon Jungkook! Sht ka! Bakit hindi ka pa nawala?! Ha?!" gigil na gigil na sabi ni Irene habang nakatingin sa mga fishball na tinuhog niya saka kinain iyon ng buung-buo.

Nakanganga naman sa kanya si Taehyung pati narin ang lalaking nagtitinda. "Ano bang nangyari d'yan sa syota mo?" tanong ng lalaki kay Taehyung.

"'Yung gamot niya kasi, 'di pa niya naiinom," sagot naman ni Taehyung na nakanganga parin saka sumubo ng fishball at nginuya ito habang nakatingin parin kay Irene.

*•*•*

Hindi mapakali sa kinatatayuan si Jungkook sa loob ng kwarto nila. He kept walking back and forth. Nag-aalala siya dahil baka iba ang inisip ni Irene sa nakita niya kanina.

Joy was asking for his one last kiss. Aalis na kasi ito ng bansa - papuntang Korea - para makapag-move-on sa hiwalayan nila ni Jungkook. Pinagbigyan niya ang dalaga dahil kahit papaano ay minahal niya rin naman ito.

Maya't-mayang napapakagat sa labi si Jungkook. Sinusubukan niyang tawagan si Irene ngunit nag-ri-ring lang ang cellphone nito at hindi sumasagot.

Nang narinig niya ang pagbukas ng gate ay agad siyang napasilip sa bintana sa kanilang kwarto. Nadismaya siya nang nakitang si Taehyung lang na nakangiti ang pumasok at walang kasamang Irene na inaasahan niya.

Mabilis siyang bumaba at nakitang nakangiti parin si Taehyung na tumingin sa kanya.

"Hyung, si Irene?" nag-aalalang tanong ni Jungkook kay Taehyung. "Bakit hindi mo siya kasama?"

Sumang-ayon naman ang iba at tinanong rin si Taehyung kung nasaan si Irene.

Nagkibit ito ng balikat saka ngumiti habang nakatingin ng makahulugan kay Jungkook. "Masakit daw puson - kaya umuwi. Gustong magpahinga - pagod na pagod na raw siya," paliwanag ni Taehyung saka nilabas ang isang box ng Krispy Kreme at nilapag sa center table. "Kain na us! Krispy Kreeeeme! Hehehe."

Napayuko nalang si Jungkook saka umakyat ulit sa kwarto at mabilis na d-in-ial ang telepono ni Irene.

Sagutin mo na please. . .

"Irene?"

"Oh, hello?! Tao ba 'to?.. Hindi? Bagay ba 'to?.. Hindi? Animal ba 'to?.. Oo? Tang ina ba nito?.. Yes? Gago ba 'to?.. Sobra? Malaki ba ilong nito?.. Oo? Manhid ba 'to?.. Oo? Sinaktan ba 'ko nito ng sobra at paulit-ulit kahit na ang ginawa ko lang naman ay mahalin siya ng buung-buo?.. Oo? Well, kung ikaw nga ang taong 'yon na nagngangalang Jeon Jungkook, maaari ka nang mamatay. Kdie." binaba na agad ni Irene ang tawag bago pa makapagsalita si Jungkook. Napabuntong-hininga nalang si Jungkook saka napahiga sa kanyang kama.

I'm sorry, Irene.

Babawi ako bukas.

Sasabihin ko na sayo lahat.

*•*•*

my apologies, im having this psychological inhibition preventing a writer from proceeding with a piece.

for short?

writer's block.

ang magreklamo pakakainin ko ng squidballs ng buung-buo *evil laugh* ang hirap din kayang magfill sa mga plot holes lalo na't in the first place trip trip ko lng to at walang concrete plot. pero ngaun im working on it na.

help me guys, TAPUSIN NA NATIN TO PLS SENPAPI HAHA

Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
24.5K 193 5
This story is story about the life of the girl....that so sad life even her dont want that life but she past all the problems the god gave to her...s...
11.5K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
7.2K 496 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...