Defending Mr. Billionaire (Sa...

By renonrivera

71.4K 2.1K 346

Sandoval Trilogy #1: Defending Mr. Billionaire || R-18+ || COMPLETED When can we say that a person is worth d... More

Defending Mr. Billionaire
Sandoval Trilogy #1
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Join Me in my FB Group Page!
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63 (Part 1)
Chapter 63 (Part 2)
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Comeback!
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 (Part 1)
Chapter 75 (Part 2)
Chapter 75 (Part 3)
Chapter 75 (Part 4)
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Epilogue: Love Defended?
Author's Ending Note

Chapter 56

473 15 4
By renonrivera

Atty. Christine Villeza

"Na-discredit ko na 'yan last court trial, eh. Sigurado akong hindi na 'yan iko-consider ng korte laban kay Sandoval." Jelsey said while referring to the evidence that I pointed out.

Nakaupo sila Jelsey at Rina ngayon sa sofa habang ako ay nasa likod nila't pinanonood lang sila sa kani-kanilang ginagawa. We were talking about the pieces of evidence that we can and we can't use in the last trial.

There are also some pieces of evidence in the crime scene that we can use to provide reasonable doubt. Those evidence are neglected by the detectives and the prosecution. Siguro dahil sa kapabayaan ng prosecution o dahil ayaw hindi pabor sa kanila ang itinuturo ng ebidensya.

Iniwan ko na muna sila doon dahil nagluluto rin ako ng tanghalian namin. Dahil nandito si Mama kahapon ay nagawa niya akong turuan ng isang recipe na minana pa raw niya sa lola niya. Ngayon ko na tinesting dahil wala namang magluluto pa sa amin ngayon. Si Mama ay umalis na ulit samantalang si Yaya Sising ay namamalengke.

"Christine, ano 'yang niluluto mo?" sigaw ni Jelsey mula sa living room. Nasa kusina kasi ako kaya kailangan pa niyang sumigaw.

"Wala ka na do'n!" sigaw ko rin pabalik at bahagyang natawa. Malamang ay inis na naman 'yon ngayon dahil hindi ko siya sinagoy nang maayos. "I-record niyo 'yang pinag-uusapan niyo ah!"

"Whatever!" sigaw nilang dalawa at nagtawanan. Napairap na lang ako sa kawalan at bahagya ring natawa dahil sa katangahan nila.

Isa pang dahilan kaya ko nagawang magluto ngayon ay balak ko ring dalhan ng pagkain si Sandoval. Bibisitahin ko kasi siya mamaya kasabay ng pinabili niyang damit na ngayon ay binibili na ni Yaya Sising kasabay ng pamamalengke nito. Malapit na rin naman ako matapos kaya maliligo na muna ako habang hinihintay ang binili ni Yaya Sising. Tapos ay di-diretso na agad ako sa police station para dalhin 'yon kay Sandoval.

PAGKATAPOS NG ILANG minutong pagluluto nitong adobo ay tinanggal ko na ang apron ko at pumunta na sa living room kung saan nakaupo sina Jelsey. Nakaupo pa rin sila sa sofa at nag-uusap kung ano-anong ebidensya ang ipi-prisinta namin sa huling trial ng kaso ni Sandoval.

"Jelsey, tatawag ako sayo ngayon para makapag-usap pa rin tayo habang naliligo ako sa CR. Open your phone." sambit ko sabay tawag sa cellphone number niya.

Her phone vibrated and rang so she immediately answered my call. Pagkatapos ko silang dalhan ng pagkain sa lamesa ay ngumiti na ako't nagpuntang CR. I need to keep in touch with them as long as I can. Mga ebidensya na ang pinag-uusapan dito kaya kailangan na kailangan talaga ng aking partisipasyon.

Inilagay ko na sa ligtas na pwesto ang cellphone ko para hindi mabasa ng tubig pag naligo na ako. Naririnig ko pa rin silang nag-uusap tungkol sa listahan ng mga ebidensyang nakita sa crime scene.

"Jelsey, pakisabi nga ng mga ebidensyang 'yan. Nakalimutan ko na eh." pakisuyo ko pagkabukas ng shower.

"A'right. Listen carefully." I heard Rina answered instead of Jelsey. Malamang ay nakain na si Jelsey ngayon kaya hindi nakapagsalita.

(1) Calibre 45 gun with suppressor
(2) Metal fork
(3) Bottle of poison
(4) Sleeping pills
(5) Sandoval's coat with Tyler's blood stains
(6) Sandoval's pants with Tyler's blood stains
(7) Sandoval's shoe prints
(8) Tyler's shoe prints
(9) Tyler's phone

Pagkatapos sabihin ni Rina lahat ng 'yon ay napaisip ulit ako.

The sleeping pills.

Hindi nila nagamit ng mga 'yon nitong nakalipas na tatlong trials. Dahil hindi rin naman namin alam kung anong koneksyon nito sa krimen ay hindi rin namin ito magagamit laban sa kanila. But we can use this piece of evidence to use it for us and to defend Sandoval.

"How about Sandoval's coat and pants? Nagamit mo na 'yon noong second trial 'di ba, Jelsey?" Siya kasi ang nagtanggol kay Sandoval noong mga panahon na nagka-anterogade amnesia si Jayron tapos ay na-depressed pa ako dahil sa mga nangyayari.

I'm still thankful that Jelsey pulled it in. Kahit nanalo sa second trial at natalo sa ikatlo, nagawa pa rin niyang i-representa si Sandoval. Ngayong pang-apat na huling paglilitis sa kaso ni Sandoval, nandito na ulit ako, kasama ang mga kaibigan ko, para ipanalo ang kasong ito.

Nag-sha-shampoo na ako ng buhok nang marinig kong sumagot na si Jelsey. "Actually, the prosecution used it first. Ginamit nila ang ebidensya na 'to sa kaso na murder ni Sandoval."

Napangiti at tumango ako sa kaniyang sinabi bilang pagsang-ayon. "And you used it to provide reasonable doubt, right?" I asked her back.

Jelsey responded immediately. "Yes. Hindi nila napatunayan na may koneksyon din ang damit na 'yon sa serious physical injury dahil walang bakas ng dugo ni Charisse doon. So, I provided a reasonable doubt to discredit the credibility of that evidence in the case. Inulit ko pa sa judge na iplinanta lang ang ebidensya na 'yan."

Hindi na muna ako nagsalita pabalik dahil binuksan ko na ang shower para magbanlaw ng katawan. Pagkatapos ng ilang minutong paliligo, nag-twalya na ako't kinuha ang cellphone ko kasabay ng paglabas sa CR. Dinala ko ang cellphone ko sa kwarto para makausap ko pa rin sila habang nagbibihis.

"Parang may kulang sa mga ebidensya." I said to myself while thinking about it thoroughly.

Mukhang narinig ni Rina ang sinabi ko dahil sumagot ito sa telepono. "Yes, there is. 'Yung camera ni Sandoval na ginamit ng prosecution sa third trial. Yung camera na ginagamit ni Charisse sa vlogging niya, sabi ni Sandoval."

Bigla kong naalala ang araw na sinabi sa amin 'yon ni Jelsey at napag-usapan naming apat nina Sandoval, Jeffrey, at Jelsey. Hindi na kataka-taka kung bakit nalaman ni Rina dahil ni-record naman namin ang pag-uusap na 'yon at naparinig din namin sa kaniya noong sumali siya sa grupo namin.

Yung camera na din na 'yon ay nakuha rin namin ni Jelsey kasabay ng araw na nakilala namin si Rina. Jelsey requested to have that since our client, Sandoval, is the owner of it. Mabuti na nga lang at na-invalidate ni Jelsey ang pagkakagamit ng camera na 'yon laban kay Sandoval.

Nang matapos na ako magbihis ay lumabas na agad ako ng kwarto. I wore casual white polo tucked-in in a red squarepants. I wanted to wear casual since I won't be having formal meetings. I'll just visit a friend who is also my client, Sandoval.

"Ano nga palang pinaggamitan ng prosecution sa camera ni Sandoval?" tanong at dumiretso sa kusina para ipag-balot si Sandoval ng pagkain na dadalhin ko. Ngayon ko lang binalot dahil mainit pa kanina, baka mapanis agad. Dinala ko pa rin ang cellphone ko para hindi na nila kailangang sumigaw para marinig ko rito sa kusina. Naka-bukas pa rin naman ang call meeting na ni-setup namin bago ako maligo.

"Gagamitin pa lang sana nila 'yon laban sa atin. Nakapag-pakita sila ng iilan na scenes na nagpapakitang may pasa at sugat si Charisse.  Hindi ko naman hahayaan na malamangan nila tayo kaya nag-isip ako ng paraan para ma-invalidate ang ebidensya nila. Thus, emphasizing the copyrights of the videos and photos that they used." Jelsey explained.

"Mabuti na lang at hindi nila nagamit pa lalo." Rina butt in. "Those bruises and cuts were not made by Sandoval, though. Sa inyo na rin nanggaling. . . hindi nananakit ng babae si Sandoval. Malamang ay nagawa 'yon ni Charisse sa sarili niya, given na depressed siya."

Nang matapos ko nang maibalot ang dadalhin ko para kay Sandoval ay nagpunta na akong sofa at pinatay ang tawag. Nandito na rin naman ako malapit sa kanila kaya hindi na kailangang magkatawagan pa. Nagliwanag agad ang mga mata ko nang makita ang pinabibili kong mga damit kay Yaya Sising.

"Umalis ulit si Yaya, may binili lang d'yan sa kanto na nakalimutan niya raw. Ayan na 'yung pinabibili mo oh." Sabay turo ni Jelsey sa damit na kitang-kita ko naman.

Kinuha ko na ang malaking shoulder bag ko at doon inilagay ang mga damit at ang pagkaing dadalhin ko kay Sandoval. Nagtatakang nakatingin sa akin sina Rina at Jelsey habang inilalagay ko sa bag ang binalot ko. "What?" I asked.

"Saan ka ba pupunta?" Rina asked back.

"W-Wala naman." Bahagya akong namula nang ma-realize na may malisya na namang iniisip ang dalawang ito. Kitang-kita naman sa mga mapang-asar nilang ngisi. "May bibisitahin lang akong friend."

Jelsey chuckled and looked back to the pile of papers in her lap. "Sige. I-kumusta mo na lang kami kay Sandoval—!"

"Hindi si Sandoval ang bibisitahin ko 'no!" angil ko agad sabay ayos ng aking sarili.

Natawa si Rina sa aking asta samantalang si Jelsey ay bahagyang napangiti. "Okay, okay. Sabi mo eh." Jelsey said and rolled her eyes, still mocking.

I pouted and put the shoulder bag on my shoulder. "Sige, alis na ako. Ilagay niyo sa sink 'yang mga pinagkainan niyo ah!"

They nodded in chorus and shoo-ed me away. "Alis na, Christine. Pagbalik mo, pag-uusapan nating tatlo yung mga susunod nating hakbang sa huling trial ng kaso ni Sandoval." Jelsey reminded me and smiled.

I beamed at them and bid them goodbye. "Bye na!"

Kinuha ko na ang susi ng kotse ko mula sa aking bag at nagpunta na sa labas. Napangiti ako nang makita ang maliwanag na sinag ng araw.

"Bakit naman ako masaya eh dadalawin ko lang naman si Sandoval?" I murmured to myself. Sumakay na ako sa kotse ko nang nakangiti at pinaandar na ito palayo.

Continue Reading

You'll Also Like

243K 3.7K 33
Wala akong ibang ginawa kundi mahalin sya. Tinanggap ko lahat ng masakit na pagtrato sakin ng pamilya ko at niya. Pero bakit sa lahat ng titirahin ny...
181K 4.4K 57
PROBINSYANA SERIES #1 Daffodilla Asunta is a girl with no idea what Maynila looked like. Her whole life circulated in their small baranggay but becau...
167K 4.4K 45
WARNING: SPG | R-18 "Don't touch me, I'm innocent like a baby." -Sam Veldzki Deanie Velania searching for his dream boy, but it turns out to be an in...
154K 3.9K 43
Jacques Soren de Ville is a Mafia Boss known for being merciless and cold. He's a devil nobody would want to cross path with. He was taught to eat o...