Defending Mr. Billionaire (Sa...

By renonrivera

71.4K 2.1K 346

Sandoval Trilogy #1: Defending Mr. Billionaire || R-18+ || COMPLETED When can we say that a person is worth d... More

Defending Mr. Billionaire
Sandoval Trilogy #1
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Join Me in my FB Group Page!
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63 (Part 1)
Chapter 63 (Part 2)
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Comeback!
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 (Part 1)
Chapter 75 (Part 2)
Chapter 75 (Part 3)
Chapter 75 (Part 4)
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Epilogue: Love Defended?
Author's Ending Note

Chapter 55

489 14 1
By renonrivera

Atty. Christine Villeza

"Oops, kumain na ako. H'wag niyo na ako alukin."

Pagpasok ko pa lang ng bahay ay sinalubong agad ako nina Jelsey at Rina na nag-aalala sa akin. Napangiti ako nang sila pa ang kumuha ng bag ko at alalayan ako sa sofa. "Salamat—!"

"Anong flavor nito, Christine?" Akala ko naman ay nag-aalala talaga sila sa akin pero gusto lang pala talaga nila ang dala-dala kong ice cream. Jelsey asked and grinned at me. "Thank you!"

"Hoy, Jelsey, favorite ko 'yang flavor na 'yan!" Inagaw ni Rina ang hawak na ice cream gallon ni Jelsey kaya nag-away na sila. Hinayaan ko na lang muna silang dalawa na mag-agawan at tumayo na muna para pumunta ng kwarto.

Kinuha ko ang bag ko sa lamesa at dumeretso na sa second floor para magpalit ng damit. Hinayaan ko na silang dalawa roon kasi para sa kanilang dalawa naman talaga 'yon. Bahala na sila kung magkakasundo pa sila d'yan, maliit na bagay lang naman 'yan.

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay naabutan ko si Mama na inaayos ang higaan ko. I smiled at her and hugged her. Hinalikan ako nito sa noo pagkatapos ay itinabi ko na ang bag ko sa aking lamesa. "Kumusta ang lakad mo, Anak?"

Dahan-dahan akong tumango pero napahawak sa ulo ko nang bahagya akong nahilo. Nawala rin naman agad at mabuti na lang at hindi niya napansin. Ayoko nang mag-alala pa si Mama sa akin nang sobra. "Ayos lang po, Mama. Medyo pagod lang emotionally."

Ngumiti ito't hinaplos ang aking mukha. "Alam kong matapang ka, Christine. Mana ka kaya sa'kin!" Kiniliti ako nito sa tagiliran kaya bahagya akong natawa. "But remember, if you need help, I will always be here for you. Kaming dalawa ni Jayron. Isama na rin natin 'yang mga kaibigan mo sa baba."

Dahil sa sobrang tuwa ay nayakap ko si Mama ng mahigpit. Niyakap din niya ako pabalik at hinaplos-haplos ang likod ko. I tried not to cry and I think I succeed. Kumalas na ako sa pagkakayakap at nginitian si Mama. "Kayo rin, Ma. Kapag kailangan niyo po ng tulong, kahit ano, kahit gaano kalaki, sabihin niyo lang po agad sa akin."

She smiled back and held my hand. "Oo, Anak. Mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan, ha?"

Ngumiti ako't tumango-tango. "Mahal na mahal din po kita, Ma." Niyakap ko muli ito ng isang beses.

Tinapik niya ang likod ko kaya kumalas na rin ako. Bahagya itong natawa kasabay ng pagtatago na naluha siya. Hindi ko na ito inalala pa dahil alam kong hindi niya sasabihin ang dahilan. Ayaw naming mag-alala pa ang isa't isa. "Magpalit ka na ng damit, Anak. Maghahanda na ako ng pagkain niyo at nakaluto na kami ni Yaya Sising."

Umalis na ito ng kwarto pagkatapos magpaalam.

Ilang minuto lang ako nagbihis dahil hinanda na pala ni Mama ang pambahay na susuotin ko. Ngayon din pala ang araw na mag-i-stay siya rito. Dahil once a week na lang ang uwi ni Mama dahil nagbabantay siya kay Jayron ay wala namang problema sa akin. Bukod sa maaalagaan silang dalawa ng mga doktor doon ay nakapagpapahinga rin siya doon.

Pero gaya nga ng palagi niyang sinasabi sa akin, gusto niya rin akong maalagaan kahit isang araw man lang. Nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako kinalilimutan kahit na nahihirapan na siya.

Lumabas na ako ng kwarto at nakitang tahimik na sina Rina at Jelsey sa ibaba. Pagkababa ko'y nakaupo na pala sila sa lamesa at hinihintay akong kumain. I smiled at them then raised my eyebrows. "Tapos na ba kayong magbangayan?"

Jelsey rolled her eyes while Rina grinned. "Inagaw ni Rina 'yung ice cream ko. Sa susunod talaga, banned na 'yan dito sa bahay ko." Jelsey acquiesced and glanced angrily at Rina.

Parehas kaming natawa ni Rina sa sinabi nito. "Bahay mo talaga ah?" natatawa kong banggit sabay kuha ng binigay na plato sa akin ni Mama. Kami na ang nagsandok ng kanin at ulam dahil tinulungan na ni Mama si Yaya Sising na mag-dilig sa labas.

Napangiti ako nang maamoy ang sinigang na hipon na niluto ni Mama. Hindi ni Jelsey pinansin ang pang-aasar ko at sabay-sabay na kaming kumain. "Can we talk about our work over the food?" Jelsey asked while chewing her food.

Tiningnan ako nina Rina at Jelsey na animo'y naghihintay ng kasagutan ko. I smiled at them and nodded. "Nasa labas naman si Mama kaya hindi tayo mapapagalitan." Sinilip ko pa si Mama sa labas para masigurong hindi pa siya papasok.

Jelsey smiled at me and continued eating her food. Sumandok si Rina nang ulam at binigyan si Jelsey ng hipon. Jelsey smiled and they both laughed instinctively. Mukhang bati na ang dalawa dahil nagngitian na.

"Maybe we should start talking about Sandoval's interrogation. Na-record mo naman Rina, 'no?" I asked and got some food for my mouth.

Rina nodded and drank some water. "Yeah."

"I wrote the transcript of the recording already." singit naman ni Jelsey at ngumiti.

Napangiti ako't sumubo muli ng pagkain. "How was it?"

"Tinanong ko si Sandoval kung saan ang gala niya noong umaga bago mangyari ang krimen. He gave a detailed narration, kapareho rin ng narration na hawak ng prosecution." Rina answered and wiped the grease off her mouth.

Sinubukan kong hindi mainis nang marinig ko ang salitang 'prosecution'. Naalala ko na naman kasi sina Prosecutors Bright and Dark sa salitang iyon. Bago pa ako tuluyang mainis ay iwinaglit ko na sa isipan ko 'yon at nag-pokus na lang sa sinasabi ni Rina.

"I-kwento mo nga." I requested since she already finished her food. Kaunti lang ang kinain nito pero naintindihan ko naman dahil mukhang diet siya. Well, she's still a model so she has to monitor her figure.

Sumandal ito sa upuan niya at nagkwento. "10:00 am to 1:00 pm ng hapon, nasa Rivamonte Hotel sila ni John Tyler, first floor, meeting room. Nagmi-meeting sila para i-acknowledge ang pagkabilang ni Sandoval sa pinakamagagaling na businessman sa buong Asya. Pati ang mga awards na nakuha ng kompanya nila dahil sa kaniya ay pinag-usapan din."

Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi nito. Lahat ay tungkol may Sandoval at nandoon din sa loob ng room si John Tyler. Kung posibleng si John nga ang nag-setup kay Sandoval, may motibo siya para gawin 'yon. Inggit.

Dahil tapos na rin kaming kumain ni Jelsey ay sumandal na rin kami sa aming upuan. Rina looked at Jelsey so the latter stated what's next. "Natapos ang meeting nila ng 1:00 pm, tapos nakalabas sila ng Rivamonte Hotel after ten minutes. Tapos may tumawag kay John Tyler sa phone niya kaya nagtagal pa sila ng another five minutes sa labas."

Itinuloy ulit ni Rina ang sinasabi ni Jelsey. "Mga 1:15 pm, estimated time ni Sandoval, hanggang 2:00 pm. Nasa European Chemical and Pharmaceutical Company sila dahil may kailangan daw daanan si John noon. Sandoval just waited on the lobby, hindi siya nakialam sa business ni John noong oras na 'yon."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Rina. "Alam ba ni Sandoval kung anong business ang ipinunta ni John Tyler doon?"

Rina shook her head. "Hindi raw. Naghintay lang talaga siya roon habang si John ay may inaasikaso. Iba ito sa kwento ng prosecution na may alam daw si Sandoval at inutusan pa si John."

Jelsey commented, "H'wag na muna natin isingit ang kwento ng prosecution. Puro kasinungalingan lang naman ang sinasabi ng mga 'yon na dapat nating i-discredit. Hindi pwedeng paniwalaan ni Ma'am— ay, ni Judge Magnaye ang sinasabi nilang kasinungalingan."

I chuckled and smiled. Hindi pa rin sanay si Jelsey na judge na ang dati naming professor sa law school days namin.

Rina nodded and continued, "2:00 pm hanggang 6:00 pm, nasa Golf Practice Range na sila. Sa Julia Vargas Avenue, Ortigas Center, dito sa Pasig. Nagpunta sila roon para raw mag-bonding. John asked Sandoval to join him."

"Pero alam nating may tinatagong galit si John sa kaniya 'di ba?" I asked, reassuring what's obvious from the facts that we have.

"Yeah." Jelsey butted in. "Kaya nga out of the blue na biglang inalok ni John si Sandoval na mag-golf. Napaisip naman ako bigla, pagkatapos ng mahinahong panahon, may sakuna."

Tumango-tango rin si Rina bilang pagsang-ayon. "6:00 pm to 7:00 pm, nagpunta na raw sila sa Rivamonte Hotel, sa kwarto ni Sandoval at Vilalluna. Inalok ni Sandoval si John na kumain ng gabihan. Nagluto si Charisse, tapos nagpadala rin sila ng pagkain. Kumain sila ng sabay-sabay, nag-inom, hanggang sa biglang tumumba si John Tyler at may humampas sa batok niya kaya siya nawalan ng malay."

Nagkatinginan kaming tatlo pagkatapos mag-kwento ni Rina. Hindi nagsisinungaling si Sandoval dahil ganiyan din ang kwento niya sa amin noon bago pa dumating ang arraignment ng kaso niya.

"Anong oras daw nagising si Sandoval?" tanong ko muli para manigurado.

"Alas-cuatro ng umaga (4:00 am), Christine. Mukhang nagtutugma naman ang mga sinabi niya sa inyo sa umpisa pa lang. Nabasa ko sa transcript ng recording niyo noong araw na malaman niyang kayo ang YinYang of the Court Trials." Rina affirmed and smiled.

Tumayo na si Jelsey para ayusin ang pinagkainan namin at ilagay sa lababo. Tinulungan ko na rin si Jelsey sa pamamagitan ng pagpupunas ng lamesa tapos ay dumiretso na kaming tatlo sa sofa, ang favorite spot namin.

"Ikaw, Christine? Mukhang hindi naging maayos ang lakad mo noong isang araw ah?" Itinaas ni Jelsey ang kaniyang paa sa sofa at tumingin sa akin.

I nodded and smiled weakly. "Yeah. I visited Charisse in Manila Philippine Hospital."

Napakunot ang noo nilang dalawa sa aking sinabi. "Bakit naman? Na-miss mo?" Jelsey scoffed and chuckled.

I pouted my lips and rolled my eyes at her. I composed myself first and answered, "Charisse is now awake, Jelsey, Rina. Dinalaw ko agad siya noong araw na 'yon. Nabanggit lang sa akin ni Doc Ivan."

Parehas silang nagulat at halos malaglag na ang panga sa sahig. They looked at me as if I did something illegal. I snapped my fingers in front of them so in a few seconds, their senses went back to normal. "R-Really?" Jelsey asked, still shocked.

Si Rina naman ay napahawak agad sa phone niya at nag-tipa. Hindi na ako nakialam sa kaniya dahil ayokong makialam ng business ng iba. "Bakit hindi mo agad nasabi sa amin, Christine?" Rina asked while busy typing at her phone.

"Maraming nangyari noong isang araw, Rina. Nakuhanan tayo ng ebidensya tapos sobrang pagod pa natin noong umaga. We were physically and mentally drained. Hindi ko na nga namalayan na nawala rin sa isip ko 'yon pati kahapon." paliwanag ko sa kanila.

Pagkatapos mag-tipa ni Rina ay tumingin ito sa akin at ngumiti. Itinabi na niya ang cellphone niya sa kaniyang bulsa.

"So anong nangyari sa usapan ninyo?" pag-u-usisa pa ni Jelsey na mas dumikit pa sa akin. Nasa gitna kasi nila akong dalawa.

I frowned and looked at them. "I tried to convince her to testify for Sandoval, against the prosecution. Kaso nakipag-matigasan pa siya at siguro dahil nauna na ang prosecution na kumausap sa kaniya, specifically Prosecutor Dark. I didn't win her. Tumanggi siyang kumampi sa atin."

Napakunot ang noo ni Rina kasabay ng pag-vibrate ng cellphone nito sa kaniyang bulsa. Kinuha niya ito agad at tiningnan. "Sorry, mga bitch, may biglaang appointment ako. Importante lang." Tumayo na ito agad at kinuha ang bag niya sa lamesa.

"Saan?" I asked out of curiosity.

"Somewhere far away." she replied and meaningfully smiled, which I think she's saying that we should trust her. Nagpaalam na siya sa amin at dali-daling umalis. Hiniram niya muna ang kotse ni Jelsey dahil hindi niya dala ang kaniya rito.

Napatingin naman ako kay Jelsey na ngayon ay malalim ang iniisip. "Are you disappointed that I didn't win her as our witness?" Tumabi pa ako lalo sa kaniya at ngumiti.

She smiled back at me and rested her back on the sofa. "Nope." Umiling ito't hinawakan ang aking kamay. "I know that you have the voice record of your conversation with Charisse. Pero hindi ko na hihingiin sayo 'yon. Gusto kong manggaling sayo ang totoong dahilan kung bakit umayaw si Charisse."

I smiled bitterly and pressed her hands. Bahagyang nagpawis ang mga kamay ko habang inaalala ang mga nangyari nung isang araw. "We fought, Jelsey. Pinag-awayan namin ang mga relasyon namin kay Sandoval."

Matamis na ngumiti si Jelsey sa akin at sumandal sa aking balikat.

She knows what I was feeling. Parehas kaming babae. Kahit hindi ko i-kwento ng detalyado, alam na niya agad kung ano ang pinupunto ko.

Continue Reading

You'll Also Like

243K 3.7K 33
Wala akong ibang ginawa kundi mahalin sya. Tinanggap ko lahat ng masakit na pagtrato sakin ng pamilya ko at niya. Pero bakit sa lahat ng titirahin ny...
22K 1K 42
Maganda Mabait Masayahin Inosente ... She is the captain's tale.
183K 3.7K 31
Frey Sebastian. Simpleng babaeng namumuhay kasama ng kanyang magulang at kapatid. She wants everything to be okey for her family. But unexpected thin...
33.6K 912 23
Completed || A ruthless business man he is, used of doing deals and manipulating people for the sake of his company. People around feared him for bei...